Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3151 - Chapter 3160

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3151 - Chapter 3160

5696 Chapters

Kabanata 3151

Habang gamit ng mga kabataan sa Oskia ang mga drones na ito na nagkakahalaga ng ilang libong dolyar para sa kanilang filming ng kagubatan o kung ano man, ginagamit naman ng mga hukbo ni Hamed ang mga drones na ito para magsilbing monitor habang nasa giyera.Ang magandang bagay sa mga drones na ginagamit nila, may full air suspension ito kaya pwede itong manatili sa itaas ng langit habang pinapanood ang target nito. Hindi gaya ng Global Hawk ng United States na kailangang lumipad-lipad para sundan ang target nito.Sa kabilang banda, nakagawa na si Hamed ng sarili niyang mga taktika ayon sa mga sinabi ni Charlie kanina at hindi niya mapigilang muling mamangha sa mga estratehiya nito.Mula sa image transmission signal mula sa langit, nagkaroon si Hamed ng kongklusyon na hindi hihigit sa 1,200 ang bilang ng mga taong palihim na sumusugod sa kanila.Higit sa lahat, kasalukuyan nilang pinapalibutan ang west wing ng base nila Hamed. Sa madaling salita, may 80% na posibilidad na balak nila
Read more

Kabanata 3152

Ang una at pinakamagandang plano ay palihim na pupuslit si Zephan at ang kanyang mga tauhan sa entrance ng permanent fortification ni Hamed para makapasok sila sa loob at masorpresa ang kabilang panig. Sa ganitong paraan, mapapatay nila si Hamed at ang mga tauhan nitong nasa loob ng fortifications.Ito rin ang bagay na gustong makamit ng halos lahat ng umaatakeng panig sa mga offensive battles. Dahil ito lang ang tanging paraan na makakasiguro na nakamit nila ang kanilang layunin sa pinakamadaling paraan at kung saan kaunti lang rin ang masasakripisyong buhay.Ang pangalawang plano naman, naisip ni Zephan na gamitin ang mga RPG rockets nila para direktang patamaan ang permanent fortification kapag nakaabot na sila sa firing range nito. Kapareho ito ng taktika na ginagamit sa mga anti-Japanese films.Para naman sa ikatlo at pinakamalalang plano, susugurin nila ang mismong base at puwersahan nila itong ataakihin.Subalit, bibihira lamang magtagumpay ang ikatlong plano sa mga giyera.
Read more

Kabanata 3153

Sampung minuto ang makalipas, tumigil na ang artileryang umaatake sa frontal position ng base nila Hamed.Tatlong libong sundalo ang sumugod papunta sa harap dala-dala ang RPG rockets.Natalo na nila Hamed ang grupong ito ngayon lang, at alam nilang napakataas ng firepower ng oposisyon. Kaya, hindi nila mapigilang makaramdam ng kaba habang nilulunsad nila ang ikalawang atake sa takot na baka mamatay sila kapag nagkamali sila.Subalit, dahil nakatanggap sila ng isang military command, kahit natatakot sila, wala na silang magawa kundi lakasan na lamang ang kanilang loob at sumugod habang nakataas ang mga noo.Hindi nagtagal, dumating na sila sa firing range ng fortifications ni Hamed.Syempre, hindi nagpakita si Hamed ng kahit anong awa sa mga taong ito na gusto nang magpakamatay. Agad niyang inutusan ang kanyang mga sundalo na magpaputok at pumatay ng maraming kalaban.Agad na nagsimula ang second round ng putukan sa pagitan ng dalawang panig!Tig-lilimang tao ang nasa bawat grup
Read more

Kabanata 3154

Para paputukan ang mga tauhan ni Zephan, agad na isinara ng tatlong daang sundalo ni Hamed ang entrance mula sa loob pagkatapos nilang pumasok sa mahigit 30 na firing points.Sa ganitong paraan, magkakaroon ng kanya-kanyang grupo ang bawat firing point. Iyon nga lang, wala ring paraan para tumakas ang mga sundalong nasa loob nito.Kahit maraming negatibong bagay sa ganitong klase ng metodo, marami pa rin naman itong dalang benepisyo. Una sa lahat, mananatili ang mga sundalong ito sa mga kwartong ito hanggang sa dulo at dahil hindi sila makakatakas, natural lang na maging determinado silang lumaban hanggang sa huli. Kaya, masasabing napakataas ng kanilang motibasyon.Makakapasok ang lima hanggang sampung tao sa bawat firing point depende sa laki ng kwarto nito at anggulo ng disenyo.Sa loob nito, makikita ang mga light at heavy machine guns pati na rin mga RPG rocket launchers.Maliban dito, may sapat itong ammunition reserves pati na rin pagkain at tubig para magtagal ang mga sund
Read more

Kabanata 3155

Habang pinapangunahan ni Zephan ang 1,000 na hukbo niya mula sa Ten Thousand Armies para sugurin ang west wing, matagal na siyang nahulog sa patibong ni Hamed.Habang nag-aalala si Zephan na mapalagpas nila ang oportunidad na magwagi sa labanang ito, hindi niya napansin na ilang mga lamat sa pagitan ng mga bato ang nagbukas.Hindi nagtagal, sunod-sunod na machine guns ang agad na nagpaputok!Napakalakas ng tunog ng mga putok na ito!Bumabagting lamang sa mga tainga ni Zephan ang malakas na ingay. Bago pa siya magkaroon ng oras na makakilos, narinig niya ang miserableng impit at hiyaw ng mga kasamahan niyang isa-isang tumumba sa sahig nang matamaan sila ng bala!Pinuntirya ng mahigit sa 200 na light at heavy machine guns pati na rin ilang dosena ng RPG rocket launchers ang isang libong hukbo mula sa Ten Thousand Armies.Pagkatapos, maririnig ang malakas at mahihinang mga putok sa maiksing oras.Mabilis ang tama ng baril sa kanila at agad na bumagsak ang hanay ng mga dalang sundal
Read more

Kabanata 3156

Ang ibang mercenary na sumunod sa kanya ay hindi rin natakasan ang kapalaran na ito. Lahat sila ay mabilis na binaril at namatay, isa-isa, at lahat sila ay namatay sa laban sa loob lang ng tatlumpung segundo!Tumagal lang ng limang minuto ang massacre na ito bago ito natapos.Pagkatapos, lumabas ang mga sundalo ni Hamed sa mga bunker nila at sinimulang linisin ang lugar ng laban.Ayon sa post-war statistics, may kabuuang isang libo at isang tao mula sa Ten Thousand Armies, kasama si Zephan, na namatay sa laban nang walang natira.Para naman sa panig ni Hamed, may labing-anim na tinamaan, anim ang patay at sampu ang sugatan, wala sa kanila ang nakamamatay na sugat.Isa talaga itong kumpleto at ganap na tagumpay.Sa sandaling ito, pagkatapos maghintay nang matagal at hindi pa rin nakikita na pumasok si Zephan sa laban sa gilid kahit pagkatapos niyang mawalan ng halos isang libong sundalo sa kunwaring atake na ito, ang supreme commander na pinangunahan ang atake sa harap ay nagalit,
Read more

Kabanata 3157

Ang balita ng pagkamatay ni Zephan at ng isang libong sundalo mula sa Ten Thousand Armies ay parang isang kidlat na lumitaw para sa panig ng supreme commander!Hindi sa may pakialam siya sa pagkamatay ni Zephan o ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies, ngunit ito ay dahil naramdaman niya na kung hindi kayang pabagsakin ng mga tao mula sa Ten Thousand Armies ang permanent fortification ni Hamed, mas lalong walang pag-asa ang grupo ng mga nakakaawang tauhan na nasa ilalim niya.Bukod dito, nagdala siya ng limang libong sundalo dito, at halos dalawang libong sundalo ang namatay pagkatapos ng dalawang laban. Isang libo at limang daang sundalo ng Ten Thousand Armies ang namatay, at nawala na ang kalahati ng buong lakas niya!Ang mas seryoso pa ay pagkatapos ng dalawang round ng atake, malinaw na napagtanto ng mga sundalo niya na imposible para sa kanila na pabagsakin ang posisyon ni Hamed gamit ang sarili nilang laman at dugo. Nakita nila mismo ang pagkamatay ng napakaraming kasamaha
Read more

