Minsan napapaisip ako kung talaga bang mga undercover agents at negosyante ang mga kasama ko o mga artista sa telebisyon. Hindi ko akalain na magagaling silang umakting. Maaari na silang gawaran sa pagiging best actor.
Maging ako ay napaniwala sa pangyayari kanina. Kung hindi ko lamang nakilala sina Blue at Knight sa hubog ng kanilang pangangatawan ay iisipin kong ibang tao ang humarang sa amin. Mabilis ang mga pangyayari hanggang sa nakatakas kami ni Tere. Alam kong hindi niya naman maiisip na sinadya talaga kaming patakasin.
Hingal na hingal ko siyang dinala sa isang maliit na bahay sa may eskinita. Kasama ito sa mga inihanda namin kanina.
Mabilis niyang isinara ang pinto at bintana nang makapasok kami sa loob. Wala ng tao sa labas at tanging mga kuliglig na lamang ang naririnig namin. Ibig-sabihin ay walang nakasunod sa amin. Iyon ang pagkakaalam ni Tere dahil nasa itaas lamang ng bahay na ito ngayon sina Zid.
“Ligtas kaya tayo dito Kai?” t
“Wow, you will really be a great photographer Kai,” ani Sylvester matapos ibaba sa center table ang isang magazine na naglalaman ng mga larawan ni Frauline.Magkasabay iyong na-release ng The Veracity tabloid.Ngumiti ako sa kanila pero hindi iyon umabot hanggang tainga. Matapos ang nangyari nang nakaraan ay hindi ko na muling nakita si Tere. Ang sabi ni Zid ay nasa kustodiya na siya ng mga pulis. Gumawa sila ng paraan upang mapunta sa witness protection program ang dalawa kasama ang nobyo niya.Hindi ako maaaring magpakita sa kan’ya dahil ipinalabas namin na tumakas ako at nagtago sa mga pulis. On-going pa din ang imbestigasyon laban kay Mr. Hermosa. Ang paglabas ngayon ng The Veracity tabloid ang magiging matibay na ebidensya laban dito.Umupo ako sa tabi ni Heaven na abala sa paglalagay ng palaman sa sandwich para sa tatlong lalaking kasama namin. Wala si Ivan at Knight. Kumuha ako ng sliced bread at pinalamanan iyon ng cheese at ham,
Ang sabi nila, bawat tao daw ay mayroong pitong kamukha sa buong mundo. Habang pauwi kami ay pasimple kong sinusulyapan si Harrieth na isinama ni Zid pauwi sa condo niya. Marahil ay hindi ko lang talaga makita kung saan kami may pagkakahawig katulad ng sinabi ni Ziode, pero ‘nong una ko siyang makita ay iniisip ko na talaga na parang pamilyar siya. Baka una pa lang ay nakita ko na din ang sarili ko sa kan’ya kaya lang hindi ko iyon napansin. “Ate, let’s bake cake.” Nang inaya niya ako kanina sa hapag ay hindi ako nakasagot kaya siguro ngayon niya na ulit iyon itinanong. Lumingon ako sa kan’ya sa backseat. Nakaabang na ang nakangiti niyang mukha sa akin. Ang akala ko’y may problema siya kaya hindi siya ngumingiti ng ganito katamis kanina sa family dinner nila pero mukhang mali naman ang iniisip ko. Napasulyap ako kay Manang Belen na natutulog na sa kan’yang tabi. Kahit saan talaga magpunta si Harrieth ay kasama niya ito. Siguro ay natatakot pa din si Zid na iw
Sa ilalim ng liwanag ng mga bituin ay ang mapayapang gabi. Ito ang paborito kong oras. Kapag napalitan na ng buwan ang araw ay hudyat na ng pahinga para sa buong magdamag na pakikipaglaban natin sa buhay. Pero ang gabing ito ay iba. Lumingon ako kay Harrieth nang bitiwan niya ang braso ko at pinauna ako sa paglalakad patungo sa lamesa na nasa gitna ng roofdeck. Mayroong multo ng ngiti sa kan’yang mga labi at para bang excited siya sa kung saan ay wala akong ideya. Sinenyasan niya akong maglakad na, kaya kahit nag-aalangan ay iyon ang ginawa ko. Huminto ako sa tabi ng mesa na maganda ang set-up. Sa gitna nito ay mayroong isang bulaklak na nakalagay sa vase at kandilang nasa isang babasaging lalagyan. Kung mahangin lamang dito katulad nang nakaraang pagpunta ko ay baka natumba na ito. Para akong nasa isang romantikong lugar dahil napapalibutan ng dimlights na nakapaloob sa isang tila baso ang kinatatayuan ko ngayon.Walang ibang tao sa lugar kun’di kami
Paano mo ba malalaman kung totoong inlove ka?Ang sabi sa nabasa ko, isa daw sa mga sintomas para malaman mo kung nagmamahal ka na ba ay hirap kang makatulog. ‘Yong tipong paulit-ulit na nagpi-play sa isipan mo ang mga sweet moments n’yo.“Hay! Gusto ko nang matulog,” ungot ko habang pagulong-gulong sa kama. Pasado alas-dos na ng umaga pero mulat na mulat pa din ang mga mata ko.Uminom na ako ng gatas at nakinig sa mga kantang pampatulog pero tila wala iyong sinabi sa kwintas na ibinigay ni Zid. Maramdaman ko lang iyon sa leeg ko ay wala na, siya na ulit ang naiisip ko. Ayoko din naman na hubarin iyon dahil natatakot akong baka ma-misplace ko.Ganito ba talaga pag-inlove?Napagpasyahan kong buksan ang social media account ko dahil baka mabaliw na ako sa kakaisip na boyfriend ko na si Zid. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Fredo kapag nalaman niya ito? Baka mamatay na siya sa kilig o ‘di kaya sa inggit.Napangiti
Ang huling punta ko ng dagat ay noong bata pa ako. Buhay pa noon si lola at mayroong pa-swimming ang mayor ng bayan namin. Iyon ang huli. Hindi rin naman kasi ako isinasama noon ni Tiya Chona tuwing may outing sila dahil walang magbabantay sa bahay.Ginawa pa akong aso. Mabuti pa nga minsan ‘yong aso, isinasama ng may-ari kapag aalis sila dahil wala itong kasama sa bahay.Kapag naman may outing sa paaralan ay mas pinipili ko na lang na hindi sumama lalo na’t wala din naman akong maibabayad. Hindi din ako papayagan.Ipinulupot ni Zid ang kan’yang braso sa aking bewang. Hinagkan niya ang aking sintido habang pinagmamasdan namin ang papasibol pa lamang na araw sa Ginana Island. Apat na oras ang naging byahe namin patungo dito.“Do you like here?” tanong niya. Tumango ako. Iba talaga ang hatid na kapayapaan ng amoy ng dagat at tunog ng alon mula dito.Isinukbit niya sa aking leeg ang camera na madalas naming gamitin kapag
Kung maaari lang pumili ng pamilya ay pipiliin ko ang mga taong kasama ko ngayon. Naging matagumpay ang ginawa namin na surpresa para kay Manang Delia. Doon ay nakilala ko ang dalawa niyang anak at apo. Malaki ang pasasalamat nila sa pag-aaruga namin sa kanilang ina kahit na ang totoo ay kami ang inaalagaan ni Manang Delia. “Nag-enjoy ka ba?” tanong sa akin ni Zid habang nasa byahe kami pauwi. Masaya akong tumango sa kan’ya. Marahan niyang hinalikan ang kamay kong hawak niya. Binawi ko din iyon kaagad dahil nagmamaneho siya. Dalawang oras pa ang ibabyahe namin kaya sinusubukan kong huwag matulog. Kawawa naman kasi si Zid. “Come’on love, matulog ka na.” Simula pag-alis namin sa resort ay iyon na ang bukambibig niya. Dinapuan tuloy ako ng antok dahil sa paulit-ulit niyang pagbanggit nito. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko na parang hindi na umaandar ang kotseng sinasakyan namin. Pagmulat ko ng mata ay hinanap ko kaagad si
Ang magical talaga ng love. Nagagawa nitong pagtagpuin ang dalawang pusong magkalayo ng estado sa buhay, katulad namin ni Zid.Pinagmasdan ko ang bawat picture frame na nasa lamesa sa gilid ng opisina. Wala siya dahil kailangan niyang um-attend ng meeting sa accounting department. Isang oras lang daw naman iyon.Nilibang ko na lamang ang sarili sa pagbabasa ng mga magazine na nandoon. Napangiti ako nang mapadako sa feature section ng isang sikat na magazine, The Bachelor. Larawan ni Zid ang naroon suot ang kan’yang three piece suit.Sa unang pahina ay ang personal background ni Zid at ang kabataan niya. Hindi na ako nagtataka na madalas siyang maisali sa mga pageant noon sa paaralan nila. Sa gwapo niya ba naman, paniguradong hindi iyon papalagpasin ng mga guro at kamag-aral niya.Napatigil ako nang love story niya na ang topic. Tinanong siya kung ilan na ba ang naging girlfriend niya at sinabi niyang wala. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang p
"Kaileen?" ulit na pagtawag sa akin ni Tiya Chona nang hindi ako sumagot.Hindi katulad sa asawa niya na matindi ang takot na nararamdaman ko, sa kan'ya ay may kaunting respeto pa. Pinakain at pinag-aral niya pa din naman ako kahit pa araw-araw niya akong inaalila. Inintindi ko iyon dahil malaki raw ang kasalanan na ginawa sa kanila ng tunay kong ina.Kung bakit ako ang kailangang magbayad ay hindi ko maunawaan.Ang hindi ko lang kayang matanggap ay nagawa niya pang kampihan ang masamang ginawa ng asawa niya laban sa akin.Hinawakan ni Zid ang kamay ko at iniharang ang sarili sa pagitan namin ni Tiya Chona."Kaileen, ipinakulong ng taong ito ang tiyuhin mo. Ikaw ba ang nagsolsol sa kan'ya para gawin iyon?" Alam kong pinipigilan lang niya ang pagtaasan ako ng boses dahil bakas ko na ang pagtitimpi niya.Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa pagpunta ni Zid sa police sta