Home / Romance / When She Cries / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng When She Cries: Kabanata 11 - Kabanata 20

51 Kabanata

Chapter 11

"Hindi ka na ba papasok sa loob?" tanong ko kay Sebastian pagkababa ko sa kotse. Nasa harap na kami ng apartment na tinutuluyan ko. Wala namang isang oras ang biyahe mula sa mall hanggang dito. Kung minsan nga ay nilalakad ko pa iyon bilang exercise na rin. Si Arianne ang isa-isang nagpasok ng mga pinamili namin. Hindi naman hassle dahil nasa first floor lang ang kwarto ko. Unang kwarto pagpasok sa loob, katabi ng pwesto ng landord namin. "No. I need to check the site. I'll drop off here before dinner. Dito rin naman mag-istay si Arianne at Hawk mamaya hindi ba?" "Yeah. Plano nilang guluhin ang kusina ko," biro ko na ikinatawa niya. "I see. See you later. Take care, okay?"Tumango ako bago nagpaalam na kay Sebastian.  Pagkaalis niya ay pumasok na rin ako sa loob. Nadatnan ko si Arianne na inilalagay ang mga gamit at goods sa cabinet at sa hindi kalakihang refrigerator ko. Nang umalis ako sa
last updateHuling Na-update : 2021-07-29
Magbasa pa

Chapter 12

Mabilis na lumipas ang mga buwan. At anumang oras ay maari na akong manganak. Siyam na buwan na ang kambal sa sinapunan ko at excited na ako sa paglabas nila. Kinakabahan ako iyon ang totoo. Kaba dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na makita sila. Excited naman dahil gusto ko na silang makita at mayakap.  Kasalukuyang abala sina Arianne para sa nalalapit na paglabas ng kambal. Halos wala na akong gawin dahil kinuha na nila sa akin ang preparation. Noong isang araw pa sila aligaga sa paghahanda sa apartment ko. Plano pa nga ni Sebastian noong una na pansamantala muna akong mag-stay sa dati niyang bahay na caretaker na lang daw ang nakatira doon ngunit tumanggi ako. Bukod sa nakakahiya na sa kanya ay plano ko na rin namang bumili ng sarili naming bahay na mag-iina."How are you feeling?" Tumingin ako kay Sebastian na umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Mahigpit akong kumapit sa kamay niya at naramdaman ko na marahan niya
last updateHuling Na-update : 2021-08-05
Magbasa pa

Chapter 13

After 3 years..."Kids, huwag kayong tatakbo sa malayo. Okay ba?" Naglatag ako ng mat sa tabi ng puno ng Narra at nilapag doon ang dalang picnic basket. Magkatulong naming inayos ng mga batang kasama ko ang basket. "Yes, Mommy.""Ano nga ulit ang sabi ko everytime na nasa public places tayo?" tanong ko sa kanila. Lumapit sila sa akin sabay yakap sa leeg ko. "Hmm.. Don't talk to strangers," sagot sa akin ng batang lalaki. Hinalikan ko ito sa noo ganoon din ang batang babae saka pinaupo ang dalawa sa magkabilang hita ko."Because?""Because they're bad?" "Hindi naman sa ganoon anak, pero kailangan lang nating maging careful when it comes to strangers. Remember what Mommy told you, right?""Yes po Mommy. I understand," sagot sa akin ng anak kong si Malik. Ang unang lumabas nang manganak ako."How about you Margaux?""I un
last updateHuling Na-update : 2021-08-05
Magbasa pa

Chapter 14

Hindi ko magawang makapagsalita nang manatiling nakatutok ang atensiyon ni Jaxon sa dalawang bata. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya pagkatapos matitigan ang mga bata. Huwag naman sana niyang maisip na anak niya sina Malik kahit pa kitang-kita na ang pagkakahawig nilang mag-ama. "I didn't know that you already have kids. It's been three years since we last saw each other," seryosong wika niya habang nasa mga bata pa rin ang atensiyon. Pasimple kong inilagay sa likuran ko ang mga anak ko upang hindi na sila makatitigan ni Jaxon. Yumakap naman sa binti ko ang dalawa habang sinisilip ni Margaux ang tatay niya. "Y-yeah. It's been three years. Siya ang napangasawa mo, hindi ba?" tanong ko sa kanya at tumingin kay Margareth na ngayon ay matamang nakatingin sa akin. Kilala ba niya ako? Alam niya kayang ex-husband ko si Jaxon? Mayamaya pa ay naglaro na siya
last updateHuling Na-update : 2021-08-05
Magbasa pa

Chapter 15

Kinabukasan ay parang normal lang ang lahat. Hindi ko masyadong inisip ang pagkikita namin ni Jaxon at ng mga bata nang nagdaang gabi. Pero masyado yatang mapagbiro ang tadhana o baka talaga ako ang napagtitripan nito ngayon."Good morning Miss Lhaurize." Nakangiting bati sa akin ng guard sa entrance ng company pagdating ko. "Good morning din ho," ganting bati ko rito. Pagdating sa elevator ay ilang minuto pa akong naghintay bago bumukas iyon. Nag-ring pa ang cellphone ko ngunit hindi ko na pinagkaabalahang sagutin lalo na nang makita kong katrabaho ko lang ang tumatawag. Hindi naman ako late kaya alam kong wala akong dapat ipag-alala. Malapit na rin naman ako sa floor namin. Mabilis akong lumabas ng huminto sa 12th floor ang elevator at dumiretso sa opisina namin. May ilang bumabati sa akin na ginagantihan ko rin ng ngiti."Lhaurize, ipinapatawag ka ni Boss sa opisina niya." Pagdating  ko pa lamang sa station ko ay bum
last updateHuling Na-update : 2021-08-05
Magbasa pa

Chapter 16

Napailing ako at napatayo ng dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na matapos niyang makipaghiwalay sa akin three years ago ay nasasabi niya ang mga ganitong bagay ngayon. "So, gano'n? Ganoon na lang pala kadali sa iyong bumalik pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin?" May bahid na inis na saad ko bago siya tinalikuran at naglakad palabas ng cafeteria. Pinigilan ko ang lintik kong luha na pagkatapos ng halos tatlong ay muli na namang tutulo sa mga mata ko.No Lhaurize. Huwag ka nang umiyak pa. Tama na ang tatlong taon.Kakaiba rin pala. Alam kong may ibang binabalak si Jaxon kaya diretsahan niyang sinabi ang bagay na iyon. Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang gusto niyang mangyari. Babalik siya bakit? Dahil alam na niyang anak niya ang kambal? "Lhaurize wait!" Nakita kong sumunod sa akin palabas si Jaxon. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad upang makalayo sa kanya. "Sandali Lhaurize!" Habol niya nang malapit
last updateHuling Na-update : 2021-08-05
Magbasa pa

Chapter 17

Habang nasa biyahe ay pasimple akong nililingon ni Sebastian. Natawa na lamang ako sa kanya. "Alam kong may gusto kang itanong, Seb." Panay ang sulyap ko sa mga anak ko habang bumibiyahe kami. Nasa likod sila nakaupo. Si Malik ay abala sa binabasang libro habang si Margaux ay nakasandal sa bintana at nakapangalumbaba."Me? Oh. No. Wala akong itatanong sa iyo Lhaurize. Pero hihintayin kitang magkwento." "Sigurado ka?" Pareho kaming natawa dahil doon. Nagkibit-balikat si Sebastian. The same Sebastian Parker I know. Hindi siya mausisa at hinahayaan akong magkwento kung kailan ko gusto at kapag handa ako. "I'm always sure. You know me." "Seb, salamat ha?" Nang tumigil ang sasakyan dahil sa green na stoplight ay nilingon ako ni Sebastian at hinawakan ang kamay ko na madalas niyang ginagawa noon para pakalmahin ang buong sistema ko. "You are always welcome Lhaurize. Magiging ayos rin ang lahat, huwag kang
last updateHuling Na-update : 2021-08-05
Magbasa pa

Chapter 18

Flashback"Dad! Pinatawag niyo raw po ako?"Inilapag ko ang bag na dala ko saka lumapit at yumakap kay Dad. He's sitting on the couch while reading newspaper. Kagagaling ko lang sa university at sakto lang ang oras nang tumawag si Dad. Wala na akong klase ng hapong iyon kaya umuwi na agad ako at hindi na sumama pa sa mga blockmates ko. It was a very tiring day, I admit that's why I choose to went home rather than staying outside and have fun. "Iha, how's your school?" Dad kissed me on my cheeks. "Great. By the way, where's Mom?" tanong ko matapos na hindi makita si Mommy. Hindi ako sanay na hindi sila ang sumasalubong sa akin pagkagaling sa university. "She's in the kitchen.""Kitchen? That's new. I mean, Mom never stayed in the kitchen. Unless we have a visitor and she wants to prepare their foods."
last updateHuling Na-update : 2021-08-06
Magbasa pa

Chapter 19

 Nagising ako nang maramdaman ang pagbigat ng buong katawan ko. Iminulat ko ang mata ko at nakitang ang mga anak ko ang dumagan sa akin. Nasa kanan ko si Malik na humalik sa akin si ganoon din si Margaux na nasa ibabaw ko naman pero agad ding bumaba. "Good morning Mommy! The sun is shining already." Excited na sabi ni Malik at bumaba sa kama. Hinawi nito ang kurtina na naging dahilan upang mapapikit ako. Tumama lang naman sa mukha ko ang malakas na sinag ng araw. Tumingin ako sa orasang nakapatong sa bedside table at nakitang mag-aalas siyete y medya na ng umaga. "Good morning my angels. It's Saturday, why wake up so early?" tanong ko. Bumangon ako at kinarga si Margaux saka pinaupo sa hita ko. Tumakbo naman sa akin si Malik at nagpabuhat din. 
last updateHuling Na-update : 2021-08-06
Magbasa pa

Chapter 20

FLASHBACK "Good morning Mom. Morning dad." I greeted my parents before sitting on the couch. It was Friday morning and three days had passed when they broke the news about me and Jaxon getting married. It was so sudden. Hindi ko inakala na ma-eengaged ako sa isang tulad niya. Pagkatapos nga niya kaming layasan ay todo ang paghingi ng sorry ng parents niya. Noong gabing iyon ko lang din nalaman na palugi na pala ang kumpanya nila ngunit nanatiling tago sa publiko dahil ayaw nilang mapahiya sila. Alam naman nating lahat na ang mga public figure na katulad ng mga Dela Vega ay takot maging laman ng headlines ng bawat dyaryo sa bansa. Ayaw nila sa kahihiyan. Kaya wala silang ibang choice kundi ang humingi ng tulong sa parents ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng pwede nilang ipambayad sa mga magulang ko ay si Jaxon Keith Dela Vega pa. Handang bayaran ng parents ko ang pagkakautang ng mga Dela Vega. Kung tutuusin ay hindi nanghingi ng anumang bayad a
last updateHuling Na-update : 2021-08-08
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status