Napailing ako at napatayo ng dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na matapos niyang makipaghiwalay sa akin three years ago ay nasasabi niya ang mga ganitong bagay ngayon.
"So, gano'n? Ganoon na lang pala kadali sa iyong bumalik pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin?" May bahid na inis na saad ko bago siya tinalikuran at naglakad palabas ng cafeteria. Pinigilan ko ang lintik kong luha na pagkatapos ng halos tatlong ay muli na namang tutulo sa mga mata ko.
No Lhaurize. Huwag ka nang umiyak pa. Tama na ang tatlong taon.
Kakaiba rin pala. Alam kong may ibang binabalak si Jaxon kaya diretsahan niyang sinabi ang bagay na iyon. Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang gusto niyang mangyari. Babalik siya bakit? Dahil alam na niyang anak niya ang kambal?
"Lhaurize wait!"
Nakita kong sumunod sa akin palabas si Jaxon. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad upang makalayo sa kanya.
"Sandali Lhaurize!" Habol niya nang malapit
Habang nasa biyahe ay pasimple akong nililingon ni Sebastian. Natawa na lamang ako sa kanya."Alam kong may gusto kang itanong, Seb."Panay ang sulyap ko sa mga anak ko habang bumibiyahe kami. Nasa likod sila nakaupo. Si Malik ay abala sa binabasang libro habang si Margaux ay nakasandal sa bintana at nakapangalumbaba."Me? Oh. No. Wala akong itatanong sa iyo Lhaurize. Pero hihintayin kitang magkwento.""Sigurado ka?" Pareho kaming natawa dahil doon. Nagkibit-balikat si Sebastian. The same Sebastian Parker I know. Hindi siya mausisa at hinahayaan akong magkwento kung kailan ko gusto at kapag handa ako."I'm always sure. You know me.""Seb, salamat ha?" Nang tumigil ang sasakyan dahil sa green na stoplight ay nilingon ako ni Sebastian at hinawakan ang kamay ko na madalas niyang ginagawa noon para pakalmahin ang buong sistema ko."You are always welcome Lhaurize. Magiging ayos rin ang lahat, huwag kang
Flashback"Dad! Pinatawag niyo raw po ako?"Inilapag ko ang bag na dala ko saka lumapit at yumakap kay Dad. He's sitting on the couch while reading newspaper. Kagagaling ko lang sa university at sakto lang ang oras nang tumawag si Dad. Wala na akong klase ng hapong iyon kaya umuwi na agad ako at hindi na sumama pa sa mga blockmates ko. It was a very tiring day, I admit that's why I choose to went home rather than staying outside and have fun. "Iha, how's your school?" Dad kissed me on my cheeks. "Great. By the way, where's Mom?" tanong ko matapos na hindi makita si Mommy. Hindi ako sanay na hindi sila ang sumasalubong sa akin pagkagaling sa university. "She's in the kitchen.""Kitchen? That's new. I mean, Mom never stayed in the kitchen. Unless we have a visitor and she wants to prepare their foods."
Nagising ako nang maramdaman ang pagbigat ng buong katawan ko. Iminulat ko ang mata ko at nakitang ang mga anak ko ang dumagan sa akin. Nasa kanan ko si Malik na humalik sa akin si ganoon din si Margaux na nasa ibabaw ko naman pero agad ding bumaba."Good morning Mommy! The sun is shining already." Excited na sabi ni Malik at bumaba sa kama. Hinawi nito ang kurtina na naging dahilan upang mapapikit ako. Tumama lang naman sa mukha ko ang malakas na sinag ng araw. Tumingin ako sa orasang nakapatong sa bedside table at nakitang mag-aalas siyete y medya na ng umaga."Good morning my angels. It's Saturday, why wake up so early?" tanong ko. Bumangon ako at kinarga si Margaux saka pinaupo sa hita ko. Tumakbo naman sa akin si Malik at nagpabuhat din.
FLASHBACK"Good morning Mom. Morning dad." I greeted my parents before sitting on the couch. It was Friday morning and three days had passed when they broke the news about me and Jaxon getting married. It was so sudden. Hindi ko inakala na ma-eengaged ako sa isang tulad niya. Pagkatapos nga niya kaming layasan ay todo ang paghingi ng sorry ng parents niya. Noong gabing iyon ko lang din nalaman na palugi na pala ang kumpanya nila ngunit nanatiling tago sa publiko dahil ayaw nilang mapahiya sila. Alam naman nating lahat na ang mga public figure na katulad ng mga Dela Vega ay takot maging laman ng headlines ng bawat dyaryo sa bansa. Ayaw nila sa kahihiyan. Kaya wala silang ibang choice kundi ang humingi ng tulong sa parents ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng pwede nilang ipambayad sa mga magulang ko ay si Jaxon Keith Dela Vega pa. Handang bayaran ng parents ko ang pagkakautang ng mga Dela Vega. Kung tutuusin ay hindi nanghingi ng anumang bayad a
"Lhaurize wake up. We're here."Unti-unting idinilat ko ang mga mata ko nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Inilibot ko ang paningin ko at narealized na nasa sasakyan pa pala ako. Lumingon ako sa kanan at nakita ang nakangiting si Sebastian."Sorry nakatulog pala ako," usal ko. Ang mga anak ko naman ang nilingon ko at katulad ko ay tulog na tulog din sila. Mukhang dahil sa mahabang biyahe na may kasamang traffic ay nainip ang kambal kaya nakatulog silang pareho. Napatingin ako sa labas at nakita ang maraming tao. Karamihan ay mga bata na panay ang takbuhan."Pwede mo na silang gisingin. Kanina pa sila nakatulog," sabi pa ni Sebastian. Agad ko namang ginising ang mga anak ko at pupungas-pungas pa silang bumangon mula sa pagkakahiga sa backseat. Inilibot ni Malik ang tingin ang kinaroroonan at ilang saglit lamang ay napatayo ito bago hawakan ang kapatid na nagkukusot pa ng mata."Margaux! We're here in Enchanted Kingdom
Hanggang makauwi kami ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Sebastian tungkol kay Rusty. Coincidence lang ba na nandito si Rusty at Jaxon o sinadya nila kaming sundan? Hindi kaya si Rusty ang dahilan kung bakit nandito ang ex-husband ko?Pero imposible dahil kahit kilala niya si Rusty ay walang alam si Jaxon sa nangyari sa akin noon. Na hanggang ngayon ay wala pa ring naging maayos na sagot. Or maybe, nag-aassume lang ako. "Are you alright, Lhaurize?" Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay marahang tumango. Naihatid ko na sa kwarto nila ang kambal matapos nilang makatulog. Alas otso pasado na kami nakarating sa Manila galing Laguna kaya inantok na rin ang mga anak ko. "Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ko?" "Oo," sagot ko sa kanya. Magkaharap kami ngayon ni Sebastian sa sala. May dalawang tasa ng kape at cake na halos hindi ko pa nababawasan dahil sa sobrang pag-iisip. "Sorry, mukhang pati ako ay naka
Tila bangungot para sa akin ang eksenang iyon nang nagdaang araw. Nalito at muntikan pa akong himatayin matapos mabasa ang laman ng maliit na note galing sa manika. Wala akong kilalang nagmamay-ari ng pangalang Apollo. Kahit sina Sebastian ay walang ideya kung sino ang taong iyon. Nang tanungin ko naman ang mga anak ko ay basta na lamang daw inihagis ang box ng manika sa loob ng gate kaya sila lumabas ng bahay. Dahil bata ay curious kaya sila na ang nagbukas ng box at iyon ngang manikang binuhusan ng pekeng dugo ang nakita nila. Natakot pa ako nang inakala kong hindi titigil si Margaux sa pag-iyak. Mabuti na lamang at napatahan ko rin ito hanggang sa makatulog. Gabi na nang magising ito at bumalik ang sigla na tila hindi nakakita ng ganoong manika.Hindi ako mapakali habang naglalakad papasok sa trabaho. Tuliro ang utak ko dahil sa magkahalong kaba at takot. Kung ano ang naramdaman ko nang pasukin ni Rusty ang bahay namin ay triple ang kaba ko ngayon. Hindi lang buhay ko
Nanatili akong tahimik habang nasa tabi ko si Jaxon. Malakas ang tibok ng puso ko matapos ang sinabi niya. Ang weird sa pakiramdam dahil ni minsan simula nang ikasal kami ay hindi ko narinig sa kanya ang salitang iyon. Ito ang unang beses na sinabi sa akin ni Jaxon na namiss niya ako.Bumaba ang tingin ko sa kanya. Nakadantay pa rin ang pisngi niya sa palad ko na tila dinadama iyon."Kung matutulog ka doon ka sa kama," utos ko sa kanya at aaminin kong nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa pinto at nilock iyon. Pagkatapos ay hinila ako patungo sa kama."Please, stay with me for a while." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi iyon sa akin. Jaxon never begged to anyone. Even me. Ngayon lang. Marahan akong tumango kaya kahit hawak pa rin niya ang kamay ko ay humiga siya. Hindi niya ako pinilit na tumabi sa kanya kaya kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag."If you're not comfortable, ayos lang na hindi ka hum