Sa mga mata ni Jeremiah, sa gaganaping ancestor worship ceremony ngayong taon, kahit inaabangan niya ang kasal ni Felix, sa kanyang huling analysis, ang pinakamahalaga para sa kanya ay si Charlie. Totoong napakayaman ng royal family, at mataas rin ang kanilang reputasyon at katayuan sa lipunan, pero masasabing medium to high level lamang ang lahat ng ito.Sa kabuuan, masasabing jack of all trades but master of none ang royal family. Magaling sila sa lahat ng aspeto, pero walang partikular na bagay ang nakamamangha sa kanila.Kung sa kabuuang lakas, kahit sampu pang princesses sa Northern Europe hindi mapapantayan ang iisang si Quinn.Matapos ang lahat, kahit hindi kasing laki ng mga royal families sa Middle East ang European royal family, masasabing medyo karamihan pa rin ang anak nila. Pero, si Quinn, siya lang ang nag-iisang anak ng pamilya Golding. Paano naman maikukumpara ang isang royal princess sa katulad niya?Ilang taon nang nagsisilbi si Stephen para kay Jeremiah. Kaya,
Bukod dito, lagi siyang nag-aalala nang kaunti tungkol kay Charlie. Nag-aalala siya na magagalit si Charlie sa kanya dahil sa pagkamatay ng mga magulang ni Charlie.Kaya, mas malaki ang magiging pinsala kaysa benepisyo sa pagbalik ni Charlie.Alam na alam niya sa puso niya na malaki ang posibilidad na ibabalik niya ang isang taong walang utang na loob pagkatapos mahanap si Charlie at ibalik siya.Pero, ang pangunahing dahilan kung bakit pinipilit niyang ibalik si Charlie para tanggapin ang mga ninuno niya at ang dahilan kung bakit handa siyang magmakaawa kay Charlie na bumalik siya ay dahil sa naranasan ni Jeremiah sa Singapore tatlong taon na ang nakalipas.Tatlong taon na ang nakalipas, pumunta si Jeremiah sa Sweden para dumalo sa isang entrepreneurial summit.Isa itong global event para sa mga top entrepreneur sa buong mundo, at nasa limang entrepreneur lang sa Oskia ang kwalipikadong naimbita, at isa siya doon.Ang ibang tao ay mula sa iba’t ibang bansa na mga kinatawan din n
Walang may alam sa pagbabalik ni Porter sa Eastcliff bukod kay Cadfan.Pero, bago pa bumalik si Porter sa Eastcliff, nagpadala na siya ng dose-dosenang informant mula sa Ten Thousand Armies para pumunta sa Eastcliff. Ang mga informant na ito ay lumusot sa lahat ng uri ng buhay sa Eastcliff, at alam nila ang lahat tungkol sa mga problema at kilos ng lahat ng malalaking pamilya sa Eastcliff.Nang natapos ng prinsesa mula sa Northern Europe ang kanyang itineraryo, mabilis na kumalat ang balita sa Eastcliff.Maraming malaking pamilya ang nainggit sa paparating na kasal ng pamilya Wade sa royal family ng Northern Europe. Inisip nila na nakakuha ng magandang pagkakataon ang pamilya Wade para makapasok sa Europe.Si Huner, ang White-Clothed Tiger King sa ilalim ni Porter, ay nagmamadaling pumunta ay Porter at sinabi nang magalang, “Lord, katatanggap ko lang ng balita na may kasal ang pamilya Wade sa royal family ng Northern Europe. Ang panganay na apong lalaki nila, si Felix, ay pakakasal
Para makipagtulungan kay Charlie ayon sa plano na ito, nagtayo din si Nanako ng joint venture kasama si Sophie. Pagkatapos ay ginamit ni Charlie ang mga apelyido nila, at pinangalanan niya ang kumpanya na ‘Ito-Schulz Ocean Shipping Group’.Sa labas, ang joint venture company na ito ay mukhang itinayo ng pamilya Ito at ni Sophie at ang pamilya Ito ang may 51% ng shares at nakay Sophie ang 49%. Pero, ang totoo ay, hawak-hawak ng pamilya Ito ang 51% ng shares para kay Charlie.Pinatigil na ang ocean shipping group ng pamilya Schulz dati, at lahat ng business qualification nito ay tinanggal na.Pero, dahil ang pamilya Ito ay isang enterprise na galing sa ibang bansa at may kumpletong qualification certificate at mga dokumento sila, ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group ay naging isang joint venture company na pagmamay-ari ng foreign capital, kaya nilampasan ang lahat ng dating pagbabawal sa pamilya Schulz.Dahil may mas maraming karanasan si Autumn sa business management kumpara kay Soph
Sa una, ang plano ni Charlie, ayos lang kung pupunta siya sa Mount Wintry ng umaga para dumalo sa ancestor worship ceremony ng April 5, ang araw ng Tomb Sweeping Festival.Pagkatapos dumalo sa ancestor worship ceremony, babalik siya nang direkta sa Aurous Hill, at hindi siya magkakaroon ng masyadong contact at ugnayan sa pamilya Wade.Pero, dahil gusto siyang papuntahin nang maaga doon ni Stephen, hindi naman masakit para kay Charlie na pumunta doon nang maaga.Kahit na medyo ayaw ni Charlie sa pamilya Wade, may tiwala pa rin siya kay Stephen.Nang dumating sina Charlie at Isaac sa entrance ng VIP lounge, may kausap si Sophie sa cellphone habang nakatayo siya sa labas ng pasilyo. Nang makita ni Sophie na dumating si Charlie, nagkasalubong ang mga tingin nila. Nakikita ni Charlie na nakakunot ang mga kilay niya, tila ba may iniisip siya.Pagkatapos, sinabi ni Sophie sa cellphone, “Lolo, may gagawin na ako ngayon. Tatawagan kita pagkatapos ng press conference.”Pagkatapos niyang ma
Para kay Sophie, kahit na pinuna niya rin at nabalisa rin siya nang maraming beses sa mga kilos ng kanyang ama, kahit ano pa, magkadugo sila, at may pagmamahal pa rin siya sa kanya. Kaya, nag-aalala siya nang sobra sa kaligtasan ng ama niya pagkatapos malaman ang kritikal na sitwasyon sa Syria.Nang marinig ito ni Charlie, hindi niya mapigilang itanong nang mausisa, “Saan mo narinig na gustong magtayo ng Ten Thousand Armies ng mercenary base sa Syria?”Sinabi nang nagmamadali ni Sophie, “Tinawagan ko ang lolo ko kanina. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang alam niya tungkol sa sitwasyon ng Syria at Ten Thousand Armies. Dahil, ito ang unang beses na narinig ko ang tungkol sa Ten Thousand Armies. Siya ang nagsabi ng lahat nito sa akin.”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Maaari bagn may koneksyon si Cadfan Schulz sa Ten Thousand Armies?”“Hindi ako masyadong sigurado tungkol dito.” Sinabi ni Sophie, “Kahit kailan, hindi ko pa narinig na binanggit niya ang Ten Thousand Armies, pero na
Bumuntong hininga na lang nang malalim si Sophie sa puso niya nang makita niya ang hindi matinag na tingin sa mga mata ni Charlie.Sa sandaling ito, nakaramdam din siya ng ilang konsensya sa kailaliman ng puso niya.Sa totoo lang, alam niya rin na totoo ang sinasabi ni Charlie. Kung hindi dahil sa kanila ni Rosalie, ang kanyang ama, si Sheldon, ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na mabuhay at pumunta sa Syria.Ang pagpunta na ni Sheldon sa Syria ang paraan ni Charlie para pagbigyan si Sheldon.Medyo sumosobra na nga kung magmamakaawa si Sophie na umtras si Charlie sa sandaling ito.Kaya, nahiya nang sobra si Sophie habang sinabi kay Charlie, “Patawad, Benefactor. Mali ako. Tinanggap ko na ang kondisyon sa tatlong taon na kasunduan nang magpasya ka dati. Kaya, hindi dapat ako lumapit ulit sayo sa sandaling ito para hilingin na umatras ka…”Kumaway si Charlie at sinabi nang walang pakialam, “Kahit ano pa, ama mo pa rin siya. Kaya, natural lang na magmakaawa ka para sa kanya.”Pag
Sinabi agad ni Nanako, “Jasmine, masyado kang mapagpakumbaba. Sa inyong tatlo, ikaw ang pinakababae. Kung pipili talaga kami ng natatanging kagandahan sa bansa, sa tingin ko ay ikaw lang ang nag-iisa!”Hindi mapigilan ni Jasmine na tumawa at sabihin, “Oh, Nanako! Wala kang masyadong natutunang iba pagkatapos manatili nang ilang araw sa Oskia, pero natutunan mo talaga ang sining ng pagpuri at perfunctory social talk!”Kumindat nang malikot si Nanako habang ngumisi siya at sinabi, “Ang isang magaling na disipulo ay nagtagumpay lang dahil sa kanyang magaling na guro! Jasmine, kailangan kong gumaling dahil sinusundan kita araw-araw para matutunan ang mga kakayahan mo!”Tumawa si Charlie at sinabi, “Tigilan niyo na ang pagmamayabang at pagpuri sa isa’t isa. Kung hindi kayo seryoso sa press conference mamaya, siguradong iisipin ng lahat na medyo hindi maaasahan ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group.”Ngumiti si Nanako at sinabi, “Charlie-kun, hangga’t nandito si Autumn, ang CEO na may sobr
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro