Ganap na gumaan ang pakiramdam ni Smith dahil sa mga sinabi ng health minister.Siguradong hindi niya kakayanin kung siya ang maglalabas ng five million US dollars.Kaya, bumalik agad si Smith sa Heaven Springs, hinanap si Albert para tanungin ang bank account number niya. Pagkatapos nito, nagbigay agad siya ng ulat sa Minister of Health. Hindi matagal pagkatapos nito, dumating na ang five million US dollars sa bank account ni Albert.Natulala si Albert nang makita niya ang impormasyon ng pagdating ng pera na galing sa bangko.Hindi niya talaga inaasahan na sorbang dali na kumita ng pera sa panahon ngayon.Nagbuhos lang siya ng isang tasa ng tsaa para sa kabila at nagsabi ng ilang salita. Bukod dito, hindi man lang sumipsip ang kabila ng tsaa, pero dumating na ang five million US dollars sa bank account niya.Bukod dito, sa kanya ang kalahati ng pera.Hindi na nakapaghintay si Smith na tanungin si Albert pagkatapos niyang masigurado na natanggap na ni Albert ang pera, “Mr. Albe
Kung hindi, sa kaso niya, mahihirapan siyang maglabas ng five million US dollars nang madali sa loob ng napakaikling panahon.Idinagdag ni Albert, “Oh, siya nga pala, Master Wade, sinabi rin ni Mr. Smith na naaprubahan na ang listing ng Apothecary Stomach Pill sa United States. Sinabi niya na ipapadala na ang isang uri ng return receipt letter.”Ngumiti nang kaunti si Charlie, “Tulad ng inaasahan.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya kay Albert, “Albert, sabihan mo si Smith na nagpasya na si Liam na makipagkita sa kanya bukas ng umaga. Papuntahin mo siya sa Heaven Springs sa tanghali. Pupunta ako sa meeting kasama si Liam sa sandaling iyon.”“Okay!” Sinabi nang magalang ni Albert, “Kung gano’n, ihahanda ko na agad ang Diamond Room, at hindi ako tatanggap ng mga panlabas na bisita bukas!”Inutos ni Charlie, “Gumawa ka rin ng appointment kay Liam. Kung hindi libre si Liam sa tanghali, gawan mo siya ng appointment bukas ng gabi. Kahit ano pa, libre ako sa tanghali o gabi bukas.”“
Nang makita na nasasanay na si Liam sa bago at pansamantalang titulo, umupo si Charlie sa tabi ni Liam at tinanong siya, “Natanggap mo na ba ang return receipt letter ng Apothecary Stomach Pill mula sa Food and Drug Administration?”“Opo, natanggap ko na.” Sinabi ni Liam, “Nilista pa ng Food and Drug Administration ang Apothecary Stomach Pill bilang isang gamot na gagamitin ng mga hospital. Sinimulan na natin ang pamamalakad ng customs approval. Magpapadala tayo ng five million box sa United States.”Tinanong siya ni Charlie, “Naayos mo ba ang sales channel sa United States? Dahil, isang oral drug ang Apothecary Stomach Pill. Hindi natin ito mabebenta nang tayo lang, tama?”“Opo.” Ipinaliwanag ni Liam, “Ang kahit anong bagay na tinaguriang medisina ay dapat dumaan sa angkop na channel ng mga drugstore para ibenta sila. Kaya, kailangan nating magsimula sa Walgreens sa United States. Mayroong mahigit walong libong Walgreens sa United States, at ito ang drugstore franchise na may pinak
Hindi niya kilala si Charlie, at hindi niya rin alam ang pagkakakilanlan ni Charlie. Pero, basta’t nakita niya na nandoon si Liam, medyo gumaan na ang pakiramdam niya.Nang maisip ang payo ng asawa niya, lumuhod siya sa sandaling pumasok siya doon. Habang mukhang nahihiya, sinabi niya kay Liam, “Mr. Weaver! Kasalanan ko ang lahat! Hayaan mong humingi ako ng tawad sa iyo!”Pagkatapos niya itong sabihin, yumuko siya sa harap ni Liam.Medyo naguluhan si Liam sa ginagawa ni Smith, at sinabi niya nang hindi akma, “Mr. Smith, anong ginagawa mo…”Sinabi nang nagsisisi ni Smith, “Bulag ako dati at ginalit kita. Ginalit ko rin ang isang napakagaling na medisina, ang Apothecary Restoration Pill. Puno ako ng sobrang pagsisisi. Kaya, sana ay mapatawad mo ako dahil ginalit kita dati!”Sinabi nang walang magawa ni Liam, “Okay, ayos lang. Kalimutan muna natin iyon. Umupo ka na. Pag-usapan natin ang negosyo.”Doon lang tumayo si Smith sa pasasalamat. Pagkatapos, umupo siya sa bakanteng upuan par
Pero, sa sandaling naisip niya na sabik na sabik din ang White House para sa medisinang ito, naramdaman niya na marahil ay pumayag sila kung ipapaalam niya sa kanila ang tungkol dito.Kaya, sinabi ni Smith kay Charlie, “Mr. Wade, hindi ko kayang mangako sa’yo ngayon, pero kaya kong mag-isip ng paraan para tulungan kang ipaglaban ito.”Nang marinig ni Charlie ang sagot niya, naliwanagan siya.Kung walang suporta ng federal government si Smith, hindi siya magkakaroon ng abilidad na mangako nang ganito.Dahil sinabi niya na mag-iisip siya ng paraan para gawin ito, siguradong ang federal government ang backer niya.Kaya, sinabi ulit ni Charlie, “Gusto ko ring idemanda na ibigay ng FDA ang pagpayag nito sa lahat ng medisina sa hinaharap ng Apothecary Pharmaceutical. Hindi kita papahirapan na aprubahan agad ang medisina nang walang kahit anong pagsusuri. Gusto ko lang na bigyan niyo kami ng approval sa loob ng isang buwan kapag pinasa namin ang application.”Inisip n Smith na kaya niya
Ang tinatawag na “I don’t give a sh*t!” ay isang mura sa American English. Ang ibig sabihin nito ay walang pakialam ang isang tao sa isang bagay o hindi sila maaabala dito.Ang dahilan kung bakit pinili ni Charlie ang isang Amerikanong mura ay dahil gusto niyang gumamit ng isang simple at malupit na paraan para ipakita ang saloobin niya sa harap ni Smith.‘Gusto mong pag-usapan ang patakaran niyo sa harap ng Apothecary Restoration Pill? Karapat-dapat ka man lang ba dito?’Nang marinig ni Smith ang pangungusap na iyon, naintindihan niya agad ang buong saloobin ni Charlie.Ang Apothecary Restoration Pill ang pinag-uusapan dito. Kahit na isa itong magaling na medisina na kayang magligtas ng buhay, kung haharap ito sa isang patakaran, magiging nuclear weapon ito kahit na pigilan ito ng Diyos. Kaya nitong sakupin ang kahit anong pipigil dito.Bukod dito, bihira ang produksyon nito. Kung gano’n, ito lang ang mahihiling ng lahat.Sa ganitong sitwasyon, ang lahat ay ang market na ng sell
Ang dahilan kung bakit siya gumawa ng ganitong uri ng medisina ay hindi para kumita ng pera. Sa halip, gusto niyang tulungan ang Apothecary Pharmaceutical na magbukas ng market sa iba’t ibang bansa.Nang marinig ito ni Smith, ipinagpalagay niya agad sa loob niya. ‘Ang dahilan kung bakit hindi kaya ng Apothecary Pharmaceutical na gumawa ng maraming medisina na ganito ay dahil hindi sapat ang antas ng production at workmanship nila. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nila kayang taasan ang produksyon!’Nang maisip ito, sinabi niya nang nagmamadali, “Mr. Weaver, Mr. Wade, iniisip ko kung kayong mga ginoo ay may interes na ibenta ang patent ng medisina na ito sa mga pharmaceutical company sa United States?:”Nang marinig ito ni Charlie, lumiit ang mga mata niya habang nakatingin siya kay Smith.Para sa kanya, naramdaman niya na sa wakas ay nilabas na ni Smith ang matalas na sarili niya.Kaya, sinabi niya nang matatag, “Imposible iyon. Hinding-hindi namin ibebenta ang patent nito!”Sin
Tinanong na lang ni Smith si Charlie dahil wala siyang magawa, “Mr. Wade, kung magpapasya kami na mag-import ng Apothecary Restoration Pill sa ngayon sa halagang one million dollars kada kahon, gaano karaming kahon ang mabibigay mo sa amin?”Kumaway si Charlie. “Hindi natin pwedeng babaan nang sobra ang presyo ngayon. Kung gusto mong ma-import ito, dapat ay five million dollars ito kada kahon. Kaya kitang bigyan ng dalawampung kahon pansamantala.”Hindi napakali nang sobra si Smith. Tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Mr. Wade, hindi ba’t sinabi mo kanina lang na hindi ito magiging mas mahal sa medisina ng Novartis? Mas mahal na ito ngayon ng three million dollars sa medisina ng Novartis!”Habang nakangiti, sinabi ni Charlie, “Ang presyo na one million dollars ay ang presyo ng medisina pagkatapos nitong malista nang opisyal. Palagi akong tapat sa mga sinasabi ko. Pagkatapos nitong opisyal na malista, ibibigay ko ang patent sa iyo nang libre kung mahigit one million dollars ang pres
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro