Home / Romance / When She Cries / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of When She Cries: Chapter 21 - Chapter 30

51 Chapters

Chapter 21

 "Lhaurize wake up. We're here." Unti-unting idinilat ko ang mga mata ko nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Inilibot ko ang paningin ko at narealized na nasa sasakyan pa pala ako. Lumingon ako sa kanan at nakita ang nakangiting si Sebastian. "Sorry nakatulog pala ako," usal ko. Ang mga anak ko naman ang nilingon ko at katulad ko ay tulog na tulog din sila. Mukhang dahil sa mahabang biyahe na may kasamang traffic ay nainip ang kambal kaya nakatulog silang pareho. Napatingin ako sa labas at nakita ang maraming tao. Karamihan ay mga bata na panay ang takbuhan."Pwede mo na silang gisingin. Kanina pa sila nakatulog," sabi pa ni Sebastian. Agad ko namang ginising ang mga anak ko at pupungas-pungas pa silang bumangon mula sa pagkakahiga sa backseat. Inilibot ni Malik ang tingin ang kinaroroonan at ilang saglit lamang ay napatayo ito bago hawakan ang kapatid na nagkukusot pa ng mata. "Margaux! We're here in Enchanted Kingdom
last updateLast Updated : 2021-08-08
Read more

Chapter 22

  Hanggang makauwi kami ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Sebastian tungkol kay Rusty. Coincidence lang ba na nandito si Rusty at Jaxon o sinadya nila kaming sundan? Hindi kaya si Rusty ang dahilan kung bakit nandito ang ex-husband ko? Pero imposible dahil kahit kilala niya si Rusty ay walang alam si Jaxon sa nangyari sa akin noon. Na hanggang ngayon ay wala pa ring naging maayos na sagot. Or maybe, nag-aassume lang ako.  "Are you alright, Lhaurize?" Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay marahang tumango. Naihatid ko na sa kwarto nila ang kambal matapos nilang makatulog. Alas otso pasado na kami nakarating sa Manila galing Laguna kaya inantok na rin ang mga anak ko.  "Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ko?" "Oo," sagot ko sa kanya. Magkaharap kami ngayon ni Sebastian sa sala. May dalawang tasa ng kape at cake na halos hindi ko pa nababawasan dahil sa sobrang pag-iisip.  "Sorry, mukhang pati ako ay naka
last updateLast Updated : 2021-08-08
Read more

Chapter 23

Tila bangungot para sa akin ang eksenang iyon nang nagdaang araw. Nalito at muntikan pa akong himatayin matapos mabasa ang laman ng maliit na note galing sa manika. Wala akong kilalang nagmamay-ari ng pangalang Apollo. Kahit sina Sebastian ay walang ideya kung sino ang taong iyon. Nang tanungin ko naman ang mga anak ko ay basta na lamang daw inihagis ang box ng manika sa loob ng gate kaya sila lumabas ng bahay. Dahil bata ay curious kaya sila na ang nagbukas ng box at iyon ngang manikang binuhusan ng pekeng dugo ang nakita nila. Natakot pa ako nang inakala kong hindi titigil si Margaux sa pag-iyak. Mabuti na lamang at napatahan ko rin ito hanggang sa makatulog. Gabi na nang magising ito at bumalik ang sigla na tila hindi nakakita ng ganoong manika. Hindi ako mapakali habang naglalakad papasok sa trabaho. Tuliro ang utak ko dahil sa magkahalong kaba at takot. Kung ano ang naramdaman ko nang pasukin ni Rusty ang bahay namin ay triple ang kaba ko ngayon. Hindi lang buhay ko
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more

Chapter 24

Nanatili akong tahimik habang nasa tabi ko si Jaxon. Malakas ang tibok ng puso ko matapos ang sinabi niya. Ang weird sa pakiramdam dahil ni minsan simula nang ikasal kami ay hindi ko narinig sa kanya ang salitang iyon. Ito ang unang beses na sinabi sa akin ni Jaxon na namiss niya ako. Bumaba ang tingin ko sa kanya. Nakadantay pa rin ang pisngi niya sa palad ko na tila dinadama iyon. "Kung matutulog ka doon ka sa kama," utos ko sa kanya at aaminin kong nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa pinto at nilock iyon. Pagkatapos ay hinila ako patungo sa kama. "Please, stay with me for a while." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi iyon sa akin. Jaxon never begged to anyone. Even me. Ngayon lang. Marahan akong tumango kaya kahit hawak pa rin niya ang kamay ko ay humiga siya. Hindi niya ako pinilit na tumabi sa kanya kaya kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag. "If you're not comfortable, ayos lang na hindi ka hum
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more

Chapter 25

Tumigil kami sa isang restaurant hindi kalayuan sa office. Naunang bumaba si Jaxon habang kasunod ako. Bumati sa amin ang waitress pagpasok namin sa loob. Nakasunod lamang ako sa kanya hanggang sa makahanap siya ng table. Sa may bandang dulo kami pumwesto malapit sa glass wall. Tanaw namin ang paroo't paritong mga tao ngunit hindi naman nila kami nakikita mula sa loob. Napatingin na lang ako sa kanya nang ipaghila ako nito ng upuan. "T-thanks." Nauutal na wika ko. May lumapit na waiter sa amin kaya si Jaxon na ang nakipag-usap dito at nagbigay ng order naming pareho. Pagkaalis ng waiter ay nakangiting humarap sa akin si Jaxon. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo," aniya kaya napaangat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya.  Umiwas agad ako ng tingin upang hindi niya makita ang pag-aalala sa mga mata ko. Hindi ko kayang alisin sa isip ang mga nangyayari sa amin ngayon. "Lhaurize, kung may problema ka pwede mong sabihin sa'k
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more

Chapter 26

"S-salamat sa paghatid." Iniiwas ko ang tingin kay Jaxon pagkatapos ay mabilis na bumaba ng sasakyan. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang reaksyon niya. Diretso lamang ang tingin ko habang naglalakad patungo sa gate. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Mabilis akong napalingon at nakita si Jaxon. May bahid ng pag-aalala ang mga mata niya nang matitigan ko ito. At iyon ang bagay na hindi ko nakita sa kanya three years ago.  "Jaxon," bigkas ko sa pangalan niya. Tipid siyang ngumiti at kinagulat ko ng mag-doorbell siya.  "Jaxon! Anong ginagawa mo?" Tarantang tanong ko sa kanya. Kung may binabalak man siya ay hindi ko alam kung ano. Nasa loob ng bahay si Sebastian at ang kambal. Hindi pwedeng makita nila si Jaxon. Malamang na magtatanong sila sa akin kung anong ginagawa nito kasama ko.  "Lhaurize?"  Sabay kaming napalingon ni Jaxon nang bumukas ang gate. Lumabas si Sebastian at kasama nito
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Chapter 27

"Malik is allergic on peanuts?" Naibagsak ko ang hawak kong kutsara matapos ang tanong na iyon ni Jaxon. Hindi agad ako nakapagsalita kaya hinayaan kong si Sebastian ang sumagot para sa akin. Dali-dali ko namang pinulot ang kutsarang nasa sahig bago tumayo at kumuha muli ng panibago. "Yeah. He is allergic on peanuts," dinig kong sagot ni Sebastian kay Jaxon. Pagbalik ko sa pwesto ko ay nakatingin si Jaxon kay Malik pagkatapos ay lumipat ang tingin nito kay Margaux. Kung ano man ang tumatakbo sa isip ni Jaxon sa mga oras na ito ay wala akong ideya. Nagpalipat-lipat ng tingin si Jaxon sa dalawang bata bago natuon ang pansin kay Margaux. "How about you Margaux? You're not allergic on peanuts?" tanong niya sa anak ko. Nakangiting tumango si Margaux sa kanya habang pilit nitong inaabot ang bowl na pinaglalagyan ng ulam. Takang sinundan ko ng tingin ang ginawa niyang paglagay ng pagkain sa plato ng sarili niyang ama.  
last updateLast Updated : 2021-11-17
Read more

Chapter 28

"I love you. I still do.. Lhaurize." I kept silent for about a minute. Kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Jaxon bago tumingala at salubungin ang mga mata niya. Ayokong umasa ngunit nakikita ko ang isang bagay na hindi ko nakita noon sa tuwing pagmamasdan ko siya mula sa malayo. "Mahal kita. Mahal pa rin kita. At kahit ilang beses mong ipaulit sa akin iyon ay hindi ako mag-aalinlangang sabihin iyon sa harap mo."  Mahal niya ako? Kailan pa? Minsan ko nang pinangarap na mangyari ang bagay na iyon ngunit ayokong maniwala sa mga oras na ito. Ilang beses kong inasam na marinig mula sa kanya ang salitang iyon ngunit sa pagkakataon at sitwasyon ngayon ay hindi ko alam ang pwedeng maramdaman.  "Naguguluhan ka lang, Jaxon." Umiwas ako ng tingin sa kanya at humakbang paatras.  "I'm always sure when it comes to you."  "Sigurado ka sa sinasabi mo?" Pagak akong
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more

Chapter 29

"Good morning Miss Lhaurize!"  Masayang pagbati sa akin ng security guard sa entrance ng LSJDV Publishing pagdating ko sa opisina kinabukasan. Ngumiti lamang ako bago inabot ang kapeng madalas kong binibili para rito at isang banana bread.  "Coffee for you Kuya Ernest," wika ko at tuwang-tuwa namang tinanggap iyon ni Kuya Ernest. Siya ang nagsisilbing security guard ng kumpanya sa loob ng ilang taon. Pinipilit na nga namin siya noon na ilipat na sa itaas at doon na lang magbantay ngunit mas gusto raw niya na nasa labas siya at maraming nakikitang sasakyan. Pangarap daw niya kasi na magkaroon ng magarang sasakyan na hindi natupad dahil sa trabahong meron siya. Bukod pa doon ay siya ang nagpapa-aral sa mga apo niya kaya kailangang magtrabaho ng maayos.    "Thank you Miss Lhaurize! Sinasanay niyo ho ako na may kape kayong dala tuwing umaga."    "Ayos lang po iyon. See you po ulit mamaya." Nagpaalam na ako
last updateLast Updated : 2021-11-24
Read more

Chapter 30

WARNING: This chapter contains of some matured scenes. Inshort Rated 18. »»»  "Everything will fall into its place. Everything will be fine, hon. I love you. Always remember that." Nanatili kaming magkayakap ni Jaxon ng mga ilang minuto bago ako kusang kumalas sa pagkakayakap niya. Tumingala ako at tipid na ngumiti dito. Alam kong naweirduhan siya sa inasal ko ngunit hinayaan ko lamang iyon. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko hanggang sa lumapat iyon sa pisngi niya saka marahang hinaplos iyon. Puno man ng pagtataka sa mukha niya ay wala naman siyang sinabi sa akin. Mahal ko siya. Matagal ko nang inamin iyon sa sarili ko at hindi nawala ang pagmamahal na iyon kahit pa ilang taon na ang lumipas. Siguro ay nagpahinga lang ang puso ko para sa kanya pero hindi iyon nawala. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso ko. Si Jaxon Dela Vega pa rin pagkatapos ng tatlong taon. 
last updateLast Updated : 2021-11-27
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status