Home / All / Tears Of Heaven / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: Reia Marie
last update Last Updated: 2021-05-02 11:42:48

ILANG araw ang lumipas mula noong pagpupulong para sa paghahanda sa aming program. Masaya ako nang matapos namin ang puno na ilalagay sa entrance ng pavilion kasama ng isa pa na tinapos na rin ng ibang grupo. Nailagay na namin doon ang aming ginawa at tumulong sa mga may kailangan upang madali na lang matapos. Makakapagpahinga na rin kami sa wakas.

Ilang araw na ring nasa isip ko at binabagabag ako paminsan-minsan ang mga napag-usapan namin ni Matilda pagkatapos noong pagpupulong. Ang hirap naman kasing hanapin kahit litrato man lang nilang pamilya, wala. Pero hindi rin naman nila obligasyon ang pagpo-post ng mga pribadong ganap nila sa buhay. Napabuntonghininga na lamang ako.

Pinagmasdan namin ang stage na puno ng mga magagandang dekorasyon. White at Emerald Green ang napili para sa color scheme ng mga decoration upang bumagay sa aming lugar na kahit saan ka tumingin ay puno ng mga puno at bulaklak.

Ipinaalam din sa amin ni sister Anne na may ipapadala raw na tauhan si Mr. Genovese upang i-check ang magiging venue. Ang hindi lang namin alam ay kung anong oras ba dadating ang mga bisita. Dapat lang na magandahan sila dahil with love itong mga gawa namin tsaka magastos.

"Bili tayo ng pagkain!" Aya ni Ali.

Tumingin ako sa kaniyang direksyon at katabi niya si Matilda na busy sa kaniyang telepono. Kinalabit naman siya ni Ali upang makuha ang atensyon.

"Sa Foodpanda na lang tayo mamili," ani Matilda. Tumango naman ako dahil gutom na rin ako kahit hindi pa pananghalian.

"Hati-hati tayo sa gastos." Mungkahi ko sa kanilang dalawa at sumang-ayon naman sila.

"Anong pagkainan naman?" Pahabol kong tanong bago nag-isip kung may pera pa ba akong naiwan sa aking pitaka. Kung wala ay magpapasabay na lang muna ako.

"Jollibee!" Deklara ni Ali na parang walang kokontra. 

"Mcdo!" Kontra ko sa kaniya at madilim na tumawa.

"Huwag na lang tayong mag-order mga depungal," sarkastikong sabat ni Matilda. 

"Mauubos na lang ang data ko sa inyo, e! Ang tagal niyo." Reklamo niya.

Nakita kong nagpeace sign sa kaniya si Ali at birong yumakap sa kaniya. Tinaboy naman ito ni Matilda at siya na mismo ang pumili kung saang fast food kami o-order.

"Ano ba naman 'yan, Matilda! Sa La Mings talaga?" Maktol ni Ali at pinadyak ang mga paa.

Napatawa naman ako dahil alam akong ayaw ni Ali sa La Mings at kabaliktaran silang dalawa ni Matilda. Masarap kasi ang palabok at Lomi nila kaya hindi na rin masama. Para na rin masuportahan namin ang small business na iyon.

"Kung ayaw mong kumain edi huwag ka na lang sumali, okay?" Mataray na saad ni Matilda at nag-order na.

Itinaas ni Ali ang kaniyang mga kamay bilang pagsuko at yumuko ito ng ilang beses na ikinairita naman ni Matilda. Napagdesisyonan nila Matilda na sa may bench kami malapit sa gate maghintay at doon na rin kumain. 

Nagmadali akong maglakad sa ilalim ng araw dahil sa maalinsangan at masakit sa balat kapag nababad ako sa init. Kaagad akong pumwesto sa may anino ng malaking puno upang hindi mainitan. Pinagmasdan ko naman sina Ali at Matilda na mabagal na tinahak ang pathway. 

Nang makaupo sila sa aking katapat na upuan ay dinukot ko sa aking bulsa ang aking cellphone. Dapat may ibigay rin ako kay sister para makapagpasalamat ulit. Pag-iisipan ko iyan.

Sa halos mag-iisang oras naming paghihintay ay puro sina Ali lamang at Matilda ang nag-uusap. Wala naman akong maikuwento at ayaw ko ring magkuwento. Paminsan-minsan akong tumitingin sa oras na naka-display sa aking cellphone dahil naririnig ko na ang tiyan ko. 

"Ano kayang oras dadating ang mga bisita?" 

Sumulyap ako kay Matilda at nagtataka akong tumango sa aking isipan. Wala naman kasing sinabi si Sister Anne sa amin kanina. Ang sabi niya lang ay maghanda kami lalo na't hindi namin alam kung sino ang mga bibisita. Baka naman mga tauhan lang like a secretary? 

"After lunch siguro o mamayang tanghalian talaga. Nakita ko kasing marami-rami ang niluto ni Sister Mary Blaze kanina kasama ang katulong niya." Suhestiyon ni Ali at sumandal sa bench.

"Ang tagal naman ng pagkain," bulong ko habang nakatingin sa kawalan. Hinawakan ko ang aking tiyan na nagrereklamo. 

Ilang minuto rin ang lumipas bago nakatanggap ng tawag si Matilda galing sa Foodpanda rider. Agad itong tinugon ni Matilda at kalaunan ay binaba ang telepono. Pumunta naman si Ali sa gate at bahagyang binuksan upang salubungin ang rider. Tahimik ko siyang pinagmasdan mula rito sa bench at sandaling lumiwanag ang kaniyang mukha. Kumunot bigla ang kaniyang noo at biglang lumingon sa amin. 

Parehas naming narinig ni Matilda na may malaking sasakyan na nasa labas ng gate. Nagtataka kaming tumingin kay Ali na ngayon ay binuksan na ang gate. Saan na ba iyong Foodpanda?

"Sino ba 'yan, Ali..." Umawang ang labi ni Matilda at kinagat ang ibabang labi. 

Gulat akong nakatingin sa lalaking naglakad papasok at unti-unting nawala ang aking pagkagutom. Tumambad sa amin ang isang unipormadong lalaki. Matangkad at hapit sa kaniyang katawan ang kaniyang suot na long sleeve polo na may black coat at slacks.Lumingon-lingon ito sa paligid bago nanatili ang tingin sa aming tatlo. Agad akong nagpadala ng mensahe kay sister Anne na may dumating na bisita at baka si Mother Superior ang hinahanap.

"Good morning. Is the Mother Superior here?" Tanong nito sa amin. 

"Mr. Genovese asked us to be here to check the venue for tomorrow." Dagdag nito at bahagyang ngumiti. 

"Opo, sir. Nasa loob po ng building." Tumingin ako sa direksyon ni Matilda na malambing na sumagot. 

Nakangiting tumango naman ang lalaki sa kaniya. Humingi naman ito ng permiso na ipasok ang sasakyan kay Ali. May mga kasama raw siya sa loob ng sasakyan. Nalula kami sa napakagarang sasakyan parang sa mga foreign movie. Iyong tipong sa internet mo lang masyadong nakikita. 

Sumakay muli sa shotgun seat ang lalaki at agad sinara ang pinto ng sasakyan. Pumarada ang sasakyan sa maliit na parking lot ng ampunan. May biglang bumusina mula sa labas kaya gulat kaming tumingin sa gate nakita namin ang Foodpanda rider na naghihintay. 

"Hala! Sorry, kuya!" Humingi kaagad ng paumanhin si Ali. 

Lumapit naman kaagad kami at tinulungan si Ali na kunin ang mga in-order ni Matilda. Kaagad itong nag-abot ng pambayad at sinuklian naman siya ni kuya. 

"Salamat po!" Kumaway kami kay kuya bago sinara ni Ali ang gate. 

"Doon tayo sa Acasia kumain." Paalam ko sa kanilang dalawa at sumang-ayon naman silang dalawa. 

Tahimik kaming naglakad patungo sa Acasia kung saan matatanaw lang din ang pavilion. Bahagyang tumakbo si Ali sa puno at kinuha ang picnic cloth na nakasuksok sa isang butas na ginawa namin noong high school pa lang kami. Binukad niya ito at inilapag sa damuhan ang tela. Naghubad kami ng aming tsinelas at umupo. 

Nilagay namin ang mga pagkain at agad binuksan ang mga takip. Agad kumalat ang amoy ng mga ito kaya bumalik na naman sa akin kung gaano ako kagutom. 

"Magdasal muna tayo." Nagsign of the cross kami bago nagdasal. 

"Amen," bulong ko at agad kinuha ang aking pagkain. 

Sumubo ako at napapikit sa sarap ng rice meal. Iba talaga ang menu ng La Mings. Doon ako kumakain sa kanilang pwesto malapit lang sa aming paaralan sa sentro. Nagsalo-salo naman kami sa plastic bowl ng Lomi.

"Uy! Ang gwapo naman ng lalaki kanina!" Kinikilig na saad ni Matilda habang kumakain. 

"Huwag ka nga! Baka may edad na 'yon."

Umismid si Matilda sa sinabi ni Ali. 

"Ano naman kung may edad? Daddy..." Humagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Matilda. 

"Hindi naman siguro 'yon matanda talaga. Baka nasa late 20s o 30s pa siguro. Hindi na rin masama 'no." Nagpigil akong tumawa sa aking biro habang si Matilda ay tumatawa.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Lumipas ang ilang minuto at patapos na kaming kumain. Dito muna kami hanggang sa matapos kaming makapagpahinga bago pumunta sa loob o sa pavilion. 

"Tignan niyo." Ngumuso si Ali sa bandang gilid ni Matilda at agad kaming napatingin sa bandang pavilion.

Nanlaki ang aking mga matang nakatingin sa lalaking naglalakad patungo roon. Nakapalibot sa kaniya ang kaniyang mga bantay ngunit kita pa rin ang kaniyang kabuuan. Moreno at may kalakihan nag katawan ngunit hindi kagaya sa lalaking nakausap namin kanina. Nakatali ang kaniyang ngayo'y mataas na buhok ngunit hindi nagbago ang depinisyon ng kaniyang magandang mukha. 

Ang kaniyang mga matang bahagyang singkit at kulay-kape ay nakatingin lang sa isang direksyon. Ang kaniyang matangos na ilong at mapupulang labi ay nagbibigay ng matipunong awra. Nakasuot ito ng denim pants at fitted white shirt. Umiwas ako ng tingin kalaunan at malungkot na ngumiti para sa sarili. 

Ang laki ng pinagbago mo, Crimson. Maaalala mo pa kaya ako?

Related chapters

  • Tears Of Heaven    Chapter 5

    BAHAGYANG nakayuko ang aking ulo habang nakatayo. I tried my best not to lift up my gaze dahil nasa katapat ko lang si Crimson. I pretended not to get nervous pero hindi ko kaya. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa kaniya sa at sa kaniyang kasama na secretary pala ng kaniyang papa.Nandito kami nina Matilda at Ali kasama ang ibang mga bata dahil ipinakilala kami ni sister Anne sa kaniya. Ipinaalam din ni sister na isa kami sa mga nagtulungan upang pagandahin nag pavilion. Masaya namang tumugon ang lalaking secretary na si Mr. Adam at nagpasalamat sa amin.Bahagyang naantala sa pagsasalita si sister kay Mr. Adam nang lumapit ang isang bata. Bumulong ito kay sister at nagpaalam na aalis.Tumingin si sister Anne kay Crimson. "Hijo, handa na ang pagkain niyo sa loob."Bumaling naman si sister Anne sa amin at ngumiti. "Alam kong kumain na kayo kanina pero kumain pa rin kayo."

    Last Updated : 2021-05-02
  • Tears Of Heaven    Chapter 6

    BUMALIK kami sa realidad nang tawagin kami ni Sister Anne. Sabay kaming tumingin sa kanila at lihim na ngumiwi. Sumenyas siya sa amin upang sumunod sa kanila. Habang naglalakad ay pinilit kong huwag tumingin sa direksyon ni Crimson. Nagtitigan talaga kami? Nakakahiya ngunit wala nang bawian iyon lalo na't kilala niya ako. Akala ko nga baka nakalimutan na niya ako. Pagkalapit namin sa kanila ay agad kaming sinabihan na pupunta kami sa may likurang bahagi ng kumbento. Naroon ang mini vegetable garden na itinayo namin ilang taon na ang nakalilipas. Noon ay kami pa ang naglilinis at nagtatanim ng mga gulay pero may iilang volunteer na mula sa komunidad ang regular na tumutulong dito. Masaya sila Sister na naglakad sa maliit na pathway na ginawa sa gitna ng mga plot. Nasa aking likuran si Crimson kaya minsan ay binibilisan ko upang hindi kami magkalapit. Mahinang nag-uusap ang dalawang nakatatanda tungkol sa ampunan. Palihim kong pinagmasdan si Mr. Adam at nagtata

    Last Updated : 2021-05-25
  • Tears Of Heaven    Chapter 7

    NGAYON na ang araw na pinakahihintay naming lahat mula noong inanunsyo ito nila mother superior. May mga nagkalat na na security at pare-parehas ang mga suot nitong white long sleeve polo at black slacks. Sa pagkakaalam ko ay mga tauhan ito ng mga Genovese at magiging bantay sila para sa event na ito. Magiging mahigpit ang event dahil sa aming mga bisita. Magiging simple ngunit elegante ang program. Mula sa mga palamuti hanggang sa buong setup ng event. Proud akong makita ang pinaghirapan naming gawin para sa araw na ito. Ang mga madre ay suot ang kanilang as usual na damit na habit. Kami namang mga bata ay nagsuot ng aming pinakamagarang suot na babagay para rito. Masaya naman ako dahil kaming lahat ay magaganda ang suot hindi man kamahalan ang presyo. Pinili kong suotin ang aking emerald green midi dress na nabili ko sa ukay-ukay. Satin ang tela ng damit kaya magara itong tignan at babagay sa theme ng event. Ito rin ang sinuot ko noong christmas party noong

    Last Updated : 2021-05-27
  • Tears Of Heaven    Chapter 8

    MAY mga kaunting palaro ang inihanda ng mga madre para sa mga maliliit na bata at para din sa amin. Mas lalong sumaya ang event lalo na ang mga bata nang sumali si Mrs. Genovese sa kanila. Halatang malapit at mahilig ito sa mga bata dahil napaka-close ng kaniyang approach at ang lambing. Pinakisamahan niya ang mga bata at nagbibigay rin siya ng mga kaunting papremyo. Masaya namang pinagmasdan ni Mr. Genovese ang kaniyang asawa na parang bumalik sa pagkabata.Isa sa nagustuhan ko kay Mrs. Genovese ay ang hindi pagiging maarte. Kahit dugyutin ang ibang mga bata lalo na at kakakain lang nila ayy hindi siya nandidiri bagkus ay kabaliktaran ang pinakita nito.Sumali rin si Ali nang tinuro ito ni Mr. Adam. Sa simula ay umayaw pa ito ngunit nang tawagin siya ni Sister ay kaagad itong tumayo at napilitang sumali. Sandaling nawala ang aking kaba dahil kay Ali. Puro saya at tawanan ang makikita mo sa paligid hanggang sa matapos ang mga palaro sa talumpati ni Mr. Genovese.

    Last Updated : 2021-05-29
  • Tears Of Heaven    Chapter 9

    Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa Facebook. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin

    Last Updated : 2021-05-31
  • Tears Of Heaven    Chapter 10

    NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.“Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.“Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.Tama si Matilda. Dapat ipaala

    Last Updated : 2021-06-02
  • Tears Of Heaven    Chapter 11

    NOONG una ay blangko ang aking utak kung sino ang tinutukoy ni Sister Anne ngunit naalala ko ang mga tagpo niya kasama si Mr. Adam. Nanlaki ang aking mga mata sa aking realisasyon at pinakawalan ko sa aking bisig si Sister Anne. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na at namumula ang ilong.“Mayaman siya at pobre ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya at ayaw ko namang kalabanin niya ang sarili niyang pamilya kaya iniwan ko siya.”Mayaman nga si Mr. Adam. Hindi man niya ipaglandakan pero pananamit at kung paano siya kumilos ay masyadong sopistikado. Ang mga titig niya kay Sister Anne ay masyadong makahulugan at puno ng kakaibang emosyon. Iyon pala ay ang kaniyang pagmamahal para kay Sister.Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso. Hindi ko inakalang kinaya ni Sister Anne ang magparaya. Napaisip ako. Ganoon talaga siguro kapag lamang ang iyong pagmamahal kaysa sa takot. Handa mong isakripisyo ang lahat

    Last Updated : 2021-06-04
  • Tears Of Heaven    Chapter 12

    NAG-ISIP ako kung paano ako makakapagpaalam sa kaniya upang ayusin ang sarili ko. Pero parang imposible na ngayon. Dumating si Sister Anne at Ali na may dalang pagkain.Inilapag ni Sister ang dalang kaserola at binuksan. Inilapag din ni Ali ang lalagyan na may kanin. Biglang dumating dalawang bata at dala ang aming plato, kubyertos at baso. Nakatingin sa akin si Ali na para bang hindi makapaniwala. Si Sister naman ay panay ngiti lang."Good morning, Sister." He smiled at her."Good morning din sa'yo, hijo. Pagpalain ka."Bumaling sa akin si Sister at bigla itong kumindat bago ngumiti. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Tumingin ako kay Ali at tumikhim din ito."Uh, hija, excited ka yata masyado at hindi ka nakapag-ayos." Binigyang-diin niya ang pag-aayos.Napanguso ako at unti-unting umiling. "Hindi ko po kasi alam at matagal po akong nagising."Tumawa si Sister at nag-iwas na lamang ng tingin ang aking kaibigan. Hindi na ako nag-aba

    Last Updated : 2021-06-07

Latest chapter

  • Tears Of Heaven    Chapter 15

    Dumating kaming tatlo nina Matilda at Ali sa eskwelahan ng maaga dahil ayaw naing ma-late. This day is the actual first day for most schools at ayoko sa araw na ito. “Gagu na. Introduction na naman this mamaya!” Napakagat ng labi si Matilda. “Kaysa naman assessment kaagad, Mats. Gusto mo ‘yon?” Klarong tutol ni Ali sa kaniyang grilfriend. “Shet naman oh! Isama mo na ring ipagdasal na walang surprise Q and A!” “Huwag mo na munang problemahin. Hindi pa nga namomroblema si Heaven, oh!” Dinamay pa talaga ako. Pwede rin namang huwag both gawin ngayong araw na ito. Kahit na pinaghandaan ko ang short introduction ko kahapon pa pagkauwi,

  • Tears Of Heaven    Chapter 14

    Kinakabahan akong tinignan ang aking sarili sa salamin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matatanggap na first day of classes na ngayon. Parang kailan lang na nagrecognition kami noong 3rd year tapos ngayon pasukan na naman. Kinuha ko ang aking packbag sa aking upuan at sinukbit sa aking likod. Pumunta ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone at pitaka. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan ang pinto at lumabas. Last week ay in-enroll na kami ni Sister Anne sa Macapagal State College. Hindi na kami sumama nina Matilda at Ali kaya hindi ko nakita ang aming classroom. Pero ang sabi-sabi ay maganda raw. May iba namang pinaglumaan na raw ng mga dating students. In short, pangit at marumi. Dumiretso ako sa dining hall upang hintayin ang dalawa. Kanina pa kaming madalign araw kumain kagaya noong dati dahil ayaw naming ma-late sa school. Binigyan na rin kami ni Sister ng aming lunch sa tupperware para iwas sa gastos. Kailangang magtipid dahil gagastos na naman

  • Tears Of Heaven    Chapter 13

    I tied my hair into a messy bun. Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ko ang aking buhok. Nagdesisyon akong gamitin ang aking kulay beige na headband upang hindi lumipad ang aking mga baby hair. Pagkatapos ay naglagay ng kaunting pulbos sa aking leeg at likod dahil madali akong magkabungang-araw dahil sa init.Kahapon ay pinakiusapan ako ng mga bata kung pwede ba akong magturo sa kanila ng basic lessons ng elementary English at Science. Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako sa kanila. Binigyan din nila ako ng pointers kahapon. Mabuti pa sila ang sipag mag-aral. Sabagay, elementary pa lang din naman kaya madali pa lang sa kanila at sinisipag silang mag-aral.Dala ang aking mga lumang libro na hiniram ko ulit sa library, lumabas ako ng aking kwarto at naglakad papunta sa labas ng ampunan at dumiretso sa malawak na espasyo malapit sa pavilion. Doon nila pinlanong ‘magsummer class’ kasama ako. Pagkarating ko ay naroon na ang karamihan sa kanila.

  • Tears Of Heaven    Chapter 12

    NAG-ISIP ako kung paano ako makakapagpaalam sa kaniya upang ayusin ang sarili ko. Pero parang imposible na ngayon. Dumating si Sister Anne at Ali na may dalang pagkain.Inilapag ni Sister ang dalang kaserola at binuksan. Inilapag din ni Ali ang lalagyan na may kanin. Biglang dumating dalawang bata at dala ang aming plato, kubyertos at baso. Nakatingin sa akin si Ali na para bang hindi makapaniwala. Si Sister naman ay panay ngiti lang."Good morning, Sister." He smiled at her."Good morning din sa'yo, hijo. Pagpalain ka."Bumaling sa akin si Sister at bigla itong kumindat bago ngumiti. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Tumingin ako kay Ali at tumikhim din ito."Uh, hija, excited ka yata masyado at hindi ka nakapag-ayos." Binigyang-diin niya ang pag-aayos.Napanguso ako at unti-unting umiling. "Hindi ko po kasi alam at matagal po akong nagising."Tumawa si Sister at nag-iwas na lamang ng tingin ang aking kaibigan. Hindi na ako nag-aba

  • Tears Of Heaven    Chapter 11

    NOONG una ay blangko ang aking utak kung sino ang tinutukoy ni Sister Anne ngunit naalala ko ang mga tagpo niya kasama si Mr. Adam. Nanlaki ang aking mga mata sa aking realisasyon at pinakawalan ko sa aking bisig si Sister Anne. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na at namumula ang ilong.“Mayaman siya at pobre ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya at ayaw ko namang kalabanin niya ang sarili niyang pamilya kaya iniwan ko siya.”Mayaman nga si Mr. Adam. Hindi man niya ipaglandakan pero pananamit at kung paano siya kumilos ay masyadong sopistikado. Ang mga titig niya kay Sister Anne ay masyadong makahulugan at puno ng kakaibang emosyon. Iyon pala ay ang kaniyang pagmamahal para kay Sister.Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso. Hindi ko inakalang kinaya ni Sister Anne ang magparaya. Napaisip ako. Ganoon talaga siguro kapag lamang ang iyong pagmamahal kaysa sa takot. Handa mong isakripisyo ang lahat

  • Tears Of Heaven    Chapter 10

    NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.“Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.“Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.Tama si Matilda. Dapat ipaala

  • Tears Of Heaven    Chapter 9

    Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa Facebook. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin

  • Tears Of Heaven    Chapter 8

    MAY mga kaunting palaro ang inihanda ng mga madre para sa mga maliliit na bata at para din sa amin. Mas lalong sumaya ang event lalo na ang mga bata nang sumali si Mrs. Genovese sa kanila. Halatang malapit at mahilig ito sa mga bata dahil napaka-close ng kaniyang approach at ang lambing. Pinakisamahan niya ang mga bata at nagbibigay rin siya ng mga kaunting papremyo. Masaya namang pinagmasdan ni Mr. Genovese ang kaniyang asawa na parang bumalik sa pagkabata.Isa sa nagustuhan ko kay Mrs. Genovese ay ang hindi pagiging maarte. Kahit dugyutin ang ibang mga bata lalo na at kakakain lang nila ayy hindi siya nandidiri bagkus ay kabaliktaran ang pinakita nito.Sumali rin si Ali nang tinuro ito ni Mr. Adam. Sa simula ay umayaw pa ito ngunit nang tawagin siya ni Sister ay kaagad itong tumayo at napilitang sumali. Sandaling nawala ang aking kaba dahil kay Ali. Puro saya at tawanan ang makikita mo sa paligid hanggang sa matapos ang mga palaro sa talumpati ni Mr. Genovese.

  • Tears Of Heaven    Chapter 7

    NGAYON na ang araw na pinakahihintay naming lahat mula noong inanunsyo ito nila mother superior. May mga nagkalat na na security at pare-parehas ang mga suot nitong white long sleeve polo at black slacks. Sa pagkakaalam ko ay mga tauhan ito ng mga Genovese at magiging bantay sila para sa event na ito. Magiging mahigpit ang event dahil sa aming mga bisita. Magiging simple ngunit elegante ang program. Mula sa mga palamuti hanggang sa buong setup ng event. Proud akong makita ang pinaghirapan naming gawin para sa araw na ito. Ang mga madre ay suot ang kanilang as usual na damit na habit. Kami namang mga bata ay nagsuot ng aming pinakamagarang suot na babagay para rito. Masaya naman ako dahil kaming lahat ay magaganda ang suot hindi man kamahalan ang presyo. Pinili kong suotin ang aking emerald green midi dress na nabili ko sa ukay-ukay. Satin ang tela ng damit kaya magara itong tignan at babagay sa theme ng event. Ito rin ang sinuot ko noong christmas party noong

DMCA.com Protection Status