Home / Romance / Tears Of Heaven / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Tears Of Heaven : Chapter 1 - Chapter 10

15 Chapters

Chapter 1

WALA talagang makakapagsabi  na kayo ay panghabang buhay nang magsasama. Ang hirap isipin na may sumpaan kayong dalawa pero sa isang iglap lang ay mawawalan lang ng saysay ang mga iyon. Ibabasura lang pala niya ang mga pangako niya sa akin na akala ko'y hanggang sa huli. Pinunasan ko ang ilang butil ng luhang dumausdos sa aking pisngi habang nagbabasa ng isang nobela sa Wattpad. Sino ba naman ang matinong magsusulat ng ganito? Kinanawa nang masyado ang babae sa storya pero hanga ako kasi ang tapang niya para harapin ang kabit ng asawa niya.  Sa sobrang panggigigil ko ay naibagsak ko ang cellphone sa kama. Natutop ko ang aking bibig sa gulat at kaba. Nakihiram lang kasi ako ng cellphone kay SisterAnne para makabasa ng kuwento. Bago pa lang naging ganap na madre si Sister Anne kaya nakakasabay siya sa panahon. Mahilig din siyang magbasa ngunit mas nakatuon ito sa salita ng Diyos kaya ako na lang ang nagbabasa ng Wattpad. 
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

 MALAMIG na simoy ng hangin ang tumama sa aking mukha habang nagsusulat ako ng aking mga posibleng gagawin ngayong bakasyon. Gusto kong sulitin ang dalawang buwang pahinga dahil alam kong kapag nagsimula na ang klase ay wala na akong oras upang magliwaliw. Tumingin ako sa aking orasan at malapit nang magpakita si Haring Araw. Maaga akong nagising dahil ang aga kong nakatulog kagabi dahil sa pagod. Tinulungan ko si Sister Margaret na maghanda ng mga upuan sa pavilion kasama ang iba upang mapadali ang aming trabaho. Sinarado ko ang aking notebook at tumayo upang mag-inat ng katawan. Sinuklayan ko ulit pagkatapos ang aking buhok dahil tumuyo na ito dahil sa hangin mula sa labas. Maaga akong naligo para maaga ko ring masimulan ang aking araw at para wala pa masyadong tao. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula nang magmorning prayer ang buong ampunan. Rinig na rinig sa lahat ng sulok ng lugar na ito panal
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

IMPOSIBLENG siya ito. Imposibleng magsinungaling siya sa akin.  Diyos ko, siya ba talaga itong nakikita ko? Crimson Genovese's description was so familiar While reading the basic information about him on Google, the more I held on to the thought that he was my friend.  Imposible rin namang ito talagang si Crimson ang kaibigan ko. Ang special naman niya siguro kung siya lang ang nag-iisang lalaking nagngangalang Crimson sa mundo. Sinubukan kong hanapin kung may litrato ba siyang nagkalat dito sa internet pero ilang minuto ang lumipas ngunit hindi masyadong nagdi-disclose ng mga litrato ang kaniyang pamilya, ni family photo wala. Napabuntonghininga ako habang nakatutok sa aking cellphone. Bakit ko nga ba poproblemahan kung siya nga? Matagal na rin naman iyon. Past is past ika nga. "Okay ka lang ba, Langit? Anong tinitignan mo?" nag-aalalang tanong ni Matilda. Umangat ang
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

ILANG araw ang lumipas mula noong pagpupulong para sa paghahanda sa aming program. Masaya ako nang matapos namin ang puno na ilalagay sa entrance ng pavilion kasama ng isa pa na tinapos na rin ng ibang grupo. Nailagay na namin doon ang aming ginawa at tumulong sa mga may kailangan upang madali na lang matapos. Makakapagpahinga na rin kami sa wakas. Ilang araw na ring nasa isip ko at binabagabag ako paminsan-minsan ang mga napag-usapan namin ni Matilda pagkatapos noong pagpupulong. Ang hirap naman kasing hanapin kahit litrato man lang nilang pamilya, wala. Pero hindi rin naman nila obligasyon ang pagpo-post ng mga pribadong ganap nila sa buhay. Napabuntonghininga na lamang ako. Pinagmasdan namin ang stage na puno ng mga magagandang dekorasyon. White at Emerald Green ang napili para sa color scheme ng mga decoration upang bumagay sa aming lugar na kahit saan ka tumingin ay puno ng mga puno at bulaklak. Ipinaalam din sa ami
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5

BAHAGYANG nakayuko ang aking ulo habang nakatayo. I tried my best not to lift up my gaze dahil nasa katapat ko lang si Crimson. I pretended not to get nervous pero hindi ko kaya. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa kaniya sa at sa kaniyang kasama na secretary pala ng kaniyang papa. Nandito kami nina Matilda at Ali kasama ang ibang mga bata dahil ipinakilala kami ni sister Anne sa kaniya. Ipinaalam din ni sister na isa kami sa mga nagtulungan upang pagandahin nag pavilion. Masaya namang tumugon ang lalaking secretary na si Mr. Adam at nagpasalamat sa amin.  Bahagyang naantala sa pagsasalita si sister kay Mr. Adam nang lumapit ang isang bata. Bumulong ito kay sister at nagpaalam na aalis. Tumingin si sister Anne kay Crimson. "Hijo, handa na ang pagkain niyo sa loob."  Bumaling naman si sister Anne sa amin at ngumiti. "Alam kong kumain na kayo kanina pero kumain pa rin kayo." 
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6

BUMALIK kami sa realidad nang tawagin kami ni Sister Anne. Sabay kaming tumingin sa kanila at lihim na ngumiwi. Sumenyas siya sa amin upang sumunod sa kanila. Habang naglalakad ay pinilit kong huwag tumingin sa direksyon ni Crimson. Nagtitigan talaga kami? Nakakahiya ngunit wala nang bawian iyon lalo na't kilala niya ako. Akala ko nga baka nakalimutan na niya ako. Pagkalapit namin sa kanila ay agad kaming sinabihan na pupunta kami sa may likurang bahagi ng kumbento. Naroon ang mini vegetable garden na itinayo namin ilang taon na ang nakalilipas. Noon ay kami pa ang naglilinis at nagtatanim ng mga gulay pero may iilang volunteer na mula sa komunidad ang regular na tumutulong dito. Masaya sila Sister na naglakad sa maliit na pathway na ginawa sa gitna ng mga plot. Nasa aking likuran si Crimson kaya minsan ay binibilisan ko upang hindi kami magkalapit. Mahinang nag-uusap ang dalawang nakatatanda tungkol sa ampunan. Palihim kong pinagmasdan si Mr. Adam at nagtata
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7

NGAYON na ang araw na pinakahihintay naming lahat mula noong inanunsyo ito nila mother superior. May mga nagkalat na na security at pare-parehas ang mga suot nitong white long sleeve polo at black slacks. Sa pagkakaalam ko ay mga tauhan ito ng mga Genovese at magiging bantay sila para sa event na ito. Magiging mahigpit ang event dahil sa aming mga bisita. Magiging simple ngunit elegante ang program. Mula sa mga palamuti hanggang sa buong setup ng event. Proud akong makita ang pinaghirapan naming gawin para sa araw na ito. Ang mga madre ay suot ang kanilang as usual na damit na habit. Kami namang mga bata ay nagsuot ng aming pinakamagarang suot na babagay para rito. Masaya naman ako dahil kaming lahat ay magaganda ang suot hindi man kamahalan ang presyo. Pinili kong suotin ang aking emerald green midi dress na nabili ko sa ukay-ukay. Satin ang tela ng damit kaya magara itong tignan at babagay sa theme ng event. Ito rin ang sinuot ko noong christmas party noong
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8

MAY mga kaunting palaro ang inihanda ng mga madre para sa mga maliliit na bata at para din sa amin. Mas lalong sumaya ang event lalo na ang mga bata nang sumali si Mrs. Genovese sa kanila. Halatang malapit at mahilig ito sa mga bata dahil napaka-close ng kaniyang approach at ang lambing. Pinakisamahan niya ang mga bata at nagbibigay rin siya ng mga kaunting papremyo. Masaya namang pinagmasdan ni Mr. Genovese ang kaniyang asawa na parang bumalik sa pagkabata.Isa sa nagustuhan ko kay Mrs. Genovese ay ang hindi pagiging maarte. Kahit dugyutin ang ibang mga bata lalo na at kakakain lang nila ayy hindi siya nandidiri bagkus ay kabaliktaran ang pinakita nito.Sumali rin si Ali nang tinuro ito ni Mr. Adam. Sa simula ay umayaw pa ito ngunit nang tawagin siya ni Sister ay kaagad itong tumayo at napilitang sumali. Sandaling nawala ang aking kaba dahil kay Ali. Puro saya at tawanan ang makikita mo sa paligid hanggang sa matapos ang mga palaro sa talumpati ni Mr. Genovese.
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9

Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa Facebook. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 10

NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.  “Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.  “Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.  Tama si Matilda. Dapat ipaala
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status