Home / YA / TEEN / Memories of Erie / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Memories of Erie: Chapter 31 - Chapter 40

70 Chapters

Chapter 28 - Aerielle Syndrome

 "Kuya! Nice, akala ko 'di ka pupunta eh."May galak kong binati ang kapatid ko nang pagbuksan ko siya ng gate. Agad niya naman akong inakbayan at ginulo gulo ang buhok ko ng makapasok siya."Pwede ba na hindi? Miss ko na ang luto ni Mom kaya 'di ko palalampasin 'to.""Lets go inside kuya, ready na ang lunch."Masaya kaming pumasok ng bahay at bumungad sa amin ang napaka bangong amoy galing sa kitchen. A familiar smell and scenario."Mom!""Ang panganay ko, ano kumusta? Akala ko ba busy ka?" Nakangiting bati ni Mom kay Kuya. Bakas sa mukha niya ang saya nang makita niya ang panganay na anak."Walang busy sa'kin when it comes to family Mom. And I really missed your tinola that's why I need to come." He kissed her on cheek."Tinola ko lang ba talaga pinunta mo rito?" Tinaasan niya ng kilay si Kuya.Kumapit siya sa braso ni Mom at malambing niya itong sinuyo. "Of course not! Mas nami-miss ko ang pinaka magandan
Read more

Chapter 29 - Protect

Year 2019 mid August...     "Panget! Nandito na 'ko sa baba." Sent: 7:06am Binalik ko sa bulsa ang phone ko ng ma-send ko iyon, sana naman tapos na siya mag-asikaso. Huwag niya naman ako pag-antayin ngayon utang na loob. Ayokong ma-late ngayon dahil start ng prelims ngayong araw. Gusto ko matapos agad ang exams para makauwi ako agad. Marami pa akong aasikasuhin sa ibang subjects. May power point presentation pa ako sa major subject ko, reporting kasi ang prelim namin do'n this quarter. Wala naman sana problema kaso marami pa akong ire-recall sa reviewers ko. Sumulyap ako sa relo ko dahil tatlong minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumubukas ang pinto sa tapat ko. Muli kong dinukot ang phone ko at tinawagan ko ang hinihintay ko kanina pa. "Nag co-concert na naman siguro 'to." Puro ring lang ang kabilang linya ng tinatawagan ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumasok na a
Read more

Chapter 30 - Suffocate

    "Hindi mo kasama si Aerielle?" Walang gana kong tinapunan ng tingin ang taong kanina pa usisa ng usisa kung nasaan si Erie. "May nakita ka bang pandak sa tabi ko?" Asar kong pinasok sa locker ko ang libro at notebook na ginamit ko sa kakatapos lang na klase. Naaasar ako dahil hindi ko malaman kung saan lupalop ng Eastwest nagpunta ang kasama kong dugyot kanina. May break kaming 30 minutes kanina bago pumasok sa kakatapos lang na klase ngayon. Sumaglit kaming dalawa sa cafeteria para bumili ng coffee jelly niya at tubig para sa akin. Nang makabayad na ako ng binili namin, biglang nowhere to be found ang duwende. Nalingat lang ako saglit tapos bigla na lang siya naglaho sa tabi ko. Gusto ko sumigaw ng 'wow magic!' sa sobrang asar. Hinintay niya lang ako makabayad tapos sumibat na? Napakagaling talaga. Hindi ako nagkakamali na nag cutting na naman 'yon! "Luh? Kung sagutin mo 'ko parang may kas
Read more

Chapter 31 - Over Protective No More

    "Private Benj..." Napamulat ako ng tawagin ako ni Erie. Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at maigi akong tinignan. "Hm?" Gusto ko pa sana pumikit para damhin ang hangin na dumadampi sa balat ko. Pakiramdam ko nga ay makakatulog na ako dahil nahihele ako sa paghampas ng hangin. "Sana ganito pa rin tayo, kahit lumipas na ang panahon." Ngunot ang noo kong tumitig sa mukha niyang malungkot. "What do you mean by 'ganito'?" Ano na naman kaya ang iniisip niya? Masaya naman kami kanina habang nagkukwentuhan, kaya bakit biglaan ang paglungkot niya? Tapos na ang 2nd semester ngayong taon sa pagiging 1st year college namin. Next school year ay 2nd year college na kaming dalawa and still... we're still close. Narito kami ngayon sa favorite tamabayan namin. Ang lugar kung saan nailalabas namin ang totoong pagkatao namin. A place where I can f
Read more

Chapter 32 - Hate Me More

    "Benji! Huy teka lang! Saglit huy! Hahaha!" Malalaki ang hakbang na ginagawa ko, ayoko siyang kausapin at pansinin ngayon. Hindi pa bumababa ang inis ko at baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya. Walang mapaglagyan ang gigil ko ngayon! Paano ba manakal ng hindi nakakasakit? Gusto ko kasi talaga saktan si Erie sa pang gu-good time niya sa 'kin. It's not funny at all! "Hoy teka lang naman, maliit lang ang biyas ko hindi kita mahabol. Benji!" Tili niya habang tatawa-tawa pa rin. Lalo akong na badtrip dahil naglalaro sa pandinig ko ang tawa niya. Napakasaya niya talaga sa tuwing napupuno ako sa kalokohan niya! Alam niya na ayoko sa lahat ang pinag ti-tripan ako, tapos sa lahat pa talaga ng tao na sisira sa araw ko ay siya pa? Hindi nakakatuwa! She knows I hate attention so much kaya anong masamang hangin na naman ang pumasok sa ulo niya at nagawa niya akong traydurin? Yes, I call it betrayal!
Read more

Chapter 33 - A Kiss Deferred

    Sinulyapan ko ang oras sa wall clock dito sa gym. Damn, ilang oras pa bago matapos 'to. It feels like the time is infinite. Napakabagal din gumalaw ng oras. "Ayusin mo naman ang paglalakad mo! Hindi ka ba nagmeryanda ha? Walang kalatuy-latoy rampa mo, ineng! Again!" Umirap at walang gana na naglakad pabalik sa backstage ang babae na sinesermonan ng bading na nagtuturo sa 'min rumampa. Yes... Nandito ako ngayon sa gym at nag pa-participate sa rehearsal ng runway. Great. "Next! You, show me your walk." Tinuro ako ni Miss M—our ramp model mentor. Macario talaga ang real name niya pero iyon ang gusto niyang itawag namin sa kaniya. Nagbubuga siya ng lava kapag Kuya Macario ang natatawag sa kaniya ng mga kasama ko rito na participants. Nanginginig ng bahagya ang tuhod ko pero ginawa ko pa rin ang utos sa 'kin. Marami-rami ang mga tao rito sa gym kaya kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang maiisip nila sa 'kin once na ru
Read more

Chapter 34 - A Kiss Deferred 2.0

  Napakalamig ng pawis sa kamay ko. Namamanhid din ang buong katawan ko dulot ng kaba. What if madapa ako mamaya? Madulas ako? Tapos mapaplakda ang mukha ko sa runway? God... I can't do this! "Okay, models listen up!" Naglakad si Miss M sa gitna, narito kami ngayon sa room kung saan tinipon lahat ng participant models tulad ko. Habang hindi pa nagsisimula ang event ay rito muna kami nag-stay para mag-relax, dito rin kami inaayusan—from hairstyle to make up. "In 15 minutes mag-start na tayo. Ready yourselves and please... Please, please don't forget what I always told you. Be yourself, always chin up and have some confidence. Just walk like you own the runway, alright? I know you can do it. Good luck everyone." Lalong kumabog ang d****b ko nang talikuran kami ni Miss M. Lahat ng mga kasama ko rito ay chill lang, ako lang yata ang bukod tanging nangangatog na sa kaba. I really hate this! Gusto ko na lang umuwi at magkulong sa kuwart
Read more

Chapter 35 - Slowly Failing Her

    Ngiwi ang labi kong naglalakad sa kahabaan ng school ground. Nakakahiyang magpakalakad-lakad dito, hindi naman bago 'to sa'kin pero, fuck... "Siya 'yon 'di ba?" "Oo dai! Gwapo 'no?" "Kuya'ng model! I can do the cooking and cleaning! I can be your jowa na rin!" "Kuya! N'ong nakita kita na lowbat ako, na-lowbat first sight! Ack!" "Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Umabot na sa bunbunan ko ang iritasyon nang madinig ko ang tawanan ng ilang babae na nalagpasan ko. "Liam, I love you sagad ugh!" "Aaaaaaaah! Baby ko 'yan!" Lalong umingay ang pangalan ko sa buong campus no'ng manalo ako sa pinaka susumpa kong event na nangyari sa history ng Eastwest. Kaya heto ako ngayon at nagdurusa sa bawat atensyon na nakukuha ko mula sa mga schoolmates ko. Sa lumipas na ilang linggo ay tinitiis ko ang pag ka-cat call ng mga babaeng uhaw sa pansin. Kakasimula lang ng second semester
Read more

Chapter 36 - Freedom

    It is 8:45 in the morning, I'm still sitting on my bed. Stupefied. 9:30 am ang pasok ko sa first subject pero heto ako... hindi pa rin nag-aasikaso at parang wala balak pumasok. Hindi ako pinatulog ng senaryo na nangyari kahapon. Paulit-ulit na ume-echo sa isipan ko ang huling salita na binitawan ni Erie. She was tired, on what reason? Bakit hindi niya magawang ilabas sa 'kin kung mayroon man siya dinadalang dilema? Handa akong makinig, damayan siya. Walang pagkakataon na hindi ko nagawang ialok sa kaniya ang balikat ko upang gawin niyang sandalan kung nabibigatan na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay lumalayo na siya sa 'kin ng tuluyan. Lalo akong inaatake ng pagkabalisa, mas lumalalim ang mga gabi na hindi ako nakakatulog ng dahil sa isang dahilan; bakit ako nilalayuan ni Erie? Bakit iba na ang pinapakita niyang pag-uugali? Hindi na siya ang kaibigan ko na masayahin, laging nakabungisngis, palaging
Read more

Chapter 37 - Surprise Pain

    "Come on, pick it up." Alas otso na ng gabi pero heto pa rin ako, nagkukuyakoy at hindi mapakali. Hindi kasi sinasagot ni Erie ang tawag ko. Kanina pa ako nandito nakaupo sa labas ng bahay nila. Kanina pa rin ako nag-do-doorbell pero wala man lang lumalabas para papasukin ako sa loob. Hindi ko magawang pumasok dahil naka-lock ang gate nila. Mali naman kung aakyatin ko ang bakod nila at baka mapagkamalan pa akong akyat bahay. Sigurado akong nasa loob lang si Erie dahil bukas ang ilaw sa kwarto niya. Alam ko rin na kanina niya pa naririnig na may nambubulabog sa labas ng bahay nila pero hindi niya man lang ako nagawang babain dito. I know. She's still annoyed on what happened earlier. Kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko na nagtatampo siya dahil hindi ko nagawang sabihin sa kaniya ang tungkol sa Wendy na 'yon. Totoo naman na hindi ko kaibigan ang babaeng 'yon. She's just a random girl na nagpatulong sa 'kin maghanap ng dep
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status