Puno ng saya at sorpresa ang ekspresyon ni Stephanie sa kanyang mukha nang makita niya si Charlie.Tumakbo agad siya papunta kay Charlie habang sinunggaban ang mga braso ni Charllie gamit ang dalawang kamay niya at tinanong, “Brother Charlie, bakit sobrang tagal mo kaming hindi binisita sa bahay ampunan?”Hindi nakaramdam ng yamot si Charlie kahit na sinunggaban ni Stephanie ang mga braso niya. Sa kabaliktaran, para siyang isang kuya, at sinabi niya nang mapagmahal, “Hindi maganda ang naging buhay ko pagkaalis sa bahay ampunan. Kaya, medyo nahiya akong bumalik para bisitahin kayong lahat.”Sa sandaling narinig ni Stephanie ang mga sinabi niya, namula ang mga mata niya, at nabulunan siya habang umiiyak at sinabi, “Sinabi sa amin ni Mrs. Lewis na nagtatrabaho sa sa isang construction site pagkatapos mong umalis sa bahay ampunan. Sinabi niya rin sa amin na palagi mong ipinapadala ang lahat ng kinita mong pera sa kanya para mabilhan niya kami ng mga ibro, damit, at pagkain. Bakit hindi
Kahit na maganda siya, hindi niya maiwasang maramdaman na nagkukulang siya at mas mababa siya kumpara kay Claire.Bukod dito, isa lang siyang ulila na walang ama o ina. Walang susuporta sa kanya o tatayo sa likod niya. Ngayong nagtatrabaho na siya sa bahay ampunan, nagtatrabaho pa rin siya at umaasa sa charity para suportahan ang sarili niya. Hindi siya kumita ng maraming pera para sa sarili niya.Kahit na hindi malaki ang kinikita niya, may parehong ugali siya tulad ni Charlie. Idodonate niya ang lahat ng pera niya sa bahay ampunan, kaya, sa huli, isa lang siyang mahirap na babae na walang kahit ano.Sa aspetong ito, naramdaman niya na hindi siya maikukumpara sa isang babaeng may career tulad ni Claire.Nainggit siya nang kaunti at sinabi kay Claire nang kinakabahan, “Hello, hipag. Ako si Stephanie Lewis. Ngayon ang unang araw na nagkita tayo.”Tumango si Claire bago siya ngumiti at sinabi, “Hello, Stephanie. Ako si Claire Wilson.”Tumingin si Stephanie kay Claire at sinabi, “Hi
Sampung taong tumira si Charlie sa bahay ampunan na ito, simula noong walong taong gulang siya hanggang sa naging labing walong taong gulang siya. Kaya, malaki ang pagmamahal niya sa lugar na ito.Dati, wala siyang lakas ng loob para bumalik dito dahil medyo dukha pa siya.Ngayong may kaunting pera na siya, naramdaman niya na mabuti para sa kanya na pumasok at tingnan kung anong mga kagamitan ang kailangan ng bahay ampunan. Sa ganitong paraan, matutulungan niya silang lutasin ang mga problemang ito pagdating ng oras.Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, pumasok na tayo at tumingin sa bahay ampunan.”Sobrang saya ni Stephanie. Nagmamadali niyang sinunggaban ang braso ni Charlie bago niya siya hinila papasok sa bahay ampunan.Hinayaan na lang siya ni Charlie habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa, si Claire.Nararamdaman ni Claire na medyo bumibilis ang tibok ng puso niya, pero hinayaan niyang lang si Charlie na hawakan ang kanyang kamay habang pumasok
Dinala ni Stephanie si Charlie sa dormitory area ng bahay ampunan. Nakita ni Charlie sa isang tingin ang dormitoryo kung saan siya nakatira dati.Pagkatapos tumingin sa labas ng bintana, nakita ni Charlie ang isang dosena o mas maraming bata na nasa isa o dalawang taong gulang na naglalaro na binabantayan ng isa sa mga tita sa bahay ampunan.Hindi niya maiwasang itanong, “Stephanie, bakit sobrang daming bata sa bahay ampunan ngayon?”Sumagot si Stephanie, “Maraming iresponsableng magulang ang nagpapadala ng anak nila sa pasukan ng bahay ampunan pagkatapos silang ipanganak. Ang ilang mga bata ay inabandona dahil may kapansanan sila o sakit. Ang iba pa ay katulad ko, inabandona dahil mga babae sila.”Hindi mapigilang magbuntong hininga ni Stephanie nang sinabi niya ito.Pagkatapos, sinabi niya nang galit, “Marami ring mga bata na kinuha ng mga human trafficker pero naligtas sila ng mga pulis. Ang ilan sa kanila ay masyado pang bata, at imposibleng malaman kung sino ang mga magulang
Nang lumabas silang tatlo sa bahay ampunan at pupunta na sana sa restaurant, isang nasorpresang boses ang narinig nila, “Charlie, Stephanie!”Tumalikod silang dalawa at nakita nila ang ilang taong naglalakad papunta sa kanila.Ang mga taong ito ay ang mga kaibigan nilang lumaki sa bahay ampunan.Pero, maraming tao sa grupong ito ang hindi na nakita ni Charlie simula pa noong umalis siya sa bahay ampunan.Ang tanging tao lang na nakakausap niya pagkatapos niyang umalis sa bahay ampunan ay ang kanyang malapit na kaibigan, si Harvey.Sa mga unang taon na nasa bahay ampunan si Charlie, mayroon siyang walang imik na ugali at pagkatao dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya. Mailap sa tao, at hindi siya magsasalita ng kahit ano sa kahit sino sa buong araw.Madalas lumalayo sa kanya ang ibang bata dahil sa kanyang pagkatao.Naalala pa ni Charlie na si Harvey, na mas matanda nang kaunti sa kanya, ang palaging nagtatanggol siya at nakikipaglaro siya sa tuwing linalayuan.Sa mga dumaang
Pagkatapos niyang magsalita, sinabi niya, “Siya nga pala, hindi ko pa natatanong. Hindi ba’t nasa Lancaster ka dapat? Paano ka nakapunta nang mabilis sa Aurous Hill?”Ngumiti si Harvey at sinabi, “Nagkataon talaga na pinapunta ako ng kumpanya ko sa Aurous Hill para sa isang business trip. Kaninang hapon lang ako dumating dito ngayong araw. Sa sandaling bumaba ako sa bus, nakita ko kayong nagcha-chat sa group chat. Kaya nagpasya akong pumunta dito sa lalong madaling panahon!”Tinanong nang nauusisa ni Charlie, “Hindi ba’t nagsimula ka ng sarili mong negosyo? Bakit nagtatrabaho ka ulit para sa iba?Ngumiti nang mapait si Harvey at sinabi, “Masama ang negosyo. Paano magiging maayos ang negosyo ng kahit sino ngayon? Ang sitwasyon sa ekonomiya sa karaang dalawang taon ay hindi naging maganda, at hindi naging madaling magtayo ng negosyo.”Pagkatapos niyang magsalita, tumingin si Harvey kay Claire bago siya ngumiti at sinabi, “Charlie, ito ba ang nakababatang hipag ko?”Tumango si Charli
Bumaba ang bintana ng Mercedes-Benz. Sinilip ni Charlie ang lalaking nasa likod ng bintana at agad niya siyang nakilala.Siya si Max Wyatt, ang lalaking nag-ayos ng pagtitipon ngayong araw sa kanilang messenger group.Pero, magkakilala lang sila ni Charlie.May suot na suit si Max na tila ba masikip sa kanyang matabang katawan at mga katad na sapatos. Pinatigil niya ang kotse nang makita niya ang mga tao, inilabas ang kanyang ulo sa bintana ng kotse, at sinabi, “Oh, hey, pasensya na at pinaghintay ko kayo.”Isang bakas ng kayabangan at pagmamalaki ang makikita sa mga mata niya. Nilinis niya ang kanyang lalamunan at nagpaliwanag sa mayabang na tono, “Ah, may matinding traffic papunta dito, kaya nahuli ako.”Sinabi ng isa sa sorpresa, “Wow, Max, ito ba ang kotse mo? Kailan mo ito binili?”Tumawa nang hambog si Max, “Nabili ko ito noong nakaraang araw lang.”Lumiit ang mga mata ni Charlie dahil may napagtanto siya. Hindi nakapagtataka na sabik ang lalaking ito na magtipon-tipon, gu
“Kaibigan ba rin namin siya sa bahay ampunan?” Binulong ni Max sa sarili niya.Sinimulan niyang hukayin ang ala-ala niya, sinusubukan niyang isipin ang mga bagay na may kinalaman sa magandang babaeng ito.Habang naglalabas pa rin ng mapagpanggap na magalang ngunit mayabang na ngiti sa kanyang mukha, tumingin siya kay Charlie at sinabi, “Hoy, ikaw si Charlie, tama? Ang tagal na nating hindi nagkita!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Butt Trumpet?”Butt Trumpet ang palayaw ni Max noong nasa bahay ampunan pa sila. Dati ay isa siyang matabang patay-gutom na umuutot palagi, at ang mas mahalaga, umuutot siya kahit saan at kahit kailan niya gusto. Uutot siya sa klase, habang naglalaro sila, habang kumakain, at kapag natutulog.Sa panahong iyon, naghihirap ang lahat dahil sa mga utot niya, kaya may palayaw siyang—Butt Trumpet.Naging berde ang mukha ni Max nang binanggit ni Charlie ang palayaw niya, pero bago pa siya makapagsalita, nanumbat nang galit ang isang binata sa likod niya, “Hoy,
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango