Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3171 - Kabanata 3180

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3171 - Kabanata 3180

5699 Kabanata

Kabanata 3171

“Na-ambush?!”Nakaramdam ng kabog si Zaye sa kanyang puso nang marinig ito, at tinanong niya nang mabilis, “Anong eksaktong nangyari? Anong klaseng ambush ito?!”Humihikbi ang commanding officer habang sumagot, “May sumabog! Sobrang lakas na pagsabog! Nagtanim siguro sila ng maraming bomba, at nagpatalsik ng maraming bakal ang pagsabog. Nabulag na ang dalawang mata ko. Sugatan din ang mga binti at mga kamay ko, pero hindi ko na makita ang lawak ng mga injury ko!”“Paano iyon nangyari?!” Tumibok nang mabilis ang puso ni Zayne nang marinig niya ang paglalarawan ng sitwasyon ng kabila.Ang dalawang echelon na nag-parachute ngayong gabi ay ang mga pinakamalakas na sundalo at commanding officer sa ilalim ni Zayne.Nang marinig ni Zayne na nabulag na ang mga tauhan niya at sugatan ang mga katawan nila dahil sa pagsabog, gusto talaga tumalon ni Zayne at iligtas sila.Puno ng tunog ng paghagulgol at pag-iyak ang background ng intercom system, at nakaramdam si Zayne ng hindi matiis na lun
Magbasa pa

Kabanata 3172

Sa ganitong paraan, ang isang libong elite na ipinadala doon ni Zayne ay tuluyang pinatay ng kalaban!Malinaw na sila ang magsasagawa ng sorpresang atake sa kalaban. Bukod dito, lahat ng elite na ipinadala niya ay ang pinaka angkop para sa decapitation mission. Pero, paano na mahigit kalahati sa kanila ang napatay at nasugatan sa pagsabog sa sandaling kabababa lang nila? Paano pinlano ng kalaban at inisip ang lahat ng ito nang maaga?!Habang nagdududa sa sarili si Zayne, umatake na nang buo ang mga sundalo ni hamed!Hinati na ni Hamed ang buong base sa limang lugar ayon sa utos ni Charlie.Ang bawat area ay nahahati sa dose-dosenang coordinated location ayon sa lokasyon ng mga detonating points.Kaya, ang mga sundalo sa bawat fortification ay alam kung saang detonation points ang mga sumabog ayon sa mga coordinates na minarkahan sa mapa, at naintindihan agad nila ang lokasyon ng kalaban.Pagkatapos, agad nagpadala si Hamed ng walong daang sundalo mula sa permanent fortification a
Magbasa pa

Kabanata 3173

Sa sandaling sinabi ito ni Onizuka, tumunog ang mabangis na putok ng baril sa paligid niya.Sa sandaling ito, kahit na may kaunting tao pa na buhay, halos lahat sila ay malapit nang mamatay. Wala man lang silang natitirang sampung porsyento ng abilidad nila para hawakan ang mga baril nila.Bukod dito, kahit na kaya nilang humawak ng baril, sugatan na ang mga katawan nila dahil sa pagsabog. Kaya, paano sila magkakaroon ng kakayahan na lumaban sa isang malaking digmaan sa sandaling ito?Bukod dito, kahit na hindi masyadong sinanay ang mga sundalo ni Hamed, kaya pa rin nilang gumawa ng malaking pinsala sa laban.Alam nila na hindi sila masyadong sinanay at kulang sila sa lakas, pero alam din nila na sugatan ang kalaban nila. Kaya, hindi sila sumugod nang direkta para lumaban o patayin sila. Sa halip, nakipagbarilan sila sa iba’t ibang lugar sa malayo.Bukod sa mga malulupit na bala, maraming sundalo na may mas malakas na armas ay galit na galit na nagtapon ng mga granada sa lokasyon
Magbasa pa

Kabanata 3174

Kahit na ang mga paratrooper na ito ay mga elite ng Ten Thousand Armies at marami ang kaalaman nila at pang-unawa sa mga armas, hindi nagkaroon ng pagkakataon ang grupo ng mga taong ito na gamitin ang kalamangan nila sa ilalim ng mga tactical arrangement ni Charlie.Sa harap ng isang malakas na pagsabog, kahit ang isang agos ng bakal ay hindi ito kakayanina, lalo na ang mga taong ito na gawa sa laman at dugo.Si Hamed, na nalaman ang ganap na pagkaubos ng kalaban, ay nanginig at nanabik nang sobra.Pumunta siya mismo sa lugar kung saan namatay ang first echelon ng Ten Thousand Armies at pinanood ang mga sundalo niya na nililinis ang lugar ng digmaan sa ilalim ng ilaw mula sa malakas na flashlight. Napuno agad ang puso niya ng pananabik.Lumaban siya sa dalawang pagsakop at matagumpay na laban sa sunod-sunod na araw, at ito ang pinaka dakilang sandaling buhay niya.Habang tuwang-tuwa siya, lumapit ang adjutant niya na may parehong pananabik at inulat, “Nag-uulat, Commander! Marami
Magbasa pa

Kabanata 3175

Pagkatapos maranasan ang dalawang laban sa isang araw, ang puso ni Hamed ay nagbago mula sa una nitong kaba at pagkabalisa at naging pananabik at kagalakan.Bukod dito, nakaramdam din siya ng isang uri ng libereal at masayang pakiramdam pagkatapos gawin ang lahat ng makakaya niya at isaalang-alang ang lahat.Sa puso nia, naintindihan ni Hamed na pinatay niya ang dalawa o tatlong libong mercenary mula sa Ten Thousand Armies nang dalawang beses, kaya tinali nang buo ang buhol sa Ten Thousand Armies.Dahil dumating na sa puntong ito ang bagay na ito, susundin niya ang daan na ito.Kaya, mayroong malamig na ekspresyon si Hamed sa kanyang mukha habang tinanong ang kanyang adjutant, “Nalinis na ba nang buo ang lugar na digmaan?”“Malapit na itong matapos.” Sinabi ng adjutant, “Halos nakuha na namin ang lahat ng armas at gamit na magagamit namin.”“Mabuti!” Mayroong malamig na ekspresyon si Hamed sa kanyang mukha habang sinabi, “Tipunin mo at ilagay ang lahat ng incendiary grenade sa is
Magbasa pa

Kabanata 3176

Agad na tumugon ang adjutant, “Commander, hindi naman yata tama na tawagan niyo siya nang ganitong oras sa gabi? Hindi ba natin maiistobo ang tulog ni Mr. Wade?”Pagalit na tumugon si Hamed, “Sinabihan kitang magbasa-basa kapag wala kang ginagawa, pero mukhang hindi ka nakikinig sa akin! Hindi pareho ang time zone ng Oskia sa sa Syria. Kahit 3:30 AM sa atin ngayon, 8:30 AM na sa kanila ngayon!”***Nang magising si Charlie, iniisip niyang mukhang matinding laban ang pinagdaanan nila Hamed kagabi.Pero, hindi siya nag-aalala kay Hamed.Alam niyang ilang daang detonation points ang inilagay ni Hamed sa iba’t ibang bahagi ng base nila. Mula pa lamang rito, masasabing mala-demonyo ang depensa na mayroon sila.Imposible namang matatalo sila ng kalaban sa ganitong klase ng depensa.Gaya ng inaasahan, pagkatapos kumain ng almusal, tumawag si Hamed kay Charlie.Nang sagutin ni Charlie ang tawag, sabik na nagsalita si Hamed, “Brother Wade, napakagaling mo! Totoo ngang nagpadala sila ng
Magbasa pa

Kabanata 3177

Sa parehong pagkakataon, sa isang sementeryo malapit sa hangganan ng Eastcliff.Nakasuot si Porter ng kulay itim na suit at isang pares ng kulay itim na salamin, may hawak siyang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa kanyang kamay habang naglalakad papunta sa isang puntod ng mag-asawa.Isang dosenang mga lalaki na nakasuot rin ng kulay itim na damit ang nakasunod sa kanya. Iba-iba ang kanilang lahi at tila ba hindi sila ordinaryong tao.Mula sa kanila, nakasuot rin ng kulay itim si Hunter Lan, ang White-Clothed Tiger King, na madalas mahilig magsuot ng mga puting damit.Dahan-dahang humakbang si Porter papunta sa tapat ng dalawang puntod. Sumundo, tumulo ang luha sa likod ng kanyang salamin habang nakatitig siya sa mga salita at litratong nasa harap niya.Nagitla siya sa loob ng ilang sandali saka siya napaluhod nang malakas. Pagkatapos, inalis niya ang suot niyang salamin saka siya nagsalita nang nasasamid. Namumula ang kanyang mga mata, “Papa… Mama… Andito ang anak niyo para
Magbasa pa

Kabanata 3178

Tila ba may napansing mali si Porter kaya nagsalita siya sa isang malamig na boses, “Anong nangyayari? Sabihin mo na lang!”Nagulantang si Hunter at nakaramdam siya ng kaunting takot. Pero, agad niyang pinakalma ang kanyang sarili at nagsalita siya sa isang mababang boses, “Lord, nagpadala ng mensahe si Green-Eyed Wolf King tungkol sa nangyari sa laban. Sinabi niyang nilusob ang 1,000 elite paratroopers natin nang lumapag sila sa base ni Hamed. Nalipol ang lahat ng tauhan natin!”“Ano?!” Agad na napatayo si Porter saka siya lumingon. Hinablot niya ang kuwelyo ni Hunter at galit siyang nagtanong, “Nalipol ang isang libong elites ng Ten Thousand Armies kahit sorpresa ang atakeng ginawa nila? Nalipol sila ng oposisyon? Niloloko mo ba ako?!”Hindi makagalaw nang mabuti si Hunter dahil hawak ni Porter ang kuwelyo niya kaya nagsalita siya nang may kaunting hirap, “Lord… Lord… Lahat ng sinabi ko… lahat ng sinabi ko… nakasulat sa text message na ipinadala ni Green-Eyed Wolf King sa akin. Ku
Magbasa pa

Kabanata 3179

Kahit napakalakas ni Porter at galit na galit rin siya sa puntong ito, alam niya sa loob ng kanyang puso na hindi siya pwedeng umalis ng Oskia bago ang Tomb Sweeping Festival. Kung hindi, sakaling may mangyari ngayong araw at mahuli siya sa kanyang paghihiganti, paano niya na lang haharapin ang kanyang mga magulang na namatay sa isang trahedya ilang taon ang nakararaan?Kaya, wala nang magawa si Porter kundi magpatuloy na umasa kay Zayne.Subalit, alam rin ni Porter na walang ibang paraan si Zayne para bawasan ang mamamatay sa kanilang panig habang direktang kinakalaban sila Hamed.Kaya, binigyan ni Porter si Zayne ng solusyon para pigilan itong tahakin ulit ang maling landas. “Dahil bumuo ang g*gong Hamed na iyon ng isang bakal na bariles, palibutan natin nang buo ang base niya hanggang sa mahiwalay nila sa mundo at hindi na sila makakahingi ng tulong mula sa iba. Wala silang magagawa kundi hintayin na lang na dumating ang kamatayan nila!”Napakalupit ng ganitong klase ng atake.
Magbasa pa

Kabanata 3180

Kaya, ilang mga taong pagala-gala ang naghahanap ng espasyo sa base ni Hamed nang dumating ang umaga.Hindi nagtagal, marami sa mga lider ng maliliit na puwersa ng oposisyon ang nagdala rin ng mga grupo nila para maki-anib kay Hamed.Nag-aalala ang marami sa mga taong ito na malilipol na sila ng kalaban. Kaya, nang marinig nila ang tungkol sa lakad ni Hamed, napagpasyahan nilang makisilong muna rito kapalit ng tsansa nilang mabuhay.Kaya, kahit isang araw lang ang nakalipas, tumanggap si Hamed nang mahigit sa 5,000 katao sa kanyang base.Pagkatapos naman ng dalawang araw, tumanggap na si Hamed nang mahigit sa 8,000 katao sa kabuuan. Sa ngayon, aabot ng mahigit sa 10,000 libo ang hukbo niya. Punong-puno ng mga tao ang buong base niya. Sinunod ni Hamed nang tapat sa kanyang puso ang utos ni Charlie, at kahit maliit lang ito na grupo ng sampung tao o kaya isang malaking grupo ng isang libong tao, basta ba tumungo sila para umanib sa kanya, kailangan niya muna silang paghiwa-hiwalayi
Magbasa pa
PREV
1
...
316317318319320
...
570
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status