Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3631 - Chapter 3640

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3631 - Chapter 3640

5735 Chapters

Kabanata 3631

Sa pagkakataong ito, hindi pa alam ni Smith na hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon ni Liam na lumuhod at humingi ng patawad.Samantala, nakasakay na si Liam sa eroplano pabalik ng Aurous Hill.Kahit hindi kasing bilis ng private jet ni Charlie ang Concorde, wala naman itong pinagkaiba pagdating sa interior decoration sa loob. Sa kasalukuyan, nagpapahinga si Liam sa loob ng eroplano na mas magarbo pa ang itsura kumpara sa isang five-star guest room. Hindi siya nakaranas ng kahit anong paghihirap habang nasa biyahe pauwi. Sa kabilang banda, nagsisimula pa lamang si Smith sa kanyang imbestigasyon at paggamit ng kanyang mga koneksyon sa Washington Police Department para malaman kung saan tumutuloy si Liam.Dahil alam lang ni Smith bigkasin ang pangalan ni Liam at hindi kung ano ang baybay nito, natagalan sila bago mahanap kung saan ito tumutuloy.Hindi nagtagal, gumamit ang kaibigan ni Smith mula sa police department ng screening method para kolektahin ang statistics ng mga l
Read more

Kabanata 3632

Napangalumbaba si Smith, ‘Kakaiba naman yata… Hindi naman yata makatuwiran na magpanggap siyang hindi niya naririnig na may tao sa labas, hindi ba? Para naman yata siyang bata kung sakali?’Hindi alam ni Smith ang gagawin at nagpatuloy na lamang siya sa pagkatok sa pinto.Sa pagkakataong ito, nagbukas ang pinto ng kwartong nasa tabi. Isang maskuladong lalaki na walang suot na pang-itaas ang napamura, “Gusto mo na bang malagutan ng hininga? G*go ka! Bakit kumakatok ka nang malakas nang ganito kaaga? Hindi ka ba naniniwalang kaya kong sirain ang bungo mo?!”Humingi na lang ng tawad si Smith sa harap ng tipikal na cowboy-style at may balbas na lalaki, “Pasensya na, pasensya na talaga. Hihinaan ko ang boses ko…”Pinagtuturo ng maskuladong lalaki si Smith saka ito nagsalita habang nagngingitngit ang ngipin, “Hihinaan mo ang boses mo?! Kapag nangahas ka pang gumawa ng kahit anong ingay, ako na ang bubugbog sa’yo!”Agad na itinikom ni Smith ang kanyang bibig. Sumunod, binigyan niya ng is
Read more

Kabanata 3633

Pagkatapos marinig ang matapat na pakiusap ni Smith, inalis ni Liam ang ngiti sa kanyang mukha at seryoso siyang nagsalita, “Mr. Smith, kahit hindi ako natutuwa sa ginawa niyo, hindi ko naman kailangang magsinungaling. Bumalik na talaga ako ng Oskia. Hindi niyo ba naririnig ang tunog ng plane engine dito? Kakalapag lang ng eroplanong sinaskayan ko at hindi pa ito humihinto.”Pagkatapos, itinapat ni Liam ang kanyang cellphone malapit sa bintana. Ganoon din, agad na narinig ni Smith ang tunog ng plane engine mula sa kabilang linya.Nang marinig ni Smith ang tunog ng engine mula sa kanyang cellphone dagdag pa ang katotohanang walang kahit anong kilos mula sa loob ng kwarto sa harap niya, agad niyang napagtanto na umalis na talaga si Liam.Sa pagkakataong iyon, tila ba sumabog na ang kanyang emosyon at kinamot niya ang kanyang ulo. Napabuntong hininga siya saka niya binuka ang kanyang bibig, “Mr. Weaver… ikaw… bakit ka umalis nang hindi ako sinasabihan?! Kahit papaano… Kahit papaano, bi
Read more

Kabanata 3634

Hindi pa siya napapahiya ng ganito sa buong buhay niya, pero pagkatapos pag-isipan ang lahat, alam niya ang katotohanan, ‘Paano naman masasabing pinapahiya ako ng iba? Sa huli, ako lang ang nagpahiya sa sarili ko…’Mabigat ang loob ni Smith at wala na siyang magawa kundi makiusap na lang at magmakaawa para sa kanyang anak, “Mr. Weaver… Nagkamali ako… Kasalanan ko ang lahat! Masyado akong bulag at makitid rin ang pag-iisip ko. Isa akong hangal…”“Sa madaling salita, wala akong pinagkaiba sa isang basura. Isa kang mabuting tao kaya umaasa akong huwag kang magtanim ng galit sa isang basurang kagaya ko. Umaasa lang naman ako na mabigyan mo ng pagkakataon ang anak ko na makaligtas sa cancer dahil 12 years old pa lang siya…”Seryosong nagsalita si Liam, “Mr. Smith, ilang milyong bata sa mundo ang may cancer, at marami sa kanila ang mas bata pa sa anak mo. Pero, nakatanggap na ng Apothecary Restoration Pill ang anak mo. Sa tingin ko, dapat kang matuto na magpasalamat at makontento! Hindi m
Read more

Kabanata 3635

Hindi mapakali si Smith.Nadurog nang tuluyan ng pamamahiya ni Liam ang kanyang buong dignidad at kumpiyansa sa sarili.Ganoon pa man, kahit ito ang kaso, nabigo pa rin siyang makakakuha ng Apothecary Restoration Pills.Sa pagkakataong ito, hindi na mahalaga ang kanyang dignidad kumpara sa buhay at kaligtasan ng kanyang anak.Kaya, nagpasya si Smith na pumunta ng Oskia para magmakaawa sa harap ni Liam at humingi ng gamot para sa kanyang anak.Hindi nagtagal, tumayo siya at umalis ng hotel. Sa parehong pagkakataon, tinawagan niya ang kanyang asawa, “Jenny, bumalik na si Liam Weaver ng Oskia kagabi. Alagaan mo si Jimmy. Uuwi ako para kunin ang passport ko. Pagkatapos, pupunta agad ako ng Oskia para makausap siya!”Agad na nagbigay ng suhestiyon si Jenny, “Huminga ka muna. Sigurado akong umuwi siya agad kahapon dahil iniiwasan ka niya. Kahit hanapin mo siya ngayon, siguradong ayaw ka pa rin niyang makita,”“Ano ang dapat kong gawin?” Sambit ni Smith habang nanghihinayang, “Kung hin
Read more

Kabanata 3636

Sa kabuuang sistema, maaari itong maging bayani ng medical system ng United States.Dahil, kung sino man ang magpapakilala ng mahimala at mabisang medisina na ito sa United States ay ang magiging paksa ng pasasalamat ng mga tao.Kaya, determinado si Smith na mapanalunan ang Apothecary Restoration Pill.Habang papunta si Smith sa FDA, ang video ni Jimmy ng pagkain ng Apothecary Restoration Pill kagabi pati na rin ang kaugnay na PET-CT na impormasyon at petsa ay pinasa ng Mayo Clinic sa United States Department of Health and Human Services.Sa United States, ang FDA, na kilala rin bilang Food and Drug Administration, ay medyo malayang agency na ginawa sa ilalim ng direktang awtoridad ng United States Congress at ang pinakamataas na law enforcement agency sa larangan ng pagkain at mga gamot.Pero, ang mga hospital sa United States, ay wala sa ilalim ng kontrol ng FDA, at lahat ng public at private hospital ay kaakibat ng United States of Health and Human Services.Ang nangyari kagab
Read more

Kabanata 3637

Sa opinyon ni Smith, hindi inaasahan pero makatwiran na gustong makuha ng White House ang patent para sa Apothecary Restoration Pill.Sa sandaling inulat ng health department ang ganitong impormasyon sa White House, siguradong hindi nila pakakawalan ang napakagandang pagkakataon.Pero, hindi sila ang magpapasya kung makukuha ba nila ang patent o hindi.Ang ganitong uri ng medisina ay parang super machine na gumagawa ng pera, at basta’t may kaunting pananaw ang kahit sino, imposible para sa kanila na ibenta ang patent.Pero, hindi binigo ni Smith ang kabila, sa halip, sumang-ayon siya nang handa at sinabi, “Susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para imungkahi ito sa kanila pagkatapos kong makita ang taong namamahala.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Smith, “Pero natatakot ako na hindi ko kakayanin nang mag-isa ang napakalaking bagay na ito. Sa tingin mo ba ay gugustuhin ng White House na magpadala ng ilang negotiator dito?”Sinabi agad ng Minister of Health, “Hindi maganda o mabuti p
Read more

Kabanata 3638

Sa tanghali kinabukasan, sa oras ng Eastcliff, dumating si Smith sa Raventon, ang pinakamalaking siyudad sa Oskia.Pagkatapos, agad siyang sumakay sa high-speed railway mula sa Raventon at dumating sa Aurous Hill bago pa siya magkaroon ng oras para magpahinga.Sa sandaling dumating siya sa Aurous Hill, sumakay agad siya sa taxi para pumunta sa headquarters ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill. Hindi niya tinawagan si Liam sa buong proseso.Ito ay dahil natatakot siya na ayaw siyang makita ni Liam. Kaya, balak niyang bisitahin nang direkta si Liam pagdating niya sa Apothecary Pharmaceutical.Makalipas ang halos dalawampung oras na biyahe, sa wakas ay dumating na si Smith sa Apothecary Pharmaceutical sa alas sais ng gabi.Sa sandaling dumating siya sa entrance ng Apothecary Pharmaceutical, pinigilan siya nsa security guard sa gate dahil wala siyang pass card.Kaya, sinabi niya na lang sa security guard sa malinaw na Oskian dialect, “Hello, ako si Jameson Smith. Galing ako sa
Read more

Kabanata 3639

Hindi umalis sa bahay si Charlie pagkatapos magmadaling umuwi kagabi mula sa Middle East.Ito ay dahil nagkataon na Sabado ngayon, at hindi rin pumunta si Claire sa kumpanya. Kaya, inayos ng mag-asawa ang maliit na vegetable garden nila.Ang biyenan na babae ni Charlie, si Elaine, ay sumama rin sa kanila habang may saklay para tumulong nang kaunti. Pero, hindi ito madali para sa binti niya, at halos wala rin siyang natulong.Nagtrabaho sila nang buong araw hanggang sa dumilim ang langit, at sa wakas ay nalinis na nang maayos ang vegetable garden.Pagkatapos ay pumitas si Claire ng ilang preskong beans at nagkusang gumawa ng ilang pasta para kay Charlie.Bilang isang southern girl, sa una ay hindi alam ni Claire kung paano gawin ang ganitong uri ng pasta. Pero, nagkataon na nakita niya ang tutorial video ng ibang tao sa Instagram, at dahil hinog na na ang mga beans sa vegetable garden nila, naisip ni Claire na magluto para kay Charlie.Kaya, dinala ni Claire ang kanyang ina, si El
Read more

Kabanata 3640

Madalas din ay tinatrato itong opisina ni Albert, at palagi siyang nandito basta’t hindi niya kailangan lumabas.Dinala si Smith sa tea room ni Albert. Sa sandaling nakita niya si Albert, na may malakas na presensya, pumunta siya nang nagmamadali sa kanya at sinabi nang magalang, “Hello, Mr. Albert! Ako si Jameson Smith, at galing ako sa Washington sa United States!”Kinamayan siya ni Albert at inimbita siyang umupo sa harap ng tea set. Ngumiti siya at sinabi, “Mangyaring umupo ka, Mr. Smith. Subukan mo ang Oskian tea namin!”Nagmamadaling umupo si Smith at tinanggap ang tasa ng tsaa na ibinigay sa kanya ni Albert. Hindi na siya nag-abala na tikman ang tsaa, at sinabi niya na lang nang naiinip, “Mr. Albert, gusto kong humingi ng tulong sa iyo na gumawa ng appointment kay Liam Weaver ng Apothecary Pharmaceutical. Magagawa mo ba kaya agad ito?”Ngumiti si Albert at sinabi, “Syempre magagawa ko! Basta’t may public relations fee, bibigyan agad kita ng appointment. Pagdating ng oras, sa
Read more
PREV
1
...
362363364365366
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status