Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3621 - Chapter 3630

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3621 - Chapter 3630

5735 Chapters

Kabanata 3621

Medyo nagulat din si Smith.Pero, medyo mas kalmado siya kumpara sa kanyang asawa. Kaya, itinaas niya agad ang dalawang daliri niya at sumenyas sa harap ng kanyang anak bago tinanog, “Jimmy, nakikita mo ba kung ilang daliri ang itinaas ni Daddy ngayon?”Tumango si Jimmy at sinabi, “Dalawang daliri. Nakikita ko ito.”Nanabik agad nang sobra si Sith, at pinalitan niya ito ng tatlong daliri habang tinanong ulit, “Paano naman ngayon?!”“Tatlong daliri…”Napaiyak agad si Smith sa sabik, at sinabi niya nang nabubulunan, “Jusko! Nakakakita ka na nga…”Si Jenny, na nasa tabi, ay mas lalong nanabik, at tumingin siya sa kahon ng Apothecary Restoration Pill sa kanyang kamay at sinabi niya, “Ang galing talaga ng medisina na ito! Ilang minuto pa lang ito kinain ni Jimmy, at hindi lang bumalik ang pandinig niya, nagsisimula na ring bumalik nang paunti-unti ang paningin niya… Ang… galing talaga nito!”Hindi mapigilan ni Smith na masorpresa rin habang sinabi, “Pero hindi dapat ganito. Kahit na
Read more

Kabanata 3622

Pero, ang lahat ng ito ay binalibag ang pananaw nila.Kaya, umabante na lang sila nang nagmamadali at nagsagawa ng detalyadong imbestigasyon.Pagkatapos ng pagsusuri nila, nalaman nila na bumalik na ang ang pandinig ng pasyente, at patuloy na tumataas ang bilis ng paggaling ng paningin niya.Nakakakita lang si Jimmy ng malabong hugis kanina, pero tumaas na ang linaw at liwanag na nakikita niya.Bukod dito, tumaas din nang sobra ang physical function indicator niya. Malapit na siyang mamatay bago ito, pero ngayon, wala na sa panganib ang buhay niya.Pagkatapos nito ay tinawag ng attending doctor ang mag-asawa palabas sa ward at sinabi sa sobrang nalilitong paraan, “Mr. at Mrs. Smith, kahit na hindi ko pa alam ang tiyak na rason, ayon sa kasalukuyang physical indicator ni Jimmy, pansamantala nang wala sa panganib ang buhay niya. Para naman sa life cycle niya, mayroon din tayong mas mabuting sitwasyon. Mabubuhay pa siya ng isa o dalawang buwan pa!”Habang nagsasalita ang doktor, med
Read more

Kabanata 3623

Pagkatapos pagalitan ni Jenny, hindi lang si Smith ang nahiya nang kaunti sa sandaling ito, ngunit nahiya rin nang kaunti ang attending doctor.Maingat niyang sinuri ang medisina, at hindi niya mapigilan na sabihin, “Pwede ba akong kumuha ng isa para suriin ito?”“Managinip ka!” Ninakaw ni Jenny ang medisina pabalik at sinabi, “Ito ang medisina na magliligtas sa buhay ng anak ko! Walang pwedeng umagaw nito!”Nang makita ng attending doktor na naagaw ang medisina, nagpaliwanag siya nang nagmamadali, “Mrs. Smith, huwag sanang mali ang pagkakaintindi mo. Gusto ko lang suriin ang mga sangkap ng medisina na ito para makita kung anong espesyal dito. Kung gano’n, masusuri kung kung ang gamot ba na ito ang dahilan kung bakit gumanda ang kondisyon ni Jimmy. Dapat mas maging mahigpit tayo dahil siyensiya ito. Hindi ba’t sa tingin mo rin?”Mayroong galit na ekspresyon si Jenny sa kanyang mukha habang sinabi, “Sinabihan na kita na umalis ka na! Napapagod na talaga ako sa inyong mga tinatawag n
Read more

Kabanata 3624

Sumimangot si Liam at tinanong siya, “Anong problema, Mr. Smith?”Sinabi nang nag-aalangan ni Smith, “Mr. Weaver, ganito kasi. Binigay ko sa anak ko ang medisina na binigay mo, at ngayon, gumanda nang sobra ang kondisyon ng anak ko. Kaya, gusto kitang tanungin, kung iinom ng isang pill kada araw ang anak ko, gaano kalaki ang ikabubuti ng sitwasyon niya? Bukod dito, gusto kitang tanungin kung kaya ba ng gamot na ito na gamutin nang tuluyan ang cancer o hindi?”Sinabi ni Liam, “Hindi kita mabibigyan ng tiyak na sagot dahil iba’t iba ang epekto ng medisina ayon sa iba’t ibang kondisyon. Pero, kahit gaano kalala ang kondisyon ng cancer patient, basta’t nagsimula siyang uminom ng Apothecary Restoration Pill, siguradong patuloy na gaganda ang kondisyon nila. Kahit na sobrang seryoso nito, siguradong magagamot ito pagkatapos gamitin nang matagal.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Liam, “Payo ko na obserbahan mo muna ang kondisyon ng bata gamit ang gamot at tingnan kung gaano kalaki a
Read more

Kabanata 3625

Naliwanagan si Liam nang marinig ang mga sinabi ni Charlie.Ngumiti siya nang nagmamadali at sinabi, “Master Wade, ikaw pa rin talaga ang pinaka matalino pagdating sa pagpaparusa sa mga tao! Kung aalis ako ngayon, sa tingin ko ay siguradong gugustuhin ni Smith na habulin ako hanggang sa Oskia!”Tumawa si Charlie at sinabi, “Pwede siyang pumunta dito kung gusto niya, pero hindi mo dapat siya aliwin kahit na pumunta siya. Huwag mo rin siya bigyan ng atensyon kahit na pumunta siya para makita ka.”Habang sinasabi ito ni Charlie, idinagdag niya, “Siya nga pala, hindi ba’t naghanap ka ng public relations company at gumastos ka ng maraming pera para lang makipagkita sa kanya? Pahanapin mo rin siya ng public relations company para makita ka.”Tumawa si Liam at sinabi, “Master Wade, wala tayong ganitong kumpanya sa Aurous Hill.”Tumawa rin si Charlie at sinabi, “Hindi ito mahalaga. Hayaan mong lumabas si Albert at gawin ito ng part-time.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Charlie, “Siy
Read more

Kabanata 3626

Agad na nagsalita si Smith, “May malaking paglago sa kanyang kondisyon. Sinabi ng doktor na wala na sa peligro ang kanyang buhay.”Nagtanong si Liam, “Ilang pills ang pinainom mo sa kanya?”“Isa pa lang!”Nagpatuloy si Liam, “Walang side effects ang Apothecary Restoration Pill namin. Kung kritikal ang kondisyon niya, pwede mo siyang painumin nang marami. Pwede niya itong inumin bawat kalahating oras, at hanggang pito ang pwede niyang inumin bawat araw. Sa ganitong paraan, masisiguro nating maaalis sa peligro ang kanyang buhay sa susunod na dalawa o tatlong buwan. Kung hindi, patuloy na kakalat ang kanyang cancer cells at muling babalik sa kritikal na kondisyon ang kanyang katawan.”Agad na nagtanong si Smith, “Kung mauubos namin ang lahat ng pills ngayong araw, paano na bukas?”Tumugon si Liam, “Sinabihan na kita na kapag naubos niya ang lahat ng pills ngayong araw, magiging ligtas ang buhay niya sa susunod na dalawa o tatlong buwan. Kung makokontrol nang mabuti ang pagdami ng can
Read more

Kabanata 3627

Hindi nagtagal, nagsikumpulan ang maraming doktor sa loob ng ward ni Jimmy habang suot-suot ang puting coats.Naririto ang lahat ng top oncologists ng buong Mayo Clinic sa pagkakataong ito.Ang mga taong nakapasok sa loob ng ward ay wala ng iba kundi ang mga heads ng mga departments at iba pang mga bibigatin sa laboratory, samantalang para sa mga mababa ang ranggo, nakatayo lang sila sa labas habang pinapanood kung ano ang nangyayari mula sa malaking bintana na gawa sa salamin.Narinig ng lahat na may isang malaking milagro sa ICU at ang anak ng isang FDA executive, nakaranas raw ng therapeutic effect dahil sa isang Oskian traditional medicine. Sinasabing susuriin at babantayan nila ang lahat ng pagbabago sa katawan nito habang patuloy niyang iniinom ang gamot. Kaya, wala ni isa sa kanila ang handang palagpasin ang pagkakataon na ito kahit milagro man itong tunay o isang sabi-sabi lamang.Sa puntong ito, ininom ni Jimmy ang ikalawang pill sa tulong ng kanyang nanay.Natunaw ang pi
Read more

Kabanata 3628

“Talaga ba?!” Nang marinig ito ni Jenny, napuno siya ng sabik at tumulo ang kanyang luha, isa pagkatapos ng isa.Kahit hindi siya doktor o kahit ano mang expert mula sa larangan ng medisina, isa pa rin siyang top student na nanggaling mula sa Ivy League.Alam niya ang rason kung bakit hindi nakakakita ang kanyang anak at ito ay dahil naiipit ng tumor ang optic nerve ni Jimmy.Kaya ngayon, dahil nalaman niyang bumubuti na ang paningin ng kanyang anak, ibig sabihin unti-unti na ring humuhupa ang pamamaga ng tumor na umiipit sa optic nerve ng kanyang anak!Nasamid siya sa loob ng ilang sandali saka siya nagsalita, “Mabuti naman! Magandang bagay iyan!”Nagkaroon rin ng lakas ang kamay ni Jimmy at dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kanang kamay kung saan nakasaksak ang isang IV infusion tube at blood oxygen monitoring probe. Nahihirapan siyang punasan ang luha sa dulo ng mga mata ng kanyang ina, “Huwag kang umiyak, Mama. Dapat maging masaya ka na bumubuti ang pakiramdam ko!”Ang
Read more

Kabanata 3629

Hindi nagtagal, dinala ng mga doktor at nurse si Jimmy sa nuclear medicine center gamit ang isang wheelchair.Pagkatapos mabigyan ng contrast agent na injection, dinala nila si Jimmy sa CT room para sa isang full scan.Pagkatapos ng kalahating oras, dumating na ang resulta, at isang grupo ng mga doktor ang nagtipon-tipon sa harap ng computer para suriin ang resulta ng bagong CT images ni Jimmy.Binuksan ng doktor ni Jimmy ang mga CT images ng pasyente kalahating buwan ang nakararaan, at pagkatapos pagkumparahin ang dalawa, napabulalas siya, “Masyado itong hindi kapani-paniwala! Marami sa mga lesions sa katawan ni Jimmy ang lumiit!”Dahil nasa end-stage na ang cancer ni Jimmy, matagal nang may multiple metastases sa kanyang katawan kasama na ang mga tumor lesions sa kanyang lymph nodes, mga buto, atay,at mga baga—lahat ng mga ito malalaki ang sukat.Ang pinakamalaki sa mga ito ay masasabing kasingsukat ng kamao ng isang sanggol.Dahil sa dami ng ginamit nilang treatment methods, l
Read more

Kabanata 3630

Hindi niya mapigilang tanungin si Smith, “Mahal, kailangan mong maghanap ng paraan para makakuha ng isa pang kahon ng Apothecary Restoration Pills para kay Jimmy ngayong araw! Mula sa nakikita ko, makakauwi na siya ng bahay kapag uminom siya ng isa pang kahon nito!”Nang mabanggit ito, hindi niya mapigilang masamid, “Tatlong taon na ring hindi umuuwi si Jimmy sa bahay natin…”Simula nang pumasok si Jimmy sa critical stage, hindi na siya nakaalis sa 24 na oras na bantay ng ospital. Kahit nang pumunta sila sa Europe para makatanggap ng treatment, direkta silang pumunta ng airport galing ng ospital saka sila sumakay ng isang special medical charter plane papuntang Europe.Kaya, para kay Jenny, hindi siya makapaghintay na dalhin sa kanilang tahanan ang kanyang anak.Sa kanyang opinyon, basta ba masiguro nilang makakainom ng Apothecary Restoration Pill si Jimmy, siguradong makakaalis na siya ng ospital at pwede na siyang magpagaling sa bahay.Matapos ang lahat, para sa kanya, matagal n
Read more
PREV
1
...
361362363364365
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status