Home / All / Tears Of Heaven / Chapter 8

Share

Chapter 8

Author: Reia Marie
last update Last Updated: 2021-05-29 08:05:40

MAY mga kaunting palaro ang inihanda ng mga madre para sa mga maliliit na bata at para din sa amin. Mas lalong sumaya ang event lalo na ang mga bata nang sumali si Mrs. Genovese sa kanila. Halatang malapit at mahilig ito sa mga bata dahil napaka-close ng kaniyang approach at ang lambing. Pinakisamahan niya ang mga bata at nagbibigay rin siya ng mga kaunting papremyo. Masaya namang pinagmasdan ni Mr. Genovese ang kaniyang asawa na parang bumalik sa pagkabata.

Isa sa nagustuhan ko kay Mrs. Genovese ay ang hindi pagiging maarte. Kahit dugyutin ang ibang mga bata lalo na at kakakain lang nila ayy hindi siya nandidiri bagkus ay kabaliktaran ang pinakita nito.

Sumali rin si Ali nang tinuro ito ni Mr. Adam. Sa simula ay umayaw pa ito ngunit nang tawagin siya ni Sister ay kaagad itong tumayo at napilitang sumali. Sandaling nawala ang aking kaba dahil kay Ali. Puro saya at tawanan ang makikita mo sa paligid hanggang sa matapos ang mga palaro sa talumpati ni Mr. Genovese.

“Good evening, Reverend Mother, Sisters and children,”

Tahimik kaming nakatuon ang atensyon sa kaniya.

“Extending my blessings and helping other people is one of my goals in life and seeing your faces full of happiness and joy made me more satisfied with my mission tonight. I hope this loving orphanage will reach those poor and homeless children outside and help them change their lives. I know some of you here grew up here and are already graduating students,”

Tumingin siya sa aming mga nakatatanda mga bata rito sa aming pwesto.

“They are the living proof that an orphanage could also give the love and care to those neglected and alone. Also, these little kids that are happily living with the rest of you all. I am hoping for the improvement of this wonderful place and rooting for all of you, my dear children. To Reverend Mother and to all the Sisters who always take care of the kids, my family and I want to express our gratitude to all of you. If it’s not for you, these children will not grow with a pure heart and strong mind.

Matamis na ngumiti si Mother Superior. Bahagya namang yumuko ang mga madre kay Mr. Genovese sa kaniyang pagpapasalamat sa kanilng serbisyo hindi lang para sa Diyos para na rin sa amin. Sinuklian naman sila ni Mr. Genovese ng isang marahang tango.

“Hiling ko ay sana magtagal ang ampunan na ito upang marami pa kayong matulungan na mga bata na nangangailangan ng pag-aalaga at pagmamahal mula sa inyo. A pleasant evening to everyone and I hope you will all enjoy the food for tonight.” Maikiling tumawa si Mr. Genovese bago niya dinaluhan muli ang kaniyang asawa sa pag-upo.

Umupo na rin kami at nagsimula na namang umingay ang paligid kasabay ang mahinang tugtog ng musika mula sa speakers. Tahimik lamang akong nakamasid sa paligid habang si Matilda naman ay palinga-linga sa paligid. Nagsimulang kumalam ang aking sikmura nang bigla akong makalanghap ng mabangong amoy ng mga pagkain. Napalinga na rin ako upang hanapin kung saan nanggaling ang amoy.

Napansin na rin ng karamihan na may pagkain na paparating at nag-abang ang mga tingin nito sa entrada ng pavilion.

Papasok sa entrada ay may grupo ng mga taong unipormado na isa-isa may dalang stainless steel catering tray na may lamang pagkain. Mukhang galing din ang mga ito sa pamilya ni Crimson. Para kanino pala ang niluto roon sa kumbento kanina?

Isa-isa silang lumapit sa dalawang long table na nasa magkabilang gilid ng pavilion malapit sa mga madre. Maingat nilang inilapag sa lamesa ang mga tray at tahimik na naglakad palabas ng venue. May anim namang naiwan upang tagabigay ng pagkain. Tigtatatlo para sa kada lames. Mga professional caterer ang mga taong ito base sa kanilang mga kilos tsaka ang ganda nilang tignan sa uniform nila.

Nag-anunsiyo ng tagubilin si Mr. Adam sa pagkuha ng pagkain. Uunahin muna ang mga bata at sasamahan sila ng mga madre na kasama nila sa kanilang lamesa. Pagkatapos nila ay kami namang mga matatanda pipila upang hindi magkagulo.

Masaya akong pinagmasdan ang mga batang excited sa kanilang pagkain habang tinutulungan sila ni Sr. Mary Antoine. Siya nagbibitbit ng plato ng kaniyang mga kasamang bata upang malagyan ng pagkain at agad pababalikin sa kanilang upuan.

Payapa ang gabi dahil sa mabagal na musika. Bumaling ako sa aking mga kaibigan na busy sa pag-uusap. Tumingin naman sa akin si Matilda at bumuntonghininga.

“Hindi lang halata pero gustong gusto ko nang lumamon.”

Lumingon si Ali sa kaniya at tinitigan siya ng kaniyang mga mapupungay na mata. Natawa ako sa reaksyon ni Matilda. Ngumiwi ito at umaktong nandidiri siya titig ni Ali.

“Gutom na ako, Mats. Pakainin mo naman ako, oh.” Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Isang malanding ali?

Nanlaki ang aking mga mata at halos natutop ko ang labi ko sa gulat.

Hindi pa ako naka-recover ay biglang humalakhak si Ali at napahawak sa kaniyang tiyan habang tinuturo si Matilda. Kung may buhay pa lang ang mga titig nito ay baka nakabulagta na si Ali ngayon sa sahig. Hindi ko iyon inasahan mula kay Ali ngunit bigla akong natawa dahil sa kaniyang mukha.

Halos mamilipit ito sa sakit ng tiyan kakatawa. Pinigilan ko namang madala sa kaniya dahil kay Matilda. Nakakuyom ang mga palad nito at handa nang atakihin si Ali upang gantihan siya.

Iniwas ko ang aking paningin sa kanilang dalawa dahil alam ko kung saan naman iyoon patungo. Itinuon ko na lang ang aking pansin sa mga bata na nakapila na halos paubos na. Tumingin naman ako sa gitna napansing hindi kumakain si Crimson habang kumakain naman ang kaniyang mga magulang. Halos matigil ako nang biglang bumaling ang kaniyang atensyon sa akin at nagtama ang aming paningin.

Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi at tila pinagmasdan niya ang aking kabuoan. Nagthumbs up pa ito sa akin na parang sang-ayon siya sa aking ayos ngayong gabi. Nagandahan siya sa akin?

Pakiramdam ko ay para akong mawawalan ng hangin. Mabuti na lang at tinawag na kami upang pumila sa buffet. Dala ang aming mga plato, mabilis pa sa alas kwatro kaming pumila dahil sa gutom. Habang naghihintay na makalapit sa mahabang mesa ay naramdaman kong may sumingit sa aking likuran.

Dahan-dahan at maliliit na hakbang ang aming kilos habang nasa pila. Tumigil na nama kami dahil kumuha na naman ng pagkain.

“You look gorgeous tonight,” he complimented.

Bigla akong napalingon sa aking likuran at nagulat dahil mukha ni Crimson ang bumungad sa akin. Malapit na malapit siya sa akin kaya langhap ko ang kaniyang pabango na suprisingly, hindi masakit sa ilong. Marunong pa rin siyang pumili ng pabango hindi kagaya ng ibang mga lalaki.

Mabilis akong tumingin pabalik sa aking unahan at umabante.

“Salamat. Okay rin ang ayos mo.” Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko sa kaniya.

I heard him chuckle. Why does it sound so seductive and sexy...

Tumikhim ako at sandaling sinilip siya sa aking likod. Nasa bulsa ng kaniyang pantalon ang kaniyang kaliwang kamay. Bitbit naman ng kaniyang kanang kamay ang kaniyang plato. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumisi.

“You’re so different kapag nakaayos ka.” Niluwagan niya kaunti ang kaniyang tie.

“Anong different pinagsasabi mo? Ako lang ‘to.” Bulong ko habang papalapit na kami sa long table.

“You should dress more like that.” Bulong niya sa aking tainga.

Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga. Napasinghap ako at agad umabante sa pila upang makalayo sa kaniya pero alam kong lalapit pa rin siya sa akin. Uminit ang aking mga pisngi ngunit binalewala ko lang. Mawawala rin ito. Huminga ako nang malalim.

“Sino ba ‘yong bumubulong?” dinig kong tanong ni Matilda sa unahan.

Lumingon ito sa amin at kumunot ang noo ngunit hindi sa akin. Sa aking likuran nakatuon ang kaniyang paningin habang may pagtataka sa kaniyang mukha. Umarte akong walang pakialam sa aking likuran at diretso lang ang tingin sa unahan. Huwag ka ngang ano diyan, Crimson!

Nakarating na rin kami sa long table. Inilahad ko ang aking plato sa tagabigay ng pagkain. Sumunod naman si Crimson sa paglahad ng plato. Mabagal kaming naglakad habang nilalagyan nilang tatlo ang aming pagkain hanggang sa makalagpas na ako sa mesa. Binilisan ko ang aking mga hakbang patungo sa aming lamesa at napabuga ng hangin.

Nauna nang umupo sina Ali at Matilda. Inilapag ko ang aking dala bago umupo. Inayos ko ang aking damit at nagsimulang kumain.

"Kaya pala tinanggihan niya si ang madre kanina kasi pipila rin siya!" Tinuro ako ni Matilda gamit ang kaniyang kutsara. "Anong feeling na nasa likod mo lang ang jackpot?"

Tulala akong nakatingin kay Matilda habang nag-iisip ng sasabihin.

"Uh..."

"Ibang klase talaga kapag mayayaman pero kung mahirap?" ani Ali.

"Hindi kaya! Pero maswerte naman talaga itong si Langit, eh!" Depensa niya sa pahayag ng kaibigan.

Sumubo na lamang ako ng pagkain at hindi na pinansin ang dalawa na uuwi na naman sa bangayan. Pasimple akong lumingon sa pwesto ni Crimson at sumulyap sandali. Nakayuko ito at tahimik na kumakain habang nakikinig sa kaniyang mga magulang na nag-uusap.

Bigla na lang umangat ang kaniyang ulo at diretsong nakatingin sa akin. He licked his lips as he watched me from there. Tinuon ko na lang ang aking sarili sa pagkain at upang matapos na ang gabing ito.

Nang halos lahat sa amin ay tapos nang kumain, nagbigay na ng parangal sina Sister Anne at Mother Superior sa papa ni Crimson at sa pamilya nito para sa pagtulong sa orphanage. Binigyan sila ng certificate of recognition and appreciation na may kasamang framed photo ng mga founder ng ampunan. May bouquet rin ng pulang rosas na ng pulang rosas ang binigay sa asawa ni Mr. Genovese at masaya niya itong tinanggap.

Ilang minuto ang lumipas ay tinawa kaming lahat para sa isang family photo kasama ang mga Genovese.

“Sa harap ang mga bata at ang mga hindi katangkaran!” Bilin ni ng isang madre habang ina-assist niya ang ibang mga bata upang umupo sa sahig. at masaya niya itong tinanggap.

Ilang minuto ang lumipas ay tinawag kaming lahat upang ipaalam na magkakaroon ng isang pictorial kasama ang mga Genovese.

Tumayo kaming mga bata at tumungo sa harap. Katabi ko lang sina Matilda at Ali habang nakikinig kami sa bilin ng isa sa mga madre.

"Sa harap kayo mga bata. Uupo kayo sa sahig at ang mga hindi katangkaran naman ay sa ibaba lamang ng platform. Ang mga matatangkad naman ay doon sa platform." Instruction ni Sister Margaret habang tinutulungan ang mga batang pumwesto sa harap.

Nasa gitna ang aming mga panauhin at katabi ang mga madre. Si Ali ay nasa may platform dahil may katangkaran ito pati na rin si Matilda kaya naiwan ako sa ibaba. Kagat-labi akong naghanap ng pwesto na malayo sana sa gitna ngunit hinila ako ni Sister Anne malapit sa kaniya at pinwesto ako sa tabi ng aking iniiwasan.

"Diyan ka na, hija," aniya nang malumanay, "Baka mahirapan ka roon sa kabila."

Ngumiti si Sister Anne bago siya pumwesto hindi kalayuan sa akin. Katabi nito si... Mr. Adam? Char, Sister.

Pinilit kong huwag matawa at tinuon na lang ang aking pansin sa harap kung saan naroon ang aming photographer. Ramdam ko ang kaliwang braso ni Crimson na nakadikit sa akin. Pilit kong inalis ang nasa isip ko at tumingin sa camera.

"Okay! Let's start. Formal pose in one, two three..." The flash hit our eyes from the camera.

“Again! One, two, three!”

Posed.

"Wacky! Okay! One, two three! Wacky!"

Pagkatapos ay sandali kong inayos ang aking buhok dahil sa init. Biglang sumenyas ang photographer na magcompress upang kasya sa frame ng camera. This will be the very first time na didikit ako kaniya ng ganito kalapit.

"Lapit pa! Lapit!"

Umusog ang katabi ko kaya dikit na dikit na ako kay Crimson. Inangat ko ang aking tingin sa kaniya. Seryoso lamang itong nakatingin sa harap. Tumingin ako muli sa harap at ngumiti ngunit nawala ito nang may maramdaman akong kamay na marahang nakapatong sa aking baywang. Napatingin ako muli sa kaniya. Biglang kumuha ng litrato ang photographer at tumama ang kislap ng kaniyang camera sa gilid ng aking mata.

“It’s a wrap!” Nagthumbs up ang photographer at tinignan ang kaniyang DSLR.

Nagpalakpakan ang mga bata at nagsimulang magsilapit kina Mr. at Mrs. Genovese upang magmano. Nagsimula na rin ang mga madre na bahagian sila ng mga school supply.

Bumalik ako sa aking upuan at nag-aalalang umupo. Ano kaya ang hitsura ko sa last picture?

Muntik akong mapamura nang lumitaw sa harap ko si Crimson. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga nang malalim. Nanatili ang tingin ko sa kaniya habang siya ay marahan akong pinagmasdan.

“Crimson,”

“Heaven,”

He lowered his head, attempting to stop himself from smiling.

“Ikaw muna!”

“No. You go first,” aniya. Inilahad niya ang kaniyang kamay.

“Bakit mo ba ‘yon ginawa?” Nakapamaywang akong tinignan siya. “Hinawakan mo ako kanina.”

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. He adjusted his jet black pants and slowly bent his one knee forward. He made himself comfortable in his position.

“I didn’t want you to fall,” malumay na aniya.

His eyes was like piercing through my soul. Gusto ko na lang maglaho dahil sa aming position ngayon.

Iniwas ko ang aking tingin at napasinghap nang makita kong nakatingin pala sa akin ang dalawa kong kaibigan. Si Matilda ay mahigpit na nakahawak sa braso ni Ali habang nakaawang ang mga bibig. Si Ali naman ay dilat ang mga mata at mukhang naguguluhan sa aming dalawa ni Crimson.

Sinubukan kong ngumiti ngunit nauwi iyon sa isang ngiwi.

Tumingin ako pabalik kay Crimson. Nakaluhod pa rin ito ngunit nakalahad ang kaniyang kamay na may hawak na paper card. Minuwestra niya iyon sa akin bago kinuha ang aking kamay at pinahawak sa akin ang card.

“Call me.” Tumayo siya at umalis na parang walang nangyari.

Wala sa sarili akong napatawa at napabuntonghininga. Ano ba itong ginagawa mo, Crimson?

Related chapters

  • Tears Of Heaven    Chapter 9

    Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa Facebook. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin

    Last Updated : 2021-05-31
  • Tears Of Heaven    Chapter 10

    NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.“Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.“Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.Tama si Matilda. Dapat ipaala

    Last Updated : 2021-06-02
  • Tears Of Heaven    Chapter 11

    NOONG una ay blangko ang aking utak kung sino ang tinutukoy ni Sister Anne ngunit naalala ko ang mga tagpo niya kasama si Mr. Adam. Nanlaki ang aking mga mata sa aking realisasyon at pinakawalan ko sa aking bisig si Sister Anne. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na at namumula ang ilong.“Mayaman siya at pobre ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya at ayaw ko namang kalabanin niya ang sarili niyang pamilya kaya iniwan ko siya.”Mayaman nga si Mr. Adam. Hindi man niya ipaglandakan pero pananamit at kung paano siya kumilos ay masyadong sopistikado. Ang mga titig niya kay Sister Anne ay masyadong makahulugan at puno ng kakaibang emosyon. Iyon pala ay ang kaniyang pagmamahal para kay Sister.Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso. Hindi ko inakalang kinaya ni Sister Anne ang magparaya. Napaisip ako. Ganoon talaga siguro kapag lamang ang iyong pagmamahal kaysa sa takot. Handa mong isakripisyo ang lahat

