Minsan hinihiling ko na sana hindi ko na lang noon pinilit si lola na sabihin sa akin kung sino ang nanay ko.
Sana noon pa lang naging bingi na ako sa sinasabi ng mga tao tungkol sa tunay aking ina.
Sana hindi ko na inalam pa ang pagkakakilanlan niya.
Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito.
Sana ay normal lang lahat ngayon. Hindi iyong para akong kriminal na nagtatago huwag lamang silang makita ni Harrieth na magkasama.
“Hi Ate Kai! Sa wakas naabutan din kita nang gising.” Huli na para isara ko pa ang pintuan ng aking unit dahil nakita na ako ni Harrieth.
Nakasuot ito ng simpleng bestida pero kitang-kita na ang pagiging isang ganap niyang dalaga kahit kakatapos pa lamang ng kan’yang debut. Sa kan’yang tabi ay ang babaeng iniiwasan kong makita.
Tipid akong ngumiti kay Harrieth.
‘Ni wala siyang alam sa katotohanan. Mabuti pa siya. Normal lang ang inaakto ngayon samantalang ako ay parang gusto nang bumalik sa kwarto.
Tulala akong bumalik sa condo. Hindi mawala sa isip ko ang panghihinayang na hindi ko man lang nagawang kuhanin lahat ng ebidensyang magdidiin kay Mr. Hermosa. Kung hindi ko rin sana sinira ang plano noon nina Knight ay baka nakakulong na ang negosyante. Nakakakonsyensyang isipin na dahil sa akin ay nahihirapan ngayon sa pagtatago si Tere at ang kan’yang nobyo. Mahirap na kalaban ang mga bigating negosyante. Nakakatakot na baka magawa silang patayin nito sa oras na mahuli sila. “Where have you been?” bungad sa akin ni Zid nang maabutan ko siya sa living area ng aking condo. Mukhang kararating niya lang din dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng damit. Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap at halik. “I miss you all day,” aniya. Paano pa kaya kapag lumipat na ako? “Nand’yan na si Harrieth?” tanong ko nang bumitaw siya mula sa pagkakayakap. Pinasadahan ko nang tingin ang paper bag na mayroong tatak ng paborito naming restaurant na nasa ce
“Alam n’yo na din naman siguro ang nangyari sa kaso laban kay Mr. Hermosa. With all his wealth and power nagawa niyang malusutan lahat ng kasamaan na ginawa niya. But of course, nagkulang din tayo sa ebidensya kaya nangyari iyon,” ani Knight. Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasan ang muling makaramdam ng konsyensya. Kahit sabihin pa nila na wala naman akong kasalanan ay naging dahilan pa din ng padalos-dalos kong desisyon ang kakarampot na ebidensyang nailathala namin nang nakaraan. Malaki ang naging epekto nito sa kasalukuyan. Si Tere at ang kan’yang nobyo ang higit na naaapektuhan ngayon sa kagustuhan kong huwag silang masangkot noon sa pag-iimbestigang ginawa namin. Kung sana’y natiwala lang ako sa mga kasamahan ko katulad nang pagtitiwala nila sa akin. Mahigpit na hinawakan ni Zid ang kamay kong nasa pagitan naming dalawa. Para bang nababasa niya ang emosyon na dumaan sa aking mukha. “Pilit nilang sinisiraan ngayon ang credibility ng Th
Ibinaba ni Orca Lapuz ang bintana ng kan’yang kotse nang katukin ito ni Harrieth. Saglit kong nasulyapan ang kan’yang mukha na kahit tinted ang salamin ng sasakyan ay nakasuot pa rin siya ng shades. “Sa loob muna po tayo mommy. Magbibihis lang si Ate Kai,” aya niya rito. Wala na akong iba pang maisip na rason para makatanggi sa alok niya kaya pumayag na lamang ako. Ayoko din naman na magkaroon sa akin ng tampo si Harrieth. Gusto kong magkaroon ng maayos na relasyon sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Naramdaman ko ang paninitig ng aming ina sa akin habang ako naman ay nakayuko na para bang may nakakaenganyong bagay sa aking mga paa. “I’ll just wait for you here. Mayroon pa kasi akong hinihintay na virtual meeting with my manager kaya dito na lang ako sa car,” aniya. Ibinaling ko kay Harrieth ang tingin nang umabrisyete siya sa braso ko. Siya na ang humila sa akin papasok ng bahay nang makapagpaalam na kami sa kan’yang ina. Nilibot niy
Papalubog na ang araw nang bumaba ako sa kotse ni Orca Lapuz. Ang sabi niya ay ihahatid niya muna si Harrieth pagkatapos ay babalikan ako dito sa bahay para magkausap kami. Hinihiling ko na sana ay maganda ang kan’yang sasabihin. Sana ay maayos kung ano man ang bagay na humahadlang sa kan’ya para kilalanin ako bilang anak. Ibinaba ko sa salas ang mga ipinamili niya para sa akin. Nakakatuwang isipin na kahit sa kakarampot na bagay na iyon ay madaling natutunaw ang galit na nararamdaman ko para sa kan’ya. Iniwan ko muna iyon sa salas at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator upang maghanap ng maaaring lutuin para sa aming dalawa. Sigurado akong gabi na silang makakabalik dito. Mabuti na lamang ay mayroong chicken doon at patatas. Ang sabi ni lola ay paborito daw ng aking ina ang adobong manok na mayroong patatas. Ito ang unang putahe na itinuro niya sa akin kaya kabisado ko na ang tamang timpla nito. Naging abala ako sa kusina sa mga sumunod na sanda
“Nagising ako nang nakatali sa isang kama. Walang kalaban-laban, hinang-hina ako.” Bakas ko ang paghihirap niyang sabihin ang mga pangyayari nang gabing iyon. Nais ko sana siyang patigilin sa pagsasalita pero maging ako’y nawalan nang boses upang sabihin iyon. Inuunahan ng hikbi ang bawat salitang gustong lumabas sa aking bibig. “Pinagsamantalahan niya ako. Binaboy niya ako.” Pumiyok siya sa huling salita kasabay nang malakas na pagtangis. Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Ang sakit na nakikita ko sa kan’yang mga mata habang sinasabi iyon ang dumurog sa aking puso. Hindi ko alam na ganito ang dinanas niya. Wala akong ideya dahil hindi ito nabanggit ng aking lola. “Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Marahil ay sa sobrang pagod. Ang alam ko lang, pagsapit ng umaga ay nandoon na sa paanan namin si Cynthia kasama si Ate Chona. Galit siya. Galit siyang makita ang kapatid at kasintahan niyang magkatabi sa iisang kama na walang saplot
Noong bata pa ako, marami akong tanong.Bakit si lola ang kasama ko?Sino ang nanay at tatay ko?Nasaan sila?Bakit nila ako iniwan? Ngayon na nasagot na ang mga katanungan na iyon, imbes na mabuo ako, pakiramdam ko'y mas lalo lamang akong nawasak. Sa nagdaang ilang araw ay makailang ulit akong tumanggi sa alok ni Harrieth na muling mamasyal kasama ang aming ina. Isa akong pangit na alaala para kay Orca Lapuz at alam kong kahit ano ang aking gawin ay hindi nito mababago ang pagtingin niya sa akin. Ang pag-iwas sa kan'ya at paglimot na lamang sa aking pinagmulan ang natatangi kong solusyon. "Sa wakas," masayang bungad sa akin ni Zid nang lumabas ako sa kwarto. Madaling araw pa lang ay narinig ko na ang pagdating niya sa bahay. Naka-lock ang aking kwarto kung kaya't hindi siya nakapasok. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa sala habang nakahiga ako sa kama. Kagabi niya pa ipinaalala sa akin ang salo-salo sa
Hindi ko na maibabalik ang nakaraan pero marami pa akong pagkakataon para gawing maayos ang aking buhay sa kasalukuyan.Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok sa harapan ng salamin. Kakauwi ko pa lamang galing sa hideout. Bukas na ang huli naming paghahanda para sa misyon.Sigurado akong mahirap ang misyon na ito dahil matinding pag-eensayo at pagpaplano ang aming ginawa.Inihatid lamang ako kanina ni Blue sa bahay dahil busy si Zid na tapusin ang trabaho sa opisina.Ako nama'y nagsimula nang mag-ayos sa loob ng bahay dahil matagal-tagal din akong mawawala. Itinago ko ang ilang mahahalagang papeles sa aking maleta at nilagyan iyon ng lock.Alas sais na nang gabi. Hindi na ako naghanda pa ng dinner dahil hindi kami magkakasabay kumain ngayon ni Zid. Marami pa raw siyang tatapusin na trabaho. Bagay na nauunawaan ko dahil hindi naman alam ng kan'yang mga magulang ang pagiging undercover age
Wala akong ideya sa magiging hakbang ni Tita Elvira ngayong alam niya nang anak ako ni Orca Lapuz. Ang mahalaga ngayon ay kasama ko si Zid sa misyon at wala siyang pagkakataon upang makausap ang anak ukol dito. Ayokong sa iba pa ito malaman ng aking nobyo.Plano ko na naman na sabihin ito kan’ya. Gusto ko lang na matapos muna ang misyon upang makapagtrabaho kami nang maayos.“Mr. Martinez’s son, Drix, will be having his birthday party tonight at the Crack’s Bar. Talasan n’yo ang inyong mga mata at pakiramdam, sigurado akong gagamit sila ng party drugs,” ani Knight habang nasa main headquarters kami.Magpapanggap ako bilang kaibigan ng isa sa mga kasamahan niya sa car racing na si Jerson. Isa siyang police secret agent at matagal niya nang minamanmanan ang pamilya ni Mr. Martinez. Makikipagtulungan kami sa kanila upang mapadali ang misyon.Kinagabihan ay inihatid muna ako ni Zid sa isang tagong lugar malapit
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi
Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd
Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka
"What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam
Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong
Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a
Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka