Home / YA / TEEN / Memories of Erie / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Memories of Erie: Chapter 51 - Chapter 60

70 Chapters

Chapter 48 - Sweet Burden

  Pasado alas-tres ng hapon nang pumanhik si Erie sa kuwarto niya at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumababa. Sakto alas-siete na ng gabi pero parang wala siyang balak bumaba para maghapunan.Hindi ko alam ang dahilan kung bakit iniwan niya ako sa living room habang nakatanga. Nakakahiya sa part ko ang nangyaring naibulalas ko ng malakas ang lyrics ng kanta na para bang nag-confess ako ng feelings ko sa kaniya.Wala naman sana problema 'yon, gusto ko na nga umamin pero hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko ay may kinalaman sa nadulas kong pag-amin kaya siya nanakbo paakyat sa kuwarto niya.Napabuga ako ng hangin at hinayaan ko muna maiwan sa ere ang mga iniisip ko tungkol sa nangyari kanina. Tinuon ko sa pagluluto ng dinner namin na dalawa ang pansin ko. Kamuntikan na kasi masunog ang sauce na nakasalang sa stove kakaisip ko.Nagprepara ako ng carbonara at sinamahan ko 'yon ng garlic bread. Hindi ko sigurado kung ano ang tr
Read more

Chapter 49 - Don't You Dare to Cry

    Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa hindi ko maiwan ang pagbantay kay Erie. Wala sa wisyong napapikit na ako, at ngayon ay nararamdaman ko na parang may humihimas ng aking pilik mata pababa sa ilong ko. Mahina akong napaigik dahil nakikiliti ako, dagdag pa na nasisilaw ako sa liwanag. Dahan kong idinilat ang mata ko at gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko dahil sa natunghayan ko. Nakahiga si Erie at nakaharap sa 'kin, nakakapagtakha dahil mariin siyang nakapikit at napakahigpit ng hawak niya sa kumot. Gising na ba siya? Akma ko siyang kakalabitin pero naiwan sa ere ang kamay ko dahil dahan niyang idinilat ang kanang mata niya. Mahina akong natawa nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya. Mas umalingawngaw ang tawa ko dahil bigla siyang nagtalukbong na parang bata. "Kanina ka pa ba gising?" Nakangiti kong tanong. Hindi ko narinig ang boses niya bagkus ay dahan niya akon
Read more

Chapter 50 - Hide

    "Ayoko na! Pagod.. na pagod... na 'ko!" Marahan akong natawa habang pinapanood si Erie na hirap na hirap magbitbit sa buhat niyang tatlong kahon ng tetra pack juice. Pabagsak niya itong nilapag sa likod ng pick-up van, "ayoko.. na.. talaga..." hingal niyang sabi at nagpunas ng pawis sa noo. "Baby girl, stop being exaggerated," tamad na saad ni Kayle. May mga bitbit din siyang kahon ng juice. "Wala pa tayo half hour na naghahakot ng mga dadalhin sa feeding program kaya tigilan mo 'yang emote mo, eksaherada ka." "I told you, hindi ka muna dapat kumikilos. Better hindi ka na sumama today, may ibang araw pa naman para gawin ang punishment mo." Nilapag ko rin ang bitbit kong malaking kaldero. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at tinulungan ko siyang magpunas ng pawis. "Hay naku! Kaya nag-iinarte 'yan dahil bine-baby mo, Benji," sabat ni Ka
Read more

Chapter 51 - Tell It with a Touch of Science Thing

    Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong pinigilan si Erie. "Seryoso kang dito tayo magtatago?" Nakarating kami sa isang eskinita at may path walk doon na ang liit ng espasyong daraanan. Napakadilim din rito, paniguradong walang maglalakas loob na dumaan dito puwera na lang siguro sa magnanakaw na tumatakas sa mga mata ng pulis. "Oo!" Hagikgik ni Erie. Muli niya rin akong hinila pero hindi ako nagpatianod. "Bumalik na tayo sa court. Mayroon naman sigurong mapagtataguan na matino ro'n... Kumpara rito." "Mahuhuli tayo kaagad ni Kayle kapag bumalik pa tayo. Keri na 'to, halika na!" Hindi ko nagawang makapiglas dahil hinigpitan niya ng husto ang hawak sa kamay ko. Nilusong namin ang madilim na pasilyo ng walang gamit na kahit anong ilaw. Tumigil kami sa paglalakad dahil pansin namin na dead end na, kung gano'n hindi pala ito short cut? "Okay na rito. For sure hindi tayo makikita ni Kayle rito. Maarte ang merlat
Read more

Chapter 52 - Chance

Mabilis pa sa internet ng Pilipinas kaming naghiwalay ni Erie nang may marinig kaming boses babae at hindi ito matigil kakatili."Curse this nasty place!"Agad ko itong tinutukan ng flashlight, kita ko ang pag-igtad ng babae noong saktong natutok sa mukha niya ang ilaw mula sa flashlight ng phone ko."Liam?" Sinalag ng kamay niya ang liwanag at pinakatitigan ako. "Is that you, Liam?" Pintado sa mukha niya ang pandidiri at pinaghalong pagkagulat."Why are you here?" I asked instead of confirming her question, dala rin ito ng kaba ko."Oo nga, bakit ka nandito?" It's Erie, she's frowning. Bakas din sa mukha niyang pawisan ang pagkataranta. Ramdam ko rin ang pagtakbo ng mga daga sa dibdib ko. Naulit na naman ang hindi matuloy-tuloy na pag-kiss namin ni Erie.Bakit ayaw pahintulutan ng pagkakataon ang bagay na 'yon? Ngayon ko lang naman hiniling na maglapat ang labi namin, hindi pa ako pagbigyan ng universe. Napakadamot!Bumaling sa kaniy
Read more

Chapter 53 - Ruined Moment

Hindi ko binigyan ng buong pansin ang mga salita ni Wendy. Ayoko pilitin ang sarili kong makipagmabutihan, lalo na kung hindi maganda ang bungad sa 'kin ng first impression at naramdaman ko sa isang tao the first time I encounter them. At ganoon ang nangyari noong unang beses kong makita ang dating kaibigan nila Erie. She's sending me a negative energy at ayoko mahawaan ng ganoong bagay. Tatlong beses pa naulit ang paglalaro namin ng Bang-sak kasama ang mga bata, ngunit hindi na ganoon naglalapit si Erie at Wendy sa lumipas na oras. Miski sa 'kin ay dama ko ang pag-iwas ni Wendy. It's alright with me, gumaan pa nga ang pakiramdam ko. Hindi ko man gustuhin na maging masamang tao rito pero mas mabuti na ring umiwas siya sa 'kin. Hindi ko na problema kung napaka-reserved kong tao sa pananaw niya dahil sa umpisa pa lang ay hindi ko naman siya pinahintulutan na maging malapit sa 'kin. It's just like she's pushing herself to enter my world without knowing f
Read more

Chapter 54 - When a Man Gets Jealous

All of joy and excitement that lingering on my system suddenly fades just in one snap. Tanging pagmasid lang sa babaeng iniibig ko ang tangi kong nagawa. Lalo pang natuod ang mga paa ko dahil sa banayad na ngiting naglalaro sa kaniyang labi habang tutok na tutok ang kaniyang atensyon sa lalaking kausap niya. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit biglang gumapang ang iritasyon sa sistema ko. Gusto ko man igalaw ang mga paa ko patungo sa kaniyang direksyon ay naunahan na ako ng pagkawalang gana. Sino itong lalaki na kausap niya? At bakit gano'n niya na lang ito ngitian? Para bang tuwang-tuwa siya at nakita niya ngayong dis-oras ng gabi ang lalaking ito. Umigting ng husto ang iritasyon sa sistema ko at nilakbay na nito ultimo kasuluk-sulukan ng laman loob ko dahil tinapik nitong lalaki ang balikat ni Erie. Hindi lamang tapik iyon, kita ko kung paano nito marahang inihaplos ang lapastangan niyang mga daliri sa bahaging iyon ng katawan ng mahal ko. Ano'ng ka
Read more

Chapter 55 - What's Inside Your Heart?

Hinihintay ko ang magiging response ni Erie ngunit lumipas ang ilang segundo ay tahimik pa rin ang nagingibabaw sa pagitan namin. Napako lang din sa 'kin ang mata niyang puno ng gulat at pinaghalong pagtataka. Nakaramdam ako ng nostalgic feeling. Ang scene na ito ay parang tulad ng dati sa tuwing may mababanggit akong maganda tungkol sa kaniya pero ang ending ay tatawanan niya ang papuri ko, na siya naman ang pumilit na sabihin ko iyon. Nagsisimulang gumapang ang pagkabalisa ko, hindi ko mahulaan kung ano ang naglalaro sa isipan niya ngayon. Siguro ay iniisip niyang nambobola lang ako. Baka inaakala niyang nagbibiro lang ako tulad ng lagi niyang sinasabi na, char! sa tuwing binibilog niya ang ulo ko noon. Parang nagsisisi tuloy ako na sinabi ko pa ang totoong tumatakbo sa isip at puso ko. Deserve niya malaman kung bakit abnormal ang attitude na nakikita niya sa 'kin ngayon, pero sangkatutak na
Read more

Chapter 56 - Key Word

"Maupo ka na. Ako na ang magtatapos niyan."Pilit kong pinapaupo si Erie sa gutter para magpahinga. Pansin ko kasi ang pagtagaktak ng kaniyang pawis at hinihingal din siya ng kaunti.Ngayon ang second day ng punishment sa violations namin. Community cleanup sa paligid ng Eastwest ang parusa namin. As usual ay pinasama kami ulit sa mga irregular students na may NSTP subject.Hinati kami sa tatlong grupo: ang una ay mga magpapalit ng pintura ng bench sa school ground, pangalawa ay magtatanim ng panibagong halaman at bulaklak sa mini garden ng campus. Sa amin napunta ang pagwawalis ng mga kalat sa buong campus at sa kalapit kalsada ng Eastwest.7 AM ay nagsimula na kami magwalis ng mga kalat sa loob ng campus at ngayon ay nasa labas na kami. Alas-otso pa lang pero nakakapanghina na ang init na inilalabas ng araw. Kaya nagmamantika na ang binibini ko, dala rin ng pagod kakawalis."Kaya ko 'to. Ituloy mo na 'yang pagwawalis mo," she said while sweeping
Read more

Chapter 57 - Assuming

  "You guys can landi naman kasi in private, right? Hindi 'yong ipapamukha niyo pa sa 'kin na miserable ang love life ko!"Hindi mapigilan ang hagikgikan namin ni Erie dahil hindi matigil sa kakaikot ng 360 degrees ang mata ni Kayle. Iritang-irita na ang mata niyang kanina pa nakikita ang sweet moments namin ng binibini ko."Ang hilig mo kasi mang-busted, sino inggit ngayon?"Pinandilatan ako ng mata ni Kayle sabay bato sa 'kin ng fries na sana ay kakainin niya. "How dare you?! I'm not envious of your pabebe love affair, duh?"Tapos na ang paglilinis namin sa buong campus, kumakain na kami ng lunch sa bagong bukas na café hindi kalayuan sa Eastwest. Café de l'âme colorée (Colorful Soul Café) ang pangalan nito, coffee drinks ang main product nila pero mayroon din silang menu for lunch. Dagsaan lagi ang pagdating ng mga tao rito
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status