Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3651 - Chapter 3660

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3651 - Chapter 3660

5735 Chapters

Kabanata 3651

Kinabahan si Smith at hindi niya mapigilang tanungin si Roger, “Ano ang ibig mong sabihn?! Naghihintay na ang anak ko para mabigyan ng lunas!”Nang makita ni Roger na natataranta si Smith, ngumiti siya saka siya nagsalita, “Ano ba. Hindi mo kailangang kabahan at maging sensitibo! Ang ibig kong sabihin, hindi makakainom ng gamot ang anak mo gaya ng normal doses. Sa ngayon, isang pill lang muna bawat araw ang pwede niyang inumin. Apat na kahon lang muna para sa isang buwan!”Habang nagsasalita, tinapik ni Roger ang balikat ni Smith, “At sa abilidad namin pagdating sa pharmaceutical aspect, baka makagawa na tayo ng imitation sa loob ng isang buwan. Sa pagkakataong iyon, papadalhan na kita ng 100 na kahon ng medisinang ito sa bahay niyo!”Sumigaw si Smith na para bang nasisiraan na siya ng bait, “Hindi! Paano kung mabigo kayo sa loob ng isang buwan? Muli na naman bang tatahakin ng anak ko ang landas ng kamatayan?! Wala akong paki sa ibang bagay. Gusto ko lang ng 10 na kahon ng gamot na
Read more

Kabanata 3652

Hindi nagtagal, sumakay na ang lahat kasama si Smith sa mga military vehicles papunta ng top laboratory na inihanda ng gobyerno.Ang army ang namamahala sa lugar na ito at pinapalakad nila ito sa pinakamahigpit na paraan.May nagsundo sa anak ni Smith mula sa Mayo Clinic saka nito direktang dinala si Jimmy sa laboratory.Maliban sa kanya, dinala rin ang apat pang pasyente sa parehong laboratory.Gumawa rin ng special medical team ang military na siyang magbabantay sa limang pasyente.Sa parehong pagkakataon, binuo rin ang isang all-around shooting team para i-record ang lahat ng detalye at pagbabago sa mga pasyente pagkatapos nilang inumin ang medisina.Gumaan lang ang loob ni Smith nang makita niyang nakainom na ng Apothecary Restoration Pill ang kanyang anak.Ganoon din, nagpatuloy ang milagro.Pagkatapos inumin ni Jimmy ang gamot, agad na bumuti ang iba’t iba niyang vital indicators sa paraang mabilis na makikita gamit ang mga mata.Para naman sa apat na pasyente, mukhang m
Read more

Kabanata 3653

Hindi mapigilang malito ng mga leading experts.Nagkaroon pa sila ng espekulasyon kung ang mga components ng halamang ginamit para sa medisina ay dumaan sa isang chemical reaction sa loob ng katawan ng pasyente na higit pa sa kanilang pang-unawa.Kaya, nagsimula ang teams sa pagsasagawa ng reverse engineering.Nilagyan nila ng palatandaan ang lahat ng raw materials na dumaan sa analysis nila saka sila bumili sila ng bagong materyales para ipadala sa laboratory sa pinakamabilis na paraan.Hindi nagtagal, nagsagawa sila ng iba’t ibang klase ng experiments at trials.Dahil sa galing ng mga experts na naririto at sa kanilang hindi mapapantayang scientific research foundation, sa loob lang ng 24 na oras, isa sa mga teams ang nakagawa ng formula na may ratio na halos kapareho ng Apothecary Restoration Pill.Nang kumalat ang balitang ito, nagsaya ang buong laboratory.Agad na kinausap ni Roger ang team na nakadiskubre ng formula. Sumunod, pinainom nila sa mga pasyente ang reverse-engin
Read more

Kabanata 3654

Dahil madali lang naman gawin ang reverse-engineering, mabilis lang rin para sa mga researchers na ito na gawin ang reverse engineering ng Apothecary Restoration Pill.Sa pagkakataong ito, napangalumbaba si Smith, “Matagal na rin akong namamahala ng mga drugs sa buong buhay ko sa FDA pero hindi ko talaga ito maunawaan. Bakit napakaganda ng epekto ng gamot na ito kahit gawa lang ito sa mga halaman?”Napailing si Roger at inilahad niya ang kanyang mga palad, “Ang Diyos lang ang tanging nakakaalam. Para sa atin, kailangan lang natin malaman ang production process at ang actual effect nito. Hindi na natin kailangang malaman ang aktuwal na prinsipyo sa likod nito. Hindi natin mauunawaan ang prinsipyo ng maraming bagay sa mundo gaya na lamang metaphysics ng mga Orientals.”Sa pagkakataong ito, dalawang minuto na ang nakararaan simula nang inumin ng limang pasyente ang gamot.Napapalibutan sila ng maraming doktor at patuloy nilang sinusuri ang kondisyon ng mga pasyente sa pamamagitan ng p
Read more

Kabanata 3655

Nagkagulo ang buong laboratory dahil hindi nabigo sila sa kanilang trial.Ang rason ng kaguluhang ito ay hindi dahil hindi nila kayang gayahin ang Apothecary Restoration pill kundi kahit gayahin nila ito nang eksakto, ibang-iba ang resulta nito.Hindi tuloy alam ng iba kung ano ang dapat nilang gawin.Masasayang lang ang kanilang pagod kung gagayahin nila ang isang bagay pero hindi ang gamit nito.Nagulantang rin si Roger. Pabalik-balik siyang naglakad habang hawak-hawak ang reverse-engineered drug, “Ano na ang dapat nating gawin sa susunod…? Ano ang pwede nating gawin sa susunod? Dahil hindi sapat na gayahin lang natin ito, ano ang susunod na direksyon na pwede nating tahakin?”Marami sa mga pharmaceutical experts ang nadismaya.Hindi pa sila nakaka-engkuwentro ng hindi kapani-paniwalang sitwasyon sa ilang taon nilang pag-aaral.Napaisip si Smith sa loob ng isang sandali at tila ba may naalala siya. Tinanong niya si Roger, “Hindi kaya may pinagkaiba sa preparation process ng Ap
Read more

Kabanata 3656

Nahihiyang tumugon si Smith, “Alam kong kakaiba pakinggan ang sinasabi kong proseso, pero sa tingin ko wala na tayong ibang magagawa ngayon. Binigyan tayo ng White House ng isang malaking pasanin, hindi naman tayo pwedeng sumuko sa loob lang ngisang araw, hindi ba? Kung sakali, sa pananaw ng White House, ano na lang ang pinagkaiba natin sa mga walang kuwentang tao?”Gustong umiyak ni Roger, pero walang luha na lumabas sa kanyang mukha, “Smith… mga scientists tayong lahat. Para sabihan mo ang mga scientists na ito na gumawa ng metaphysical things, hind ito propesyunal…”Tumugon si Smith, “Wala na tayong ibang magagawa. Kailangan na lang nating lakasan ang ating loob. Kung hindi, ano naman ang mabibigay mong suhestiyon?”Sa pagkakataong ito, isang researcher na Oriental ang itsura ang naglakas loob na magsalita, “Mr. Roger, sa tingin ko mas mabuting pumunta tayo ng Aurous Hill para sa isng field trip at on-the-spot investigation. Pwede tayong mag-uwi ng maraming environmental samples
Read more

Kabanata 3657

Nang marinig ni Shunpei na inutusan siya ni Roger na bumuo ng isang team para magsagawa ng research and investigation sa Oskia, nakaramdam siya ng matinding tuwa.Pumayag siya nang walang pag-aalangan at tumayo siya na para bangisnag sundalo. Yumuko siya saka siya nagsalita, “Huwag kayong mag-alala, Mr. Roger. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matapos ang misyong ito!”Nakaramdam si Roger ng tuwa pagkatapos makita ang asal ni Shunpei, “Kailangan mong siguraduhin na ibibigay mo sa akin ang lahat ng detalye at wala kang itatago kapag nakarating ka na ng Oskia!”Tumango nang paulit-ulit si Shunpei at tumugon ulit siya nang walang pag-aalangan, “Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!”Kahit nagtatrabaho nang mabuti si Shunpei sa United States sa loob ng maraming taon, hindi siya masyadong nabibigyan ng atensyon sa mga European at American-dominated teams dahil sa kanyang Asian descent. Kaya, hindi pa rin siya nabibigyan ng kahit anong oportunidad para sa promotion kahit kailan.H
Read more

Kabanata 3658

Nang malaman ng mundo na may bagong gamot at health product na ilalabas sa market ang Apothecary Pharmaceutical, halos lahat hindi makapaghintay sa official release ng dalawang produkto.Dahil sa kanilang opinyon, kung nagawa ng Apothecary Pharmaceutical na mag-develop ng special drug para sa cancer at maganda rin ang epekto ng Apothecary Stomach Pill nila, ibig sabihin natural lang na magiging maganda ang mga produkto nila at baka masabing ito pa ang pinakamaganda sa kategorya nito.Sa pagkakataong ito, marami sa mga factories ng Apothecary Pharmaceutical sa Oskia at Japan ang nasa full capacity operation. Ayon sa plano ni Liam, ibebenta nila ang Apothecary Liver Protection Pill at Apothecary Gold-Life Renewal Pill sa buong mundo sa loob lang ng isang buwan.Walang tigil ang operasyon ng Apothecary Pharmaceutical, at sa gitna nito nakakaramdam na si Liam ng pagkabalisa.Simula nang lumabas ang balita tungkol sa Apothecary Restoration Pill, napagtanto niyang iba’t ibang klase ng ta
Read more

Kabanata 3659

Nang marinig ni Porter ang tanong ni Charlie, agad siyang nagpaliwanag, “Nasa mercenary field ang Ten Thousand Armies dati at halos lahat ng malalaki naming competitors nasa United States. Kaya, bumuo kami ng isang anonymous intelligence trading network sa United States. Sa teorya, kung sino man ang gustong magbahagi ng kahit anong mahalagang impormasyon, pwede silang magpasa ng application para magbenta ng kahit anong data o impormasyon sa intelligence network namin.”Muling nagtanong si Charlie, “Gusto kong malaman kung paano gumagana ang trading network na ito?”Nagpatuloy si Porter sa pagsasalita, “Una sa lahat, naghahanap kami ng mga potential subjects sa elite group na may iba’t ibang backgrounds sa United States. Madalas, may matinding pangangailangan sa pera ang mga taong ito o kaya naman may kinakaharap silang problemang pinansyal. Mahalaga para sa kanila na kumita ng pera, at basta ba may pagkakataon sila, hindi nila ito papalagpasin.”“Pagkatapos mahanap ang taong ito, ko
Read more

Kabanata 3660

Nang masabi ito, nagdagdag si Porter, “Nga pala, Mr. Wade, maliban sa paghihintay na magbenta ng impormasyon ang kabilang panig sa amin, minsan nauuna rin kaming magbigay ng inisyatibo na handa kaming bumili ng impormasyon. Halimbawa, nagbibigay kami ng keywords sa informants gaya ng Apothecary Restoration Pill. Kung nag-aalala kami sa isang bagay, nagpapadala kami ng mensahe sa mga informants namin na nagsasabing naghahanap kami ng impormasyon na may kinalaman sa Apothecary Restoration Pill. Sa ganitong paraan, mas lalong tataas ang posibilidad na makasagap kami ng balita. Kung kailangan mong pagtuunan ng atensyon ang kung ano mang bagay sa hinaharap, sabihin mo lang sa akin ang mga keywords. Sasabihan ko ang person-in-charge na sikretong magpadala ng follow-up sa mga informants o kaya humingi ng leads mula sa kanila.Nakaramdam ng pasasalamat si Charlie, “Sige! Talagang higit pa sa inaasahan ko ang bagay na ito! Nakakamangha! Baka malaki ang maging gamit nito sa hinaharap!”Nang ma
Read more
PREV
1
...
364365366367368
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status