'Di naman masyado hassle ang biyahe lalo na't di naman ako ang nagdadrive. Mabuti nalang din at hindi siya nagtanong ng kung ano-ano, nagpatugtog lang ako para 'di masyado awkward."Psychology student, right?" pambabasag niya sa katahimikan. Napatingin ako sakaniya saglit bago sumagot."Yeah, ikaw? Ano pala course mo?" tanong ko pabalik, tiningnan ko lang siya. Ang isang kamay ay makahawak sa manibela habang ang isa ay nakapatong sa bintana habang nakahawak sa ulo niya. Kinakabahan ako kasi one hand lang gamit niya sa pagdadrive, yung jowa ko baka mapano!"Architecture," tipid na saad niya, napatango-tango nalang ako at humarap ulit sa bintana."Pwede ko makita plates mo? May picture ka ba dyan? Gusto ko kasing magpatayo ng bahay someday, kung sakaling kilala mo pa 'ko that time, sayo ko na ipapa-design para makamura," sambit ko habang patuloy na nakatingin sa bintana.Maya-maya ay inilahad niya sa 'kin ang phone niya,
Last Updated : 2021-07-13 Read more