Sa parehong pagkakataon, sa cathedral ng Oslo City, ang capital city ng Northern Europe.Nakatayo si Helena na kasalukuyang nakasuot ng holy white queen robe sa harap ng archbishop, nagsimula na siya sa kanyang taimtim at sagradong coronation ceremony.Inimbitahan ng matandang archbishop si Helena sa tronong nasa gitna ng stage ng cathedral. Naririyan rin ang ilang mga lalaki at babae na nakasuot ng court dresses at may hawak na scepters.Maliban dito, ang chancellor ng Northern Europe, ang judge of the heraldic, at ang minister na namamahalaga sa seremonya, pati na rin iba pang mga taong may mahahalagang gampanin, nasa stage rin habang nakasuot ng magagarbong damit.Pagkatapos umakyat ng mga taong ito papunta sa stage, humarap sila sa apat na direksyon sa East, West, North, at South ng simbahan.Sa pagkakataong ito, nagbanggit ng dasal ang archbishop mula sa bibliyang nasa kamay niya saka siya nagtanong isa-isa, “Mga ginoo, naririto at taimtim kong pinapakilala sa inyo si Helena
Read more