Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 941 - Chapter 950

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 941 - Chapter 950

5657 Chapters

Kabanata 941

Magkasunod ang dalawang BMW habang pabalik sila sa villa sa Thompson First.Mas lalong lumakas ang sama ng loob ni Jacob habang patuloy siyang pinagalitan ni Elaine sa daan pauwi.Nang una niyang natanggap ang tawag ni Elaine, abala siya sa pagkanta kasama ang unang mahal niya. Kaya, mayroon siyang nakokonsensyang pag-iisip. Nang marinig niya ang galit na tono niya sa tawag, nagmadali siya sa hospital.Pagkatapos pakalmahin nang kaunti ang sarili niya, naramdaman niya na wala na talagang pag-asa si Elaine.Kaya, mas lalong lumakas ang intensyon ni Jacob na i-divorce siya.Pagkalabas sa kotse, pumunta si Jacob sa likod para kunin ang mga saklay na binili nila sa hospital bago ito ipinasa kay Elaine.Sa una ay hinihintay ni Elaine na tulungan siya ni Jacob na makapasok sa bahay. Inisip niya ba na bubuhatin niya siya papasok. Sa hindi inaasahan, pinasa niya lang ang mga saklay sa kanya.Hinawakan ni Elaine ang mga sakay at sumigaw, “Jacob Wilson! Ikaw matandang g*go! Bali na ang bi
Read more

Kabanata 942

Sumagot si Charlie bago siya pumasok sa kusina.Sa totoo lang, may isang kahon pa ng mga itlog sa refrigerator. Dahil ayaw niyang bigyan si Elaine ng kahit isang itlog, binasag niya ang lahat ng itlog bago ito tinapon sa drainage system. Kahit na medyo sayang na itapon ito sa drainage, naramdaman ni Charlie na mas lalong sayang kung mapupunta ito sa tiyan ni Elaine.Pagkatapos, kinuha ni Charlie ang isang kaldero at nag-init ng tubig bago niya inilagay ang mga noodles.Habang hinahanda niya ang mga noodles, bigla siyang nakatanggap ng mensahe sa kanyang cellphone.Binuksan niya ang mga text message niya at napagtanto niya na may nagpadala ng mensahe sa group chat nila, ‘Aurous Hill Welfare Institute Friends’.Ang dalawampu’t tatlong tao sa group chat na ito ay binubuo ng mga grupo ng mga tao na naging alila at pinasok at pinalaki ni Mrs. Lewis. Lahat sila ay maraming taon nang pumasok sa lipunan, at halos lahat sila ay nakakalat na sa buong bansa. Kaya, hindi na sila masyadong mal
Read more

Kabanata 943

Ang isang kaibigan na nagngangalang Harvey Carver ang nagsabi sa group chat: [Oo! Sa wakas ay gumaling na si Mrs. Lewis sa malalang sakit. Kung ang lahat ng bata na pinalaki niya ay hindi agad pumunta para bisitahin siya, marahil ay madismaya siya.]Sumagot si Max: [Ganito na lang. Bakit hindi tayo humanap ng five-star hotel para ilibre si Mrs. Lewis sa isang magandang welcome dinner?]Sumagot si Stephanie: [Max, hindi natin kailangang maging marangya. Palaging naging matipid si Mrs. Lewis sa buong buhay niya. Siguradong hindi siya mapapalagay kung dadalhin natin siya sa isang marangyang lugar.. Bakit hindi na lang tayo kumain sa isang maliit na restaurant na naghahanda ng mga lutong-bahay sa harap ng bahay ampunan?]Hindi mapigilang magbuntong hininga ni Charlie sa sandaling ito. Puno siya ng emosyon nang maisip niya ang maliit na restaurant na mahigit sampung taon nang nakabukas.Sa ikalabing walong kaarawan niya, ginamit ni Mrs. Lewis ang lahat ng pera na naipon niya sa pagiging
Read more

Kabanata 944

Hindi mapigilang masabik ni Charlie nang maisip niya na makikita na niya ulit si Mrs. Lewis.Hindi na niya nakita si Mrs. Lewis simula noong pinagalitan siya ni Lady Wilson nang nangutang siya ng pera sa kaarawan niya. Ito ay dahil pinadala ni Stephen si Mrs. Lewis direkta sa Eastcliff pagkatapos nito.Mayroong malalim na relasyon si Charlie kay Mrs. Lewis, at tinuring niya siya bilang sarili niyang ina.Nang nagkasakit si Mrs. Lewis, desperadong sinubukan ni Charlie na mag-ipon ng pera. Palihim niya pang sinubukang ibenta ang dugo niya para kumita. Humingi rin siya ng Claire nang palihim para panatilihing buhay si Mrs. Lewis.Kung hindi niya niya ginawa ang lahat para tulungan si Mrs. Lewis sa pagpapagamot sa kanya, hindi nakapaghintay si Mrs. Lewis kay Stephen. Matagal na dapat siyang patay.Pero, naramdaman ni Charlie na ito dapat ang ginagawa niya. Kahit na gawin niya ito, marahil ay nabayaran niya lang ang isa sa sampung libong kabaitan ni Mrs. Lewis sa kanya..Palagi siyang
Read more

Kabanata 945

Biglang nalungkot nang sobra si Elaine nang marinig niya ito!Dalawang araw lang siya nawala, pero mukhang tila ba nag-iba na ngayon ang ugali ng lahat sa pamilya sa kanya.Hindi siya pinapansin ng asawa niya at naubusan pa ng pasensya sa kanya. Ang manugang niya rin ay hindi na rin ang manugang na palaging inaapi ng iba. Nangahas pa siyang magalit sa kanya at bumalik sa sarili niyang bahay.Kahit ang kanyang mabuting anak na palagi niyang inaasahan ay hindi na kumakampi sa kanya.Hinding-hindi niya inaasahan na talagang kakampihan ng kanyang anak si Charlie sa sandaling ito.Palagi siyang isang drama queen. Sa tuwing mawawalan na siya ng kapangyarihan sa bahay, namumula ang mga mata niya habang nagpapanggap siya.Nabulunan nang nakakaawa siya at sinabi, “Hindi na ako kailangan sa bahay na ito. Wala nang pakialam ang ama mo s akin. Pinagbabantaan ako ng asawa mo na palayasin sa bahay na ito at hindi ka man lang kumakampi sa akin…”Habang nagsasalita siya, kumibot ang bibig ni El
Read more

Kabanata 946

Kaya, sinabi ni Claire kay Elaine, “Ma, pag-isipan mo ang tungkol dito nang mag-isa. Aalis muna kami ni Charlie. Siya nga pala, huwag mong kalimutang ilabas ang noodles na niluto ni Charlie para sa’yo.”Pagkatapos niyang magsalita, sinabi ni Claire kay Charlie, “Tara na.”Tumango nang kaunti si Charlie bago niya nilabas si Claire sa villa at pumunta sila sa bahay ampunan.Bumili si Charlie ng isang bouquet ng mga bulaklak at isang basket ng mga prutas sa daan papunta sa bahay ampunan. Naghanda rin siya ng isang sulat-kamay na greeting card para ibigay kay Mrs. Lewis.Pagdating sa Aurous Hill Welfare Institute, pinarada ni Charlie ang kotse sa parking space sa gilid ng kalsada. Natulala si Charlie habang nakatingin siya sa medyo lumang pinto sa bahay ampunan. Hindi niya mapigilang maramdaman na bumalik siya sa nakaraan.Tumayo siya doon na tila ba inaalala niya ang mga eksena sa memorya niya. Ang mga ala-alang dumating sa memorya niya ay ang mga pinakamabait, pinakamasaya, at pinak
Read more

Kabanata 947

Puno ng saya at sorpresa ang ekspresyon ni Stephanie sa kanyang mukha nang makita niya si Charlie.Tumakbo agad siya papunta kay Charlie habang sinunggaban ang mga braso ni Charllie gamit ang dalawang kamay niya at tinanong, “Brother Charlie, bakit sobrang tagal mo kaming hindi binisita sa bahay ampunan?”Hindi nakaramdam ng yamot si Charlie kahit na sinunggaban ni Stephanie ang mga braso niya. Sa kabaliktaran, para siyang isang kuya, at sinabi niya nang mapagmahal, “Hindi maganda ang naging buhay ko pagkaalis sa bahay ampunan. Kaya, medyo nahiya akong bumalik para bisitahin kayong lahat.”Sa sandaling narinig ni Stephanie ang mga sinabi niya, namula ang mga mata niya, at nabulunan siya habang umiiyak at sinabi, “Sinabi sa amin ni Mrs. Lewis na nagtatrabaho sa sa isang construction site pagkatapos mong umalis sa bahay ampunan. Sinabi niya rin sa amin na palagi mong ipinapadala ang lahat ng kinita mong pera sa kanya para mabilhan niya kami ng mga ibro, damit, at pagkain. Bakit hindi
Read more

Kabanata 948

Kahit na maganda siya, hindi niya maiwasang maramdaman na nagkukulang siya at mas mababa siya kumpara kay Claire.Bukod dito, isa lang siyang ulila na walang ama o ina. Walang susuporta sa kanya o tatayo sa likod niya. Ngayong nagtatrabaho na siya sa bahay ampunan, nagtatrabaho pa rin siya at umaasa sa charity para suportahan ang sarili niya. Hindi siya kumita ng maraming pera para sa sarili niya.Kahit na hindi malaki ang kinikita niya, may parehong ugali siya tulad ni Charlie. Idodonate niya ang lahat ng pera niya sa bahay ampunan, kaya, sa huli, isa lang siyang mahirap na babae na walang kahit ano.Sa aspetong ito, naramdaman niya na hindi siya maikukumpara sa isang babaeng may career tulad ni Claire.Nainggit siya nang kaunti at sinabi kay Claire nang kinakabahan, “Hello, hipag. Ako si Stephanie Lewis. Ngayon ang unang araw na nagkita tayo.”Tumango si Claire bago siya ngumiti at sinabi, “Hello, Stephanie. Ako si Claire Wilson.”Tumingin si Stephanie kay Claire at sinabi, “Hi
Read more

Kabanata 949

Sampung taong tumira si Charlie sa bahay ampunan na ito, simula noong walong taong gulang siya hanggang sa naging labing walong taong gulang siya. Kaya, malaki ang pagmamahal niya sa lugar na ito.Dati, wala siyang lakas ng loob para bumalik dito dahil medyo dukha pa siya.Ngayong may kaunting pera na siya, naramdaman niya na mabuti para sa kanya na pumasok at tingnan kung anong mga kagamitan ang kailangan ng bahay ampunan. Sa ganitong paraan, matutulungan niya silang lutasin ang mga problemang ito pagdating ng oras.Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, pumasok na tayo at tumingin sa bahay ampunan.”Sobrang saya ni Stephanie. Nagmamadali niyang sinunggaban ang braso ni Charlie bago niya siya hinila papasok sa bahay ampunan.Hinayaan na lang siya ni Charlie habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa, si Claire.Nararamdaman ni Claire na medyo bumibilis ang tibok ng puso niya, pero hinayaan niyang lang si Charlie na hawakan ang kanyang kamay habang pumasok
Read more

Kabanata 950

Dinala ni Stephanie si Charlie sa dormitory area ng bahay ampunan. Nakita ni Charlie sa isang tingin ang dormitoryo kung saan siya nakatira dati.Pagkatapos tumingin sa labas ng bintana, nakita ni Charlie ang isang dosena o mas maraming bata na nasa isa o dalawang taong gulang na naglalaro na binabantayan ng isa sa mga tita sa bahay ampunan.Hindi niya maiwasang itanong, “Stephanie, bakit sobrang daming bata sa bahay ampunan ngayon?”Sumagot si Stephanie, “Maraming iresponsableng magulang ang nagpapadala ng anak nila sa pasukan ng bahay ampunan pagkatapos silang ipanganak. Ang ilang mga bata ay inabandona dahil may kapansanan sila o sakit. Ang iba pa ay katulad ko, inabandona dahil mga babae sila.”Hindi mapigilang magbuntong hininga ni Stephanie nang sinabi niya ito.Pagkatapos, sinabi niya nang galit, “Marami ring mga bata na kinuha ng mga human trafficker pero naligtas sila ng mga pulis. Ang ilan sa kanila ay masyado pang bata, at imposibleng malaman kung sino ang mga magulang
Read more
PREV
1
...
9394959697
...
566
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status