IMPOSIBLENG siya ito. Imposibleng magsinungaling siya sa akin.
Diyos ko, siya ba talaga itong nakikita ko? Crimson Genovese's description was so familiar While reading the basic information about him on G****e, the more I held on to the thought that he was my friend.
Imposible rin namang ito talagang si Crimson ang kaibigan ko. Ang special naman niya siguro kung siya lang ang nag-iisang lalaking nagngangalang Crimson sa mundo. Sinubukan kong hanapin kung may litrato ba siyang nagkalat dito sa internet pero ilang minuto ang lumipas ngunit hindi masyadong nagdi-disclose ng mga litrato ang kaniyang pamilya, ni family photo wala.
Napabuntonghininga ako habang nakatutok sa aking cellphone. Bakit ko nga ba poproblemahan kung siya nga? Matagal na rin naman iyon. Past is past ika nga.
"Okay ka lang ba, Langit? Anong tinitignan mo?" nag-aalalang tanong ni Matilda.
Umangat ang aking tingin mula sa screen patungo sa kaniya at nakita siyang nakaupo sa paanan ng kama. Nakakunot ang noo nito at may mapagtanong na mga mata.
"W-Wala... busy lang ako kaka-search noong apilyedo. Hindi ko kasi mahanap..." mahina kong tugon sa kaniya habang nilalaro bahagya ang cellphone.
Malalim ang tingin nito sa akin na parang sinusubukan niya akong basahin pero bumuga na lamang ito ng hangin at bumalik sa paghiga. Huminga ako nang malalim at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Parang kailan lang lanng din pala ang mga nangyari. Ang bilis talaga ng takbo ng panahon pero ang tagal-tagal na para balikan.
Wala nga akong contact niya, e. Hindi pa naman uso sa akin ang cellphone noon dahil nakikihiram lang din naman ako kay Sister Anne. Hindi ko rin alam kung sa isang mayamang pamilya talaga siya galing. Hindi ko alam sa kung saang pamilya siya galing at kung saan siya nakatira. Ngunit hindi rin naman siya makakapag-aral sa isang prestigious na paaralan like Tessoro International.
Wala akong nasabihan ni isa sa mga kakilala ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na may paghanga ako sa isang kaibigan. Parang hindi naman iyon tama at pakiramdam ko ay kasalanang magkagusto sa isang katulad niya. Kahit naman hindi niya sabihin sa akin ay may kutob akong maganda ang estado ng pamilya niya.
Pero hindi ko pa rin maiwasang magtanong sa sarili kung tama ba talaga ang mga iniisip ko tungkol sa kaniya. Masaklap lang dahil wala talaga akong masyadong alam tungkol sa kaibigan ko. Nakakahiya naman kasing magtanong baka ano pa ang isipin niya sa akin. Dumagdag pa itong nalaman ko tungkol sa donor ng orphanage sa susunod na linggo.
Bigla akong napaisip. Isasama kaya siya ni Mr. Genovese? Para naman makita ko siya sa personal at para matigil na rin itong iniisip ko. Paano naman kung siya talaga ang kaibigan mo noon? Gusto kong sapakin ang sarili ko sa naiisip ko.
Dadagdag lang iyon sa problema ko kung paano aarte nang maayos kung siya nga ang kaibigan ko noon. Kung siya nga talaga, edi magpanggap na lang ako na hindi ko na siya kilala 'di ba? Ang tanga naman siguro kung ganoon ang gagawin ko. Hindi rin ako magaling umarte at napatunayan ko na iyon noon sa junior high school noong ako ang gumanap na Juliet sa aming stage play.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagconcentrate sa paghinga. Dapat hindi muna ako mamomroblema dahil may ilang araw pa bago iyong sinasabi na program. Nakuwento iyon kanina ni Sister sa amin at balak nilang ianunsiyo iyon sa mga bata bukas unang araw ng linggo.
"Sayang naman! Wala masyadong picture ang anak no'ng mayaman." Lumingon ako kay Matilda.
Huwag kang mag-alala, Matilda. Parehas lang tayong walang nakita.
"Bilisan natin kasi may announcement daw sila Mother Superior!" Dinig ko mula sa isang bata na kasabay naming kumain.
Tumingin ako sa kanilang dalawa at may bahid ng tanong ang aking tingin.
"Oo nga pala. Ngayon na mag-a-announce ang mga madre tungkol doon sa donation." Ani Matilda at tumango naman si Ali.
"Baka engrande ang pakain nito sa program — aray!" Napahawak si Ali sa kaniyang batok at halatang nasaktan ngunit wala lang ito sa kaniya.
