Home / YA / TEEN / Memories of Erie / Chapter 36 - Freedom

Share

Chapter 36 - Freedom

Author: AndyThoughts
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

It is 8:45 in the morning, I'm still sitting on my bed. Stupefied. 9:30 am ang pasok ko sa first subject pero heto ako... hindi pa rin nag-aasikaso at parang wala balak pumasok.

Hindi ako pinatulog ng senaryo na nangyari kahapon. Paulit-ulit na ume-echo sa isipan ko ang huling salita na binitawan ni Erie. She was tired, on what reason?

Bakit hindi niya magawang ilabas sa 'kin kung mayroon man siya dinadalang dilema? Handa akong makinig, damayan siya. Walang pagkakataon na hindi ko nagawang ialok sa kaniya ang balikat ko upang gawin niyang sandalan kung nabibigatan na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay lumalayo na siya sa 'kin ng tuluyan.

Lalo akong inaatake ng pagkabalisa, mas lumalalim ang mga gabi na hindi ako nakakatulog ng dahil sa isang dahilan; bakit ako nilalayuan ni Erie?

Bakit iba na ang pinapakita niyang pag-uugali? Hindi na siya ang kaibigan ko na masayahin, laging nakabungisngis, palaging

AndyThoughts

Hi guys! I used the song Beautiful by MONSTA X doon sa scene na ginigising ni Benjamin si Erie :D You can search it sa yt para malaman niyo kung ano kinakanta ni Erie hahaha. So, ayon lang :) happy reading and thank you sa pagpansin sa story ko, I really appreciate it. Love lots and God bless you all! *I give highly credits to the song I used.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Memories of Erie   Chapter 37 - Surprise Pain

    "Come on, pick it up." Alas otso na ng gabi pero heto pa rin ako, nagkukuyakoy at hindi mapakali. Hindi kasi sinasagot ni Erie ang tawag ko. Kanina pa ako nandito nakaupo sa labas ng bahay nila. Kanina pa rin ako nag-do-doorbell pero wala man lang lumalabas para papasukin ako sa loob. Hindi ko magawang pumasok dahil naka-lock ang gate nila. Mali naman kung aakyatin ko ang bakod nila at baka mapagkamalan pa akong akyat bahay. Sigurado akong nasa loob lang si Erie dahil bukas ang ilaw sa kwarto niya. Alam ko rin na kanina niya pa naririnig na may nambubulabog sa labas ng bahay nila pero hindi niya man lang ako nagawang babain dito. I know. She's still annoyed on what happened earlier. Kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko na nagtatampo siya dahil hindi ko nagawang sabihin sa kaniya ang tungkol sa Wendy na 'yon. Totoo naman na hindi ko kaibigan ang babaeng 'yon. She's just a random girl na nagpatulong sa 'kin maghanap ng dep

  • Memories of Erie   Chapter 38 - Tired of Waiting

    Lubog pa rin ang damdamin ko sa kirot at kalituhan. Sinusubukan ko paalalahanan ang sarili ko na hindi ako dapat makaramdam ng sakit dahil sa naging pag-amin ni Erie. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi mapigilan ng puso ko na maluha. Sakit pa rin ang dumadaloy sa sistema ko. At hindi ko makalimutan ang humahagulgol na mukha ni Erie. Tila sa bawat luha na lumandas sa kaniyang pisngi ay puno iyon ng lungkot at dalamhati. Hindi ako pinatulog ng senaryo na nangyari kagabi at hanggang ngayon ay nababagabag ako. Ramdam ko na may iba pa siyang nais sabihin bukod sa lihim niyang pagpunta sa club at pakikipagkita sa lalaking hindi ko kilala. Limang oras din ako nanatili sa labas ng kwarto ni Erie, nagbabakasakali na labasin niya ako at muling kausapin ngunit bigo ako. Naabutan pa nga ako ni Tita Thea na nakatunganga sa tapat ng kwarto niya. Iniwasan ko na malaman ni Tita ang nangyari, ayoko na pati siya ay mabahala o a

  • Memories of Erie   Chapter 39 - Spill the Beans, Benjamin

    "What?!" Gulantang kong tanong sa babaeng nangingiti ng nakakaloko sa harap ko. Is she really out of her mind? Ngayon pa lang ay nangingilabot na ako sa maaring kahihiyan na matatanggap ko dahil sa suhestiyon ni Kayle. Isang malaking kabaliwan ang naisip niya! "Anong what? It is a great idea, duh?" Saad niya at lalo pa niyang ipinakita na na-e-excite siya. Para bang may nabubuo ng mga kalokohan na senaryo sa utak niya at napapalakpak pa siya. Lalo akong nabahala dahil hindi "great idea" 'yon. Parang sinabi niya na kailangan ko iaalay kay satanas ang kaluluwa ko. Hindi ko nagustuhan ang naisip niya. That's madness! "Wala ka na bang matino na option d'yan at iyon ang na-i-suggest mo?" Nahahapo ko na tanong. "Why? That's a good option, Benji." Kibit balikat niya at talagang wala lang sa kaniya kung nakikita niya akong nababalisa sa ideya niya. "Anong good do'n? Gusto mo ba talaga ako ulanin ng tukso at mawalan ako ng

  • Memories of Erie   Chapter 40 - Stealer

    "Good evening, Benji..."Kahit pagbuka ng bibig ay hindi ko magawang gawin at pagtitig lang ang tangi kong nasagot sa kaharap ko. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta siya rito ng gabi sa bahay pero bakit ganito na lang kung magdabog ang dibdib ko? I'm just... surprised. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito, at nagkusa siyang dumalaw.Kanina lang ay pinag-uusapan namin siya ni Mom, tapos ngayon ay nasa harap na siya ng bahay namin? Naradar niya ba na siya ang topic namin ni Mom?"Earth to Benji? Hello?" Nabalik ako sa realidad nang sumipol si Erie at pinitik ang mga daliri niya sa tapat ng mukha ko. "Para kang nakakita ng multo, ah." Pagtawa niya ngunit halata ang pagiging matamlay ng mukha niya.Saglit akong kumuha ng lakas ng loob para magsalita, nakakainis. Siya lang talaga ang bukod tangi na nagpapabaliw sa sistema ko. Matino pa naman ako kanina pero ngayong kaharap ko siya ay parang lumilipad na naman sa outer spa

  • Memories of Erie   Chapter 41 - His Sloth is Back

    Kasabay ng walang gana kong paglapag ng mug sa lamesa ang pagbuga ko ng hangin. Pang-sampung beses na akong nagsalin ng gatas para makatulog na ako, pero heto ako, pasado ala-siete na ng umaga pero mulat na mulat pa rin ang diwa ko at nakatunganga lang ako rito sa kitchen. "Fuck..." Bulong ko sa hangin kasabay ng muling pagbuntong na malalim. Paano ba ako makakapasok ngayon kung ganito akong lutang na parang nakabatak ng marijuana? Kung alam ko lang na ganito ang magiging epekto sa 'kin ng paghalik ko kay Erie, sana hindi ko na lang tinuloy. Kasalanan din naman niya kung bakit naudyok ako na halikan ang labi niya. Masyado niya akong inakit sa mga tingin niya na parang nagpapahiwatig. At saka, kasalanan ko ba kung masyado siyang maganda sa paningin ko? Kasalanan ko rin ba kung masyado siyang nagpa-miss at nasabik akong makasama siya? Sinisisi ko pa talaga si Erie na mahimbing na natutulog kagabi, ma-i-justify ko la

  • Memories of Erie   Chapter 42 - Oplan Ligaw

    I don't like Wendy's gut, but the last word I heard from her hits me hard. Wala nga akong magawa para pigilan si Erie na huwag makipagkita kay Martin, na huwag niya itong pansinin. Pero sino ba ako para pigilan ko siya? Wala akong karapatan na pakialaman at pigilan siya sa gusto niyang papasukin na tao sa buhay niya. Totoong masakit isipin na wala akong kakayahan na hawakan ang mga kamay niya at sabihing sa 'kin na lang siya. Wala akong karapatan na humadlang sa pakikitungo niya sa iba at hahayaan ko na lang siya na lumakad palayo. Kahit pa sabihin na malaki ang parte ko sa buhay ng babaeng mahal ko ay wala pa rin ako sa posisyon para harangan ko ang mga taong lalapit sa kaniya. Isang malaking sampal sa akin na kaibigan lang ang role ko sa buhay niya kaya kailangan ko lumugar. Wala nga naman problema kung makikipagkaibigan siya, gano'n si Erie. Friendly. Wala akong problema sa bagay na 'yon, pero ang hindi ko makayanan ay ang i-a

  • Memories of Erie   Chapter 43 - Old Friend

    "Ito na taho mo, boi."Sino ba ang matinong lalaki na gagawa ng inappropriate move sa isang babae? Lalo na kung hindi mo naman 'to kaibigan? Worst, hindi mo naman ito girlfriend o partner. Hindi ko maiwasang mapailing sa tuwing pumapasok sa isip ko ang binulong sa 'kin ni Nico kahapon."Impregnate her. Sure win ka ro'n, Liam."Is he insane? Hindi ko pa nga nasasabi kay Aerielle ang phrase na "I love you. I want you to be my girl". Tapos iyon agad ang suhestyon niya?Impregnate her? Seriously? I love that idea but...Wala sa sariling naitinakip ko sa aking alaga sa ibaba ang dalawang kamay ko, bigla kasi itong gumalaw sa hindi ko alam na dahilan. Shit! Ano bang kademonyohan ang itinanim ni Nico sa utak ko?Okay, ang ipokrito ko kung sasabihin kong hindi ko nagawang magpantasya na nag-me-make love kami ni Erie. Oo na, I did it many times. But to think that I would seed my sperm to her womb without the bless

  • Memories of Erie   Chapter 44 - Unusual

    "Guys, listen for a while— come in, Liam!" Inakbayan ako ni Sir Patrick, head ng research survey division, para igaya ako sa loob ng office niya. First day ko ngayon bilang intern kaya haharap na naman ako sa makapigil hiningang introduce yourself. "Hindi na kita formal na ipakikilala dahil magkakakilala naman na tayong lahat dito," ngiti sa 'kin ni Sir Patrick sabay baling sa mga kapwa ko intern, "oh hindi porket magkakakilala na kayong lahat dito ay puro na lang kalokohan gagawin niyo buong duty niyo! Isusumbong ko talaga kayo kay Dean Rosales kapag wala kayong nagawang matino rito." Tinawanan lang siya ng mga makakasama ko sa duty, promotor din kasi ng ingay itong si Sir Patrick kaya hindi siya siniseryoso ng mga kasama ko. Tanging tango at ngiti lang ang pagbati na ginawa ko nang ipakilala na ako sa lahat ng intern dito sa office. Lima kaming nadestino sa survey division pero hindi talaga ito ang position na in-apply-an ko. P

Pinakabagong kabanata

  • Memories of Erie   Chapter 67 - Letting Go

    LIAM BENJAMINHindi ko nagawang ipagpatuloy ang plano kong magpunta ng library. My free time is spent accompanying Erie. I tried to console her as best I could because... She broke down unexpectedly.Iyon ang unang pagkakataon na makita ko siyang tila fatigued ang buo niyang sistema. Dama ko ang matinding pagkalubog ng kaloob-looban niya.She just cried and cried until she couldn't anymore.. Tila ngayon lang niya nailabas ang ilang taong pagkikimkim sa sakit dahil sa pagkawala ng unang naging kaibigan niya.I can see why she chose not to come to our favorite spot now. Paborito niya nga ang lugar na ito, ngunit itong lugar na nagkaroon ng malakimg puwang sa kaniyang puso ay nagbibigay rin ng paulit-ulit na bangungot sa kaniya.I just can't imagine na nagagawa niyang magpunta sa lugar na ito noon sa kabila ng natunghayan niya rito.Hindi ko magawang akapin ang bawat kirot sa mga pangyayaring nalaman ko. Hindi ko rin lubos maisip na paano itong nagagawang lagpasan

  • Memories of Erie   Chapter 66 - Unprepared Goodbye (Melisa Part 4)

    Warning!The following scenes contain depression and suicide. Read at your own risk.***AERIELLEFlash back...Lumipas ang ilang araw simula nang marinig ko ng hindi sadya ang usapan nina Wendy at Melisa ay gano'n pa rin ang pakikitungo ko sa best friend ko.Ngumingiti ako sa kaniya na para bang wala akong alam sa sikreto niya. Tinatrato ko siyang hindi ibang tao kahit alam ko ang totoong tumatakbo sa isipan niya habang kasama niya ako.Ilang araw kong kinimkim ang mga bagay na nalaman ko. Wala akong mapagsabihan tungkol sa bagay na 'yon, kahit kay Kayle ay itinago ko ito. Hindi ko kasi alam kung ano ang maiisip niya sa sandaling malaman niya ang totoong may pagtingin sa 'kin si Melisa na higit pa sa kaibigan.Oo... Gusto ako ni Melisa in a different affection.Hindi ko 'yon pansin dahil hindi ko naman binigyang malisya ang mga simpleng yakap at hawak niya sa kamay ko kapag magkasama kami. Iyon pala ay

  • Memories of Erie   Chapter 65 - A Sinner Angel (Melisa Part 3)

    AERIELLEFlash back..."Hurry up, Aerielle! Mauubusan na tayo niyan sa sobrang bagal mo," Melisa nagged habang naiinip siyang nakatayo sa harapan ko, pero naroon pa rin sa labi niya ang napakahinhin niyang ngiti.Kahit yata inaalburoto siya ng galit ay hindi pa rin maiaalis ang ganiyang ngiti sa kaniya."Oo sandali lang!" Minadali ko na ang pagsuot ng rubber shoes ko. Katatapos lang kasi ng rehearsal namin sa dance group kaya sinusundo niya ako.Break time na rin kaya inaapura niya akong kumilos. Kasama kasi sa menu ng canteen ang Cheese Burger sa araw na ito kaya excited siyang pumila ro'n.Favorite namin ang food na 'yon kaya makikipagpatayan kami sa pila para lang makakain nito. At isa pa, one of a kind Cheese Burger ang ibinebenta sa canteen. Puwede na ipantapat sa Cheese Burger ng Mcdo.Actually, Melisa introduced this soulful food to me. Gawa na bawal ako kumain ng mga hindi masusustansyang pagkain ay wala akong id

  • Memories of Erie   Chapter 64 - Queer (Melisa Part 2)

    Warning!The following scenes contain extreme bullying/harassment. Read at your own risk.***AERIELLEFlash back...I thought matatapos na ang pambu-bully kay Melisa kapag naipaalam ko na sa nakatataas ang panghahamak na ginawa sa kaniya ng classmate niya.Simula nang ipagtanggol ko siya sa manyak niyang kaklase ay mas dumami pa ang nam-bully sa kaniya. At dahil doon ay tila pinaglalapit kami ng destiny.Kahit hindi kami pareho ng year level ay palagi ko siyang nakikita after ng klase. Kung minsan ay sumasama ako sa kaniya mag-lunch break kapag nakikita ko siyang mag-isa sa classroom nila. Alam ko kasi ang pakiramdam ng walang kasama lagi. Iyong kakain ako ng breakfast na wala ang parents ko dahil paggising ko sa umaga ay umalis na sila para pumasok sa trabaho.Kahit saan magpunta si Melisa ay bumubuntot ako sa kaniya. Puwera na lang syempre kapag oras ng klase.Ayoko kasing may lalapit sa kaniya para

  • Memories of Erie   Chapter 63 - Melisa

    AERIELLEFlash back...I tried to swallow the lump in my throat as I tightened my grip on the strap of my bag pack. Hindi ko akalain na ganito pala nakakanerbyos ang introduce yourself."Aerielle, just tell them your name. It's up to you if you like to tell them all about yourself."Lumingon ako sa lalaking nasa kanang bahagi ko. He was smiling, it seems he was helping me to elevate my self-esteem.This man address himself as Sir Pao. Siya ang adviser ko ngayong first year highschool. At simula nang tumapak ang mga paa ko sa loob ng kuwartong ito ay wala siyang ibang ginawa kun'di alalayan ako.Which is I don't like.Ang buong akala ko, kapag nakawala na ako sa kuwadra ko sa hospital ay iba na ang itatrato sa 'kin ng mga taong makakasalamuha ko.But it was just part of my imagination.Hindi ko naman masisisi ang taong ito. Kung hindi nakiusap ang parents ko sa administration nitong school na bantayan every minute ang

  • Memories of Erie   Chapter 62 - Guilt and Burden

    I kind of feel nostalgic as I made my way to the place where the first time I found tranquility. Ilang taon na rin simula nang huli kong itinapak ang mga paa ko sa espesyal na lugar na 'to. Matatayog na ang mga damong nadaraanan ko, matatag pa rin ang mga punong huling kita ko ay nalagas na ang mga dahon. Halos lahat ng puno ay napapaikutan na ng baging at ligaw na halaman. Napakatahimik, puro huni lang ng ibon at pag-iingay ng mga dahon gawa ng paghampas ng hangin ang ume-echo sa kabuuan ng garden. Malaki na ang pinagbago ng Secret Haven, mas nagmukha na itong totoong haunted garden kaysa noon. Ngunit kahit gano'n ay nagagalak ang kalooban ko. Sa bawat linga ko sa paligid ay tila nakikita ko ang mga past scenario na pinagsaluhan namin ni Erie sa lugar na ito. Hindi mapigilan ang pagguhit ng nananabik na ngiti sa aking labi. Saglit akong huminto sa paglalakad at ipinikit ko ang aking mga mata. Parang coincidence na

  • Memories of Erie   Chapter 61 - Back to Beloved Spot

    Matapos ang eskandalo na naganap sa pagitan nina Wendy at Erie ay hindi ko na nasilayan ang kaniyang bulto sa campus. Hindi siya sumipot sa klase namin kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya tungkol sa nangyari kahapon.Buong maghapon ko siyang hinintay na magpakita sa classroom pero dumating na lang ang uwian ay wala talagang pag-asa na makita ko siya.I called her many times but her phone was out of coverage. Siguro ay naisipan niyang huwag muna magpaistorbo kahit kanino, kahit sa 'kin.I never tried to sulk just because she was ignoring me. Naiintindihan ko kung iyon man ang nais niya at nirerespeto ko 'yon.Sa tingin ko rin ay kailangan niya ng peace. Napakabigat ng bagay ng ibinintang sa kaniya ni Wendy na siya ang ay may kagagawan kung bakit pumanaw si Melisa, and to think na halos lahat ng estudyante sa Eastwest ay narinig 'yon? Kahit ako ay pipiliin ko na itago ang mukha ko sa lahat kung sa 'kin din mangyari 'yo

  • Memories of Erie   Chapter 60 - Digging Up the Past

    "Sorry, hindi ako makakasabay sa 'yo pagpasok. Morning shift kasi ako ngayon. Let's catch up after my duty."Na-i-sent ko muna ang message ko kay Erie bago ako nagpatuloy sa paglalakad palabas sa street namin.Hindi ko na siya nagawang puntahan sa kanila dahil baka mahuli pa ako sa pag-log in sa OJT ko.Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay nag-vibrate ang phone ko. Dinukot ko ito habang lumilinga ako sa daan para tumawid sa kabilang kalsada."Okay lang. Focus ka sa work mo, I can wait naman. Basta sa 'yo lang hehehe 😘"I suddenly felt my cheeks burned up. Para akong bata na nakaramdam ng biglaang pag-iihi. Hindi ko malaman kung saan ako babaling para humupa ang bagay na kumikiliti sa kalooban ko.Gusto ko man mag-reply sa mala-pulot pukyutang message ni Erie ay nagpigil ako, binalik ko na lang muli sa aking bulsa ang phone ko. Baka kasi bigla na lang lumiko ang mga paa ko pabalik sa daan sa street namin para puntahan siya at huwag na pumasok sa office.Hindi naman ako nabigo sa pag-t

  • Memories of Erie   Chapter 59 - We are Ready

    "Morning shift ka tomorrow, Liam. See you in office!" Message iyon galing kay Sir Patrick. Hiningi ko kasi ang schedule ko sa OJT. Gusto ko kasi i-manage ang oras ko bukas dahil marami akong aasikasuhin na school works, gusto ko rin kasi isingit sa oras ko ang plano kong i-date si Erie. Yup, kailangan ko bumawi sa pagiging aburido at immature ko kaninang umaga. "Alright," bulong ko habang nag-reply ng thank you. Binaba ko na ang phone matapos kong basahin ang noticed ni Sir Patrick sa confirmation ko. Pasado alas-nuebe na ng gabi at wala pa akong balak matulog. May ilan pa akong activity na kailangan gawin para sa minor subjects ko. Nasa dining area ako at nakatutok ako sa laptop. Naghahanap ako ng puwedeng makuhang relatable article sa research na ginagawa ko. Nawala rin agad ang atensyon ko sa binabasa dahil nag-ingay ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot dahil pangalan ni Erie ang naka-display sa screen. "Good evenin

DMCA.com Protection Status