Share

Chapter 51

Author: Rina
last update Huling Na-update: 2021-08-09 14:07:48

Marami na akong artista na nakita sa personal pero ‘ni minsan ay hindi ako nakaramdam nang pagkabighani sa kanila. Para sa akin kasi ay iisang hangin lang naman ang nilalanghap namin ang pinagkaiba lang ay sikat sila at ako hindi.

Kung mayroon man akong nararamdaman noon kapag nakakakita ng artista ay excitement. Lalo na kapag nahuhuli ko sa akto nang nakakahiyang gawain o may natutuklasan akong lihim nila, katulad ngayon. Marahil ay kung gaya pa din ng dati ang trabaho ko baka kinuha ko na ang pagkakataon na ito upang kuhanan sila ng video.

Panibagong isyu, ibig sabihin ay pera.

Subalit aminado ako na kahit noon ito nangyari ay hindi ko maggagawa.

Saglit ko silang tinapunan ng tingin bago yumuko. Para bang sa isang iglap ay namanhid ang buong katawan ko at hindi magawang ihakbang ang mga paa palayo. Napatingin ako sa kamay kong nakakuyom. Maging iyon ay hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala.

Ganito ba katindi ang puot at galit ko para sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Capturing The Bachelor   Chapter 52

    Naging normal para sa akin ang mga sumunod na araw sa opisina. Hindi ko na muli pang nakita ang aking ina dahil tapos na din naman ang photoshoot ni Harrieth at naghihintay na lang kami sa araw ng kan'yang debut. "Are we okay love?" tanong ni Zid nang nasa elevator na kami paakyat ng opisina. Sa mga nagdaang araw ay nahihirapan akong magpanggap na maayos lang kapag kasama ko siya. Nagi-guilty kasi ako na hindi man lang masabi sa kan'ya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko ipinagkakatiwala ng buo ang sarili ko sa kan'ya gayong siya ay walang pag-iimbot na ipinapakita sa akin ang mabuti at pangit na parte ng kan'yang buong pagkatao. "Oo naman love," masaya kong sagot sa kan'ya. Inakbayan niya ako at masuyong hinalikan sa noo. Mas lalo akong nadidismaya sa sarili. Napakaduwag kong sabihin sa kan'ya na anak ako ng dating sexy star na naging kabit ng kan'yang ama noon. Hindi ko naman kasalanan na siya ang

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Capturing The Bachelor   Let's interact here

    Hi my dear readers. Kumusta? I hope you guys are doing great today. Paramdam naman kayo. By the way, this is my first novel here in GN but there's a lot more to go. Sana nagugustuhan n'yo ang novel na ito. I'm doing my best para mas lalo pang ma-improve ng pagsusulat ko dahil ayokong masayang ang ibabayad n'yo. Random thoughts lang 'to guys. What do you think about Zid? How about Kai? Sino favorite n'yo sa The Veracity members? Gawan din kaya natin sila ng kwento? Comment kayo if you have any suggestions, opinions o kahit ano'ng gusto n'yong sabihin. (Huwag lang bad words) Bye! Thank you.

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Capturing The Bachelor   Chapter 53

    Yes, I hate her. Hindi ko siya gusto sa kadahilanan na inabandona niya ako. Pero inaamin ko na mayroon parte sa puso ko na mahal ko si Cora o mas kilala bilang Orca Lapuz. Natural na siguro na kahit anong galit ang maramdaman mo sa magulang mo ay may katiting pa din silang puwang sa puso mo. Ganoon din kaya siya sa akin? “H-hindi ko alam. Ang ibig ko lang sabihin ay baka ito na ‘yong way para kahit papaano ay matanggap ng mommy mo si Harrieth. Sa tingin ko kasi ay mas lalong sasama ang loob niya kung nandoon ang dating kabit ng asawa niya. Maaari naman sigurong gumawa na lang ng sariling party si Harrieth kasama ang mommy niya.” Nahihirapan akong banggitin ang bawat salita pero pinilit kong maging normal iyon. Tumango si Zid at tila malalim na pinag-isipan ang sinabi ko kasabay nang kan’yang pagbuntong hininga. Kaya naman sa araw ng party ay ganoon na lamang ang pagdarasal ko na sana ay hindi ko makita ang mukha ng aking ina. Mayroong red carp

    Huling Na-update : 2021-08-11
  • Capturing The Bachelor   Chapter 54

    Animo’y nasa red carpet premier ng isang pelikula si Orca Lapuz habang naglalakad ito patungo sa entablado. Sa kan’yang tabi ay isang bakla na sa tingin ko’y kasing-edad niya lamang. Sinundan sila nang tingin ng mga bisita.Tumigil siya sa sa paglalakad nang tuluyan nang makaakyat sa entablado. Nanatili lamang ang kan’yang mga mata kay Harrieth na bakas sa mukha ang galak na makita ang ina. Isa nga talagang surpresa ang pagsulpot ng isang espesyal na tao sa buhay mo sa pagkakataon na hindi mo inaasahan.Ang atensyon ng mga tao sa gawi ko ay nawala sa kan’ya nang makarinig kami nang kalabog mula sa isang lamesa. Halos sabay-sabay na napalingon ang tao doon. Tumayo si Tita Elvira na bakas ang pagkadisgusto sa nangyayari. Sinubukan siyang pakalmahin ni Tito Zeus subalit mas lalo ko lamang nakita ang apoy na galit sa mata ng ginang. Tumalikod ito at naglakad palabas. Hinabol siya ng asawa, ni Ziode at Frauline.Ang kasiyahan na ito para

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • Capturing The Bachelor   Chapter 55

    Ibang-iba ang kan’yang itsura sa personal. Maganda at nakakahalina ang itsura niya sa telebisyon subalit higit siyang maganda sa malapitan. Halos magkasingtangkad lang kaming dalawa. At kung titingnan ay mapagkakamalan kaming magkapatid. Tinanggal niya ang itim na salamin at malamig akong tinitigan. Malayong-malayo sa init na humahaplos ngayon sa aking puso na makita siya nang ganito kalapit. “Hindi ko alam kung bakit inalagaan ka pa ni mama noong nabubuhay pa siya. But I guess may maganda din iyong naidulot, dahil hindi lang ako ang nakakaalalang bumisita sa kan’ya. Thank you for doing that,” aniya pagkatapos ay lumuhod upang itirik ang kandilang kan’yang dala. Na-blanko ang isip ko at tila nawalan nang lakas upang magsalita dahil sa sinabi niya. Kilala niya ako. “K-kilala mo ako?” kinakabahan kong tanong. Tumayo siya at hinawakan ang palapulsuhan ng sariling kamay sa kan’yang harapan. Tumingin siya sa lapida ni lola habang marahan na tumango

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • Capturing The Bachelor   Chapter 56

    Magulang, dalawang tao na ipinagkait sa akin. Marahil ay hindi talaga para sa akin ang magkaroon ng kasama na matatawag kong nanay at tatay, mama at papa o mommy at daddy. Malas nga siguro ako pagdating sa ganoong aspeto ng buhay. Pero kung mayroon man isang bagay na masasabing kong swerte ako, iyon ay ang makilala si Zid. Ilang beses niya na akong tinutulungang bumangon tuwing nawawalan ako ng pag-asa, katulad ngayon. Wala man siyang ideya sa bigat na nararamdaman ng puso ko sa mga oras na ito ay nagagawa niya pa din akong pasayahin sa paraang hindi ko inaasahan. “And for your last dance, ladies and gentlemen please welcome Zid Paulo Sena. Around of applause please,” masayang pagpapakilala ni Heaven kay Zid. Nasundan ito nang hiyawan at kant’yawan mula sa apat na lalaking nasa paligid namin. Hindi ko makalimutan ang gulat sa kanilang mga mukha kanina nang bigla akong sumulpot sa likod nila. Mayroon hawak na rosas ang mga lalaki samantalang cake naman

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • Capturing The Bachelor   Chapter 57

    Minsan hinihiling ko na sana hindi ko na lang noon pinilit si lola na sabihin sa akin kung sino ang nanay ko. Sana noon pa lang naging bingi na ako sa sinasabi ng mga tao tungkol sa tunay aking ina. Sana hindi ko na inalam pa ang pagkakakilanlan niya. Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana ay normal lang lahat ngayon. Hindi iyong para akong kriminal na nagtatago huwag lamang silang makita ni Harrieth na magkasama. “Hi Ate Kai! Sa wakas naabutan din kita nang gising.” Huli na para isara ko pa ang pintuan ng aking unit dahil nakita na ako ni Harrieth. Nakasuot ito ng simpleng bestida pero kitang-kita na ang pagiging isang ganap niyang dalaga kahit kakatapos pa lamang ng kan’yang debut. Sa kan’yang tabi ay ang babaeng iniiwasan kong makita. Tipid akong ngumiti kay Harrieth. ‘Ni wala siyang alam sa katotohanan. Mabuti pa siya. Normal lang ang inaakto ngayon samantalang ako ay parang gusto nang bumalik sa kwarto.

    Huling Na-update : 2021-08-15
  • Capturing The Bachelor   Chapter 58

    Tulala akong bumalik sa condo. Hindi mawala sa isip ko ang panghihinayang na hindi ko man lang nagawang kuhanin lahat ng ebidensyang magdidiin kay Mr. Hermosa. Kung hindi ko rin sana sinira ang plano noon nina Knight ay baka nakakulong na ang negosyante. Nakakakonsyensyang isipin na dahil sa akin ay nahihirapan ngayon sa pagtatago si Tere at ang kan’yang nobyo. Mahirap na kalaban ang mga bigating negosyante. Nakakatakot na baka magawa silang patayin nito sa oras na mahuli sila. “Where have you been?” bungad sa akin ni Zid nang maabutan ko siya sa living area ng aking condo. Mukhang kararating niya lang din dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng damit. Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap at halik. “I miss you all day,” aniya. Paano pa kaya kapag lumipat na ako? “Nand’yan na si Harrieth?” tanong ko nang bumitaw siya mula sa pagkakayakap. Pinasadahan ko nang tingin ang paper bag na mayroong tatak ng paborito naming restaurant na nasa ce

    Huling Na-update : 2021-08-16

Pinakabagong kabanata

  • Capturing The Bachelor   Special Chapter

    Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na

  • Capturing The Bachelor   Epilogue

    I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas

  • Capturing The Bachelor   Chapter 75

    "Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi

  • Capturing The Bachelor   Chapter 74

    Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd

  • Capturing The Bachelor   Chapter 73

    Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka

  • Capturing The Bachelor   Chapter 72

    "What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam

  • Capturing The Bachelor   Chapter 71

    Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong

  • Capturing The Bachelor   Chapter 70

    Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a

  • Capturing The Bachelor   Chapter 69

    Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka

DMCA.com Protection Status