"Kaileen?" ulit na pagtawag sa akin ni Tiya Chona nang hindi ako sumagot.
Hindi katulad sa asawa niya na matindi ang takot na nararamdaman ko, sa kan'ya ay may kaunting respeto pa. Pinakain at pinag-aral niya pa din naman ako kahit pa araw-araw niya akong inaalila. Inintindi ko iyon dahil malaki raw ang kasalanan na ginawa sa kanila ng tunay kong ina.
Kung bakit ako ang kailangang magbayad ay hindi ko maunawaan.
Ang hindi ko lang kayang matanggap ay nagawa niya pang kampihan ang masamang ginawa ng asawa niya laban sa akin.
Hinawakan ni Zid ang kamay ko at iniharang ang sarili sa pagitan namin ni Tiya Chona.
"Kaileen, ipinakulong ng taong ito ang tiyuhin mo. Ikaw ba ang nagsolsol sa kan'ya para gawin iyon?" Alam kong pinipigilan lang niya ang pagtaasan ako ng boses dahil bakas ko na ang pagtitimpi niya.
Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa pagpunta ni Zid sa police sta
Nang maging myembro ako ng The Veracity ay sinabi kong hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon upang makilala ang tunay kong mga magulang. Gusto ko nang makuntento sa buhay na mayroon ako ngayon.Pero malaki ang impact na nagawa sa akin ng mga salitang binitiwan ni Tiya Chona. Mas lalo kong naramdaman ang pagkamuhi niya sa akin.Tatlo silang magkakapatid at lahat ay babae. Ang bunso ay si Tiya Cynthia. Hindi ko na siya naabutan dahil ayon kay lola ay namatay ito bago pa ako ipinanganak. Kung ano ang ikinamatay niya ay hindi ko alam."Kai?" Napabalik ako sa ulirat nang tawagin ni Apollo ang pangalan ko.Nasa isang photoshoot kami para sa isang magazine. Saglit kaming nag-breaktime habang inaayusan ang mga modelo."Sorry," sabi ko nang mapagtantong tila kanina niya pa ako tinatawag."Mukhang malalim yata ang iniisip mo," aniya.Marahil ay oo dahil kanina pa kami nandito pero pakiramdam ko'y lumilipad ang isipan ko."Wala, hindi la
Hindi ako nasundo kinabukasan ni Zid. Naiitindihan ko na may pinagkakaabalahan siya pero may parte sa isip ko na gustong malaman kung ano iyon. Sinundo na lamang ako ni Apollo sa condo dahil along the way naman daw iyon sa location namin. "Good morning," bati niya sa akin pagpasok ko ng kotse. Kaagad niyang iniabot ang kape mula sa isang sikat na coffee shop nang makaupo ako. "Thank you," sabi ko at kinuha iyon. May pa-kape pa siya. Nagsimula na siyang magmaneho habang nagtataka kong binubuksan ang note na nakadikit doon. 'Hi babe, have a great day. I love you' Iyon ang nakasulat. Magkasalubong ang kilay na binalingan ko siya ng tingin. Gwapo, matipuno at mabait si Apollo. Imposible na walang magkakagusto sa kan'ya. Ang mga modelo nga namin minsan ay panay ang pa-cute kapag siya ang kumukuha ng litrato sa kanila. "Yes?" tanong niya nang mahalatang nakatitig ako sa kan'ya. Umiling ako kahit nagtatak
Isinalaysay sa akin ni Zid lahat ng ginawa nilang lima upang makalikom nang mas marami pang ebidensya laban sa tiyuhin ko. Nabura lahat ng lungkot at tampo na nararamdaman ko dahil sa effort niyang iyon. Pinaimbestigahan nila ang tiyuhin ko at napag-alaman na mas lalo pala itong nalulong sa droga at alak sa mga lumipas na taon. Napatunayan din na ilan nang babae ang nagreklamo ng panghihipo subalit umaatras dahil natatakot sa pagbabanta ng tiyuhin ko at mga kaibigan nito. Bukas daw ay handa nang magsampa ng kaso ang mga biktima. Mayroon na din silang sapat na ebidensya na magdidiin sa paggamit at pagbenta nito ng droga. "Love, galit ka pa ba?" masuyo niyang tanong nang hindi ko maiwasang idiin ang pagdampi ng cotton na mayroong betadine sa kan'yang galos. Matalim ko siyang tiningnan. Masama pa din ang loob ko kahit pa para sa akin naman ang rason nang pagkawala niya nitong mga nakaraang araw. Ayoko lang kasi na hindi niya sinasabi sa akin ang
Anumang klase ng sugat ay nag-iiwan nang marka, pisikal man o emosyonal. Subalit sa tuwing tinititigan ko si Harrieth ay tila napakainosente niyang tao, 'ni walang hirap na pinagdaanan. Malayong-malayo sa mga naikwento sa akin ni Zid. "Kuya, bakit walang 18 roses?" nagtatampong tanong ni Harrieth kay Zid nang makita ang draft ng invitation na ginagawa namin ngayon sa condo. "Mayroon naman 'di ba?" balik tanong ni Zid na itinuturo pa sa papel ang nasa program. Nakabusangot na tumingin sa akin si Harrieth. Parang katulad nang kay Blue, humihingi ng back up. "Zid, ang 18 roses na tinutukoy sa debut ni Harrieth ay may kasamang sayaw sa 18 din na lalaking malapit sa kan'ya," paglilinaw ko dito. Ang inilagay niya lang kasi doon ay sila lamang tatlo ng daddy at kapatid niya ang sasayaw kay Harrieth. Mabilis na napangiti si Harrieth at matalim na tinitigan ang kuya niya na binibigyan naman ako nang makahulugang mga tingin.
Walang sinabi ang pagseselos ni Zid sa ube halaya ng mommy ni Jake. Halos siya kasi ang nakaubos nito. Sa ilang buwan namin na magkarelasyon ay nakita ko na kung paano takot si Zid na mawala ako sa kan'ya. Kahit pa alam niya naman na hindi ako maaagaw ay natatakot siyang ma-realize ko na hindi siya ang deserve ko kun'di isang tao na mas better pa sa kan'ya. Palagi niya ipinaparamdam sa akin na siya ang swerte sa aming dalawa at ako ang pinaka-best na babae sa buong mundo. Ang hindi niya alam ay ako ang pinaka-pinagpalang tao dahil minahal ako ng isang katulad niya. "Zid, mamaya mo na ako punasan ng pawis, nag-pho-photoshoot kami," bulong ko kay Zid habang kinukuhanan ng litrato ang kapatid niya. Narito kami sa school niya dahil gusto niya raw na ang theme ng kan'yang birthday ay ang real life niya. Isa pa'y gusto niyang isama lahat ng kaibigan niya sa mga larawan. Isinisingit lang namin sa schedule ng klase ni Harrieth ang pictorial niya kaya'
Marami na akong artista na nakita sa personal pero ‘ni minsan ay hindi ako nakaramdam nang pagkabighani sa kanila. Para sa akin kasi ay iisang hangin lang naman ang nilalanghap namin ang pinagkaiba lang ay sikat sila at ako hindi. Kung mayroon man akong nararamdaman noon kapag nakakakita ng artista ay excitement. Lalo na kapag nahuhuli ko sa akto nang nakakahiyang gawain o may natutuklasan akong lihim nila, katulad ngayon. Marahil ay kung gaya pa din ng dati ang trabaho ko baka kinuha ko na ang pagkakataon na ito upang kuhanan sila ng video. Panibagong isyu, ibig sabihin ay pera. Subalit aminado ako na kahit noon ito nangyari ay hindi ko maggagawa. Saglit ko silang tinapunan ng tingin bago yumuko. Para bang sa isang iglap ay namanhid ang buong katawan ko at hindi magawang ihakbang ang mga paa palayo. Napatingin ako sa kamay kong nakakuyom. Maging iyon ay hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala. Ganito ba katindi ang puot at galit ko para sa
Naging normal para sa akin ang mga sumunod na araw sa opisina. Hindi ko na muli pang nakita ang aking ina dahil tapos na din naman ang photoshoot ni Harrieth at naghihintay na lang kami sa araw ng kan'yang debut. "Are we okay love?" tanong ni Zid nang nasa elevator na kami paakyat ng opisina. Sa mga nagdaang araw ay nahihirapan akong magpanggap na maayos lang kapag kasama ko siya. Nagi-guilty kasi ako na hindi man lang masabi sa kan'ya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko ipinagkakatiwala ng buo ang sarili ko sa kan'ya gayong siya ay walang pag-iimbot na ipinapakita sa akin ang mabuti at pangit na parte ng kan'yang buong pagkatao. "Oo naman love," masaya kong sagot sa kan'ya. Inakbayan niya ako at masuyong hinalikan sa noo. Mas lalo akong nadidismaya sa sarili. Napakaduwag kong sabihin sa kan'ya na anak ako ng dating sexy star na naging kabit ng kan'yang ama noon. Hindi ko naman kasalanan na siya ang
Hi my dear readers. Kumusta? I hope you guys are doing great today. Paramdam naman kayo. By the way, this is my first novel here in GN but there's a lot more to go. Sana nagugustuhan n'yo ang novel na ito. I'm doing my best para mas lalo pang ma-improve ng pagsusulat ko dahil ayokong masayang ang ibabayad n'yo. Random thoughts lang 'to guys. What do you think about Zid? How about Kai? Sino favorite n'yo sa The Veracity members? Gawan din kaya natin sila ng kwento? Comment kayo if you have any suggestions, opinions o kahit ano'ng gusto n'yong sabihin. (Huwag lang bad words) Bye! Thank you.
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi
Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd
Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka
"What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam
Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong
Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a
Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka