Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3181 - Chapter 3190

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3181 - Chapter 3190

5699 Chapters

Kabanata 3181

Ang pinakaproblema ni Hamed sa puntong ito, natatakot siyang hindi niya mailalabas nang buhay si Sheldon kapag sinugod na sila ng kabilang panig sa lahat ng direksyon.Alam rin ni Hamed na mahalagang tao si Sheldon kay Charlie, at dadalhin ito ni Charlie pabalik ng Oskia sa loob ng ilang araw. Kahit hindi sigurado si Hamed kung bakit dadalhin ni Charlie pabalik si Sheldon sa bansa nila, nararamdaman niyang mahalagang bagay ito para kay Charlie.Nang marinig ni Charlie kung ano pinag-aalalahanan ni Hamed, tumugon siya, “Hindi mo muna kailangang isipin ang bagay na ito. Ngayong napapalibutan nila ang lahat ng daan niyo, hindi naman makatotohanan kung ilalabas mo si Sheldon. Mas mabuting ituon mo lang ang atensyon mo sa pagpapatibay ng depensa niyo. Kung wala talagang magandang oportunidad sa hinahanap, personal akong pupunta diyan para sunduin si Sheldon Schulz.”Dalawa ang layunin ni Charlie sa gagawing ancestor worship ceremony ng pamilya Wade sa darating na Tomb Sweeping Festival.
Read more

Kabanata 3182

Matagal nang binabalak ng pamilya Wade na magkaroon ng marriage agreement kasama ang royal family ng Northern Europe.Sa kahit anong malaking pamilya, ang pinakamatandang anak na lalaki at pinakamatandang apong lalaki ang may pinakamahalagang patisada.Kaya, gusto ni Jeremiah na hanapan ang kanyang pinakamatandang apo ng isang manugang na babagay sa pamilya Wade.Pero sa Oskia, dalawang babae lang ang pwedeng pumantay sa estado ni Felix.Isa sa kanila si Sophie, ang apo ng pamilya Schulz, at ang isa naman ay si Quinn, ang nag-iisang anak ng pamilya Golding.Isang lebel na mas mababa ang antas ng pamilya ng dalawang nabanggit na pamilya kumpara kay Felix.Pero paano naman magkakaroon ng pagkakataon si Felix na makausap ang isang mapagmataas na gaya ni Sophie?Para naman kay Quinn, mas lalong imposible. Sino naman ang hindi nakakaalam na gustong pakasalan ni Quinn si Charlie?Maliban dito, gumawa rin si Quinn ng isang malaking eksena sa kanyang concert ilang araw ang nakararaan.
Read more

Kabanata 3183

Agad na kinumpirma ng young princess ng Northern European royal family ang kanyang destinasyon.Aalis siya papunta ng Oskia sa loob ng dalawang araw, at ang balak niya, mananatili muna siya sa mansyon ng pamilya Wade sa loob ng ilang araw. Pagkatapos, dadalo siya sa ancestor worship ceremony kasama ang pamilya Wade sa mismong araw ng Tomb Sweeping Festival. Kapag lumipad na ang ibang miyembro ng royal family sa Eastcliff, pupunta ng Shangri-La Hotel ang young princess kasama ang mga iba pang miyembro ng royal family.Maliban dito, gaganapin rin ang engagement party ni Felix sa Shangri-La Hotel.Ganoon din, tinawagan ni Jeremiah si Stephen para pag-usapan ang mangyayari, “Stephen, pupunta ang princess ng Northern Europe sa makalawa. Kailangan mong bilisan para mapaghandaan natin ang lahat sa bahay. Dapat perpekto ang lahat hanggang sa pinakamaliit na detalye, hindi dapat tayo magkaroon ng kahit anong isyu o pagkukulang.”Agad na tumugon si Stephen, “Lord Wade, huwag kayong mag-alala
Read more

Kabanata 3184

“Sabihin mo sa akin, sa tingin mo ba balak niyang makasama si Claire Wilson buong buhay?”Agad na tumugon si Stephen, “Lord Wade, hindi natin makokontrol o maimpluwensyahan ang mga bagay gaya ng nararamdaman ng isang tao. Sa tingin ko, dapat niyong respetuhin ang desisyon ni Young Master Wade.”Kumaway si Jeremiah at seryoso siyang nagsalita, “Bilang head ng pamilya Wade, hindi ko talaga matanggap na papakasalan ng apo ko ang isang babaeng mababa ang pinanggalingan!”Habang nagsasalita, naging emosyonal nang bahagya si Jeremiah, “Hindi lang naman dahil mababa ang estado ng pamilya Wilson, pero lalo na at dahil trabahador lang ng pamilya Wade ang lolo ni Claire Wilson!”“Sabihin mo sa akin, alin sa malalaking pamilya ang papayag na ipakasal ang sarili nilang apo sa apo ng kanilang tagapagsilbi? Hindi ba nakakahiya ito sa atin? Hindi ba parang iniinsulto natin ang mga kanunu-nunuan natin?”“Kaya, kahit anong mangyari, kailangang hiwalayan ni Charlie ang babaeng iyon!”Agad na nagsa
Read more

Kabanata 3185

Sa mga mata ni Jeremiah, sa gaganaping ancestor worship ceremony ngayong taon, kahit inaabangan niya ang kasal ni Felix, sa kanyang huling analysis, ang pinakamahalaga para sa kanya ay si Charlie. Totoong napakayaman ng royal family, at mataas rin ang kanilang reputasyon at katayuan sa lipunan, pero masasabing medium to high level lamang ang lahat ng ito.Sa kabuuan, masasabing jack of all trades but master of none ang royal family. Magaling sila sa lahat ng aspeto, pero walang partikular na bagay ang nakamamangha sa kanila.Kung sa kabuuang lakas, kahit sampu pang princesses sa Northern Europe hindi mapapantayan ang iisang si Quinn.Matapos ang lahat, kahit hindi kasing laki ng mga royal families sa Middle East ang European royal family, masasabing medyo karamihan pa rin ang anak nila. Pero, si Quinn, siya lang ang nag-iisang anak ng pamilya Golding. Paano naman maikukumpara ang isang royal princess sa katulad niya?Ilang taon nang nagsisilbi si Stephen para kay Jeremiah. Kaya,
Read more

Kabanata 3186

Bukod dito, lagi siyang nag-aalala nang kaunti tungkol kay Charlie. Nag-aalala siya na magagalit si Charlie sa kanya dahil sa pagkamatay ng mga magulang ni Charlie.Kaya, mas malaki ang magiging pinsala kaysa benepisyo sa pagbalik ni Charlie.Alam na alam niya sa puso niya na malaki ang posibilidad na ibabalik niya ang isang taong walang utang na loob pagkatapos mahanap si Charlie at ibalik siya.Pero, ang pangunahing dahilan kung bakit pinipilit niyang ibalik si Charlie para tanggapin ang mga ninuno niya at ang dahilan kung bakit handa siyang magmakaawa kay Charlie na bumalik siya ay dahil sa naranasan ni Jeremiah sa Singapore tatlong taon na ang nakalipas.Tatlong taon na ang nakalipas, pumunta si Jeremiah sa Sweden para dumalo sa isang entrepreneurial summit.Isa itong global event para sa mga top entrepreneur sa buong mundo, at nasa limang entrepreneur lang sa Oskia ang kwalipikadong naimbita, at isa siya doon.Ang ibang tao ay mula sa iba’t ibang bansa na mga kinatawan din n
Read more

Kabanata 3187

Walang may alam sa pagbabalik ni Porter sa Eastcliff bukod kay Cadfan.Pero, bago pa bumalik si Porter sa Eastcliff, nagpadala na siya ng dose-dosenang informant mula sa Ten Thousand Armies para pumunta sa Eastcliff. Ang mga informant na ito ay lumusot sa lahat ng uri ng buhay sa Eastcliff, at alam nila ang lahat tungkol sa mga problema at kilos ng lahat ng malalaking pamilya sa Eastcliff.Nang natapos ng prinsesa mula sa Northern Europe ang kanyang itineraryo, mabilis na kumalat ang balita sa Eastcliff.Maraming malaking pamilya ang nainggit sa paparating na kasal ng pamilya Wade sa royal family ng Northern Europe. Inisip nila na nakakuha ng magandang pagkakataon ang pamilya Wade para makapasok sa Europe.Si Huner, ang White-Clothed Tiger King sa ilalim ni Porter, ay nagmamadaling pumunta ay Porter at sinabi nang magalang, “Lord, katatanggap ko lang ng balita na may kasal ang pamilya Wade sa royal family ng Northern Europe. Ang panganay na apong lalaki nila, si Felix, ay pakakasal
Read more