    Last Updated : 2021-06-04
  • Tears Of Heaven    Chapter 12

    NAG-ISIP ako kung paano ako makakapagpaalam sa kaniya upang ayusin ang sarili ko. Pero parang imposible na ngayon. Dumating si Sister Anne at Ali na may dalang pagkain.Inilapag ni Sister ang dalang kaserola at binuksan. Inilapag din ni Ali ang lalagyan na may kanin. Biglang dumating dalawang bata at dala ang aming plato, kubyertos at baso. Nakatingin sa akin si Ali na para bang hindi makapaniwala. Si Sister naman ay panay ngiti lang."Good morning, Sister." He smiled at her."Good morning din sa'yo, hijo. Pagpalain ka."Bumaling sa akin si Sister at bigla itong kumindat bago ngumiti. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Tumingin ako kay Ali at tumikhim din ito."Uh, hija, excited ka yata masyado at hindi ka nakapag-ayos." Binigyang-diin niya ang pag-aayos.Napanguso ako at unti-unting umiling. "Hindi ko po kasi alam at matagal po akong nagising."Tumawa si Sister at nag-iwas na lamang ng tingin ang aking kaibigan. Hindi na ako nag-aba

    Last Updated : 2021-06-07
  • Tears Of Heaven    Chapter 13

    I tied my hair into a messy bun. Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ko ang aking buhok. Nagdesisyon akong gamitin ang aking kulay beige na headband upang hindi lumipad ang aking mga baby hair. Pagkatapos ay naglagay ng kaunting pulbos sa aking leeg at likod dahil madali akong magkabungang-araw dahil sa init.Kahapon ay pinakiusapan ako ng mga bata kung pwede ba akong magturo sa kanila ng basic lessons ng elementary English at Science. Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako sa kanila. Binigyan din nila ako ng pointers kahapon. Mabuti pa sila ang sipag mag-aral. Sabagay, elementary pa lang din naman kaya madali pa lang sa kanila at sinisipag silang mag-aral.Dala ang aking mga lumang libro na hiniram ko ulit sa library, lumabas ako ng aking kwarto at naglakad papunta sa labas ng ampunan at dumiretso sa malawak na espasyo malapit sa pavilion. Doon nila pinlanong ‘magsummer class’ kasama ako. Pagkarating ko ay naroon na ang karamihan sa kanila.

    Last Updated : 2021-06-11
  • Tears Of Heaven    Chapter 14

    Kinakabahan akong tinignan ang aking sarili sa salamin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matatanggap na first day of classes na ngayon. Parang kailan lang na nagrecognition kami noong 3rd year tapos ngayon pasukan na naman. Kinuha ko ang aking packbag sa aking upuan at sinukbit sa aking likod. Pumunta ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone at pitaka. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan ang pinto at lumabas. Last week ay in-enroll na kami ni Sister Anne sa Macapagal State College. Hindi na kami sumama nina Matilda at Ali kaya hindi ko nakita ang aming classroom. Pero ang sabi-sabi ay maganda raw. May iba namang pinaglumaan na raw ng mga dating students. In short, pangit at marumi. Dumiretso ako sa dining hall upang hintayin ang dalawa. Kanina pa kaming madalign araw kumain kagaya noong dati dahil ayaw naming ma-late sa school. Binigyan na rin kami ni Sister ng aming lunch sa tupperware para iwas sa gastos. Kailangang magtipid dahil gagastos na naman

    Last Updated : 2021-06-12
  • Tears Of Heaven    Chapter 15

    Dumating kaming tatlo nina Matilda at Ali sa eskwelahan ng maaga dahil ayaw naing ma-late. This day is the actual first day for most schools at ayoko sa araw na ito. “Gagu na. Introduction na naman this mamaya!” Napakagat ng labi si Matilda. “Kaysa naman assessment kaagad, Mats. Gusto mo ‘yon?” Klarong tutol ni Ali sa kaniyang grilfriend. “Shet naman oh! Isama mo na ring ipagdasal na walang surprise Q and A!” “Huwag mo na munang problemahin. Hindi pa nga namomroblema si Heaven, oh!” Dinamay pa talaga ako. Pwede rin namang huwag both gawin ngayong araw na ito. Kahit na pinaghandaan ko ang short introduction ko kahapon pa pagkauwi,

    Last Updated : 2021-06-24
  • Tears Of Heaven    Chapter 1

    WALA talagang makakapagsabi na kayo ay panghabang buhay nang magsasama. Ang hirap isipin na may sumpaan kayong dalawa pero sa isang iglap lang ay mawawalan lang ng saysay ang mga iyon. Ibabasura lang pala niya ang mga pangako niya sa akin na akala ko'y hanggang sa huli.Pinunasan ko ang ilang butil ng luhang dumausdos sa aking pisngi habang nagbabasa ng isang nobela sa Wattpad. Sino ba naman ang matinong magsusulat ng ganito? Kinanawa nang masyado ang babae sa storya pero hanga ako kasi ang tapang niya para harapin ang kabit ng asawa niya.Sa sobrang panggigigil ko ay naibagsak ko ang cellphone sa kama. Natutop ko ang aking bibig sa gulat at kaba. Nakihiram lang kasi ako ng cellphone kay SisterAnne para makabasa ng kuwento. Bago pa lang naging ganap na madre si Sister Anne kaya nakakasabay siya sa panahon. Mahilig din siyang magbasa ngunit mas nakatuon ito sa salita ng Diyos kaya ako na lang ang nagbabasa ng Wattpad. 

    Last Updated : 2021-05-02

Latest chapter

  • Tears Of Heaven    Chapter 15

    Dumating kaming tatlo nina Matilda at Ali sa eskwelahan ng maaga dahil ayaw naing ma-late. This day is the actual first day for most schools at ayoko sa araw na ito. “Gagu na. Introduction na naman this mamaya!” Napakagat ng labi si Matilda. “Kaysa naman assessment kaagad, Mats. Gusto mo ‘yon?” Klarong tutol ni Ali sa kaniyang grilfriend. “Shet naman oh! Isama mo na ring ipagdasal na walang surprise Q and A!” “Huwag mo na munang problemahin. Hindi pa nga namomroblema si Heaven, oh!” Dinamay pa talaga ako. Pwede rin namang huwag both gawin ngayong araw na ito. Kahit na pinaghandaan ko ang short introduction ko kahapon pa pagkauwi,

  • Tears Of Heaven    Chapter 14

    Kinakabahan akong tinignan ang aking sarili sa salamin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matatanggap na first day of classes na ngayon. Parang kailan lang na nagrecognition kami noong 3rd year tapos ngayon pasukan na naman. Kinuha ko ang aking packbag sa aking upuan at sinukbit sa aking likod. Pumunta ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone at pitaka. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan ang pinto at lumabas. Last week ay in-enroll na kami ni Sister Anne sa Macapagal State College. Hindi na kami sumama nina Matilda at Ali kaya hindi ko nakita ang aming classroom. Pero ang sabi-sabi ay maganda raw. May iba namang pinaglumaan na raw ng mga dating students. In short, pangit at marumi. Dumiretso ako sa dining hall upang hintayin ang dalawa. Kanina pa kaming madalign araw kumain kagaya noong dati dahil ayaw naming ma-late sa school. Binigyan na rin kami ni Sister ng aming lunch sa tupperware para iwas sa gastos. Kailangang magtipid dahil gagastos na naman

  • Tears Of Heaven    Chapter 13

    I tied my hair into a messy bun. Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ko ang aking buhok. Nagdesisyon akong gamitin ang aking kulay beige na headband upang hindi lumipad ang aking mga baby hair. Pagkatapos ay naglagay ng kaunting pulbos sa aking leeg at likod dahil madali akong magkabungang-araw dahil sa init.Kahapon ay pinakiusapan ako ng mga bata kung pwede ba akong magturo sa kanila ng basic lessons ng elementary English at Science. Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako sa kanila. Binigyan din nila ako ng pointers kahapon. Mabuti pa sila ang sipag mag-aral. Sabagay, elementary pa lang din naman kaya madali pa lang sa kanila at sinisipag silang mag-aral.Dala ang aking mga lumang libro na hiniram ko ulit sa library, lumabas ako ng aking kwarto at naglakad papunta sa labas ng ampunan at dumiretso sa malawak na espasyo malapit sa pavilion. Doon nila pinlanong ‘magsummer class’ kasama ako. Pagkarating ko ay naroon na ang karamihan sa kanila.

  • Tears Of Heaven    Chapter 12

    NAG-ISIP ako kung paano ako makakapagpaalam sa kaniya upang ayusin ang sarili ko. Pero parang imposible na ngayon. Dumating si Sister Anne at Ali na may dalang pagkain.Inilapag ni Sister ang dalang kaserola at binuksan. Inilapag din ni Ali ang lalagyan na may kanin. Biglang dumating dalawang bata at dala ang aming plato, kubyertos at baso. Nakatingin sa akin si Ali na para bang hindi makapaniwala. Si Sister naman ay panay ngiti lang."Good morning, Sister." He smiled at her."Good morning din sa'yo, hijo. Pagpalain ka."Bumaling sa akin si Sister at bigla itong kumindat bago ngumiti. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Tumingin ako kay Ali at tumikhim din ito."Uh, hija, excited ka yata masyado at hindi ka nakapag-ayos." Binigyang-diin niya ang pag-aayos.Napanguso ako at unti-unting umiling. "Hindi ko po kasi alam at matagal po akong nagising."Tumawa si Sister at nag-iwas na lamang ng tingin ang aking kaibigan. Hindi na ako nag-aba

  • Tears Of Heaven    Chapter 11

    NOONG una ay blangko ang aking utak kung sino ang tinutukoy ni Sister Anne ngunit naalala ko ang mga tagpo niya kasama si Mr. Adam. Nanlaki ang aking mga mata sa aking realisasyon at pinakawalan ko sa aking bisig si Sister Anne. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na at namumula ang ilong.“Mayaman siya at pobre ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya at ayaw ko namang kalabanin niya ang sarili niyang pamilya kaya iniwan ko siya.”Mayaman nga si Mr. Adam. Hindi man niya ipaglandakan pero pananamit at kung paano siya kumilos ay masyadong sopistikado. Ang mga titig niya kay Sister Anne ay masyadong makahulugan at puno ng kakaibang emosyon. Iyon pala ay ang kaniyang pagmamahal para kay Sister.Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso. Hindi ko inakalang kinaya ni Sister Anne ang magparaya. Napaisip ako. Ganoon talaga siguro kapag lamang ang iyong pagmamahal kaysa sa takot. Handa mong isakripisyo ang lahat

  • Tears Of Heaven    Chapter 10

    NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.“Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.“Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.Tama si Matilda. Dapat ipaala

  • Tears Of Heaven    Chapter 9

    Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa Facebook. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin

  • Tears Of Heaven    Chapter 8

    MAY mga kaunting palaro ang inihanda ng mga madre para sa mga maliliit na bata at para din sa amin. Mas lalong sumaya ang event lalo na ang mga bata nang sumali si Mrs. Genovese sa kanila. Halatang malapit at mahilig ito sa mga bata dahil napaka-close ng kaniyang approach at ang lambing. Pinakisamahan niya ang mga bata at nagbibigay rin siya ng mga kaunting papremyo. Masaya namang pinagmasdan ni Mr. Genovese ang kaniyang asawa na parang bumalik sa pagkabata.Isa sa nagustuhan ko kay Mrs. Genovese ay ang hindi pagiging maarte. Kahit dugyutin ang ibang mga bata lalo na at kakakain lang nila ayy hindi siya nandidiri bagkus ay kabaliktaran ang pinakita nito.Sumali rin si Ali nang tinuro ito ni Mr. Adam. Sa simula ay umayaw pa ito ngunit nang tawagin siya ni Sister ay kaagad itong tumayo at napilitang sumali. Sandaling nawala ang aking kaba dahil kay Ali. Puro saya at tawanan ang makikita mo sa paligid hanggang sa matapos ang mga palaro sa talumpati ni Mr. Genovese.

  • Tears Of Heaven    Chapter 7

    NGAYON na ang araw na pinakahihintay naming lahat mula noong inanunsyo ito nila mother superior. May mga nagkalat na na security at pare-parehas ang mga suot nitong white long sleeve polo at black slacks. Sa pagkakaalam ko ay mga tauhan ito ng mga Genovese at magiging bantay sila para sa event na ito. Magiging mahigpit ang event dahil sa aming mga bisita. Magiging simple ngunit elegante ang program. Mula sa mga palamuti hanggang sa buong setup ng event. Proud akong makita ang pinaghirapan naming gawin para sa araw na ito. Ang mga madre ay suot ang kanilang as usual na damit na habit. Kami namang mga bata ay nagsuot ng aming pinakamagarang suot na babagay para rito. Masaya naman ako dahil kaming lahat ay magaganda ang suot hindi man kamahalan ang presyo. Pinili kong suotin ang aking emerald green midi dress na nabili ko sa ukay-ukay. Satin ang tela ng damit kaya magara itong tignan at babagay sa theme ng event. Ito rin ang sinuot ko noong christmas party noong

DMCA.com Protection Status