All Chapters of The Mystery of Mystica: Revelation: Chapter 11 - Chapter 20

85 Chapters

Chapter 6.1 - Amion

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napatakip ako sa mukha para hindi masinagan ng araw, unti-unti kong itinayo ang katawan at nang makaramdam ng pagkahilo ay napahawak ako sa aking ulo. Pakiramdam ko'y umiikot ang paningin ko. Pumikit ako ng mariin at nang idilat ang mga mata'y bumungad sa'kin ang hindi pamilyar na silid. Kahit saan ako lumingon ay panay gold ang palamuting nakikita ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama para hindi makalikha ng anumang ingay. Inaalala ko rin ang mga nangyari, ang alam ko lang ay nasa plaza ako para magtrabaho kaya paano ako napunta rito? Did someone just kidnapped me? But I'm no longer a kid! Nagulat ako at napatalon nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at kasunod no'n ang paglabas ng taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon."Heads up, il mio amore," Amion uttered.Wala itong kahit na anong saplot maliban sa tuwalyang nakabalot sa bewang niya. He's
last updateLast Updated : 2021-05-29
Read more

Chapter 6.2 - Animal Attack

"Ano? Paano ka napunta sa bahay nung lalakeng 'yon?" Kinuwento ko kay Vernon lahat ng naaalala ko. Isang araw na ang nakalipas magmula noong naganap ang Fiesta. Nag-panic ang mga tao nang malaman ang nangyari kay Jelo, anak ni Aling Rosa at sa guro namin noong highschool na si Sir Rafael. Agad din namang humupa ang balitang 'yon, agad na nakalimutan ng taong bayan. Ayon sa sinabi ng pulis, kagagawan daw ito ng mga tao sa karatig baryo. Pero para sa akin at base sa nakita ko, malabong paniwalaan ko 'yon. Narito kami ngayon at naglalakad patungo sa parking lot ng school. Kakatapos lang ng meeting ng bawat club para pag-usapan ang mga gagawin sa araw ng Acquaintance Party na magaganap sa biyernes. Hindi sana ako pupunta kaso napilit ako ng mga clubmates ko. Inaalala ko tuloy kung anong susuotin ko. "Hindi ko alam, Vern. Ang sabi niya, tinulungan niya raw ako dahil nakahandusay daw ako sa kalsada noong gabi ng Fiesta. Hindi ko ala
last updateLast Updated : 2021-05-31
Read more

Chapter 7.1 - Acquaintance Party

After few days of convincing Sheriff Cruz to include us in the investigations, we finally accepted our defeat. Mahirap kumbinsihin ang Sheriff gayong may sarili itong pananaw, hindi basta-basta mababali. Hindi naman namin pwedeng sabihin sa kagagawan ito ng isang bampira lalo't wala kaming sapat na ebidensiya at isa pa, baka hindi sila maniwala. Since that incident, I'm always seeing Amion around. Palagi siyang tumatambay sa coffee shop tuwing shift ko. Hindi ko alam kung coincidence lang ba o sinasadya niya na. Dahil naging consistent customer siya, naging close na sila ni Tiya Lo. Binibigyan niya pa ito ng discount tuwing makikita rito. Bukod kay Amion, palagi ko na rin napapansin na sinusundan ako ni Theodore at Maeve. There are times that I'll bump into them. Gaya kahapon, nakasabay ko si Theodore sa grocery. Alam kong hindi siya yung tipong pupunta sa grocery mag-isa para mamili ng mga kailangan nila sa bahay dahil tamad siya at abala sa practice kaya nagtaka
last updateLast Updated : 2021-06-07
Read more

