Tinanggap ni Liam ang medicinal mud na may nakahalong Healing Pills mula kay Charlie saka niya ito dinala pabalik ng Apothecary Pharmaceutical. Sa tanghaling iyon, ginamit ni Liam ang medicinal mud para gumawa ng 700 boxes ng Apothecary Restoration Pill. Pagkatapos, kumuha si Liam ng 20 boxes mula rito saka niya inilagay ang natitira sa loob ng isang safe.Hindi nagtagal, inutusan ni Liam ang kanyang mga katiwala na magsimulang maglabas ng balita sa loob ng bansa na naghahanap sila ng volunteers para subukan ang bago nilang anti-cancer drug. Papakiusapan rin nila ang mga volunteers na ito na ilarawan ang sitwasyon ng kanilang pamilya pati na rin ang mga aktuwal na kaso na makakatulong sa pagpili ng mga pasyenteng makakasali sa drug trial.Mula sa plano ni Liam, balak niyang gumugol ng isang linggo para maghanap ng mga applicants saka sila pipili ng 100 na tao na sasailalim sa drug trial program. Pagkatapos, iimbitahan niya silang lahat na pumunta ng Aurous Hill para obserbahan sila
Pagkatapos itong sabihin, nagdagdag si Charlie, “Nga pala, tatawagan ko rin si Porter Waldron, ang Lord ng Ten Thousand Armies, para pumunta sa oras na iyon.”Napabulalas si Sayid, “Mr.Wade, kilala mo si Porter Waldron?”Tumugon si Charlie, “Hindi ko siya kilala dati. Pero, balak kong maging tagapamagitan sa inyong dalawa para maka-isip kayo nang solusyon na makakatulong sa parehong panig. Ano sa tingin mo?”“Walang problema!” Pumayag si Sayid nang walang pag-aalangan.Para sa kanya, masyado nang mabigat na problema at mahirap resolbahan ang isyu niya sa mga nakakulong na miyembro ng Ten Thousand Armies.Kung patuloy niya silang ikukulong,hindi niya na alam kung magkano ang magagastos ng gobyerno para lang mapakain sila.Subalit, kung papakawalan niya ang mga ito at papaalisin sa kanilang bansa, mas magiging malala ang lahat.Kaya, kailangang mag-isip ni Sayid ng magandang paraan para solusyunan ito.***Sumunod na umaga, nagpalusot si Charlie at mag-isa siyang umalis ng baha
Naniniwala si Charlie na ang pinakamagandang paraan para solusyunan ito ay hindi lang ang pagsira sa laman ng tao kundi pati na rin ang pagwasak sa puso nito.Para mapakilos nang matapat ang mga malulupit na taong ito, kailangan nilang maging mas malupit at mas masama kumpara sa kanila.Kapareho ng mga pirata na aktibo sa Gulf of Aden ang estilo ng mga tulisan sa sinaunang panahon. Ang pagpatay ng iba at pagnanakaw mula sa iba ang pangunahin nilang paraan para mabuhay.Sa mga nakalipas na taon, lalo pang lumalala nang lumalala ang sitwasyon na may kinalaman sa mga pirata, at tumataas rin nang tumataas ang insidente ng mga hijacking. Sa kasalukuyan, tila ba araw-araw may umaatake sa mga cargo ship na dumadaan sa Guld of Aden at patuloy na nagtatagumpay ang mga piratang ito.Madalas ring nakikita ni Charlie ang mga balitang nagnanakaw ang mga pirata at may mga insidente rin na pinapaputukan nila ang kanilang mga hostage. Kaya, umaasa si Charlie na magagamit ng Ten Thousand Armies ang
Kaya, agad niyang kinamayan si Porter at sabik siyang nagsalita, “Helo, Mr. Waldron! Alam kong ginalit ko kayo dahil sa nangyari dati, pero sana naman huwag mo itong isapuso…”Taimtim na tumugon si Porter, “Commander Hamed, pakiusap huwag kayong mag-alala. Si Mr. Wade na ang nagsabi na magsimula ulit tayo at maging magkaibigan, syempre hindi ko na iisipin ang bagay na ito.”Nang makita ni Hamed na masyadong magalang si Porter kay Charlie, namangha siya. Hindi niya mapigilang magtaka kung bakit ganito katindi ng respeto ni Porter para kay Charlie.Napangiti nang bahagya si Charlie saka siya nagsalita, “Brother, nangako si Porter at ang Ten Thousand Armies ng katapatan sa akin. Mula sa araw na ito, isa na siya sa inyo!”Napatulala si Hamed nang marinig ang mga salitang ito mula kay Charlie!Noong una, akala niya tinutulungan lang sila ni Charlie na magkaayos, pero hindi niya inaakalang parehong nangako ng katapatan si Porter at ang Ten Thousand Armies kay Charlie.Hindi niya mapigi
Maliban dito, sa dami ng malaking pagbabago na naganap sa Middle Eastern country nila, bilang isa sa mga lider, hindi mapigilang mag-alala ni Sayid.Subalit, nang biglang sabihin ni Charlie na hahayaan niya ang Ten Thousand Armies na tulungan sila sa depensa, ang unang bagay na pumasok sa isip ni Sayid ay imposible ito.Hindi niya mapigilang magsalita, “Mr. Wade, noong huli tayong magkita, sinabi mo sa akin na makakatulong sa Ten Thousand Armies kung lagi kaming nasasadlak sa giyera at nagdurugo kami bilang isang bansa. Ngayon, pinapakiusapan mo akong makipagtulungan sa Ten Thousand Armies at patulungin sila sa depensa namin? Hindi ba parang salungat ang mga sinabi mo ngayon sa dati?”Ngumiti si Charlie nang walang emosyon, “Syempre, hindi ko itatanggi ang sinabi ko dati, at sa totoo lang, iyan pa rin ang nasa isip ko. Para sa Ten Thousand Armies, kung mas magulo ang bansa niyo, mas marami silang benepisyo na makukuha, pero naisip mo na ba na malaki na ang nagbago sa sitwasyon niyo?
Tila ba may pangungulila sa mukha ni Sayid na hindi niya maitago.Sa pagkakataong ito, muling nagdagdag si Charlie, “’Maliban dito, para ipakita ang sinseridad ng Ten Thousand Armies at para mas mapanatag ka, sa tingin ko pwede kang pumili ng base para sa Ten Thousand Armies sa gitna ng capital at ng northern mountains. Sa ganitong paraan, nasa buffer zone niyo pa rin ang Ten Thousand Armies. Magiging dagdag rin ito ng proteksyon mula sa mga oposisyon para sa inyo.”Lumuwag agad ang ekspresyon sa mukha ni Sayid nang marinig ito.Dahil sa kasalukuyang lebel ng bansa kung saan masyado pa itong malayo sa kaunlaran, ang giyera sa pagitan nila at ng oposisyon ay nasa kategorya pa rin ng close contact war. Dahil sa kakulangan sa long-range weapons, maging sino man ang gustong umatake, kailangan nilang magpadala ng hukbo sa siyudad. Kaya, kung naririyan sa pagitan ang base ng Ten Thousand Armies, magiging malaki ang gampanin nito para mapanatili ang seguridad sa siyudad.Nagsalita na rin
Tumawa si Hamed sa sandaling ito at sinabi, “Ang gusto ko ay panatilihin ang kapayapaan at huwag makialam sa isa’t isa. Hindi tayo mangingialam sa isa't isa, o didikit sa isa’t isa. Sa parehong oras, gusto kong manatili sa opposition force. Kung hindi, kung direkta kong papalitan ang posisyon namin, hindi magiging madali para sa akin na patuloy na pangunahan ang mga tauhan ko.”Tumango si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Kung gano’n, Brother, neutral ka talaga kahit na malinaw na salungat ka sa gobyerno.”“Tama, tama.” Tumawa si Hamed at sinabi, “Brother Wade, sa totoo lang, pagkatapos mo akong tulakin nang sobra, nahumaling na ako sa paghuhukay ng mga kuweba, at ayokong lumaban!”Tumingin si Charlie kay Sayid at ngumiti habang sinabi, “Tingnan mo! Hindi ba’t maganda rin ito?”Tinikom ni Sayid ang mga labi niya sa katahimikan at tinanong, “Paano naman ang mga prisoners of war?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Simple lang. Babayaran ka ng Ten Thousand Armies ng 10 thousand US dolla
Nilabas ni Sayid ang kanyang satellite phone at lumabas sa conference room ni Hamed na nasa loob ng bundok.Pagkatapos ay nagbigay siya ng tapat na ulat sa kanyang leader tungkol sa sitwasyon sa tawag.Naging kuntento nang osbra ang mga leader ni Sayid dahil sa kondisyon na depensa ng Ten Thousand Armies, pagtulong sa pagsasanay ng mga sundalo nila, at ang pagkusang manatili sa buffer zone.Dahil, papalakasin talaga nito ang seguridad nila at ang kasalukuyang pagkabalisa nila.Mas lalo pa silang natuwa dahil sa bayad na 150 million US dollars at ang 100 hundred thousand tons ng wheat kada taon.Bukod dito, may bonus na sugnay dito, at iyon ang pagiging neutral ni Hamed. Si Hamed ay nasa opposition force ngayon, at siya ang may pinakamataas na kabuuang lakas. Kung papayag si Hamed na hindi magkukusang aatake, gagaan din ang pressure nito sa gobyerno.Kaya, nagpasya agad siya sa tawag at sumang-ayon sa mga kondisyon ni Charlie.Pagkatapos makuha ni Sayid ang pagsang-ayon, bumalik
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter