Tinanong na lang ni Smith si Charlie dahil wala siyang magawa, “Mr. Wade, kung magpapasya kami na mag-import ng Apothecary Restoration Pill sa ngayon sa halagang one million dollars kada kahon, gaano karaming kahon ang mabibigay mo sa amin?”Kumaway si Charlie. “Hindi natin pwedeng babaan nang sobra ang presyo ngayon. Kung gusto mong ma-import ito, dapat ay five million dollars ito kada kahon. Kaya kitang bigyan ng dalawampung kahon pansamantala.”Hindi napakali nang sobra si Smith. Tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Mr. Wade, hindi ba’t sinabi mo kanina lang na hindi ito magiging mas mahal sa medisina ng Novartis? Mas mahal na ito ngayon ng three million dollars sa medisina ng Novartis!”Habang nakangiti, sinabi ni Charlie, “Ang presyo na one million dollars ay ang presyo ng medisina pagkatapos nitong malista nang opisyal. Palagi akong tapat sa mga sinasabi ko. Pagkatapos nitong opisyal na malista, ibibigay ko ang patent sa iyo nang libre kung mahigit one million dollars ang pres
Pagkatapos nito, gumawa ng isang engrandeng ulat ng balita ang Mayo Clinic ng United States sa buong mundo. Isang medical enterprise sa Oskia ang nakagawa ng napaka espesyal na medisina na kayang gamutin ang lahat ng end-stage cancer.Pagkatapos gawing publiko ang treatment condition ni Jimmy, may inanunsyo ang Mayo Clinic ng United States sa buong mundo. Ang gamot na iyon ay may hindi inaasahang therapeutic effect sa end-stage cancer, at marahil ay baguhin nito nang ganap ang kasaysayan ng paggamot ng mga cancer.Gamit ang Mayo Clinic, halos ginulat agad nang sobra ng balita ang mga eksperto sa larangan ng cancer sa buong mundo.Malinaw na ipinapakita na mayroong malakas na therapeutic effect ang Apothecary Restoration Pill sa mga end-stage cancer sa pagtingin lang sa paggaling ni Jimmy sa isang gabi na iyon.Kaya, walang nagduda na mayroong kahit anong pekeng impormasyon sa inilabas ng Mayo Clinic.Agad na kumalat sa media sa buong mundo ang balita, natuwa ang buong mundo para d
Makalipas ang labindalawang oras na flight, sa wakas ay nakabalik na si Smith sa Washington.Nagkataon na hindi bumaba ang eroplano sa Washington Airport. Sa halip, ginabayan ito ng mga air traffic controller sa isang army airport sa labas ng Washington.Ang dahilan kung bakit nila ginabayan ang eroplano sa army airport ay dahil may dala-dala siyang dalawampung kahon ng Apothecary Restoration Pill. Para sa United States, ang medisina na ito ay hindi lang isang hindi mapapantayan na kayamanan, marahil ay maging isa itong malaking sandata ng international competition sa panahon ng kapayapaan.Pagkatapos bumaba ng eroplano, ginabayan agad ito ng isang guiding vehicle papunta sa isang army hangar na ginagamit para sa mga bombers.Sa sandaling iyon, bakante ang buong hangar. Mayroong halos isang daang tao doon, at matagal na silang naghihintay.Sila ang mga taong namamahala mula sa military, ang senior management ng Ministry of Health, at ngam elite mula sa iba’t ibang mejor laboratory
Kinabahan si Smith at hindi niya mapigilang tanungin si Roger, “Ano ang ibig mong sabihn?! Naghihintay na ang anak ko para mabigyan ng lunas!”Nang makita ni Roger na natataranta si Smith, ngumiti siya saka siya nagsalita, “Ano ba. Hindi mo kailangang kabahan at maging sensitibo! Ang ibig kong sabihin, hindi makakainom ng gamot ang anak mo gaya ng normal doses. Sa ngayon, isang pill lang muna bawat araw ang pwede niyang inumin. Apat na kahon lang muna para sa isang buwan!”Habang nagsasalita, tinapik ni Roger ang balikat ni Smith, “At sa abilidad namin pagdating sa pharmaceutical aspect, baka makagawa na tayo ng imitation sa loob ng isang buwan. Sa pagkakataong iyon, papadalhan na kita ng 100 na kahon ng medisinang ito sa bahay niyo!”Sumigaw si Smith na para bang nasisiraan na siya ng bait, “Hindi! Paano kung mabigo kayo sa loob ng isang buwan? Muli na naman bang tatahakin ng anak ko ang landas ng kamatayan?! Wala akong paki sa ibang bagay. Gusto ko lang ng 10 na kahon ng gamot na
Hindi nagtagal, sumakay na ang lahat kasama si Smith sa mga military vehicles papunta ng top laboratory na inihanda ng gobyerno.Ang army ang namamahala sa lugar na ito at pinapalakad nila ito sa pinakamahigpit na paraan.May nagsundo sa anak ni Smith mula sa Mayo Clinic saka nito direktang dinala si Jimmy sa laboratory.Maliban sa kanya, dinala rin ang apat pang pasyente sa parehong laboratory.Gumawa rin ng special medical team ang military na siyang magbabantay sa limang pasyente.Sa parehong pagkakataon, binuo rin ang isang all-around shooting team para i-record ang lahat ng detalye at pagbabago sa mga pasyente pagkatapos nilang inumin ang medisina.Gumaan lang ang loob ni Smith nang makita niyang nakainom na ng Apothecary Restoration Pill ang kanyang anak.Ganoon din, nagpatuloy ang milagro.Pagkatapos inumin ni Jimmy ang gamot, agad na bumuti ang iba’t iba niyang vital indicators sa paraang mabilis na makikita gamit ang mga mata.Para naman sa apat na pasyente, mukhang m
Hindi mapigilang malito ng mga leading experts.Nagkaroon pa sila ng espekulasyon kung ang mga components ng halamang ginamit para sa medisina ay dumaan sa isang chemical reaction sa loob ng katawan ng pasyente na higit pa sa kanilang pang-unawa.Kaya, nagsimula ang teams sa pagsasagawa ng reverse engineering.Nilagyan nila ng palatandaan ang lahat ng raw materials na dumaan sa analysis nila saka sila bumili sila ng bagong materyales para ipadala sa laboratory sa pinakamabilis na paraan.Hindi nagtagal, nagsagawa sila ng iba’t ibang klase ng experiments at trials.Dahil sa galing ng mga experts na naririto at sa kanilang hindi mapapantayang scientific research foundation, sa loob lang ng 24 na oras, isa sa mga teams ang nakagawa ng formula na may ratio na halos kapareho ng Apothecary Restoration Pill.Nang kumalat ang balitang ito, nagsaya ang buong laboratory.Agad na kinausap ni Roger ang team na nakadiskubre ng formula. Sumunod, pinainom nila sa mga pasyente ang reverse-engin
Dahil madali lang naman gawin ang reverse-engineering, mabilis lang rin para sa mga researchers na ito na gawin ang reverse engineering ng Apothecary Restoration Pill.Sa pagkakataong ito, napangalumbaba si Smith, “Matagal na rin akong namamahala ng mga drugs sa buong buhay ko sa FDA pero hindi ko talaga ito maunawaan. Bakit napakaganda ng epekto ng gamot na ito kahit gawa lang ito sa mga halaman?”Napailing si Roger at inilahad niya ang kanyang mga palad, “Ang Diyos lang ang tanging nakakaalam. Para sa atin, kailangan lang natin malaman ang production process at ang actual effect nito. Hindi na natin kailangang malaman ang aktuwal na prinsipyo sa likod nito. Hindi natin mauunawaan ang prinsipyo ng maraming bagay sa mundo gaya na lamang metaphysics ng mga Orientals.”Sa pagkakataong ito, dalawang minuto na ang nakararaan simula nang inumin ng limang pasyente ang gamot.Napapalibutan sila ng maraming doktor at patuloy nilang sinusuri ang kondisyon ng mga pasyente sa pamamagitan ng p
Nagkagulo ang buong laboratory dahil hindi nabigo sila sa kanilang trial.Ang rason ng kaguluhang ito ay hindi dahil hindi nila kayang gayahin ang Apothecary Restoration pill kundi kahit gayahin nila ito nang eksakto, ibang-iba ang resulta nito.Hindi tuloy alam ng iba kung ano ang dapat nilang gawin.Masasayang lang ang kanilang pagod kung gagayahin nila ang isang bagay pero hindi ang gamit nito.Nagulantang rin si Roger. Pabalik-balik siyang naglakad habang hawak-hawak ang reverse-engineered drug, “Ano na ang dapat nating gawin sa susunod…? Ano ang pwede nating gawin sa susunod? Dahil hindi sapat na gayahin lang natin ito, ano ang susunod na direksyon na pwede nating tahakin?”Marami sa mga pharmaceutical experts ang nadismaya.Hindi pa sila nakaka-engkuwentro ng hindi kapani-paniwalang sitwasyon sa ilang taon nilang pag-aaral.Napaisip si Smith sa loob ng isang sandali at tila ba may naalala siya. Tinanong niya si Roger, “Hindi kaya may pinagkaiba sa preparation process ng Ap
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter