I don't like Wendy's gut, but the last word I heard from her hits me hard. Wala nga akong magawa para pigilan si Erie na huwag makipagkita kay Martin, na huwag niya itong pansinin. Pero sino ba ako para pigilan ko siya? Wala akong karapatan na pakialaman at pigilan siya sa gusto niyang papasukin na tao sa buhay niya.
Totoong masakit isipin na wala akong kakayahan na hawakan ang mga kamay niya at sabihing sa 'kin na lang siya. Wala akong karapatan na humadlang sa pakikitungo niya sa iba at hahayaan ko na lang siya na lumakad palayo.
Kahit pa sabihin na malaki ang parte ko sa buhay ng babaeng mahal ko ay wala pa rin ako sa posisyon para harangan ko ang mga taong lalapit sa kaniya. Isang malaking sampal sa akin na kaibigan lang ang role ko sa buhay niya kaya kailangan ko lumugar.
Wala nga naman problema kung makikipagkaibigan siya, gano'n si Erie. Friendly. Wala akong problema sa bagay na 'yon, pero ang hindi ko makayanan ay ang i-a
"Ito na taho mo, boi."Sino ba ang matinong lalaki na gagawa ng inappropriate move sa isang babae? Lalo na kung hindi mo naman 'to kaibigan? Worst, hindi mo naman ito girlfriend o partner. Hindi ko maiwasang mapailing sa tuwing pumapasok sa isip ko ang binulong sa 'kin ni Nico kahapon."Impregnate her. Sure win ka ro'n, Liam."Is he insane? Hindi ko pa nga nasasabi kay Aerielle ang phrase na "I love you. I want you to be my girl". Tapos iyon agad ang suhestyon niya?Impregnate her? Seriously? I love that idea but...Wala sa sariling naitinakip ko sa aking alaga sa ibaba ang dalawang kamay ko, bigla kasi itong gumalaw sa hindi ko alam na dahilan. Shit! Ano bang kademonyohan ang itinanim ni Nico sa utak ko?Okay, ang ipokrito ko kung sasabihin kong hindi ko nagawang magpantasya na nag-me-make love kami ni Erie. Oo na, I did it many times. But to think that I would seed my sperm to her womb without the bless
"Guys, listen for a while— come in, Liam!" Inakbayan ako ni Sir Patrick, head ng research survey division, para igaya ako sa loob ng office niya. First day ko ngayon bilang intern kaya haharap na naman ako sa makapigil hiningang introduce yourself. "Hindi na kita formal na ipakikilala dahil magkakakilala naman na tayong lahat dito," ngiti sa 'kin ni Sir Patrick sabay baling sa mga kapwa ko intern, "oh hindi porket magkakakilala na kayong lahat dito ay puro na lang kalokohan gagawin niyo buong duty niyo! Isusumbong ko talaga kayo kay Dean Rosales kapag wala kayong nagawang matino rito." Tinawanan lang siya ng mga makakasama ko sa duty, promotor din kasi ng ingay itong si Sir Patrick kaya hindi siya siniseryoso ng mga kasama ko. Tanging tango at ngiti lang ang pagbati na ginawa ko nang ipakilala na ako sa lahat ng intern dito sa office. Lima kaming nadestino sa survey division pero hindi talaga ito ang position na in-apply-an ko. P
Nagpatuloy ang agenda kong panliligaw kay Erie. Hindi naman masama ang naging result ng pormahan ko. So far, wala pa ako nakikitang sign of rejection, lahat ng mga nagagawa kong pagpapahiwatig ay succesful. I guess? Oo, nakukuha ko ang gusto kong mapangiti si Erie sa bawat pakulo na ginagawa ko. But to know the truth behind her glorious smile every time I wooing her? I don't know. Pero sana, sana! Sana may talab at nagagawa kong pikutin ang puso niya. Pinanindigan ko ang salita kong tatratuhin ko siya bilang reyna ng buhay ko pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay iniiwasan ni Erie na gawin ko 'yon. Or better word, ayaw niya sa naging pangako ko? Ngayong umaga ay sinundo ko siya para sabay kami pumasok sa Eastwest, hindi naman ito bago dahil lagi naman kami naghihintayan noon tapos ay sabay kami magtutungo sa school. Pero sa araw na 'to, dama ko na may iba ngayon sa kilos ni Erie. Nagbago nga ang sitwasyon
"No, Papa!" Lahat kami ay napaigtad dahil sa biglaang pagtayo ni Erie, hindi lang 'yon, kailan ba magiging kalmado ang timbre ng boses niya kapag sumisigaw siya? Basag na basag na ang ear drums ko dahil sa boses niyang tunog whistle bomb. Natigilan din siya nang mapagtanto niyang lahat kami ay natulala sa dramatic interference niya. Bumalik siya sa pagkakaupo ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pagtutol sa hinihinging pabor sa 'kin ni Tito. Bakit ang laking problema para sa kaniya ng pinapasuyo ng papa niya sa 'kin? Ayaw niya ba ako makasama sa buong weekend? "Why are you still here? I said puwede na kayo lumabas." Ani Tito kay Erie. "Papa..." Kagat-labi siyang umiling, para bang may gusto siyang sabihin kay Tito ngunit ayaw niya may makarinig. Ito na naman ang pag-akto niya ng kakaiba. Hindi niya ba alam na nababalisa ako sa tuwing ganiyan ang kinikilos niya? Hindi pinansin ni Tito ang hasik ni Erie at bumali
Pareho kaming nakasalampak sa sahig habang gumagawa ng thesis. Hindi kami nagpapansinan dahil pareho kaming tutok sa kaniya-kaniyang laptop. "Pagod na 'ko," nakangusong buntong ni Erie. Mahina akong natawa, "wala pa nga tayong thirty minutes na nag-uumpisa, pagod ka na agad?" "Tsk..." Tamad niyang pinasadahan ng tingin ang ilang papers na kailangan i-revise. Inaya ko siyang tapusin ang ilang bahagi sa research na kailangan namin i-edit, para may magawa kami at hindi lang puro titigan sa isa't isa ang ma-co-consume sa aming oras. Dinig ko pa ang ilang beses na pagbuntong ni Erie, pinaparinig niya talaga sa 'kin na ayaw niya akong tulungan. "Sige na, Erie. Tapusin na natin 'to para wala na tayo poproblemahin sa ibang araw," saad ko habang nagtitipa ako sa laptop. "Tss, sana hindi lang tayo ang tumatapos nito, 'di ba?" Natawa ako, "sus akala mo talaga ang dami na niyang naitulong." "Ba
Pasado alas-tres ng hapon nang pumanhik si Erie sa kuwarto niya at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumababa. Sakto alas-siete na ng gabi pero parang wala siyang balak bumaba para maghapunan.Hindi ko alam ang dahilan kung bakit iniwan niya ako sa living room habang nakatanga. Nakakahiya sa part ko ang nangyaring naibulalas ko ng malakas ang lyrics ng kanta na para bang nag-confess ako ng feelings ko sa kaniya.Wala naman sana problema 'yon, gusto ko na nga umamin pero hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko ay may kinalaman sa nadulas kong pag-amin kaya siya nanakbo paakyat sa kuwarto niya.Napabuga ako ng hangin at hinayaan ko muna maiwan sa ere ang mga iniisip ko tungkol sa nangyari kanina. Tinuon ko sa pagluluto ng dinner namin na dalawa ang pansin ko. Kamuntikan na kasi masunog ang sauce na nakasalang sa stove kakaisip ko.Nagprepara ako ng carbonara at sinamahan ko 'yon ng garlic bread. Hindi ko sigurado kung ano ang tr
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa hindi ko maiwan ang pagbantay kay Erie. Wala sa wisyong napapikit na ako, at ngayon ay nararamdaman ko na parang may humihimas ng aking pilik mata pababa sa ilong ko. Mahina akong napaigik dahil nakikiliti ako, dagdag pa na nasisilaw ako sa liwanag. Dahan kong idinilat ang mata ko at gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko dahil sa natunghayan ko. Nakahiga si Erie at nakaharap sa 'kin, nakakapagtakha dahil mariin siyang nakapikit at napakahigpit ng hawak niya sa kumot. Gising na ba siya? Akma ko siyang kakalabitin pero naiwan sa ere ang kamay ko dahil dahan niyang idinilat ang kanang mata niya. Mahina akong natawa nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya. Mas umalingawngaw ang tawa ko dahil bigla siyang nagtalukbong na parang bata. "Kanina ka pa ba gising?" Nakangiti kong tanong. Hindi ko narinig ang boses niya bagkus ay dahan niya akon
"Ayoko na! Pagod.. na pagod... na 'ko!" Marahan akong natawa habang pinapanood si Erie na hirap na hirap magbitbit sa buhat niyang tatlong kahon ng tetra pack juice. Pabagsak niya itong nilapag sa likod ng pick-up van, "ayoko.. na.. talaga..." hingal niyang sabi at nagpunas ng pawis sa noo. "Baby girl, stop being exaggerated," tamad na saad ni Kayle. May mga bitbit din siyang kahon ng juice. "Wala pa tayo half hour na naghahakot ng mga dadalhin sa feeding program kaya tigilan mo 'yang emote mo, eksaherada ka." "I told you, hindi ka muna dapat kumikilos. Better hindi ka na sumama today, may ibang araw pa naman para gawin ang punishment mo." Nilapag ko rin ang bitbit kong malaking kaldero. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at tinulungan ko siyang magpunas ng pawis. "Hay naku! Kaya nag-iinarte 'yan dahil bine-baby mo, Benji," sabat ni Ka
LIAM BENJAMINHindi ko nagawang ipagpatuloy ang plano kong magpunta ng library. My free time is spent accompanying Erie. I tried to console her as best I could because... She broke down unexpectedly.Iyon ang unang pagkakataon na makita ko siyang tila fatigued ang buo niyang sistema. Dama ko ang matinding pagkalubog ng kaloob-looban niya.She just cried and cried until she couldn't anymore.. Tila ngayon lang niya nailabas ang ilang taong pagkikimkim sa sakit dahil sa pagkawala ng unang naging kaibigan niya.I can see why she chose not to come to our favorite spot now. Paborito niya nga ang lugar na ito, ngunit itong lugar na nagkaroon ng malakimg puwang sa kaniyang puso ay nagbibigay rin ng paulit-ulit na bangungot sa kaniya.I just can't imagine na nagagawa niyang magpunta sa lugar na ito noon sa kabila ng natunghayan niya rito.Hindi ko magawang akapin ang bawat kirot sa mga pangyayaring nalaman ko. Hindi ko rin lubos maisip na paano itong nagagawang lagpasan
Warning!The following scenes contain depression and suicide. Read at your own risk.***AERIELLEFlash back...Lumipas ang ilang araw simula nang marinig ko ng hindi sadya ang usapan nina Wendy at Melisa ay gano'n pa rin ang pakikitungo ko sa best friend ko.Ngumingiti ako sa kaniya na para bang wala akong alam sa sikreto niya. Tinatrato ko siyang hindi ibang tao kahit alam ko ang totoong tumatakbo sa isipan niya habang kasama niya ako.Ilang araw kong kinimkim ang mga bagay na nalaman ko. Wala akong mapagsabihan tungkol sa bagay na 'yon, kahit kay Kayle ay itinago ko ito. Hindi ko kasi alam kung ano ang maiisip niya sa sandaling malaman niya ang totoong may pagtingin sa 'kin si Melisa na higit pa sa kaibigan.Oo... Gusto ako ni Melisa in a different affection.Hindi ko 'yon pansin dahil hindi ko naman binigyang malisya ang mga simpleng yakap at hawak niya sa kamay ko kapag magkasama kami. Iyon pala ay
AERIELLEFlash back..."Hurry up, Aerielle! Mauubusan na tayo niyan sa sobrang bagal mo," Melisa nagged habang naiinip siyang nakatayo sa harapan ko, pero naroon pa rin sa labi niya ang napakahinhin niyang ngiti.Kahit yata inaalburoto siya ng galit ay hindi pa rin maiaalis ang ganiyang ngiti sa kaniya."Oo sandali lang!" Minadali ko na ang pagsuot ng rubber shoes ko. Katatapos lang kasi ng rehearsal namin sa dance group kaya sinusundo niya ako.Break time na rin kaya inaapura niya akong kumilos. Kasama kasi sa menu ng canteen ang Cheese Burger sa araw na ito kaya excited siyang pumila ro'n.Favorite namin ang food na 'yon kaya makikipagpatayan kami sa pila para lang makakain nito. At isa pa, one of a kind Cheese Burger ang ibinebenta sa canteen. Puwede na ipantapat sa Cheese Burger ng Mcdo.Actually, Melisa introduced this soulful food to me. Gawa na bawal ako kumain ng mga hindi masusustansyang pagkain ay wala akong id
Warning!The following scenes contain extreme bullying/harassment. Read at your own risk.***AERIELLEFlash back...I thought matatapos na ang pambu-bully kay Melisa kapag naipaalam ko na sa nakatataas ang panghahamak na ginawa sa kaniya ng classmate niya.Simula nang ipagtanggol ko siya sa manyak niyang kaklase ay mas dumami pa ang nam-bully sa kaniya. At dahil doon ay tila pinaglalapit kami ng destiny.Kahit hindi kami pareho ng year level ay palagi ko siyang nakikita after ng klase. Kung minsan ay sumasama ako sa kaniya mag-lunch break kapag nakikita ko siyang mag-isa sa classroom nila. Alam ko kasi ang pakiramdam ng walang kasama lagi. Iyong kakain ako ng breakfast na wala ang parents ko dahil paggising ko sa umaga ay umalis na sila para pumasok sa trabaho.Kahit saan magpunta si Melisa ay bumubuntot ako sa kaniya. Puwera na lang syempre kapag oras ng klase.Ayoko kasing may lalapit sa kaniya para
AERIELLEFlash back...I tried to swallow the lump in my throat as I tightened my grip on the strap of my bag pack. Hindi ko akalain na ganito pala nakakanerbyos ang introduce yourself."Aerielle, just tell them your name. It's up to you if you like to tell them all about yourself."Lumingon ako sa lalaking nasa kanang bahagi ko. He was smiling, it seems he was helping me to elevate my self-esteem.This man address himself as Sir Pao. Siya ang adviser ko ngayong first year highschool. At simula nang tumapak ang mga paa ko sa loob ng kuwartong ito ay wala siyang ibang ginawa kun'di alalayan ako.Which is I don't like.Ang buong akala ko, kapag nakawala na ako sa kuwadra ko sa hospital ay iba na ang itatrato sa 'kin ng mga taong makakasalamuha ko.But it was just part of my imagination.Hindi ko naman masisisi ang taong ito. Kung hindi nakiusap ang parents ko sa administration nitong school na bantayan every minute ang
I kind of feel nostalgic as I made my way to the place where the first time I found tranquility. Ilang taon na rin simula nang huli kong itinapak ang mga paa ko sa espesyal na lugar na 'to. Matatayog na ang mga damong nadaraanan ko, matatag pa rin ang mga punong huling kita ko ay nalagas na ang mga dahon. Halos lahat ng puno ay napapaikutan na ng baging at ligaw na halaman. Napakatahimik, puro huni lang ng ibon at pag-iingay ng mga dahon gawa ng paghampas ng hangin ang ume-echo sa kabuuan ng garden. Malaki na ang pinagbago ng Secret Haven, mas nagmukha na itong totoong haunted garden kaysa noon. Ngunit kahit gano'n ay nagagalak ang kalooban ko. Sa bawat linga ko sa paligid ay tila nakikita ko ang mga past scenario na pinagsaluhan namin ni Erie sa lugar na ito. Hindi mapigilan ang pagguhit ng nananabik na ngiti sa aking labi. Saglit akong huminto sa paglalakad at ipinikit ko ang aking mga mata. Parang coincidence na
Matapos ang eskandalo na naganap sa pagitan nina Wendy at Erie ay hindi ko na nasilayan ang kaniyang bulto sa campus. Hindi siya sumipot sa klase namin kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya tungkol sa nangyari kahapon.Buong maghapon ko siyang hinintay na magpakita sa classroom pero dumating na lang ang uwian ay wala talagang pag-asa na makita ko siya.I called her many times but her phone was out of coverage. Siguro ay naisipan niyang huwag muna magpaistorbo kahit kanino, kahit sa 'kin.I never tried to sulk just because she was ignoring me. Naiintindihan ko kung iyon man ang nais niya at nirerespeto ko 'yon.Sa tingin ko rin ay kailangan niya ng peace. Napakabigat ng bagay ng ibinintang sa kaniya ni Wendy na siya ang ay may kagagawan kung bakit pumanaw si Melisa, and to think na halos lahat ng estudyante sa Eastwest ay narinig 'yon? Kahit ako ay pipiliin ko na itago ang mukha ko sa lahat kung sa 'kin din mangyari 'yo
"Sorry, hindi ako makakasabay sa 'yo pagpasok. Morning shift kasi ako ngayon. Let's catch up after my duty."Na-i-sent ko muna ang message ko kay Erie bago ako nagpatuloy sa paglalakad palabas sa street namin.Hindi ko na siya nagawang puntahan sa kanila dahil baka mahuli pa ako sa pag-log in sa OJT ko.Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay nag-vibrate ang phone ko. Dinukot ko ito habang lumilinga ako sa daan para tumawid sa kabilang kalsada."Okay lang. Focus ka sa work mo, I can wait naman. Basta sa 'yo lang hehehe 😘"I suddenly felt my cheeks burned up. Para akong bata na nakaramdam ng biglaang pag-iihi. Hindi ko malaman kung saan ako babaling para humupa ang bagay na kumikiliti sa kalooban ko.Gusto ko man mag-reply sa mala-pulot pukyutang message ni Erie ay nagpigil ako, binalik ko na lang muli sa aking bulsa ang phone ko. Baka kasi bigla na lang lumiko ang mga paa ko pabalik sa daan sa street namin para puntahan siya at huwag na pumasok sa office.Hindi naman ako nabigo sa pag-t
"Morning shift ka tomorrow, Liam. See you in office!" Message iyon galing kay Sir Patrick. Hiningi ko kasi ang schedule ko sa OJT. Gusto ko kasi i-manage ang oras ko bukas dahil marami akong aasikasuhin na school works, gusto ko rin kasi isingit sa oras ko ang plano kong i-date si Erie. Yup, kailangan ko bumawi sa pagiging aburido at immature ko kaninang umaga. "Alright," bulong ko habang nag-reply ng thank you. Binaba ko na ang phone matapos kong basahin ang noticed ni Sir Patrick sa confirmation ko. Pasado alas-nuebe na ng gabi at wala pa akong balak matulog. May ilan pa akong activity na kailangan gawin para sa minor subjects ko. Nasa dining area ako at nakatutok ako sa laptop. Naghahanap ako ng puwedeng makuhang relatable article sa research na ginagawa ko. Nawala rin agad ang atensyon ko sa binabasa dahil nag-ingay ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot dahil pangalan ni Erie ang naka-display sa screen. "Good evenin