Home / All / Tears Of Heaven / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: Reia Marie
last update Last Updated: 2021-05-02 09:43:15

MALAMIG na simoy ng hangin ang tumama sa aking mukha habang nagsusulat ako ng aking mga posibleng gagawin ngayong bakasyon. Gusto kong sulitin ang dalawang buwang pahinga dahil alam kong kapag nagsimula na ang klase ay wala na akong oras upang magliwaliw.

Tumingin ako sa aking orasan at malapit nang magpakita si Haring Araw. Maaga akong nagising dahil ang aga kong nakatulog kagabi dahil sa pagod. Tinulungan ko si Sister Margaret na maghanda ng mga upuan sa pavilion kasama ang iba upang mapadali ang aming trabaho.

Sinarado ko ang aking notebook at tumayo upang mag-inat ng katawan. Sinuklayan ko ulit pagkatapos ang aking buhok dahil tumuyo na ito dahil sa hangin mula sa labas. Maaga akong naligo para maaga ko ring masimulan ang aking araw at para wala pa masyadong tao.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula nang magmorning prayer ang buong ampunan. Rinig na rinig sa lahat ng sulok ng lugar na ito panalangin ni Mother Superior para sa aming lahat. Araw-araw ang pagdadasal at minsan nagro-rosary kami sa maliit na chapel dito.

Idinilat ko ang aking mga mata pagkatapos ng morning prayer at kinuha ang cellphone ni sister Anne. Balak ko itong isauli sa kaniya mamaya. 

Lumabas ako ng kwarto at siniguradong hindi mapapasukan ng kahit sino ang silid. Naglakad ako papunta sa area ng building kung saan natutulog ang mga madre. Binati ako ng ilang bata at sinuklian ko sila ng isang ngiti.

Habang tinatahak ko ang daan ay napahawak ako sa aking dibdib sa gulat nang biglang sumulpot si Ali — short for Alessandro, sa aking harapan.

"Ali! Pwede ba? Ang aga-aga bubungad ka ng ganiyan.” Asik ko sa kaniya.

"Sorry naman, Miss. Huwag ka nang magalit!" Sinundan niya ako at nakahawak siya sa aking braso habang humihingi ng tawad.

Pagkarating ko rito sa ampunan ay siya ang kauna-unahang nakipagkaibigan sa akin at sumunod si Matilda. Mahal na mahal ko silang dalawa kaya nagpapasalamat ako at hanggang ngayon ay magkasama pa rin kaming tatlo. Hindi man kami araw-araw nagkikita dahil busy sa kani-kaniyang buhay ay may panahon pa rin upang magtipon kaming magkakaibigan.

"Bakit ngayon ka lang sumulpot? Ilang araw ka nang hindi nagpakita ah." Binagalan ko ang aking paglalakad at tumingin sa kaniya. 

Hindi nakapagtataka na may nakaraan si Matilda rito kay Ali. Gwapo, moreno, maganda ang pangangatawan dahil conscious ito sa kaniyang panlabas na anyo. May pangarap din ito sa buhay kaya hindi mamomroblema ang magiging nobya nito. Masasabi kong bagay silang dalawa pero iba-iba ang kanilang plano sa buhay kaya nagdesisyon silang maghiwalay at iyon ay sa pagkakaalam ko.

Nalungkot din ako sa kanila pero hindi ko naman sila pwedeng pilitin na manatili sa isa't isa. Maayos na rin siguro na ganito na lang sila dahil mas payapa ang kanilang pamumuhay.

"Tinulungan ko sina Sister Anne kahapon, Langit." Aniya. "Ang dami ba namang binigay no'ng donor para sa atin!"

"Anong ibibigay?" Tanong ko.

"Mga school supply tapos ginawa naming set ang isang bag kasama na ng mga iyon." Saad ni Ali. "Mabuti na lang at hindi rin tayo masyadong karamihan dito kaya madali lang ding natapos."

Tanaw ko na ang pintuan ng kwarto ni Sister Anne kaya sinenyasan ko siyang bilisan ang kaniyang paglalakad. Pagkatapat namin sa pinto ay kumatok ako ng tatlong beses at naghintay kami ni Ali kay Sister. Bumukas ang pinto at bumungad si Sister Anne sa kaniyang habit na normal na suot ng isang madre.

"Oh, Heaven! Magandang umaga." Binati niya akong dalawa at inilahad ang kaniyang kanang kamay. 

Nagmano kaming dalawa ni Ali at ngumiti sa kaniya. 

"Magandang umaga po, Sister! Sinamahan ko lang itong kaibigan papunta rito, hehe..." Napahawak ito sa batok at bahagyang tumawa.

Nakita kong tumango si Sister Anne at tumingin sa akin. "Bakit ka pala naparito, hija?" 

Inangat ko ang dala-dala kong cellphone na kaniyang pagmamay-ari at binigay sa kaniya.

"Isasauli ko lang po ito, Sister." Inabot ko ang cellphone sa kaniyang mga kamay.

"Ay, Diyos ko! Huwag na, hija!" Tumawa si Sister habang binalik sa akin ang kaniyang cellphone at may dinukot sa kaniyang bulsa.

"Naalala mo na may kapatid ako sa abroad? Binilhan niya ako ng bagong cellphone." Anunsyo niya, inangat niya ang kaniyang bagong telepono at ipinakita sa amin. "Apple pa rin ang brand pero ang brand new!"

Napahanga kami ni Ali nang makita namin ang malapad na screen ng kaniyang cellphone tsaka maganda rin ang kulay, Lavender. Masaya ako para kay sister Anne na may pamilya pa rin siyang sumusuporta sa kaniya. 

"Para naman, hija may cellphone ka na lalo na ngayong isang taon na lang at ga-graduate ka na." marahang sinabi ni sister Anne sa akin. 

Bigla itong bumalik sa loob at natagalan. Napatingin ako kay Ali at kibit-balikat lang ito. Lumabas ulit si Sister na may dalang sim card, earphones at charger. May dala-dala ring pin si sister at hula ko ay pantanggal ng lumang sim nitong cellphone.

Kinuha niya sa akin ang cellphone at inabot sa akin ang kaniyang dala at kinuha niya ang lumang sim. Inabot ko ang bagong sim card at nilagay ito roon. Pagkatapos niyang magawa iyon ay binalik niya muli sa akin ang cellphone.

"Ayan. May cellphone ka na, Heaven!" Pumalakpak sandali si Sister at iminuwestra ang kaniyang bagong cellphone.

"Eto, ilagay mo sa contacts ang number ko in case of emergency." Ipinakita niya sa akin ang kaniyang contact number at nilagay ko iyon sa Contacts gaya ng sinabi niya sa akin.

"Tapos na po, Sister." Ipinakita ko ang screen ng cellphone bago ito pinatay at tinago sa aking bulsa.

Lumapit ako kay Sister at niyakap siya nang mahigpit. Nagpapasalamat ako dahil kahit hindi niya ako tunay na anak ay tinuring niya akong parang sa kaniya. Hindi ako naging perpekto pero mayroon pa ring mga taong tanggap ako kung sino ako. 

"Salamat po talaga, Sister." Pinakawalan ko sa aking bisig si Sister at ngumiti nang malapad sa kaniya.

"Walang anuman, Heaven. Para na rin matapos mo ang mga binabasa mo sa W*****d." Biro niya. Sinarado niya ang pinto. "Didiretso na ba kayo sa hapag?"

Sumagot si Ali kaya sabay na kaming tatlo na pumunta roon sa bulwagan. Hindi pa naman oras ng agahan pero mas maganda na ang maaga para madali kaming makakuha ng aming pagkain. 

Pagkarating namin sa hall ay nagchikahan lang kami ni Sister hanggang matapos kaming kumain at naghugas ng aming pinagkainan kasama na si Matilda. Matagal nagising si Matilda ngayong araw kaya natagalan din siya sa pagkuha ng kaniyang pagkain at sumabay sa amin.

Nagpaalam si Ali dahil may gagawin pa raw ito. Nagpaalam din si Sister na may aasikasuhin muna raw kasama ang ilang madre at si Mother Superior kaya kaming dalawa na lang ang naiwan ni Matilda. Dumiretso kaming dalawa sa aking kwarto dala ang earphones at charger na bigay ni Sister kaninang umaga.

"Ano bang gagawin natin ngayon?" Tanong ko kay Matilda na nakahiga sa aking kama. Ako naman ay nakaupo lamang sa pang-isahang sofa.

Tumingin siya sa akin at inangat ang tingin sa kisame ng kwarto. "F* tayo, girl! Stalk natin iyong sinabi ko sa'yong anak ng donor."

