Nilabas ni Sayid ang kanyang satellite phone at lumabas sa conference room ni Hamed na nasa loob ng bundok.Pagkatapos ay nagbigay siya ng tapat na ulat sa kanyang leader tungkol sa sitwasyon sa tawag.Naging kuntento nang osbra ang mga leader ni Sayid dahil sa kondisyon na depensa ng Ten Thousand Armies, pagtulong sa pagsasanay ng mga sundalo nila, at ang pagkusang manatili sa buffer zone.Dahil, papalakasin talaga nito ang seguridad nila at ang kasalukuyang pagkabalisa nila.Mas lalo pa silang natuwa dahil sa bayad na 150 million US dollars at ang 100 hundred thousand tons ng wheat kada taon.Bukod dito, may bonus na sugnay dito, at iyon ang pagiging neutral ni Hamed. Si Hamed ay nasa opposition force ngayon, at siya ang may pinakamataas na kabuuang lakas. Kung papayag si Hamed na hindi magkukusang aatake, gagaan din ang pressure nito sa gobyerno.Kaya, nagpasya agad siya sa tawag at sumang-ayon sa mga kondisyon ni Charlie.Pagkatapos makuha ni Sayid ang pagsang-ayon, bumalik
Kinamot ni Hamed ang ulo niya. “Medyo sarado na ang impormasyon sa lugar ko. Nagtanong lang ako sa kasalukuyang sitwasyon ng Ten Thousand Armies nang sinabi mo na dadalhin mo si Porter Waldron dito para makipag negosasyon. Narinig ko na sinakop nila ang isa sa malalaking pamilya sa Oskia, pinuwersa ang malaking pamilya na iyon na isuko ang kalahati ng mga asset nila. Totoo ba iyon?”Sinabi nang buong pagmamalaki ni Charlie, “Sa totoo lang, hindi nila sinakop ang pamilya na iyon. Sa halip, sila ang sinakop ng pamilya, at ako ang pinuno ng pamilyang iyon.”Pagkatapos itong sabihin, lumingon si Charlie at tumingin kay Hamed, na gulat, at ngumiti siya habang sinabi, “Brother, kasama ang Ten Thousand Armies, magiging isang landlord ka nang payapa, at walang makakagalaw sa iyo.”Mabilis na natauhan si Hamed at sinabi niya nang nagmamadali, “Brother, sa totoo lang, hindi ko talaga maintindihan kung paano ako magpapaunlad sa hinaharap. Pwede ka bang magpakita ng malinaw na daan sa akin?”
Hinahangaan talaga ni Hamed si Charlie sa pinakailalim ng puso niya.Hindi lang dahil ginamot ni Charlie ang binti niya, at hindi lang dahil ginabayan siya ni Charlie sa paglaban sa atake ng Ten Thousand Armies, ngunit ito rin ay dahil sa abilidad ni Charlie na madali niyang baliktarin ang mga malalaking sitwasyon.Bago ito, madalas na may digmaan sa bansa, at ang mga partido na nasa digmaan ay palaging naglalaban-laban. Naging delikado ang si Hamed at ang kampo niya dahil sa pangingialam ng Ten Thousand Armies.Pero, pagkatapos ng gabay ni Charlie, matagal na hindi nagkaroon ng gera sa parehong panig, at sa mga nagdaang panahon na ito, naging maluwag ang kalooban ng lahat.Ngayon, binalik ni Charlie ang Ten Thousand Armies at nilagay siya sa isang coordinated defensive position, na ginawa lang para sa mahinang depensa na problema ng bahagi ni Sayid.Dahil, dapat alam nila na kung hindi malulutas ang problemang ito, sa harap ng malaking pressure ng pagbuhay pati na rin ang depensa
Sinabihan na ni Porter ang financial staff ng Ten Thousand Armies na kumpletuhin agad ang pagpapadala ng pera, at naghanda na rin si Sayid na palayaain ang mga sundalo, umaasa na pakawalan ang lahat ng 15 thousand na sundalo sa Damascus sa hapon.Balak ni Porter na hayaan munang magkaroon ng isang linggong bakasyon ang labinlimang libong sundalo ng Ten Thousand Armies.Walang opinyon si Charlie sa mga ginawa niya, kaya hinayaan niya si Porter na gawin ang gusto niya.Simula nito, ang lahat ng mahahalagang problema sa Middle East ay naresolba na nang maayos. Para naman sa kung gaano kataas madadala ni Porter ang Ten Thousand Armies, nakadepende sa kanya ang hinaharap.***Samantala, sa kabilang bahagi ng mundo, dumating na si Liam sa Washington kasama ang dalawampung kahon ng Apothecary Restoration Pills.Pagbaba niya sa eroplano, tinawagan niya agad ang public relations company na responsable sa pagsasaayos at paggawa ng appointment sa head ng FDA para maghapunan.Nangako lang a
Dahil napagtanto niya na marahil ay may nakatagpo talagang mahirap at napakahalagang bagay ang kabila, hindi nagalit si Liam sa pagkahuli ng kabila.Sa kabaliktaran, tumango siya nang mapang-unawa at sinabi nang magalang, “Ayos lang, Mr. Smith. Wala rin naman akong ibang ginagawa, kaya hindi kailangan magmadali.”“Salamat!” Pinasalamatan siya ni Jameson at ngumiti nang magalang bago siya umupo sa harap ni Liam.Pagkatapos nilang umorder ng ilang pagkain, tinanong ni Jameson si Liam, “Mr. Weaver, ang layo ng pinunta mo mula sa Oskia. May mahalagang bagay ba?”Ngumiti si Liam at sinabi, ‘Mr. Smith, narinig mo na siguro ang tungkol sa Apothecary Pharmaceutical, tama?”“Narinig ko na ang tungkol dito.” Tumango si Smith at sinabi, “Mayroon kayong gamot na nasa sinusuri ng FDA, tama?”“Oo.” Sinabi ni Liam, “Medyo matagal na ang review cycle, pero hindi pa rin ito pumapasok sa sumunod na yugto. Kaya, gusto kong magtanong kung may paraan ba para pabilisin ang proseso?”Sinabi ni Smith n
Pagkatapos itong sabihin ni Smith, idinagdag niya, “Katulad nito ang hemorrhoid suppository na sikat na sikat sa Oskia. Bumili ang ilang pasyente sa United States sa online shopping at sa ibang black-market channel. Gumaan ang pakiramdam ng mga pasyente pagkatapos itong gamitin, at umaasa sila na pumasa ang gamot na ito sa pagsusuri ng FDA, pero hindi namin inaprubahan ito. Alam mo ba kung bakit?”Nalito si Liam, kaya tinanong niya, “Bakit?”Sinabi ni Smith, “Dahil, sa opinyon namin, ang ganitong uri ng hemorrhoid suppository ay gumagamit lang ng ilang cooling analgesic ingredient. Kayang paginhawain ng ganitong sangkap ang sakit ng mga pasyente, pero hanggang doon lang. Sa opinyon n amin, hindi talaga kayang gamutin ng mga sangkap na ito ang sakit, at marahil ay takpan pa nito ang sakit, kaya mahuhuli ang pagpapagamot ng mga pasyente. Kaya, nagbigay na rin kami ng babala kailan lang na nagpapaalala sa mga pasyente gamit ang gamot na ito na bigyan atensyon ang screening at huwag bale
Habang sinasabi ito ni Smith, bigla niyang sinabi, “Bukod dito, marami kaming mayroon sa Western medicine na wala kayo sa Eastern medicine! Halimbawa, ang psychological at mental disease, viral disease, immune system disease tulad ng mga AIDs, at auto-endocrine system disease tulad ng hyperthyroidism at hypothyroidism…”Sa puntong ito, umiling si Smith at tumawa habang sinabi, “Sobrang daming katulad na halimbawa! Hindi ko na ito ililista nang isa-isa, pero sa madaling salita, sa tingin ko ay hindi kawalan sa mga tao namin kung tatanggihan naming ibenta at ipakilala ang medisina mo sa market namin dahil may mga mas magandang pagpipilian kami!”Natusok nang sobra ang pride at pagpapahalaga sa sarili ni Liam dahil sa malalim na pride ni Smith.Nababatid niya ang ugali ni Smith na mukha ng magalang sa kabila sa labas, pero sa realidad, puno ng panghahamak at pang-aalipusta si Smith para sa Eastern medicine.Nang makita ni Liam na minamaliit ni Smith ang buong Eastern medicine, hindi n
“Kung hindi, aalis na ako ngayon!”“Hindi ko rin ibabalik ang kahit isang sentimo ng 30 thousand US dollars mo!”Hindi inaasahan ni Liam na may ganitong bagay sa pamilya ng kabila, at sa isang saglit, nakaramdam din siya ng kaunting awa.”Kaya, sinabi niya nang humihingi ng tawad, “Mr. Smith, patawad talaga na narinig ko ang ganitong bagay. Maaari ko bang tanungin kung kumusta na ang kondisyon ng anak mo ngayon?”Nang marinig ni Smith ang tanong na ito, nawala agad ang lahat ng agresyon na naramdaman niya kanina lang. Sa halip, napalitan ito ng taos pusong pakiramdam ng kawalan ng pag-asa at kawalan ng kakayahan.Naglabas siya ng isang mahabang buntong hininga at binulong, “Kalahating buwan na ang nakalipas, nakatanggap siya ng 470 thousand US dollars na T-cell immunotherapy mula sa Novartis Pharmaceuticals, pero kaunti lang ang tagumpay nito…”“Ngayon, bumalik ang tumor niya, at kumalat na ito sa katawan niya…”“Tatlong araw lang ang nakalipas, siniksik ng pinakamalaking tumor
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro