Sumagot si Charlie bago siya pumasok sa kusina.Sa totoo lang, may isang kahon pa ng mga itlog sa refrigerator. Dahil ayaw niyang bigyan si Elaine ng kahit isang itlog, binasag niya ang lahat ng itlog bago ito tinapon sa drainage system. Kahit na medyo sayang na itapon ito sa drainage, naramdaman ni Charlie na mas lalong sayang kung mapupunta ito sa tiyan ni Elaine.Pagkatapos, kinuha ni Charlie ang isang kaldero at nag-init ng tubig bago niya inilagay ang mga noodles.Habang hinahanda niya ang mga noodles, bigla siyang nakatanggap ng mensahe sa kanyang cellphone.Binuksan niya ang mga text message niya at napagtanto niya na may nagpadala ng mensahe sa group chat nila, ‘Aurous Hill Welfare Institute Friends’.Ang dalawampu’t tatlong tao sa group chat na ito ay binubuo ng mga grupo ng mga tao na naging alila at pinasok at pinalaki ni Mrs. Lewis. Lahat sila ay maraming taon nang pumasok sa lipunan, at halos lahat sila ay nakakalat na sa buong bansa. Kaya, hindi na sila masyadong mal
Ang isang kaibigan na nagngangalang Harvey Carver ang nagsabi sa group chat: [Oo! Sa wakas ay gumaling na si Mrs. Lewis sa malalang sakit. Kung ang lahat ng bata na pinalaki niya ay hindi agad pumunta para bisitahin siya, marahil ay madismaya siya.]Sumagot si Max: [Ganito na lang. Bakit hindi tayo humanap ng five-star hotel para ilibre si Mrs. Lewis sa isang magandang welcome dinner?]Sumagot si Stephanie: [Max, hindi natin kailangang maging marangya. Palaging naging matipid si Mrs. Lewis sa buong buhay niya. Siguradong hindi siya mapapalagay kung dadalhin natin siya sa isang marangyang lugar.. Bakit hindi na lang tayo kumain sa isang maliit na restaurant na naghahanda ng mga lutong-bahay sa harap ng bahay ampunan?]Hindi mapigilang magbuntong hininga ni Charlie sa sandaling ito. Puno siya ng emosyon nang maisip niya ang maliit na restaurant na mahigit sampung taon nang nakabukas.Sa ikalabing walong kaarawan niya, ginamit ni Mrs. Lewis ang lahat ng pera na naipon niya sa pagiging
Hindi mapigilang masabik ni Charlie nang maisip niya na makikita na niya ulit si Mrs. Lewis.Hindi na niya nakita si Mrs. Lewis simula noong pinagalitan siya ni Lady Wilson nang nangutang siya ng pera sa kaarawan niya. Ito ay dahil pinadala ni Stephen si Mrs. Lewis direkta sa Eastcliff pagkatapos nito.Mayroong malalim na relasyon si Charlie kay Mrs. Lewis, at tinuring niya siya bilang sarili niyang ina.Nang nagkasakit si Mrs. Lewis, desperadong sinubukan ni Charlie na mag-ipon ng pera. Palihim niya pang sinubukang ibenta ang dugo niya para kumita. Humingi rin siya ng Claire nang palihim para panatilihing buhay si Mrs. Lewis.Kung hindi niya niya ginawa ang lahat para tulungan si Mrs. Lewis sa pagpapagamot sa kanya, hindi nakapaghintay si Mrs. Lewis kay Stephen. Matagal na dapat siyang patay.Pero, naramdaman ni Charlie na ito dapat ang ginagawa niya. Kahit na gawin niya ito, marahil ay nabayaran niya lang ang isa sa sampung libong kabaitan ni Mrs. Lewis sa kanya..Palagi siyang
Biglang nalungkot nang sobra si Elaine nang marinig niya ito!Dalawang araw lang siya nawala, pero mukhang tila ba nag-iba na ngayon ang ugali ng lahat sa pamilya sa kanya.Hindi siya pinapansin ng asawa niya at naubusan pa ng pasensya sa kanya. Ang manugang niya rin ay hindi na rin ang manugang na palaging inaapi ng iba. Nangahas pa siyang magalit sa kanya at bumalik sa sarili niyang bahay.Kahit ang kanyang mabuting anak na palagi niyang inaasahan ay hindi na kumakampi sa kanya.Hinding-hindi niya inaasahan na talagang kakampihan ng kanyang anak si Charlie sa sandaling ito.Palagi siyang isang drama queen. Sa tuwing mawawalan na siya ng kapangyarihan sa bahay, namumula ang mga mata niya habang nagpapanggap siya.Nabulunan nang nakakaawa siya at sinabi, “Hindi na ako kailangan sa bahay na ito. Wala nang pakialam ang ama mo s akin. Pinagbabantaan ako ng asawa mo na palayasin sa bahay na ito at hindi ka man lang kumakampi sa akin…”Habang nagsasalita siya, kumibot ang bibig ni El
Kaya, sinabi ni Claire kay Elaine, “Ma, pag-isipan mo ang tungkol dito nang mag-isa. Aalis muna kami ni Charlie. Siya nga pala, huwag mong kalimutang ilabas ang noodles na niluto ni Charlie para sa’yo.”Pagkatapos niyang magsalita, sinabi ni Claire kay Charlie, “Tara na.”Tumango nang kaunti si Charlie bago niya nilabas si Claire sa villa at pumunta sila sa bahay ampunan.Bumili si Charlie ng isang bouquet ng mga bulaklak at isang basket ng mga prutas sa daan papunta sa bahay ampunan. Naghanda rin siya ng isang sulat-kamay na greeting card para ibigay kay Mrs. Lewis.Pagdating sa Aurous Hill Welfare Institute, pinarada ni Charlie ang kotse sa parking space sa gilid ng kalsada. Natulala si Charlie habang nakatingin siya sa medyo lumang pinto sa bahay ampunan. Hindi niya mapigilang maramdaman na bumalik siya sa nakaraan.Tumayo siya doon na tila ba inaalala niya ang mga eksena sa memorya niya. Ang mga ala-alang dumating sa memorya niya ay ang mga pinakamabait, pinakamasaya, at pinak
Puno ng saya at sorpresa ang ekspresyon ni Stephanie sa kanyang mukha nang makita niya si Charlie.Tumakbo agad siya papunta kay Charlie habang sinunggaban ang mga braso ni Charllie gamit ang dalawang kamay niya at tinanong, “Brother Charlie, bakit sobrang tagal mo kaming hindi binisita sa bahay ampunan?”Hindi nakaramdam ng yamot si Charlie kahit na sinunggaban ni Stephanie ang mga braso niya. Sa kabaliktaran, para siyang isang kuya, at sinabi niya nang mapagmahal, “Hindi maganda ang naging buhay ko pagkaalis sa bahay ampunan. Kaya, medyo nahiya akong bumalik para bisitahin kayong lahat.”Sa sandaling narinig ni Stephanie ang mga sinabi niya, namula ang mga mata niya, at nabulunan siya habang umiiyak at sinabi, “Sinabi sa amin ni Mrs. Lewis na nagtatrabaho sa sa isang construction site pagkatapos mong umalis sa bahay ampunan. Sinabi niya rin sa amin na palagi mong ipinapadala ang lahat ng kinita mong pera sa kanya para mabilhan niya kami ng mga ibro, damit, at pagkain. Bakit hindi
Kahit na maganda siya, hindi niya maiwasang maramdaman na nagkukulang siya at mas mababa siya kumpara kay Claire.Bukod dito, isa lang siyang ulila na walang ama o ina. Walang susuporta sa kanya o tatayo sa likod niya. Ngayong nagtatrabaho na siya sa bahay ampunan, nagtatrabaho pa rin siya at umaasa sa charity para suportahan ang sarili niya. Hindi siya kumita ng maraming pera para sa sarili niya.Kahit na hindi malaki ang kinikita niya, may parehong ugali siya tulad ni Charlie. Idodonate niya ang lahat ng pera niya sa bahay ampunan, kaya, sa huli, isa lang siyang mahirap na babae na walang kahit ano.Sa aspetong ito, naramdaman niya na hindi siya maikukumpara sa isang babaeng may career tulad ni Claire.Nainggit siya nang kaunti at sinabi kay Claire nang kinakabahan, “Hello, hipag. Ako si Stephanie Lewis. Ngayon ang unang araw na nagkita tayo.”Tumango si Claire bago siya ngumiti at sinabi, “Hello, Stephanie. Ako si Claire Wilson.”Tumingin si Stephanie kay Claire at sinabi, “Hi
Sampung taong tumira si Charlie sa bahay ampunan na ito, simula noong walong taong gulang siya hanggang sa naging labing walong taong gulang siya. Kaya, malaki ang pagmamahal niya sa lugar na ito.Dati, wala siyang lakas ng loob para bumalik dito dahil medyo dukha pa siya.Ngayong may kaunting pera na siya, naramdaman niya na mabuti para sa kanya na pumasok at tingnan kung anong mga kagamitan ang kailangan ng bahay ampunan. Sa ganitong paraan, matutulungan niya silang lutasin ang mga problemang ito pagdating ng oras.Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, pumasok na tayo at tumingin sa bahay ampunan.”Sobrang saya ni Stephanie. Nagmamadali niyang sinunggaban ang braso ni Charlie bago niya siya hinila papasok sa bahay ampunan.Hinayaan na lang siya ni Charlie habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa, si Claire.Nararamdaman ni Claire na medyo bumibilis ang tibok ng puso niya, pero hinayaan niyang lang si Charlie na hawakan ang kanyang kamay habang pumasok
Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni
Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya
Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga
Walang sinabi si Isaac, sa halip, ipinakita niya lang ang screen ng kanyang cellphone sa harap niya.Nang makita ni Rosalie ang mga salita sa screen, agad natipon ang mga luha sa mga mata niya. Ang mga salita sa screen ay: ‘May nangyari sa Young Master. Panatilihin mo sana ang katahimikan mo at tulungan mo akong tipunin ang mga Harker para maghanap ng mga bakas!’Hindi nagsalita si Rosalie at tumango lang siya nang mabigat. Hind katagalan, mahigit sampung miyembro ng pamilya Harker ang nagmamadaling nagtipon, sumakay sa helicopter, at lumipad pabalik sa eksena ng pangyayari.Nang makita ni Rosalie ang nakakatakot na eksena, pakiramdam niya na tila ba pinunit ang puso niya, at hindi niya nakontrol ang mga luha niya. Pero, pinunasan niya ang mga luha niya at naghanap ng mga bakas sa paligid ng bilog na lugar ng pagsabog kasama ang mga miyembro ng pamilya Harker.Patuloy na pinalawak ng mahigit isang dosenang tao ang paghahanap nila, umabot pa ng radyus na isang kilometro mula sa gitn
Biglang huminto saglit ang puso ni Merlin nang marinig niya na ang mga shell fragment sa kamay ni Albert ay pagmamay-ari ni Charlie.Binulong niya sa sarili niya, “Mga gamit ni Charlie? Hindi ba’t ang ibig sabihin ay napahamak siya?”Pagkasabi nito, mabilis siyang yumuko para maingat na suriin ang mga bakas na iniwan ng pagsabog. Sa pag-obserba ng direksyon ng pagsabog, nakahanap siya ng mas maraming piraso ng Tridacna sa lupa.Namutla ang kanyang mukha, at binulong niya, “Sobrang lapit ng mga gamit ni Charlie sa gitna ng pagsabog. Hindi ba’t ang ibig sabihin ay malapit siya sa gitna nang mangyari ang pagsabog?!”Nang marinig ito, namaga ang mga mata ni Albert sa luha, at napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala habang sinabi niya kay Merlin, “Chief Lammy, sobrang lakas ni Master Wade. Hindi siguro siya masasaktan sa ganitong uri ng pagsabog, tama?”Nag-squat si Merlin sa sahig, pinulot ang piraso ng tumigas na itim na lupa, puwersahan itong kinuskos, at pagkatapos ay inamoy ito. Ma
Pagkasabi nito, si Albert, na natataranta, ay tumakbo agad palabas at sumakay sa helicopter na naghihintay sa courtyard. Pagkatapos ay sinabi niya nang balisa sa piloto na naka-standby, “Bilis! Paliparin mo!”Sa sandaling ito, isang tao ang mabilis na tumakbo palabas, at tumalon si Merlin sa helicopter gamit lang ang ilang hakbang, sinasabi, “Mr. Albert, sasama ako sayo!”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Chief Lammy, kumikilos ako ayon sa mga utos ni Master Wade para siguraduhin ang kaligtasan mo at ang mga miyembro ng pamilya Acker. Mas mabuti na manatili ka dito!”Umiling si Merlin at sinabi, “Mr. Albert, huwag mong kalimutan na isa akong pulis. Kung may hindi inaasahang sitwasyon, lalo na ang pag-iimbestiga sa eksena, walang mas propesyonal kaysa sa akin!”Pagkatapos itong pag-isipan, pumayag si Albert at sinabi, “Kung gano’n, kailangan kitang abalahin, Chief Lammy!”Pagkatapos itong sabihin, humarap siya sa piloto at sinabi, “Umalis na tayo!”Binilisan ng helicopter ang ma
Alam niya na ang ibig sabihin pagsabog ngayong araw pagkatapos paganahin ni Mr. Chardon ang pineal gland niya ay patay na sila ngayon ni Charlie. Ipineperesenta nito ang perpektong pagkakataon para maglaho siya nang walang bakas. Sa puntong ito, wala na siyang hangarin na bumalik sa Qing Eliminating Society o patuloy na pagsilbihan ang British Lord. Sa mga mata niya, masyadong nakakatakot ang taong ito, at ang pananatili sa tabi niya ay hahantong sa resulta na hindi mas malala sa kapalaran ni Mr. Chardon.Sa halip nito, inisip niya na mas mabuti na samantalahin ang pagkakataon na ito na maglaho sa mundo. Pagkatapos gumaling sa mga injury niya, maghahanap siya ng isang angkop na lugar para tumira sa seklusyon at sulitin ang natitirang dalawang taon ng buhay niya. Para sa kanya, mas mabuti na mabuhay nang malaya ng dalawang taon kaysa mabuhay ng dalawang daang taon pa kasama ang British Lord.Nang maisip ito, tiniis niya ang matinding sakit at patuloy na gumapang nang nahihirapan papun
Agad umugong sa buong Aurous Hill ang matindi at nakabibinging pagsabog, ginising pa ang buong siyudad mula sa pagtulog nito sa gabi. Nawasak makapal na halamanan sa lambak kung saan nangyari ang pagsabog, gumawa ito ng isang bilog na blangkong espasyo na may radyus na ilang daang metro.Naglaho nang walang bakas si Mr. Chardon, naging hangin ang buong katauhan niya, walang iniwan na mga labi.Ang ideya na ‘mabubuhay ang kaluluwa sa kabila ng pagkamatay ng pisikal na katawan’ ay isa lang panloloko. Isa itong walang laman na pangako na binigay niya sa kanila, niloko sila na isakripisyo nang mapagbigay ang sarili nila.Napagtanto lang ni Mr. Chardon sa sandali ng pagkamatay niya na ang formation na iniwan ng British Lord sa loob ng pineal gland nila, tatlumpung taon na ang nakalipas, ay hindi para iligtas ang parte ng kaluluwa nila. Sa halip, isa itong napakalakas na self-destructive formation. Sa kritikal na sandali ng kamatayan, ang pinaniniwalaan nila na isang pag-asa para mabuhay
Si Ruby, na nakatago sa dilim, ay walang napansin na kakaiba. Nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Chardon kanina lang, alam niya na napagana na niya ng pineal gland niya, at agad siyang huminga nang maluwag.Kahit na hindi sila nagkakasundo ni Mr. Chardon, naramdaman niya sa pagkamatay ni Mr. Jothurn na magkakaugnay sila. Ngayong ginamit na ni Mr. Chardon ang pineal gland niya, maituturing na nakatakas na siya sa kapit ng kamatayan!Sa sandaling ito, mas lalong naging mabangis ang ekspresyon ni Mr. Chardon nang napakabilis. Inabot lang ng isa o dalawang segundo para mapagana ang pineal gland niya, at nakaramdam siya ng isang napakainit at hindi maikukumparang apoy na nagliyab sa utak niya. Ang apoy na ito, na parang isang pagsabog ng bituin, ay mabilis na lumaki at lumakas! Tumataas din ang pressure sa pineal gland niya!Pakiramdam niya na tila ba isang malaking bundok ang puwersahan na siniksik sa utak niya! Ang matinding sakit na ito ay maikukumpara sa labing-walong patong ng impy