"Alam mo ba ang pangalan no'n?" 

"Hindi pero baka kilala ang pamilya niya. Who knows? May pera sila kaya baka public figure eme!" Tumango-tango naman ako, sumang-ayon.

Kinuha ko ang cellphone at in-on ang data ng bago kong sim. Ni-log out ko ang existing Apple ID nito upang makagawa ako ng bago. Nang makagawa na ako ay nilinis ko na rin ang mga apps na kailangang linisin. Binuksan ko ang F* app at ni-log in ang aking sariling account.

"Matilda, alam mo ba kahit surname lang?" Tumingin ako sa kaniya at naghintay ng sa kaniyang sagot.

"Genevese? Negevese? Genovese siguro 'yon!" Hindi niya siguradong sagot. Napakamot ito sa ulo at nagpatuloy sa pagse-cellphone.

Nagpasya akong sa G****e na lang maghanap dahil may posibilidad pang may lalabas na resulta. Sinubukan kong ilagay ang Genovese family ngunit ang famous Italian mafia family ang lumabas. Sinubukan ko ulit magsearch na gamit ang ibang keywords pero wala masyadong lumabas na tugma sa hinahanap ko.

Tatawagin ko na sana ang kaibigan ko para sabihin sa kaniya ngunit may pumasok sa isip ko. 

Kaagad kong tinipa sa screen ang 'Genovese donations Philippines' at nagbaka sakaling may lalabas. Ilang segundo ang dumaan at lumabas kaagad ang resulta. Bumungad ang isang Arkus Genovese. May kaedaran na base sa kaniyang tindig ngunit gwapo pa rin at maipagmamalaki ang pangangatawan. Napakunot lamang ang aking noo dahil familiar ang kaniyang mukha. 

Bigla akong nagkaroon ng kutob. Agad kong hinanap ang kaniyang pamilya kung mayroon. Unti-unti akong nabibingi dahil sa kalabog ng aking dibdib. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi naman siguro sila magkaano-ano...

Napasinghap ako at nanlaki ang aking mga mata nang lumabas ang aking hinahanap. Crimson Genovese. 

Nagsinungaling siya.

Related chapters

  • Tears Of Heaven    Chapter 3

    IMPOSIBLENG siya ito. Imposibleng magsinungaling siya sa akin.Diyos ko, siya ba talaga itong nakikita ko? Crimson Genovese's description was so familiar While reading the basic information about him on Google, the more I held on to the thought that he was my friend.Imposible rin namang ito talagang si Crimson ang kaibigan ko. Ang special naman niya siguro kung siya lang ang nag-iisang lalaking nagngangalang Crimson sa mundo. Sinubukan kong hanapin kung may litrato ba siyang nagkalat dito sa internet pero ilang minuto ang lumipas ngunit hindi masyadong nagdi-disclose ng mga litrato ang kaniyang pamilya, ni family photo wala.Napabuntonghininga ako habang nakatutok sa aking cellphone. Bakit ko nga ba poproblemahan kung siya nga? Matagal na rin naman iyon. Past is past ika nga."Okay ka lang ba, Langit? Anong tinitignan mo?" nag-aalalang tanong ni Matilda.Umangat ang

    Last Updated : 2021-05-02
  • Tears Of Heaven    Chapter 4

    ILANG araw ang lumipas mula noong pagpupulong para sa paghahanda sa aming program. Masaya ako nang matapos namin ang puno na ilalagay sa entrance ng pavilion kasama ng isa pa na tinapos na rin ng ibang grupo. Nailagay na namin doon ang aming ginawa at tumulong sa mga may kailangan upang madali na lang matapos. Makakapagpahinga na rin kami sa wakas.Ilang araw na ring nasa isip ko at binabagabag ako paminsan-minsan ang mga napag-usapan namin ni Matilda pagkatapos noong pagpupulong. Ang hirap naman kasing hanapin kahit litrato man lang nilang pamilya, wala. Pero hindi rin naman nila obligasyon ang pagpo-post ng mga pribadong ganap nila sa buhay. Napabuntonghininga na lamang ako.Pinagmasdan namin ang stage na puno ng mga magagandang dekorasyon. White at Emerald Green ang napili para sa color scheme ng mga decoration upang bumagay sa aming lugar na kahit saan ka tumingin ay puno ng mga puno at bulaklak.Ipinaalam din sa ami

    Last Updated : 2021-05-02
  • Tears Of Heaven    Chapter 5

    BAHAGYANG nakayuko ang aking ulo habang nakatayo. I tried my best not to lift up my gaze dahil nasa katapat ko lang si Crimson. I pretended not to get nervous pero hindi ko kaya. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa kaniya sa at sa kaniyang kasama na secretary pala ng kaniyang papa.Nandito kami nina Matilda at Ali kasama ang ibang mga bata dahil ipinakilala kami ni sister Anne sa kaniya. Ipinaalam din ni sister na isa kami sa mga nagtulungan upang pagandahin nag pavilion. Masaya namang tumugon ang lalaking secretary na si Mr. Adam at nagpasalamat sa amin.Bahagyang naantala sa pagsasalita si sister kay Mr. Adam nang lumapit ang isang bata. Bumulong ito kay sister at nagpaalam na aalis.Tumingin si sister Anne kay Crimson. "Hijo, handa na ang pagkain niyo sa loob."Bumaling naman si sister Anne sa amin at ngumiti. "Alam kong kumain na kayo kanina pero kumain pa rin kayo."

    Last Updated : 2021-05-02
  • Tears Of Heaven    Chapter 6

    BUMALIK kami sa realidad nang tawagin kami ni Sister Anne. Sabay kaming tumingin sa kanila at lihim na ngumiwi. Sumenyas siya sa amin upang sumunod sa kanila. Habang naglalakad ay pinilit kong huwag tumingin sa direksyon ni Crimson. Nagtitigan talaga kami? Nakakahiya ngunit wala nang bawian iyon lalo na't kilala niya ako. Akala ko nga baka nakalimutan na niya ako. Pagkalapit namin sa kanila ay agad kaming sinabihan na pupunta kami sa may likurang bahagi ng kumbento. Naroon ang mini vegetable garden na itinayo namin ilang taon na ang nakalilipas. Noon ay kami pa ang naglilinis at nagtatanim ng mga gulay pero may iilang volunteer na mula sa komunidad ang regular na tumutulong dito. Masaya sila Sister na naglakad sa maliit na pathway na ginawa sa gitna ng mga plot. Nasa aking likuran si Crimson kaya minsan ay binibilisan ko upang hindi kami magkalapit. Mahinang nag-uusap ang dalawang nakatatanda tungkol sa ampunan. Palihim kong pinagmasdan si Mr. Adam at nagtata

    Last Updated : 2021-05-25
  • Tears Of Heaven    Chapter 7

    NGAYON na ang araw na pinakahihintay naming lahat mula noong inanunsyo ito nila mother superior. May mga nagkalat na na security at pare-parehas ang mga suot nitong white long sleeve polo at black slacks. Sa pagkakaalam ko ay mga tauhan ito ng mga Genovese at magiging bantay sila para sa event na ito. Magiging mahigpit ang event dahil sa aming mga bisita. Magiging simple ngunit elegante ang program. Mula sa mga palamuti hanggang sa buong setup ng event. Proud akong makita ang pinaghirapan naming gawin para sa araw na ito. Ang mga madre ay suot ang kanilang as usual na damit na habit. Kami namang mga bata ay nagsuot ng aming pinakamagarang suot na babagay para rito. Masaya naman ako dahil kaming lahat ay magaganda ang suot hindi man kamahalan ang presyo. Pinili kong suotin ang aking emerald green midi dress na nabili ko sa ukay-ukay. Satin ang tela ng damit kaya magara itong tignan at babagay sa theme ng event. Ito rin ang sinuot ko noong christmas party noong

    Last Updated : 2021-05-27
  • Tears Of Heaven    Chapter 8

    MAY mga kaunting palaro ang inihanda ng mga madre para sa mga maliliit na bata at para din sa amin. Mas lalong sumaya ang event lalo na ang mga bata nang sumali si Mrs. Genovese sa kanila. Halatang malapit at mahilig ito sa mga bata dahil napaka-close ng kaniyang approach at ang lambing. Pinakisamahan niya ang mga bata at nagbibigay rin siya ng mga kaunting papremyo. Masaya namang pinagmasdan ni Mr. Genovese ang kaniyang asawa na parang bumalik sa pagkabata.Isa sa nagustuhan ko kay Mrs. Genovese ay ang hindi pagiging maarte. Kahit dugyutin ang ibang mga bata lalo na at kakakain lang nila ayy hindi siya nandidiri bagkus ay kabaliktaran ang pinakita nito.Sumali rin si Ali nang tinuro ito ni Mr. Adam. Sa simula ay umayaw pa ito ngunit nang tawagin siya ni Sister ay kaagad itong tumayo at napilitang sumali. Sandaling nawala ang aking kaba dahil kay Ali. Puro saya at tawanan ang makikita mo sa paligid hanggang sa matapos ang mga palaro sa talumpati ni Mr. Genovese.

    Last Updated : 2021-05-29
  • Tears Of Heaven    Chapter 9

    Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa Facebook. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin

    Last Updated : 2021-05-31
  • Tears Of Heaven    Chapter 10

    NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.“Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.“Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.Tama si Matilda. Dapat ipaala

    Last Updated : 2021-06-02

Latest chapter

  • Tears Of Heaven    Chapter 15

    Dumating kaming tatlo nina Matilda at Ali sa eskwelahan ng maaga dahil ayaw naing ma-late. This day is the actual first day for most schools at ayoko sa araw na ito. “Gagu na. Introduction na naman this mamaya!” Napakagat ng labi si Matilda. “Kaysa naman assessment kaagad, Mats. Gusto mo ‘yon?” Klarong tutol ni Ali sa kaniyang grilfriend. “Shet naman oh! Isama mo na ring ipagdasal na walang surprise Q and A!” “Huwag mo na munang problemahin. Hindi pa nga namomroblema si Heaven, oh!” Dinamay pa talaga ako. Pwede rin namang huwag both gawin ngayong araw na ito. Kahit na pinaghandaan ko ang short introduction ko kahapon pa pagkauwi,

  • Tears Of Heaven    Chapter 14

    Kinakabahan akong tinignan ang aking sarili sa salamin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matatanggap na first day of classes na ngayon. Parang kailan lang na nagrecognition kami noong 3rd year tapos ngayon pasukan na naman. Kinuha ko ang aking packbag sa aking upuan at sinukbit sa aking likod. Pumunta ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone at pitaka. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan ang pinto at lumabas. Last week ay in-enroll na kami ni Sister Anne sa Macapagal State College. Hindi na kami sumama nina Matilda at Ali kaya hindi ko nakita ang aming classroom. Pero ang sabi-sabi ay maganda raw. May iba namang pinaglumaan na raw ng mga dating students. In short, pangit at marumi. Dumiretso ako sa dining hall upang hintayin ang dalawa. Kanina pa kaming madalign araw kumain kagaya noong dati dahil ayaw naming ma-late sa school. Binigyan na rin kami ni Sister ng aming lunch sa tupperware para iwas sa gastos. Kailangang magtipid dahil gagastos na naman

  • Tears Of Heaven    Chapter 13

    I tied my hair into a messy bun. Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ko ang aking buhok. Nagdesisyon akong gamitin ang aking kulay beige na headband upang hindi lumipad ang aking mga baby hair. Pagkatapos ay naglagay ng kaunting pulbos sa aking leeg at likod dahil madali akong magkabungang-araw dahil sa init.Kahapon ay pinakiusapan ako ng mga bata kung pwede ba akong magturo sa kanila ng basic lessons ng elementary English at Science. Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako sa kanila. Binigyan din nila ako ng pointers kahapon. Mabuti pa sila ang sipag mag-aral. Sabagay, elementary pa lang din naman kaya madali pa lang sa kanila at sinisipag silang mag-aral.Dala ang aking mga lumang libro na hiniram ko ulit sa library, lumabas ako ng aking kwarto at naglakad papunta sa labas ng ampunan at dumiretso sa malawak na espasyo malapit sa pavilion. Doon nila pinlanong ‘magsummer class’ kasama ako. Pagkarating ko ay naroon na ang karamihan sa kanila.

  • Tears Of Heaven    Chapter 12

    NAG-ISIP ako kung paano ako makakapagpaalam sa kaniya upang ayusin ang sarili ko. Pero parang imposible na ngayon. Dumating si Sister Anne at Ali na may dalang pagkain.Inilapag ni Sister ang dalang kaserola at binuksan. Inilapag din ni Ali ang lalagyan na may kanin. Biglang dumating dalawang bata at dala ang aming plato, kubyertos at baso. Nakatingin sa akin si Ali na para bang hindi makapaniwala. Si Sister naman ay panay ngiti lang."Good morning, Sister." He smiled at her."Good morning din sa'yo, hijo. Pagpalain ka."Bumaling sa akin si Sister at bigla itong kumindat bago ngumiti. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Tumingin ako kay Ali at tumikhim din ito."Uh, hija, excited ka yata masyado at hindi ka nakapag-ayos." Binigyang-diin niya ang pag-aayos.Napanguso ako at unti-unting umiling. "Hindi ko po kasi alam at matagal po akong nagising."Tumawa si Sister at nag-iwas na lamang ng tingin ang aking kaibigan. Hindi na ako nag-aba

  • Tears Of Heaven    Chapter 11

    NOONG una ay blangko ang aking utak kung sino ang tinutukoy ni Sister Anne ngunit naalala ko ang mga tagpo niya kasama si Mr. Adam. Nanlaki ang aking mga mata sa aking realisasyon at pinakawalan ko sa aking bisig si Sister Anne. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na at namumula ang ilong.“Mayaman siya at pobre ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya at ayaw ko namang kalabanin niya ang sarili niyang pamilya kaya iniwan ko siya.”Mayaman nga si Mr. Adam. Hindi man niya ipaglandakan pero pananamit at kung paano siya kumilos ay masyadong sopistikado. Ang mga titig niya kay Sister Anne ay masyadong makahulugan at puno ng kakaibang emosyon. Iyon pala ay ang kaniyang pagmamahal para kay Sister.Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso. Hindi ko inakalang kinaya ni Sister Anne ang magparaya. Napaisip ako. Ganoon talaga siguro kapag lamang ang iyong pagmamahal kaysa sa takot. Handa mong isakripisyo ang lahat

  • Tears Of Heaven    Chapter 10

    NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.“Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.“Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.Tama si Matilda. Dapat ipaala

  • Tears Of Heaven    Chapter 9

    Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa Facebook. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin

  • Tears Of Heaven    Chapter 8

    MAY mga kaunting palaro ang inihanda ng mga madre para sa mga maliliit na bata at para din sa amin. Mas lalong sumaya ang event lalo na ang mga bata nang sumali si Mrs. Genovese sa kanila. Halatang malapit at mahilig ito sa mga bata dahil napaka-close ng kaniyang approach at ang lambing. Pinakisamahan niya ang mga bata at nagbibigay rin siya ng mga kaunting papremyo. Masaya namang pinagmasdan ni Mr. Genovese ang kaniyang asawa na parang bumalik sa pagkabata.Isa sa nagustuhan ko kay Mrs. Genovese ay ang hindi pagiging maarte. Kahit dugyutin ang ibang mga bata lalo na at kakakain lang nila ayy hindi siya nandidiri bagkus ay kabaliktaran ang pinakita nito.Sumali rin si Ali nang tinuro ito ni Mr. Adam. Sa simula ay umayaw pa ito ngunit nang tawagin siya ni Sister ay kaagad itong tumayo at napilitang sumali. Sandaling nawala ang aking kaba dahil kay Ali. Puro saya at tawanan ang makikita mo sa paligid hanggang sa matapos ang mga palaro sa talumpati ni Mr. Genovese.

  • Tears Of Heaven    Chapter 7

    NGAYON na ang araw na pinakahihintay naming lahat mula noong inanunsyo ito nila mother superior. May mga nagkalat na na security at pare-parehas ang mga suot nitong white long sleeve polo at black slacks. Sa pagkakaalam ko ay mga tauhan ito ng mga Genovese at magiging bantay sila para sa event na ito. Magiging mahigpit ang event dahil sa aming mga bisita. Magiging simple ngunit elegante ang program. Mula sa mga palamuti hanggang sa buong setup ng event. Proud akong makita ang pinaghirapan naming gawin para sa araw na ito. Ang mga madre ay suot ang kanilang as usual na damit na habit. Kami namang mga bata ay nagsuot ng aming pinakamagarang suot na babagay para rito. Masaya naman ako dahil kaming lahat ay magaganda ang suot hindi man kamahalan ang presyo. Pinili kong suotin ang aking emerald green midi dress na nabili ko sa ukay-ukay. Satin ang tela ng damit kaya magara itong tignan at babagay sa theme ng event. Ito rin ang sinuot ko noong christmas party noong

DMCA.com Protection Status