"Lhaurize wake up. We're here."
Unti-unting idinilat ko ang mga mata ko nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Inilibot ko ang paningin ko at narealized na nasa sasakyan pa pala ako. Lumingon ako sa kanan at nakita ang nakangiting si Sebastian.
"Sorry nakatulog pala ako," usal ko. Ang mga anak ko naman ang nilingon ko at katulad ko ay tulog na tulog din sila. Mukhang dahil sa mahabang biyahe na may kasamang traffic ay nainip ang kambal kaya nakatulog silang pareho. Napatingin ako sa labas at nakita ang maraming tao. Karamihan ay mga bata na panay ang takbuhan.
"Pwede mo na silang gisingin. Kanina pa sila nakatulog," sabi pa ni Sebastian. Agad ko namang ginising ang mga anak ko at pupungas-pungas pa silang bumangon mula sa pagkakahiga sa backseat. Inilibot ni Malik ang tingin ang kinaroroonan at ilang saglit lamang ay napatayo ito bago hawakan ang kapatid na nagkukusot pa ng mata.
"Margaux! We're here in Enchanted Kingdom
Hanggang makauwi kami ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Sebastian tungkol kay Rusty. Coincidence lang ba na nandito si Rusty at Jaxon o sinadya nila kaming sundan? Hindi kaya si Rusty ang dahilan kung bakit nandito ang ex-husband ko?Pero imposible dahil kahit kilala niya si Rusty ay walang alam si Jaxon sa nangyari sa akin noon. Na hanggang ngayon ay wala pa ring naging maayos na sagot. Or maybe, nag-aassume lang ako. "Are you alright, Lhaurize?" Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay marahang tumango. Naihatid ko na sa kwarto nila ang kambal matapos nilang makatulog. Alas otso pasado na kami nakarating sa Manila galing Laguna kaya inantok na rin ang mga anak ko. "Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ko?" "Oo," sagot ko sa kanya. Magkaharap kami ngayon ni Sebastian sa sala. May dalawang tasa ng kape at cake na halos hindi ko pa nababawasan dahil sa sobrang pag-iisip. "Sorry, mukhang pati ako ay naka
Tila bangungot para sa akin ang eksenang iyon nang nagdaang araw. Nalito at muntikan pa akong himatayin matapos mabasa ang laman ng maliit na note galing sa manika. Wala akong kilalang nagmamay-ari ng pangalang Apollo. Kahit sina Sebastian ay walang ideya kung sino ang taong iyon. Nang tanungin ko naman ang mga anak ko ay basta na lamang daw inihagis ang box ng manika sa loob ng gate kaya sila lumabas ng bahay. Dahil bata ay curious kaya sila na ang nagbukas ng box at iyon ngang manikang binuhusan ng pekeng dugo ang nakita nila. Natakot pa ako nang inakala kong hindi titigil si Margaux sa pag-iyak. Mabuti na lamang at napatahan ko rin ito hanggang sa makatulog. Gabi na nang magising ito at bumalik ang sigla na tila hindi nakakita ng ganoong manika.Hindi ako mapakali habang naglalakad papasok sa trabaho. Tuliro ang utak ko dahil sa magkahalong kaba at takot. Kung ano ang naramdaman ko nang pasukin ni Rusty ang bahay namin ay triple ang kaba ko ngayon. Hindi lang buhay ko
Nanatili akong tahimik habang nasa tabi ko si Jaxon. Malakas ang tibok ng puso ko matapos ang sinabi niya. Ang weird sa pakiramdam dahil ni minsan simula nang ikasal kami ay hindi ko narinig sa kanya ang salitang iyon. Ito ang unang beses na sinabi sa akin ni Jaxon na namiss niya ako.Bumaba ang tingin ko sa kanya. Nakadantay pa rin ang pisngi niya sa palad ko na tila dinadama iyon."Kung matutulog ka doon ka sa kama," utos ko sa kanya at aaminin kong nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa pinto at nilock iyon. Pagkatapos ay hinila ako patungo sa kama."Please, stay with me for a while." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi iyon sa akin. Jaxon never begged to anyone. Even me. Ngayon lang. Marahan akong tumango kaya kahit hawak pa rin niya ang kamay ko ay humiga siya. Hindi niya ako pinilit na tumabi sa kanya kaya kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag."If you're not comfortable, ayos lang na hindi ka hum