"Pagkain lang talaga ang iniisip mo!"
Tumawa ako nang makita si Matilda na nakaangat sa ere ang kaniyang kaliwang kamay. Pinandilatan niya si Ali bago ito nagpatuloy sa pagkain.
"Bilisan na nga natin ang pagkain kasi baka mahuli tayo," bulong ko sa kanilang dalawa.
Iniwan na muna namin ang aming pinagkainan pagkatapos kumain at pumunta sa labas ng gusali. Kasabay namin ang ibang mga bata at sabay king naglakad patungo sa lilim ng Acasia. May iilan nang madre ang naroon at naghihintay para sa amin kaya nagmadali kaming lumapit sa kanila.
"Magandang umaga po, Sisters!" Bati ni Ali sa kanila at nagmano sa kanila.
Bumati rin kami ni Matilda bilang pagrespeto sa kanila. Pumili ng puwesto si Matilda at umupo kami sa damuhan. Inayos ko ang aking suot na pang-ibaba upang maging komportable ang aking pag-upo. Tumingin ako kay Ali na tumabi kay Matilda at pasikretong ngumiti.
Bumaling ako sa harapan nang marinig ko si Mother Superior.
"Good morning, mga anak! Praised be Jesus and Mary," Nakangiting bati ni Mother Superior.
"Now and forever," tugon naming mga kabataan.
"Magpasalamat tayo sa Diyos mga anak dahil may magandang balita kami para sa inyo!"
Kita namin kay Mother Superior ang pagkagalak sa kaniyang iaanunsiyo sa amin. Attentive naman masyado ang mga bata sa pakikinig kay mother kaysa sa amin. Habang nagsasalita si mother sa harap ay nakatuon lamang ang aking pansin sa kawalan habang nag-iisip.
Kilala ang patriarch ng pamilya nila na si Mr. Arkus Genovese. Imposibleng wala siyang kahit isang social media. He is a businessman based on his basic information given by G****e last time. Hindi malayong may F******k page ang kanilang business, 'di ba? Pero anong business?
Napasapok ako sa aking noo at kinuha sa aking bulsa ang aking cellphone. Walang ibang makakasagot sa akin maliban sa internet. Ayoko ring magtanong kay Sister Anne dahil baka iba ang papasok sa utak niya at tuksuhin pa niya ako. Hindi rin kami masyadong halata rito sa aming puwesto dahil may mga batang nasa harapan nakaupo.
In-on ko ang cellphone pati ang cellular data. Binuksan ko ang aking F******k at sinubukang i-search ang kanilang apilyedo. Habang naghihintay ng resulta ay binaling ko muna ang aking tingin sa harap. Busy sa pag-e-explain si Sister Mary Blaze kung ano design na gagawin upang i-decorate ang aming pavilion sa di kalayuan.
Tumingin ako sa aking tabi at nakitang nagte-take notes si Matilda sa kaniyang cellphone habang tahimik na nakikinig si Ali kay Sister. Nagbigay na rin ng designated assignment si sister para sa mga gagawing decorations. Mukhang mabi-busy tayo nito, ah.
Kasama ko sina Matilda, Ali at ang iba pa naming kaedad na si Stefanidi. Mahinhin siyang babae ngunit cooperative naman ito sa mga gawain dito sa orphanage. Nakatoka kami sa paggawa ng isang decorative tree na gawa sa japanese paper, walis tingting at kawayan. May isang grupo ring naka-assign sa paggawa pa ng isang tree kasi ilalagay ito sa harap ng pavilion as entrance.
May naka-assign na rin para sa stage iyong mga niregaluan ng talent sa arts. May committee na rin para sa performance, pagkain at token na ibibigay sa mga bisitang dadalo.
Ilang mga anunsiyo at paalala pa ang binigay nila Mother Superior bago kami matapos sa meeting. Doon ko lang din naalala ang aking in-search sa F******k. Dali-dali kong binuhay ang aking cellphone at tinignan kung may lumabas na resulta. Lumiwanag ang aking paningin nang may mga lumabas na post at account.
"Huy!" Bigla akong tinawag ni Matilda at hinawakan ang aking balikat.
Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat at parang kinapos sa hininga.
Masama ang tingin kong tumingin sa kaniya at nagmaktol. "Huwag ka ngang manggulat!"
"Para ka kasing timang na nakatitig diyan aa cellphone na parang nanalo ka sa lotto — kanina ka pa!" Dinuro niya ako sa braso.
"May crush ka, 'no? Sabihin mo nga?"
Umiling lamang ako at tumayo mula sa damuhan. Pinagpag ko muna ang aking pang-upo bago maglakad pabalik sa loob ng gusali.
"May crush ka!" Akusa niya sa akin habang sabay kaming naglalakad sa field.
"Sinong may crush? Sinong crush?" Pahabol na tanong ni Ali mula sa aming likuran.
"Wala akong crush! Ano ba? Hinahanap ko lang iyong hinanap natin kahapon, Matilda." Pinaliwanag ko sa kaniya at pumasok kami sa entrada ng gusali.
"Sinong hinanap niyo, Langit?" Tanong ni Ali at ramdam kong nasa tabi ko na siya habang paakyat kami sa ikalawang palapag.
"Ay! Huwag kang mag-alala, girl! I know in my gut and in my heart makikita natin siya sa program!" Tili ni Matilda hinampas-hampas ang mag braso ni Ali.
Kawawa talaga itong si Ali kapag tinotopak si Matilda.
Ako'y napailing na lang habang si Ali ay bakas ang pagkalito sa aming pinag-usapan.
ILANG araw ang lumipas mula noong pagpupulong para sa paghahanda sa aming program. Masaya ako nang matapos namin ang puno na ilalagay sa entrance ng pavilion kasama ng isa pa na tinapos na rin ng ibang grupo. Nailagay na namin doon ang aming ginawa at tumulong sa mga may kailangan upang madali na lang matapos. Makakapagpahinga na rin kami sa wakas.Ilang araw na ring nasa isip ko at binabagabag ako paminsan-minsan ang mga napag-usapan namin ni Matilda pagkatapos noong pagpupulong. Ang hirap naman kasing hanapin kahit litrato man lang nilang pamilya, wala. Pero hindi rin naman nila obligasyon ang pagpo-post ng mga pribadong ganap nila sa buhay. Napabuntonghininga na lamang ako.Pinagmasdan namin ang stage na puno ng mga magagandang dekorasyon. White at Emerald Green ang napili para sa color scheme ng mga decoration upang bumagay sa aming lugar na kahit saan ka tumingin ay puno ng mga puno at bulaklak.Ipinaalam din sa ami
BAHAGYANG nakayuko ang aking ulo habang nakatayo. I tried my best not to lift up my gaze dahil nasa katapat ko lang si Crimson. I pretended not to get nervous pero hindi ko kaya. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa kaniya sa at sa kaniyang kasama na secretary pala ng kaniyang papa.Nandito kami nina Matilda at Ali kasama ang ibang mga bata dahil ipinakilala kami ni sister Anne sa kaniya. Ipinaalam din ni sister na isa kami sa mga nagtulungan upang pagandahin nag pavilion. Masaya namang tumugon ang lalaking secretary na si Mr. Adam at nagpasalamat sa amin.Bahagyang naantala sa pagsasalita si sister kay Mr. Adam nang lumapit ang isang bata. Bumulong ito kay sister at nagpaalam na aalis.Tumingin si sister Anne kay Crimson. "Hijo, handa na ang pagkain niyo sa loob."Bumaling naman si sister Anne sa amin at ngumiti. "Alam kong kumain na kayo kanina pero kumain pa rin kayo."
BUMALIK kami sa realidad nang tawagin kami ni Sister Anne. Sabay kaming tumingin sa kanila at lihim na ngumiwi. Sumenyas siya sa amin upang sumunod sa kanila. Habang naglalakad ay pinilit kong huwag tumingin sa direksyon ni Crimson. Nagtitigan talaga kami? Nakakahiya ngunit wala nang bawian iyon lalo na't kilala niya ako. Akala ko nga baka nakalimutan na niya ako. Pagkalapit namin sa kanila ay agad kaming sinabihan na pupunta kami sa may likurang bahagi ng kumbento. Naroon ang mini vegetable garden na itinayo namin ilang taon na ang nakalilipas. Noon ay kami pa ang naglilinis at nagtatanim ng mga gulay pero may iilang volunteer na mula sa komunidad ang regular na tumutulong dito. Masaya sila Sister na naglakad sa maliit na pathway na ginawa sa gitna ng mga plot. Nasa aking likuran si Crimson kaya minsan ay binibilisan ko upang hindi kami magkalapit. Mahinang nag-uusap ang dalawang nakatatanda tungkol sa ampunan. Palihim kong pinagmasdan si Mr. Adam at nagtata
NGAYON na ang araw na pinakahihintay naming lahat mula noong inanunsyo ito nila mother superior. May mga nagkalat na na security at pare-parehas ang mga suot nitong white long sleeve polo at black slacks. Sa pagkakaalam ko ay mga tauhan ito ng mga Genovese at magiging bantay sila para sa event na ito. Magiging mahigpit ang event dahil sa aming mga bisita. Magiging simple ngunit elegante ang program. Mula sa mga palamuti hanggang sa buong setup ng event. Proud akong makita ang pinaghirapan naming gawin para sa araw na ito. Ang mga madre ay suot ang kanilang as usual na damit na habit. Kami namang mga bata ay nagsuot ng aming pinakamagarang suot na babagay para rito. Masaya naman ako dahil kaming lahat ay magaganda ang suot hindi man kamahalan ang presyo. Pinili kong suotin ang aking emerald green midi dress na nabili ko sa ukay-ukay. Satin ang tela ng damit kaya magara itong tignan at babagay sa theme ng event. Ito rin ang sinuot ko noong christmas party noong
MAY mga kaunting palaro ang inihanda ng mga madre para sa mga maliliit na bata at para din sa amin. Mas lalong sumaya ang event lalo na ang mga bata nang sumali si Mrs. Genovese sa kanila. Halatang malapit at mahilig ito sa mga bata dahil napaka-close ng kaniyang approach at ang lambing. Pinakisamahan niya ang mga bata at nagbibigay rin siya ng mga kaunting papremyo. Masaya namang pinagmasdan ni Mr. Genovese ang kaniyang asawa na parang bumalik sa pagkabata.Isa sa nagustuhan ko kay Mrs. Genovese ay ang hindi pagiging maarte. Kahit dugyutin ang ibang mga bata lalo na at kakakain lang nila ayy hindi siya nandidiri bagkus ay kabaliktaran ang pinakita nito.Sumali rin si Ali nang tinuro ito ni Mr. Adam. Sa simula ay umayaw pa ito ngunit nang tawagin siya ni Sister ay kaagad itong tumayo at napilitang sumali. Sandaling nawala ang aking kaba dahil kay Ali. Puro saya at tawanan ang makikita mo sa paligid hanggang sa matapos ang mga palaro sa talumpati ni Mr. Genovese.
Inayos ko ang aking buhok at tinali ito sa isang simple braid. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang matapos kong ayusin ang aking buhok. Inayos ko ang palda ng aking suot na 3/4 sleeve light blue midi dress. Naglagay ako ng kaunting lip balm at naglagay ng kaunting pabango.Tinignan ko ang aking kabuoan sa salamin at ngumiti. Maganda ngunit nakakapanibago para sa akin na minsan lang mag-ayos ng ganito sa sarili. Kung may okasyon o mga lakad na minsan lang din mangyari. Kinuha ko ang aking cellphone at in-open ang camera upang kumuha ng litrato.Pinindot ko ang selfie mode at ngumiti at kumuha ng ilang litrato. Naka-ilang pose pa ako bago ako tumigil nang ma-satisfy ako sa aking mga kuha. Balak kong magchange profile sa Facebook. Gusto ko ng bagong look sa sarili ko ngayon. Habang namimili ako ng litrato na gagamitin ko pangprofile picture ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Matilda na namamanghang nakatingin
NAKATINGIN ako kay Matilda na ngayon ay nakaharap sa akin at nag-iisip. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan namin ni Crimson. Nagulat ito nang malaman niya na bibisita rito si Crimson. Hindi lang din naman ang siya ang nagulat. Kaya iniisip niya kung ano ang magandang ihanda para kay Crimson.“Pwede naman sigurong magpaalam tayo kay Sister Anne na mamamalengke tayo tapos magluluto ka ng pagkain para sa kaniya. Magpapaalam lang din tayo sa nagluluto rito sa ampunan na tulungan ka. Pero baka magtaka rin iyon kung bakit ikaw pa ang magluluto.” Suhestiyon niya habang naglalakad pabalik-balik sa harap ko.“Ipaalam na lang natin kay Sister na may bisitang dadating!” Tumigil siya sa gitna at tumingin sa akin.Tama si Matilda. Dapat ipaala
NOONG una ay blangko ang aking utak kung sino ang tinutukoy ni Sister Anne ngunit naalala ko ang mga tagpo niya kasama si Mr. Adam. Nanlaki ang aking mga mata sa aking realisasyon at pinakawalan ko sa aking bisig si Sister Anne. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na at namumula ang ilong.“Mayaman siya at pobre ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya at ayaw ko namang kalabanin niya ang sarili niyang pamilya kaya iniwan ko siya.”Mayaman nga si Mr. Adam. Hindi man niya ipaglandakan pero pananamit at kung paano siya kumilos ay masyadong sopistikado. Ang mga titig niya kay Sister Anne ay masyadong makahulugan at puno ng kakaibang emosyon. Iyon pala ay ang kaniyang pagmamahal para kay Sister.Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking puso. Hindi ko inakalang kinaya ni Sister Anne ang magparaya. Napaisip ako. Ganoon talaga siguro kapag lamang ang iyong pagmamahal kaysa sa takot. Handa mong isakripisyo ang lahat
Dumating kaming tatlo nina Matilda at Ali sa eskwelahan ng maaga dahil ayaw naing ma-late. This day is the actual first day for most schools at ayoko sa araw na ito. “Gagu na. Introduction na naman this mamaya!” Napakagat ng labi si Matilda. “Kaysa naman assessment kaagad, Mats. Gusto mo ‘yon?” Klarong tutol ni Ali sa kaniyang grilfriend. “Shet naman oh! Isama mo na ring ipagdasal na walang surprise Q and A!” “Huwag mo na munang problemahin. Hindi pa nga namomroblema si Heaven, oh!” Dinamay pa talaga ako. Pwede rin namang huwag both gawin ngayong araw na ito. Kahit na pinaghandaan ko ang short introduction ko kahapon pa pagkauwi,
Kinakabahan akong tinignan ang aking sarili sa salamin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matatanggap na first day of classes na ngayon. Parang kailan lang na nagrecognition kami noong 3rd year tapos ngayon pasukan na naman. Kinuha ko ang aking packbag sa aking upuan at sinukbit sa aking likod. Pumunta ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone at pitaka. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan ang pinto at lumabas. Last week ay in-enroll na kami ni Sister Anne sa Macapagal State College. Hindi na kami sumama nina Matilda at Ali kaya hindi ko nakita ang aming classroom. Pero ang sabi-sabi ay maganda raw. May iba namang pinaglumaan na raw ng mga dating students. In short, pangit at marumi. Dumiretso ako sa dining hall upang hintayin ang dalawa. Kanina pa kaming madalign araw kumain kagaya noong dati dahil ayaw naming ma-late sa school. Binigyan na rin kami ni Sister ng aming lunch sa tupperware para iwas sa gastos. Kailangang magtipid dahil gagastos na naman
I tied my hair into a messy bun. Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ko ang aking buhok. Nagdesisyon akong gamitin ang aking kulay beige na headband upang hindi lumipad ang aking mga baby hair. Pagkatapos ay naglagay ng kaunting pulbos sa aking leeg at likod dahil madali akong magkabungang-araw dahil sa init.Kahapon ay pinakiusapan ako ng mga bata kung pwede ba akong magturo sa kanila ng basic lessons ng elementary English at Science. Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako sa kanila. Binigyan din nila ako ng pointers kahapon. Mabuti pa sila ang sipag mag-aral. Sabagay, elementary pa lang din naman kaya madali pa lang sa kanila at sinisipag silang mag-aral.Dala ang aking mga lumang libro na hiniram ko ulit sa library, lumabas ako ng aking kwarto at naglakad papunta sa labas ng ampunan at dumiretso sa malawak na espasyo malapit sa pavilion. Doon nila pinlanong ‘magsummer class’ kasama ako. Pagkarating ko ay naroon na ang karamihan sa kanila.
NAG-ISIP ako kung paano ako makakapagpaalam sa kaniya upang ayusin ang sarili ko. Pero parang imposible na ngayon. Dumating si Sister Anne at Ali na may dalang pagkain.Inilapag ni Sister ang dalang kaserola at binuksan. Inilapag din ni Ali ang lalagyan na may kanin. Biglang dumating dalawang bata at dala ang aming plato, kubyertos at baso. Nakatingin sa akin si Ali na para bang hindi makapaniwala. Si Sister naman ay panay ngiti lang."Good morning, Sister." He smiled at her."Good morning din sa'yo, hijo. Pagpalain ka."Bumaling sa akin si Sister at bigla itong kumindat bago ngumiti. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. Tumingin ako kay Ali at tumikhim din ito."Uh, hija, excited ka yata masyado at hindi ka nakapag-ayos." Binigyang-diin niya ang pag-aayos.Napanguso ako at unti-unting umiling. "Hindi ko po kasi alam at matagal po akong nagising."Tumawa si Sister at nag-iwas na lamang ng tingin ang aking kaibigan. Hindi na ako nag-aba