Kabanata 3188

Para makipagtulungan kay Charlie ayon sa plano na ito, nagtayo din si Nanako ng joint venture kasama si Sophie. Pagkatapos ay ginamit ni Charlie ang mga apelyido nila, at pinangalanan niya ang kumpanya na ‘Ito-Schulz Ocean Shipping Group’.Sa labas, ang joint venture company na ito ay mukhang itinayo ng pamilya Ito at ni Sophie at ang pamilya Ito ang may 51% ng shares at nakay Sophie ang 49%. Pero, ang totoo ay, hawak-hawak ng pamilya Ito ang 51% ng shares para kay Charlie.Pinatigil na ang ocean shipping group ng pamilya Schulz dati, at lahat ng business qualification nito ay tinanggal na.Pero, dahil ang pamilya Ito ay isang enterprise na galing sa ibang bansa at may kumpletong qualification certificate at mga dokumento sila, ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group ay naging isang joint venture company na pagmamay-ari ng foreign capital, kaya nilampasan ang lahat ng dating pagbabawal sa pamilya Schulz.Dahil may mas maraming karanasan si Autumn sa business management kumpara kay Soph
Read more

Kabanata 3189

Sa una, ang plano ni Charlie, ayos lang kung pupunta siya sa Mount Wintry ng umaga para dumalo sa ancestor worship ceremony ng April 5, ang araw ng Tomb Sweeping Festival.Pagkatapos dumalo sa ancestor worship ceremony, babalik siya nang direkta sa Aurous Hill, at hindi siya magkakaroon ng masyadong contact at ugnayan sa pamilya Wade.Pero, dahil gusto siyang papuntahin nang maaga doon ni Stephen, hindi naman masakit para kay Charlie na pumunta doon nang maaga.Kahit na medyo ayaw ni Charlie sa pamilya Wade, may tiwala pa rin siya kay Stephen.Nang dumating sina Charlie at Isaac sa entrance ng VIP lounge, may kausap si Sophie sa cellphone habang nakatayo siya sa labas ng pasilyo. Nang makita ni Sophie na dumating si Charlie, nagkasalubong ang mga tingin nila. Nakikita ni Charlie na nakakunot ang mga kilay niya, tila ba may iniisip siya.Pagkatapos, sinabi ni Sophie sa cellphone, “Lolo, may gagawin na ako ngayon. Tatawagan kita pagkatapos ng press conference.”Pagkatapos niyang ma
Read more

Kabanata 3190

Para kay Sophie, kahit na pinuna niya rin at nabalisa rin siya nang maraming beses sa mga kilos ng kanyang ama, kahit ano pa, magkadugo sila, at may pagmamahal pa rin siya sa kanya. Kaya, nag-aalala siya nang sobra sa kaligtasan ng ama niya pagkatapos malaman ang kritikal na sitwasyon sa Syria.Nang marinig ito ni Charlie, hindi niya mapigilang itanong nang mausisa, “Saan mo narinig na gustong magtayo ng Ten Thousand Armies ng mercenary base sa Syria?”Sinabi nang nagmamadali ni Sophie, “Tinawagan ko ang lolo ko kanina. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang alam niya tungkol sa sitwasyon ng Syria at Ten Thousand Armies. Dahil, ito ang unang beses na narinig ko ang tungkol sa Ten Thousand Armies. Siya ang nagsabi ng lahat nito sa akin.”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Maaari bagn may koneksyon si Cadfan Schulz sa Ten Thousand Armies?”“Hindi ako masyadong sigurado tungkol dito.” Sinabi ni Sophie, “Kahit kailan, hindi ko pa narinig na binanggit niya ang Ten Thousand Armies, pero na
Read more
PREV
1
...
317318319320321
...
570
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status