Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3611 - Chapter 3620

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3611 - Chapter 3620

5735 Chapters

Kabanata 3611

Dahil napagtanto niya na marahil ay may nakatagpo talagang mahirap at napakahalagang bagay ang kabila, hindi nagalit si Liam sa pagkahuli ng kabila.Sa kabaliktaran, tumango siya nang mapang-unawa at sinabi nang magalang, “Ayos lang, Mr. Smith. Wala rin naman akong ibang ginagawa, kaya hindi kailangan magmadali.”“Salamat!” Pinasalamatan siya ni Jameson at ngumiti nang magalang bago siya umupo sa harap ni Liam.Pagkatapos nilang umorder ng ilang pagkain, tinanong ni Jameson si Liam, “Mr. Weaver, ang layo ng pinunta mo mula sa Oskia. May mahalagang bagay ba?”Ngumiti si Liam at sinabi, ‘Mr. Smith, narinig mo na siguro ang tungkol sa Apothecary Pharmaceutical, tama?”“Narinig ko na ang tungkol dito.” Tumango si Smith at sinabi, “Mayroon kayong gamot na nasa sinusuri ng FDA, tama?”“Oo.” Sinabi ni Liam, “Medyo matagal na ang review cycle, pero hindi pa rin ito pumapasok sa sumunod na yugto. Kaya, gusto kong magtanong kung may paraan ba para pabilisin ang proseso?”Sinabi ni Smith n
Read more

Kabanata 3612

Pagkatapos itong sabihin ni Smith, idinagdag niya, “Katulad nito ang hemorrhoid suppository na sikat na sikat sa Oskia. Bumili ang ilang pasyente sa United States sa online shopping at sa ibang black-market channel. Gumaan ang pakiramdam ng mga pasyente pagkatapos itong gamitin, at umaasa sila na pumasa ang gamot na ito sa pagsusuri ng FDA, pero hindi namin inaprubahan ito. Alam mo ba kung bakit?”Nalito si Liam, kaya tinanong niya, “Bakit?”Sinabi ni Smith, “Dahil, sa opinyon namin, ang ganitong uri ng hemorrhoid suppository ay gumagamit lang ng ilang cooling analgesic ingredient. Kayang paginhawain ng ganitong sangkap ang sakit ng mga pasyente, pero hanggang doon lang. Sa opinyon n amin, hindi talaga kayang gamutin ng mga sangkap na ito ang sakit, at marahil ay takpan pa nito ang sakit, kaya mahuhuli ang pagpapagamot ng mga pasyente. Kaya, nagbigay na rin kami ng babala kailan lang na nagpapaalala sa mga pasyente gamit ang gamot na ito na bigyan atensyon ang screening at huwag bale
Read more

Kabanata 3613

Habang sinasabi ito ni Smith, bigla niyang sinabi, “Bukod dito, marami kaming mayroon sa Western medicine na wala kayo sa Eastern medicine! Halimbawa, ang psychological at mental disease, viral disease, immune system disease tulad ng mga AIDs, at auto-endocrine system disease tulad ng hyperthyroidism at hypothyroidism…”Sa puntong ito, umiling si Smith at tumawa habang sinabi, “Sobrang daming katulad na halimbawa! Hindi ko na ito ililista nang isa-isa, pero sa madaling salita, sa tingin ko ay hindi kawalan sa mga tao namin kung tatanggihan naming ibenta at ipakilala ang medisina mo sa market namin dahil may mga mas magandang pagpipilian kami!”Natusok nang sobra ang pride at pagpapahalaga sa sarili ni Liam dahil sa malalim na pride ni Smith.Nababatid niya ang ugali ni Smith na mukha ng magalang sa kabila sa labas, pero sa realidad, puno ng panghahamak at pang-aalipusta si Smith para sa Eastern medicine.Nang makita ni Liam na minamaliit ni Smith ang buong Eastern medicine, hindi n
Read more

Kabanata 3614

“Kung hindi, aalis na ako ngayon!”“Hindi ko rin ibabalik ang kahit isang sentimo ng 30 thousand US dollars mo!”Hindi inaasahan ni Liam na may ganitong bagay sa pamilya ng kabila, at sa isang saglit, nakaramdam din siya ng kaunting awa.”Kaya, sinabi niya nang humihingi ng tawad, “Mr. Smith, patawad talaga na narinig ko ang ganitong bagay. Maaari ko bang tanungin kung kumusta na ang kondisyon ng anak mo ngayon?”Nang marinig ni Smith ang tanong na ito, nawala agad ang lahat ng agresyon na naramdaman niya kanina lang. Sa halip, napalitan ito ng taos pusong pakiramdam ng kawalan ng pag-asa at kawalan ng kakayahan.Naglabas siya ng isang mahabang buntong hininga at binulong, “Kalahating buwan na ang nakalipas, nakatanggap siya ng 470 thousand US dollars na T-cell immunotherapy mula sa Novartis Pharmaceuticals, pero kaunti lang ang tagumpay nito…”“Ngayon, bumalik ang tumor niya, at kumalat na ito sa katawan niya…”“Tatlong araw lang ang nakalipas, siniksik ng pinakamalaking tumor
Read more

Kabanata 3615

Pagkatapos itong sabihin, kinuha ni Liam ang suitcase niya at naglakad palabas ng restaurant.Sa sandaling ito, naramdaman ni Smith na tila ba napahiya siya.Habang nakatulala siya sa sandaling iyon, umalis na si Liam sa restaurant.Tumingin siya sa kahon ng Apothecary Restoration Pill na nasa lamesa, at nagalit siya nang sobra sa puso niya sa punto na tinapon niya ang kahon ng mga pill sa basurahan dahil nilamon siya ng galit at sinabi, “Anong klaseng restoration pill ang mga ito?! Kalokohan ang lahat ng put*nginang to! Gumastos ako ng milyong-milyong dolyar para subukan ang lahat ng uri ng cutting-edge technology para gamutin ang anak ko! Kahit magkaroon ng cancer ang pangulo, hinding-hindi siya magkakaroon ng mas mataas na paggamot kaysa sa anak ko! Hindi man lang siya nagamot sa lahat ng pagsisikap na ito, kaya paano siya magagamot ng ganitong uri ng kalokohang Oskian medicine?!”Sa puntong ito, nagmamadaling lumabas ang public relations officer na nagtatago sa likod at hindi i
Read more

Kabanata 3616

Pero, pagkatapos humakbang ng ilang beses, biglang niyang naisip ang sinabi ni Liam bago siya umalis.Kaya, tinanong din ni Smith ang sarili niya, ‘Mukhang tama ang sinabi ng Oskian na iyon. Bakit siya mag-aabala na bumiyahe ng kalahati ng mundo at gumastos ng 50 thousand US dollars para lang pumunta at sabihan ako ng mga kalokohan?’Pagkatapos mag-atubili nang ilang sandali, tumalikod siya nang nagmamadali.Nang makita niya na itatapon na ng public relations officer ang basura, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang gumalaw! Ibaba mo ang basurahan!”Nasorpresa ang public relations officer at tinanog, “Mr. Smith… Ikaw… Anong mayroon sa iyo?”Humakbang nang malaki si Smith at inagawa ang basurahan sa kamay ng kabila. Pagkatapos ay nilabas niya ang Apothecary Restoration PIll, tumalikod, at umalis sa restaurant dala-dala ang kahon ng medisina.Sa sandaling ito, hindi na makikita si Liam sa labas ng restaurant.Isang minuto lang ang nakalipas, sumakay na si Liam sa isang taxi at
Read more

Kabanata 3617

Nang umabot sa end stage ang cancer, marahil ay nasa panganib na sa kahit anong oras ang katawan ng pasyente, at pagkatapos ay nakamamatay na ito.Ito ay dahil ang buong body system ay parang isang patong-patong na building blocks na malapit nang bumagsak at gumuho sa kahit anong sandali.Bukod dito, labindalawang taong gulang pa lang ang anak ni Smith, at pinahaba na ang buhay niya hanggang sa sukdulan sa mga nagdaang taon ng paglaban niya sa cancer.Bukod dito, palaki nang palaki ang tumor niya sa kanyang utak, at pagkatapos maapektuhan ng kanyang paningin at pandinig, naging sobrang lala ng mga emosyon niya sa punto na kailangan siya bigyan ng sedative ng mga doktor. Ang lahat ng ito ay pinapabilis ang pagkamatay niya.Tiningnan ni Smith sa bintana ang kanyang anak na nasa hospital bed, at nakaramdam siya ng sobrang kawalan ng pag-asa sa sandaling ito.Alam niya na natalo siya kahit na nagsikap siya nang sobra sa napakaraming taon.Sa sandaling iyon, lumapit ang isang doktor s
Read more

Kabanata 3618

Nabulunan si Smith at tinanong, “Magigising pa ba siya?”Sinabi ng doktor, “Sobrang liit lang ng dose ng sedation na binigay namin sa kanya. Kung walang mangyayari na hindi inaasahan, magigising dapat siya sa loob ng isang oras o higit pa. Pwede niyo siyang samahan at maglaan ng oras sa kanya.”Tumango si Smith habang may namumulang mga mata. Tinapik ng doktor ang balikat niya at sinabi nang maunawain, “Pwede ka na pumasok ngayon. Hindi ko na aabalahin ang pamilya niyo. Pindutin niyo lang ang call bell kung may mangyari, at pupunta agad aako.”“Okay.”Nang wala na ang doktor, ang ICU, na mayroong napakataas na hiling para sa malinis na kapaligiran, ay hindi na naglagay ng kahit anong pagbabawal. Ang ibig sabihin ay sumabay na sa agos ang pasyente sa ward.Dinala ni Smith ang kanyang asawa at anak na babae papasok sa ward. Ang kanyang anak, an nakahiga sa hospital bed, ay wala pa ring malay, pero malinaw na sobrang sama ng kondisyon niya, at mukhang wala siyang dugo, maputla, at pa
Read more

Kabanata 3619

Makalipas ang dalawang minuto, bumalik si Smith sa ICU ward hawak-hawak ang kahon ng Apothecary Restoration Pill.Sa sandaling nakita ni Jenny na mayroon talaga siyang isang kahon ng mga pill sa kamay niya, sinunggaban niya ito at tinanong siya nang nababalisa, “Pinapakain ba ang medisina na ito? Paano ba dapat ito gamitin?”“Pinapakain ito.” Sinabi ni Smith nang may pag-aalangan, “Pero, hindi ko alam kung paano ito gamitin. Walang sinabi ang taong nagbigay sa akin ng medisina.”Kinuha ni Jenny ang medisina at tiningnan ito. Pagkatapos ay nakita niya na may nakasulat na instruction sa English sa likod ng kahon ng medisina.Tumingin siya sa simpleng linya ng mga salita na nandoon at sinabi sa paghanga, “Dalawang pangungusap lang ito. Sinasabi na: Cancer patients, uminom ng isang pill habang walang laman ang tiyan araw-araw. Gagaling ka kung iinumin mo ito araw-araw, at sa parehong oras, tutulungan ka rin nitong ibalik ang vital energy mo…”“Letse…” Nagmura si Smith at nagngalit hab
Read more

Kabanata 3620

Ito ay dahil sa bansang ito, kahit na magkaroon ng kapangyarihan ang pangulo, ang huling pangungusap na kailangan niyang sabihin sa panunumpa nyia sa opisina ay ‘Pagpalain ng Diyos ang Amerika’.Kaya, ang paniniwala sa Diyos ay tama sa politika dito.Kahit na hindi ka naniniwala dito, hindi mo pwedeng itanggi ito.Kaya, biglang nahiya si Smith, at sinabi niya nang nauutal, “Ang Diyos ay pananampalataya at gabay para sa atin. Paano maikukumpara sa Diyos ang walang patent na Oskian medicine?!”Sinabi nang malamig ni Jenny, “Alam ko na walang Diyos sa puso mo dahil hindi ka naniniwala sa Diyos!”“Hindi!” Mukhang nalantad si Smith, at sinabi niya sa matining na boses, “Alam mo na pumupunta ako sa simbahan bawat linggo at nagdadasal ako sa Diyos araw-araw. Kaya, paano mo nasabi na hindi ako naniniwala sa Diyos?! Hindi lang ako naniniwala sa Oskian medicine!”Sumagot nang medyo malupit si Jenny, “Sa tingin mo ba ay hindi ko alam na sa tuwing pumupunta ka sa simbahan kasama ako, palagin
Read more
PREV
1
...
360361362363364
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status