Kabanata 3158

Hindi pa sinusubukan ni Cadfan na bolahin ang kahit sino simula noong bata pa siya, at hinahangaan na siya ng lahat sa katanghaliang edad niya.Pero, sinong nag-aakala na pagkatapos mabuhay nang mayabang sa buong buhay niya, sa mga dulong taon niya, kailangan niyang mambola at lumuhod sa isang binatang lalaki na nasa twenties pa lang.Sinaktan ng pakiramdam na ito ang kanyang pride at pagpuri sa sarili, pero kailangan ipagpatuloy ni Cadfan ang pambobolang ito dahil kailangan na kailangan niya ang tulong ni Porter para lutasin ang sunod-sunod na problema sa harap niya.Kaya, pagkatapos uminom at ubusin ang mga baso nila sa tatlong round, nagkusa si Cadfan na itaas ang kanyang wine glass habang ngumiti siya at sinabi, “Heto, Porter. Bibigyan ulit kita ng isa pang toast. Ang baso ng wine na ito ay para hilingin na magtagumpay ka sa Mount Wintry sa araw ng Tomb Sweeping Festival! Sana ay maipaghiganti mo nang ganap ang pagkamatay ng mga magulang mo!”Pinaglaruan ni Porter ang baso ng w
Read more

Kabanata 3159

Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Cadfan pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Porter. Hindi niya talaga inaasahan na nakakapagod na mambola at purihin ang iba.Kaya, paulit-ulit niyang siniguro si Porter, “Huwag kang mag-alala, Porter. Ako mismo ang pupunta sa mga libingan ng mga magulang mo para magbigay galang sa kanila pagdating ng panahon!”Habang nagsasalita siya, sadya siyang bumuntong hininga at sinabi, “Hinihintay lang kitang makaakyat nang tagumpay sa Mount Wintry sa araw ng Tomb Sweeping Festival. Ah, hindi! Ang ibig kong sabihin ay makaakyat sa Mount Waldron!”Totoo nga, sa sandaling bumuntong hininga nang emosyonal si Cadfan, nilipat niya agad ang lahat ng tunggalian sa puso ni Porter sa pamilya Wade.Humagikgik si Porter, at nagngalit siya at sinabi, “Paano ako mapipigilan ng pamilya Wade na umakyat sa Mount Waldron? Sa sandaling iyon, hindi ko na kailangan kumilos. Magpapadala na lang ako ng kahit sino sa Four War Kings ko, at siguradong hindi makakalaban ang pam
Read more

Kabanata 3160

Sa kanila, ang Green-Eyed Wolf King at ang White-Clothed Tiger King ay parehong Oskian. Si Zayne ang Green-Eyed Wolf King, na nasa Syria, at ang White-Clothed Tiger King ang binatang may pambihirang lakas sa tabi niya.Para naman sa Black-Faced Panther King at Golden-Furred Lion King, sila ay African at American.Ang Black-Faced Panther King ay nasa Yemen sa sandaling ito, habang ang Golden-Furred Lion King ay nasa Palestine.Nang makita ni Porter na tinawagan siya ni Zayne, ngumiti siya agad at sinabi, “Mukhang magpapadala ng magandang balita ang Green-Eyed Wolf King natin ngayon! Simula noong pumasok siya sa Syria, dinurog niya at sinira niya ang lahat ng balakid sa daan niya nang walang hirap o laban. Mukhang kalahati na ng giyera sa Syria ang natapos nila, at wala nang banta ang natitirang opposition forces sa kanila. Sa tingin ko ay ay tagumpay nilang matatapos at mauubos ang lahat ng opposition forces sa loob ng ilang araw.”Habang nagsasalita siya, si Porter, na sobrang gand
Read more
PREV
1
...
314315316317318
...
570
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status