Mataas na ang sikat ng araw nang tumahak kami ni Blue patungo sa headquarters. Hindi ako nakatulog nang maayos kung kaya’t pilit kong nilalabanan ang kaunting sakit ng ulo na nararamdaman ko.
Bago ako humiga kagabi ay umalis si Zid. Alam kong nagpunta siya sa headquarters subalit kahit anong pilit kong sumama ay hindi siya pumayag.
“I saw you on the cctv. You were talking to one of Mr. Hermosa’s staff at hinila ka din niya palabas nang dumating ang mga pulis,” seryosong saad ni Blue.
Matagal ko siyang tinitigan bago ibinaling sa dinaraanan namin ang atensyon.
“Oo. Kakilala ko siya. Dati siyang taga-linis sa terminal na tinutulugan ko noon,” kwento ko.
Hinintay kong magtanong pa siya subalit hindi na iyon nasundan.
Nang dumating kami sa headquarters ay nandoon na sa parking area ang kotse ng apat naming kasamahan sa grupo.
“Pwede ba tayong dumaan muna sa interrogation room?” tanong ko kay
Nawala si Skire dahil pinairal niya ang emosyon habang nasa isang misyon. Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ko ang sinabing iyon ni Knight. Ito ang unang pagkakataon na binanggit ang pangalan niya sa akin. Bukod doon ay wala na siyang iba pang nabanggit sa kung paano namatay si Skire. Mabilis na kasing hinila ni Zid ang kamay ko palabas.Mula sa gilid ko ay nakikita ko ang mga simpleng sulyap sa akin ni Zid. Habang ako naman ay nakatuon ang atensyon sa labas ng sasakyan. Nasa byahe na kami pauwi. Bukas ko na lamang kakausapin si Knight at ang iba pang myembro upang humingi ng tawad.“Are you hungry?” tanong niya.Hapon na subalit hindi pa din kami kumakain ng pananghalian. Umiling ako sa kan’ya dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom. Matapos ang nangyari kanina ay nawalan ako ng ganang kumain.“I’m sorry for shouting at you earlier. It’s part of the act. Ayokong isipin ni Tere na magkakasama tayo baka magduda siya. Lalo
Minsan napapaisip ako kung talaga bang mga undercover agents at negosyante ang mga kasama ko o mga artista sa telebisyon. Hindi ko akalain na magagaling silang umakting. Maaari na silang gawaran sa pagiging best actor.Maging ako ay napaniwala sa pangyayari kanina. Kung hindi ko lamang nakilala sina Blue at Knight sa hubog ng kanilang pangangatawan ay iisipin kong ibang tao ang humarang sa amin. Mabilis ang mga pangyayari hanggang sa nakatakas kami ni Tere. Alam kong hindi niya naman maiisip na sinadya talaga kaming patakasin.Hingal na hingal ko siyang dinala sa isang maliit na bahay sa may eskinita. Kasama ito sa mga inihanda namin kanina.Mabilis niyang isinara ang pinto at bintana nang makapasok kami sa loob. Wala ng tao sa labas at tanging mga kuliglig na lamang ang naririnig namin. Ibig-sabihin ay walang nakasunod sa amin. Iyon ang pagkakaalam ni Tere dahil nasa itaas lamang ng bahay na ito ngayon sina Zid.“Ligtas kaya tayo dito Kai?” t
“Wow, you will really be a great photographer Kai,” ani Sylvester matapos ibaba sa center table ang isang magazine na naglalaman ng mga larawan ni Frauline.Magkasabay iyong na-release ng The Veracity tabloid.Ngumiti ako sa kanila pero hindi iyon umabot hanggang tainga. Matapos ang nangyari nang nakaraan ay hindi ko na muling nakita si Tere. Ang sabi ni Zid ay nasa kustodiya na siya ng mga pulis. Gumawa sila ng paraan upang mapunta sa witness protection program ang dalawa kasama ang nobyo niya.Hindi ako maaaring magpakita sa kan’ya dahil ipinalabas namin na tumakas ako at nagtago sa mga pulis. On-going pa din ang imbestigasyon laban kay Mr. Hermosa. Ang paglabas ngayon ng The Veracity tabloid ang magiging matibay na ebidensya laban dito.Umupo ako sa tabi ni Heaven na abala sa paglalagay ng palaman sa sandwich para sa tatlong lalaking kasama namin. Wala si Ivan at Knight. Kumuha ako ng sliced bread at pinalamanan iyon ng cheese at ham,
Ang sabi nila, bawat tao daw ay mayroong pitong kamukha sa buong mundo. Habang pauwi kami ay pasimple kong sinusulyapan si Harrieth na isinama ni Zid pauwi sa condo niya. Marahil ay hindi ko lang talaga makita kung saan kami may pagkakahawig katulad ng sinabi ni Ziode, pero ‘nong una ko siyang makita ay iniisip ko na talaga na parang pamilyar siya. Baka una pa lang ay nakita ko na din ang sarili ko sa kan’ya kaya lang hindi ko iyon napansin. “Ate, let’s bake cake.” Nang inaya niya ako kanina sa hapag ay hindi ako nakasagot kaya siguro ngayon niya na ulit iyon itinanong. Lumingon ako sa kan’ya sa backseat. Nakaabang na ang nakangiti niyang mukha sa akin. Ang akala ko’y may problema siya kaya hindi siya ngumingiti ng ganito katamis kanina sa family dinner nila pero mukhang mali naman ang iniisip ko. Napasulyap ako kay Manang Belen na natutulog na sa kan’yang tabi. Kahit saan talaga magpunta si Harrieth ay kasama niya ito. Siguro ay natatakot pa din si Zid na iw
Sa ilalim ng liwanag ng mga bituin ay ang mapayapang gabi. Ito ang paborito kong oras. Kapag napalitan na ng buwan ang araw ay hudyat na ng pahinga para sa buong magdamag na pakikipaglaban natin sa buhay. Pero ang gabing ito ay iba. Lumingon ako kay Harrieth nang bitiwan niya ang braso ko at pinauna ako sa paglalakad patungo sa lamesa na nasa gitna ng roofdeck. Mayroong multo ng ngiti sa kan’yang mga labi at para bang excited siya sa kung saan ay wala akong ideya. Sinenyasan niya akong maglakad na, kaya kahit nag-aalangan ay iyon ang ginawa ko. Huminto ako sa tabi ng mesa na maganda ang set-up. Sa gitna nito ay mayroong isang bulaklak na nakalagay sa vase at kandilang nasa isang babasaging lalagyan. Kung mahangin lamang dito katulad nang nakaraang pagpunta ko ay baka natumba na ito. Para akong nasa isang romantikong lugar dahil napapalibutan ng dimlights na nakapaloob sa isang tila baso ang kinatatayuan ko ngayon.Walang ibang tao sa lugar kun’di kami
Paano mo ba malalaman kung totoong inlove ka?Ang sabi sa nabasa ko, isa daw sa mga sintomas para malaman mo kung nagmamahal ka na ba ay hirap kang makatulog. ‘Yong tipong paulit-ulit na nagpi-play sa isipan mo ang mga sweet moments n’yo.“Hay! Gusto ko nang matulog,” ungot ko habang pagulong-gulong sa kama. Pasado alas-dos na ng umaga pero mulat na mulat pa din ang mga mata ko.Uminom na ako ng gatas at nakinig sa mga kantang pampatulog pero tila wala iyong sinabi sa kwintas na ibinigay ni Zid. Maramdaman ko lang iyon sa leeg ko ay wala na, siya na ulit ang naiisip ko. Ayoko din naman na hubarin iyon dahil natatakot akong baka ma-misplace ko.Ganito ba talaga pag-inlove?Napagpasyahan kong buksan ang social media account ko dahil baka mabaliw na ako sa kakaisip na boyfriend ko na si Zid. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Fredo kapag nalaman niya ito? Baka mamatay na siya sa kilig o ‘di kaya sa inggit.Napangiti
Ang huling punta ko ng dagat ay noong bata pa ako. Buhay pa noon si lola at mayroong pa-swimming ang mayor ng bayan namin. Iyon ang huli. Hindi rin naman kasi ako isinasama noon ni Tiya Chona tuwing may outing sila dahil walang magbabantay sa bahay.Ginawa pa akong aso. Mabuti pa nga minsan ‘yong aso, isinasama ng may-ari kapag aalis sila dahil wala itong kasama sa bahay.Kapag naman may outing sa paaralan ay mas pinipili ko na lang na hindi sumama lalo na’t wala din naman akong maibabayad. Hindi din ako papayagan.Ipinulupot ni Zid ang kan’yang braso sa aking bewang. Hinagkan niya ang aking sintido habang pinagmamasdan namin ang papasibol pa lamang na araw sa Ginana Island. Apat na oras ang naging byahe namin patungo dito.“Do you like here?” tanong niya. Tumango ako. Iba talaga ang hatid na kapayapaan ng amoy ng dagat at tunog ng alon mula dito.Isinukbit niya sa aking leeg ang camera na madalas naming gamitin kapag
Kung maaari lang pumili ng pamilya ay pipiliin ko ang mga taong kasama ko ngayon. Naging matagumpay ang ginawa namin na surpresa para kay Manang Delia. Doon ay nakilala ko ang dalawa niyang anak at apo. Malaki ang pasasalamat nila sa pag-aaruga namin sa kanilang ina kahit na ang totoo ay kami ang inaalagaan ni Manang Delia. “Nag-enjoy ka ba?” tanong sa akin ni Zid habang nasa byahe kami pauwi. Masaya akong tumango sa kan’ya. Marahan niyang hinalikan ang kamay kong hawak niya. Binawi ko din iyon kaagad dahil nagmamaneho siya. Dalawang oras pa ang ibabyahe namin kaya sinusubukan kong huwag matulog. Kawawa naman kasi si Zid. “Come’on love, matulog ka na.” Simula pag-alis namin sa resort ay iyon na ang bukambibig niya. Dinapuan tuloy ako ng antok dahil sa paulit-ulit niyang pagbanggit nito. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na parang hindi na umaandar ang kotseng sinasakyan namin. Pagmulat ko ng mata ay hinanap ko kaagad si
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi
Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd
Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka
"What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam
Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong
Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a
Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka