HANGGANG SA DUMATING na ang araw na kinakailangan ng umalis ni Benjamin patungong Palawan para sa site inspection ng project nito sa S.A Construction. Ito na rin ang unang araw ng convention nila kaya naroon si Evie sa Shangri-La hotel para magasikaso.Dinagsa ang booth nila kaya imbes na makabalik pa siya sa office ng after lunch, hindi na niya maiwan ang ilang katrabaho niyang nakakatanggap ng maraming inquiries at orders kaagad."Pasensya na Miss Evie, ikaw pa tuloy ang nangolekta ng mga possible clients." saad pa ng katrabahong si Ofel."Okay lang, ano ka ba? Mabuti nga yan at marami kayong nakuha, matutuwa si director niyan." pagngiti pa niya rito."Pwede ka ng mauna, Miss Evie. Kami ng bahala rito magligpit.""Okay sige, ise-send ko na lang din ito at kung may mga pahabol pa kayo, iwan niyo na lang, ako ng mag-check bukas pagbalik ko rito ah?" at bumalik na siya ng tuon sa laptop niya."Sige po, Miss Evie. Salamat."Nauna na nga
Last Updated : 2021-08-07 Read more