Tumigil kami sa isang restaurant hindi kalayuan sa office. Naunang bumaba si Jaxon habang kasunod ako. Bumati sa amin ang waitress pagpasok namin sa loob. Nakasunod lamang ako sa kanya hanggang sa makahanap siya ng table. Sa may bandang dulo kami pumwesto malapit sa glass wall. Tanaw namin ang paroo't paritong mga tao ngunit hindi naman nila kami nakikita mula sa loob. Napatingin na lang ako sa kanya nang ipaghila ako nito ng upuan."T-thanks." Nauutal na wika ko. May lumapit na waiter sa amin kaya si Jaxon na ang nakipag-usap dito at nagbigay ng order naming pareho. Pagkaalis ng waiter ay nakangiting humarap sa akin si Jaxon."Mukhang ang lalim ng iniisip mo," aniya kaya napaangat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Umiwas agad ako ng tingin upang hindi niya makita ang pag-aalala sa mga mata ko. Hindi ko kayang alisin sa isip ang mga nangyayari sa amin ngayon."Lhaurize, kung may problema ka pwede mong sabihin sa'k
"S-salamat sa paghatid." Iniiwas ko ang tingin kay Jaxon pagkatapos ay mabilis na bumaba ng sasakyan. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang reaksyon niya. Diretso lamang ang tingin ko habang naglalakad patungo sa gate. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Mabilis akong napalingon at nakita si Jaxon. May bahid ng pag-aalala ang mga mata niya nang matitigan ko ito. At iyon ang bagay na hindi ko nakita sa kanya three years ago. "Jaxon," bigkas ko sa pangalan niya. Tipid siyang ngumiti at kinagulat ko ng mag-doorbell siya. "Jaxon! Anong ginagawa mo?" Tarantang tanong ko sa kanya. Kung may binabalak man siya ay hindi ko alam kung ano. Nasa loob ng bahay si Sebastian at ang kambal. Hindi pwedeng makita nila si Jaxon. Malamang na magtatanong sila sa akin kung anong ginagawa nito kasama ko. "Lhaurize?" Sabay kaming napalingon ni Jaxon nang bumukas ang gate. Lumabas si Sebastian at kasama nito
"Malik is allergic on peanuts?"Naibagsak ko ang hawak kong kutsara matapos ang tanong na iyon ni Jaxon. Hindi agad ako nakapagsalita kaya hinayaan kong si Sebastian ang sumagot para sa akin. Dali-dali ko namang pinulot ang kutsarang nasa sahig bago tumayo at kumuha muli ng panibago."Yeah. He is allergic on peanuts," dinig kong sagot ni Sebastian kay Jaxon. Pagbalik ko sa pwesto ko ay nakatingin si Jaxon kay Malik pagkatapos ay lumipat ang tingin nito kay Margaux. Kung ano man ang tumatakbo sa isip ni Jaxon sa mga oras na ito ay wala akong ideya. Nagpalipat-lipat ng tingin si Jaxon sa dalawang bata bago natuon ang pansin kay Margaux."How about you Margaux? You're not allergic on peanuts?" tanong niya sa anak ko. Nakangiting tumango si Margaux sa kanya habang pilit nitong inaabot ang bowl na pinaglalagyan ng ulam. Takang sinundan ko ng tingin ang ginawa niyang paglagay ng pagkain sa plato ng sarili niyang ama.
"I love you. I still do.. Lhaurize."I kept silent for about a minute. Kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Jaxon bago tumingala at salubungin ang mga mata niya. Ayokong umasa ngunit nakikita ko ang isang bagay na hindi ko nakita noon sa tuwing pagmamasdan ko siya mula sa malayo."Mahal kita. Mahal pa rin kita. At kahit ilang beses mong ipaulit sa akin iyon ay hindi ako mag-aalinlangang sabihin iyon sa harap mo."Mahal niya ako? Kailan pa? Minsan ko nang pinangarap na mangyari ang bagay na iyon ngunit ayokong maniwala sa mga oras na ito. Ilang beses kong inasam na marinig mula sa kanya ang salitang iyon ngunit sa pagkakataon at sitwasyon ngayon ay hindi ko alam ang pwedeng maramdaman."Naguguluhan ka lang, Jaxon." Umiwas ako ng tingin sa kanya at humakbang paatras."I'm always sure when it comes to you.""Sigurado ka sa sinasabi mo?" Pagak akong
"Good morning Miss Lhaurize!" Masayang pagbati sa akin ng security guard sa entrance ng LSJDV Publishing pagdating ko sa opisina kinabukasan. Ngumiti lamang ako bago inabot ang kapeng madalas kong binibili para rito at isang banana bread. "Coffee for you Kuya Ernest," wika ko at tuwang-tuwa namang tinanggap iyon ni Kuya Ernest. Siya ang nagsisilbing security guard ng kumpanya sa loob ng ilang taon. Pinipilit na nga namin siya noon na ilipat na sa itaas at doon na lang magbantay ngunit mas gusto raw niya na nasa labas siya at maraming nakikitang sasakyan. Pangarap daw niya kasi na magkaroon ng magarang sasakyan na hindi natupad dahil sa trabahong meron siya. Bukod pa doon ay siya ang nagpapa-aral sa mga apo niya kaya kailangang magtrabaho ng maayos. "Thank you Miss Lhaurize! Sinasanay niyo ho ako na may kape kayong dala tuwing umaga." "Ayos lang po iyon. See you po ulit mamaya." Nagpaalam na ako
//revised version»»Flashback (two months after the secret wedding)"Nakikita mo ba kung anong nakikita ko?" I frowned because of Arianne's question. Tahimik akong kumakain ng lunch nang umupo siya sa katapat kong upuan. "Anong nakikita mo?" tanong ko pa. May kung anong nginuso siya kaya lumingon ako at sinundan iyon ng tingin. Sa pangatlong table mula sa akin ay nakita ko kung ano ang tinutukoy niya. Jaxon Dela Vega is sitting on the third table. Wala itong kasama at tahimik lamang na kumakain. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang kumain sa cafeteria dahil madalas na usapan na sa mga restaurant ito kumakain tuwing lunchtime. Hindi ko alam pero baka nagbago dahil sa naging issue tungkol sa kumpanya nila. "Kung ganyang araw-araw ko makikita si Jaxon na dito kumakain baka bilhin ko na ang buong cafeteria," rinig kong saad ng isang estudyante malapit sa amin. Nang tingnan ko si Arianne ay tila kinikilig pa ito. "Ngayon ka lang nakakakita ng lalaki, Arianne?" pang-asar ko saka mu
//revised version--Flashback(one month after the secret wedding)"Oh my g! Jaxon Dela Vega is here!" Agad kong tinigil ang ginagawa ko nang marinig ang malakas na boses ni Arianne mula sa labas ng classroom. Sinara ko ang librong binabasa saka tumayo at lumabas para lapitan ang kaibigan ko. Nakita kong nagkumpulan na rin ang ilang estudyante sa tabi niya at nasa iisang direksiyon ang atensiyon nila. Nang sundan ko iyon ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatayo ito sa tapat ng isang estudyanteng lalaki habang hawak ng isang kamay ang kwelyo ng una. Mukhang may alitan sila dahil hindi maipinta ang mukha ng matangkad na lalaki. Kahit nakatagilid ang pwesto nito mula sa amin ay kapansin-pansin ang makapal na kilay nito at ang tila perpekto ang pagkakaukit sa pangahan ng lalaki. Maputi at tila aakalain mo na nakalipstick ang mapulang labi nito. Almost perfect na sana kung hindi ko lang kilala kung sino ang lalaking iyon. "Grabe! Ano kayang kasalanan ng lalaking 'yon kay Jax
Chapter 48//revised version»»"So.. what will happen now?" I sighed when Sebastian asked me that question. Two days had passed since we spoke with Rusty. Tuwing gabi siya dumadalaw kay Jaxon para magbigay ng balita tungkol sa paghahanap kay Margareth. Ang kapatid nitong si Hawk ay dinala na sa presinto at naipasa na sa korte ang kaso nito. Mamayang ala una ng hapon na rin ang labas ni Jaxon at Malik sa hospital. Mabilis ang naging paggaling ng mag-ama ko kaya pwede na silang madischarge. Ayoko pa sanang ilabas sila pero mapilit si Jaxon. Ang rason niya ay mas mapapabilis ang paggaling ni Malik kung nasaan ito. "Magkakaroon ng paglilitis sa kaso ni Hawk. Mas mabuti na rin iyon para maging maayos na ang lahat. Si Margareth na lang talaga ang problema ngayon." "Hindi pa rin ba siya nahahanap?" "Hindi pa. Pero sana ay mahanap na siya." "I hope so." Pareho kaming natahimik ni Sebastian at pinagmasdan ang natutulog kong anak katabi ni Jaxon. Hinihiling ko na sana, matapos na ang probl
Chapter 47//revised version»»"What are you thinking?"Nilingon ko si Jaxon nang makita itong gising na. Nakaangat ang hospital bed niya habang nakadapa si Malik sa dibdib niya habang natutulog ito. Nagising na rin ang anak namin at ipinagsalamat ko na kahit paano ay nakausap ko nang maayos ang anak ko. Hindi naging matagal dahil muling natulog si Malik. Wala naman daw problema ayon sa doktor. Ilang araw lang din at magiging maayos na rin siya at hindi na mapapadalas ang pagtulog dahil na epekto ng drugs na ipinaamoy sa kanya ni Hawk. Lumapit ako kay Jaxon at hinalikan ito sa labi. "How are you feeling?" tanong ko saka umupo sa tabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga iyon ng isa pang kamay niya. "I'm getting better. You already gave me my medicine." Natawa na lang ako sa gamot na tinutukoy niya. "Ikaw? Are you doing well, hon?" Ako? Ayos ba ako? "I am. Nandito ka na, eh." "I love you, Lhaurize." "I am in love you too, Jaxon Dela Vega." Nanatili kaming magk
Chapter 46//revised version»»Jaxon was shot on his left chest. We immediately rushed to the hospital after what happened. He became unconscious. Nakatulala lamang ako hanggang sa pagdating namin sa ospital. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Ang anak ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising o si Jaxon na walang malay dulot ng tama ng bala sa dibdib. Oh God.. Napapapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha sa mata ko. Tila ngayon ko naramdaman ang panghihina pagkatapos ng mga nangyari. Si Hawk.. na hindi ko akalaing nagtatago sa pangalang Apollo. Wala akong ideya kung paano nagsimula ang pagiging obssessed niya sa akin. Maayos ko siyang nakasama sa loob ng ilang taon dahil sa pagiging magkapatid nila ni Arianne at wala akong nakitang kakaiba sa mga kilos at pananalita niya noon. I never imagined that he's behind all the threats I received from Apollo. "Lhaurize!" Patakbong lumapit sa akin si Arianne at lumuhod sa tabi ko. Kasama niya si Sebastian na karga si Margaux
Chapter 45//revised version»»"Ikaw? Paanong.."Hindi ako makapaniwala sa taong kaharap ko ngayon. Gusto kong gumising kung panaginip lang ito. All this time ang taong ito ang dahilan kung bakit halos gabi-gabi akong natatakot para sa mga anak ko. Pero bakit? Bakit sa lahat ay siya pa? Hindi ko kailanman naisip na siya si Apollo."Miss me, my love? It's been what? I know you still remember when we first meet, right?" Apollo laughed hard. Tanda ko ang lahat. Dahil hindi ko naman alam noon na siya pala iyon.FlashbackNovember 2012Frostier's College University"Lhaurize, please?" Arianne keeps nagging me to join her at the concert of her favorite band and I keep saying 'no' to her because in the first place I don't want to leave the house and I hate noisy and crowded places. It's semestral break and I'd rather stay at home than going out. "Nah. I want to sleep, Arianne. I knew for a fact that you're going to introduce someone to me again.""Well, yes. Kinda. But I want someone to ac
Chapter 44//revised version»»"Hon, will you be okay?" Makailang ulit na tanong pa sa akin ni Jaxon. Marahan akong tumango. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko. Tumingala ako upang hindi tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Ayokong makita niya akong mahina. Buhay ng anak namin ang nakasalalay sa gagawin kong pakikipagkita sa taong nagtatago sa pangalang Apollo. Oras na rin na tapusin ko na ang pananakot niya sa akin gamit ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko na papayagan na ang tulad niya ang hahadlang sa kasiyahan ng pamilya ko. Sapat na ang ilang taon na nagkahiwalay kami ni Jaxon. This time, I want my family to be complete. "Pero hon, kung sakali mang magbago ang isip mo handa akong harapin si Apollo." Fear, dread and sadness was written all over Jaxon's face. Ilang beses niya akong pinilit na siya ang dapat humarap kay Apollo ngunit nagmatigas ako. Problema ko ito. Ako ang kailangan ni Apollo at hindi siya. Sa akin ito may galit. Marahan
//revised version-Flashback October 2012Lhaurizeth Santillan POV"Lhaurize! Pupunta ka ba sa school festival mamaya?" Arianne asked me while we're walking at Johnson Hallway inside our university. It was Friday and the last day of school. Finally, I'll be saying hello to weekend! We're trying to get the new books in the library as we still have some academic task left and we need to finish it before the end of the semester. Here's the semestral break! Nilingon ko si Arianne na abala sa pagbuklat ng librong hawak niya. Sinagot ko ang tanong niya sa akin. "I'm not sure. Kailangan kong matapos itong task na pinagawa ni Professor Amelia. Sayang din kung hindi ko maeenjoy ang semestral break.""Pwede naman sigurong ipasa iyan next week. Minsan lang itong festival dito sa university kaya um-attend ka na. Gusto mo bang ipagpaalam kita sa parents mo?" I shook my head and make a 'No' sign. "Huwag na. Ako ng bahala magpaalam kay Mommy. Papayagan naman niya siguro ako." "Really? Yes! Ma
Hello there! Una sa lahat maraming salamat sa pagbabasa at paghihintay sa kwentong ito. Medyo mabagal lang talaga ang update due to work and night shif life.Just a little request lang po lalo na sa mga sa mga readers po ng When She Cries dahil patapos na po ang kwento, ilang chapters na lang po actually, naiisip niyo na ba kung sino ang taong nagtatago sa pangalang Apollo? Comment po kayo kung sino ang naiisip niyo at kung sino ang makahula ng tama ay dedicated po sa kanya ang last chapters ng kwento. Thank you and happy reading! 🤎