Chapter 7.2 - Comrade

Third Person's Point of ViewMakikita ang mga estudyanteng nagtitipon sa labas ng unibersidad. Isa na roon ang grupo na kinabibilangan ni Mystica, kasama nito ang mga kaibigan niya at nasa harap nila ang isang lalaking tindig pa lang ay nakakasindak na. Para bang pag-aari niya ang mundo, at walang pwedeng humamak dito. Nakatingin lang ito kay Mystica habang ang sulok ng labi niya ay unti-unting tumaas. Ang mga mata nito ay parang nanghihigop, nakakalasing at nakakapang-lambot. Wala siyang balak isailalim si Mystica sa mahika niya, gusto niya lamang tingnan ang mga mata nito. Hindi niya alam kung anong dahilan, hindi niya nalang mapigilan. Biglang naputol ang tinginan nila nang may isang lalaking humarang. 'Yun naman talaga ang sadya niya kaya siya dumalo sa paanyaya ng Dean sa escuelahan. Gusto niyang makita at makausap ang binatang si Maeve para maisakatuparan ang binabalak niya. Gusto niya itong takutin, inisin at galitin. Ngunit
last updateLast Updated : 2021-06-11
Read more

Chapter 8.1 - In Trouble

Third Person's Point of ViewBiglang tumahimik ang buong paligid nang mamatay ang ilaw, pati ang musikang nanggagaling sa speaker ay namatay din. Madilim man ngunit halata pa rin ang kaba sa mukha ni Mystica. Hindi tulad ng ibang mga estudyanteng naroon na nakangiti at mukhang excited pa sa mga susunod na mangyayari. "Ito na yata yung sinasabi nilang surprise ng seniors. Yearly daw may ganito," ani Vernon na katabi niya.Narinig man ang sinabi ng binata ngunit hindi pa rin siya mapakali. Kanina pa lang ay ramdam niya na may nagbabadyang panganib. Hindi niya alam kung ano o kung bakit, malakas lang talaga ang kutob niya sa mga ganitong bagay. Sa kabilang banda, ang dalawang binatang si Maeve at Theodore naman ay mas naging alerto. Nang matapos makausap ang dating kaibigang si Amion, dali-daling pumasok sa loob ng pasilyo si Maeve upang ipaalam kay Theodore ang mga nalaman. Alam niya noon palang na si Mystica ang pakay ng mga ito ng
last updateLast Updated : 2021-06-21
Read more

Chapter 8.2 - Damsel in Distress

I feel cold and dizzy. The gentleness of the night breeze that touches my skin is the reason why I gain my consciousness. The last thing that I remembered, I was with Amion at the school and someone suddenly throw something on Amion's head. And before I could finally help him, someone grabbed me and then everything went black. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nanumbalik sa aking ala-ala ang mga nangyari noong nagising ako sa bahay ni Amion. Ganito rin ang eksena, ang pagkakaiba nga lang ay alam kong wala ako sa kahit na kaninong bahay. Nang maimulat ng kaunti ang mata ay napagtanto kong tama nga ako, bumungad sa'kin ang madilim na paligid. Iginalaw ko ang kamay ko at napagtantong nakatali ako sa isang puno, nakaupo at may telang nakatakip sa bibig. Nang mapagtanto ang lahat ay agad akong nag-panic dahilan para makalikha ito ng ingay na nanggagaling sa mga tuyong dahon. Tama nga ang hinala ko, nasa gitna ako ng kagubatan. May naaninag ako
last updateLast Updated : 2021-06-22
Read more

Chapter 9.1 - Guts

"Pakiramdam ko talaga may mali, Vern," saad ko. Kanina ko pa binabanggit ang mga katagang 'yon sakaniya at kanina niya pa rin ako hindi pinapansin. Narito kami ngayon sa kwarto niya. Pagkatapos niya 'kong iligtas ay dito na kami nagtungo dahil natatakot siyang baka may ibang kasamahan si Sheriff Cruz at nag-aabang sa'kin. He's a vampire. Sheriff Cruz is a vampire. Tama ang hinala ko rito noon pa man, hindi ko lang talaga masabi kay Vernon dahil wala pa 'kong sapat na ebidensya.At kaya rin ako nahanap nila Vern ay dahil sa tracker na nilagay niya sa phone ko. Ibang klase rin talaga ang isang 'to. Noong una ay nainis pa 'ko dahil hindi niya man lang sinabi sa'kin pero kalaunan ay napagtanto kong tama lang ang ginawa niya. Nilagay niya 'yon noong pagkatapos ng fiesta, kung saan wala akong maalala na kahit na ano. Speaking of fiesta. Si Amion ang nadatnan ko noong magising ako. Ngayon, siya naman ang huling nakita ko
last updateLast Updated : 2021-07-01
Read more

Chapter 9.2 - Suspicious

Nang marinig ang sinabi ni Theo ay nagkatinginan kami ni Vernon bago nagmadaling bumaba para labasin sila.Mapanganib at delikado. Patuloy pa rin sa pagkulo ang likido, palakas ito ng palakas habang palapit kami ng palapit sa labas. Nang mabuksan ang pinto ay natanaw agad namin ang dalawa sa labas. Maayos ang itsura nito at wala ni isang galos gaya ng inaasahan ko. "Ano 'yan, Icay?" tanong ni Theodore nang mapansin ang kwintas na hawak ko. Patuloy pa rin ito sa pagkulo. Gaya ni Theo ay napatingin din si Maeve sa kwintas na suot ko. Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na 'ko ni Vernon. "Kwintas na bigay ni Lolo, nakulo daw yan tuwing may bampira sa paligid. Nakulo siya ngayon kaya baka nasundan kayo ng mga tauhan ni Sheriff, baka nandyan lang sila sa paligid, pumasok na muna tayo," nangangambang saad ni Vern bago tumalikod para maunang pumasok sa loob. Ngunit hindi maalis
last updateLast Updated : 2021-07-05
Read more

Chapter 10.1 - Bother

Usap-usapan ang biglaang pagkawala ni Sheriff Cruz, mula noong gabing 'yon ay hindi na siya nakita nino man. Hindi rin daw nagpaalam na liliban sa trabaho o magbabakasyon kaya pinaghahanap siya ngayon ng pulisya. Gayon din ang nangyari noong Acquaintance Party, dahil doon ay pansamantalang nasuspindi ang klase ng ilang araw at ngayon lang bumalik sa dati makalipas ang isang linggo. Advantage rin sa 'kin dahil nakapag-fulltime ako sa coffee shop, mas malaki ang sahod. "Nasaan si Maeve?" tanong ko nang makarating sa cafeteria.Nadatnan naming nakaupo doon sa pwesto namin si Theo, mag-isa lang ito at wala si Maeve.. na siyang pinagtataka ko. Paupo na 'ko nang biglang masamid si Vern sa sarili niyang laway kaya agad ko itong dinaluhan para tanungin kung ayos lang ba siya. "Ayos ka lang?" tanong ko rito. Hindi pa man nakakabawi si Vernon ay narinig ko na agad ang mapang-inis na tawa ni Theodore.
last updateLast Updated : 2021-07-10
Read more

Chapter 10.2 - What happened to Sheriff?

Third Person's Point of ViewSa isang pinaka matandang mansion sa Peculium kung saan naninirahan ngayon ang pinaka batang Montgomery, makikita mo sa labas ang dalagang si Mystica. Kaharap nito ang nakangising si Amion.Nagtataka si Mystica mula pa kanina dahil hindi man lang siya inayang pumasok nito. Hindi tulad noong nakaraan na inalok pa siyang kumain. Kung anong dahilan at bakit hindi siya nito pinapasok sa mansion, hindi niya mawari. Ngayon ay nasa labas lamang sila, nagtataka at nangangamba ang dalaga dahil sa biglaang pagkulo ng likido sa kwintas na hawak niya. Ngunit mas napalitan 'yon ng kahihiyan nang magtanong si Amion sa kung ano ang rason at nagtungo siya rito. "Assuming ka rin, 'no? Pumunta ako rito para malaman kung wala ka na ba, ngayong nakita kita na-disappoint ako, sayang," ani Mystica. Tila isinasalba ang kaniyang sarili, umiwas din ito ng tingin kay Amion kahit pa alam niyang babalik-balikan niya ang mga mata nito.&nb
last updateLast Updated : 2021-07-13
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status