Pareho kaming nakasalampak sa sahig habang gumagawa ng thesis. Hindi kami nagpapansinan dahil pareho kaming tutok sa kaniya-kaniyang laptop. "Pagod na 'ko," nakangusong buntong ni Erie. Mahina akong natawa, "wala pa nga tayong thirty minutes na nag-uumpisa, pagod ka na agad?" "Tsk..." Tamad niyang pinasadahan ng tingin ang ilang papers na kailangan i-revise. Inaya ko siyang tapusin ang ilang bahagi sa research na kailangan namin i-edit, para may magawa kami at hindi lang puro titigan sa isa't isa ang ma-co-consume sa aming oras. Dinig ko pa ang ilang beses na pagbuntong ni Erie, pinaparinig niya talaga sa 'kin na ayaw niya akong tulungan. "Sige na, Erie. Tapusin na natin 'to para wala na tayo poproblemahin sa ibang araw," saad ko habang nagtitipa ako sa laptop. "Tss, sana hindi lang tayo ang tumatapos nito, 'di ba?" Natawa ako, "sus akala mo talaga ang dami na niyang naitulong." "Ba
Read more