Semua Bab Ang Maalindog na Charlie Wade: Bab 3141 - Bab 3150

5696 Bab

Kabanata 3141

Humigpit bigla ang puso ni Arrington dahil sa mga sinabi ni Henderson.Hindi niya maisip kung paano niya maibabalik ang reputasyon niya sa sandaling ito at sa halip, sinabi niya na lang nang nagmamadali, “Henderson, kung mas malakas talaga ang taong ito sa iyo, anong gagawin natin kung may masamang layunin siya?”Sinabi nang kalmado ni Henderson, “Kung may masamang hangarin talaga ang kabila, matagal na silang kumilos. Dahil, pumunta sila na may dala-dalang walong kotse. Ang lakas ng taong lumabas ay mas malakas na sa lakas ko, kaya marahil ay ang lakas ng mga taong hindi pa lumalabas sa kotse ay mas mataas kumpara sa lakas niya. Sa ganitong sitwasyon, imposible para sa atin na talunin siya.”Lumiit ang leeg ni Arrington sa takot habang tinanong nang nagmamadali, “Kung gano’n, dapat ba natin tanungin si Lord Schulz na gumawa ng desisyon ngayon?”Sinabi ni Henderson, “Pakiramdam ko na walang masamang hangarin ang kabila. Kung hindi, hindi nila pipiliin na makipag-usap sa atin sa gan
Baca selengkapnya

Kabanata 3142

Si Henderson, na nasa tabi ni Lord Schulz, ay natakot nang tumingin lang siya ng isang beses sa binatang ito!Naramdaman niya na ito ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na nakakita siya ng ganitong aura na lumalabas sa katawan ng lalaking ito!Kahit ang isang four-start martial artist ay marahil walang laban sa kanya!Kaya, hindi niya mapigilan na sabihin sa puso niya, ‘Saan nanggaling ang lalaking ito?! Paano siya nagkaroon ng ganitong lakas kahit na sobrang bata niya pa?!’Hindi rin inaasahan ni Lord Schulz na ang tinatawag na lord ng kabila ay isang binata na nasa twenty-seven o twenty-eight years old. Kaya, kumunot ang noo niya habang tinanong, “Binata, bakit mo ako gustong makita?”Tumingin ang lalaki kay Lord Schulz at ngumiti habang sinabi, “Lolo Schulz, hindi mo ba ako naaalala?”Hindi mapigilan ni Cadfan ang pagkunot ng noo niya habang inisip, ‘Maaari bang dating kaibigan ang binatang ito?’Pero, kahit paano niya ito tingnan, wala siyang maalala na nakilala niya a
Baca selengkapnya

Kabanata 3143

Biglang nanabik si Cadfan nang maisip ito.‘Mukhang hindi ko kalaban si Porter, at marahil ay kaibigan pa siya!’‘Mukhang ang bawat sitwasyon ay may kagandahan din!’‘Kahit hindi na banggitin ang kahit ano, ayon lang sa katotohanan na ang batang ito ay may top master sa ilalim niya na mas malakas pa kay Henderson, marahil ay ang ibig sabihin nito ay matutulungan niya ako nang sobra!’Kaya, pinigilan ni Cadfan ang saya sa loob ng puso niya habang sinabi na may walang kapantay na emosyon, “Ikaw pala ang anak ni Leonardo! Hindi ko talaga ito inaasahan! Hindi ko ito naisip! Lumaki ka na nang sobra!”Habang nagsasalita si Cadfan, biglang dumilim ang ekspresyon sa kanyang mukha habang bumuntong hininga siya at sinabi, “Naaalala ko pa noong sobrang determinado ang Uncle Schulz mo na ampunin ka pagkatapos maaksidente ng ina mo dati. Pero sa oras na iyon, naglaho ka na. Matagal ka niyang hinanap, pero walang balital. Kaya, matagal na niyang sinisisi ang sarili niya para dito.”“Oo.” Tuman
Baca selengkapnya

Kabanata 3144

Nanigas saglit si Cadfan bago siya bumuntong hininga nang matagal, at piniga ang pulso niya habang sinabi, “Hay! Si Sheldon, matagal… matagal na siyang nawawala!”“Ano? Nawawala siya?!” Tinanong nang biglaan ni Porter, “Paano… Paano nawala si Uncle Schulz?”Sinabi nang emosyonal ni Cadfan, “Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay naglaho siya habang nasa Aurous Hill siya. Matagal ko nang iniimbestigahan ang tungkol dito, pero wala pa akong nahahanap na kahit anong mahalagang bakas. Bukod dito, ang mastermind sa likod nito ay isang top master na may pambihirang alkas. Nag-isip na ako ng maraming paraan para hanapin ang katotohanan, pero wala pa akong kahit anong resulta…”Habang sinasabi niya ito, bumuntong hininga si Cadfan habang may malungkot at nagdadalamhating ekspresyon sa kanyang mukha.Hindi nag-atubili si Porter na sabihin, “Ako na ang bahala dito. Siguradong hahanapin ko si Uncle Schulz at ililigtas ko siya!”Sa buhay na ito, kay Sheldon lang nagpapasalamat si Porter.Ito
Baca selengkapnya

Kabanata 3145

Nanabik nang sobra si Cadfan dahil sa mataas na hangarin ni Porter.Kahit si Cadfan ay hinding-hindi mangangahas na gawin ang sobrang mapangahas na bagay sa pamilya Wade.Isipin mo. Sa sirkulo ng mga mayayamang tao, kung may sisira sa ancestral grave ng ibang pamilya at itatapon ang mga abo ng kabila, sa huli ay kukunin ang mga ancestral grave nila, may batas pa ba sa lugar na ito?Bukod dito, kung gagawin niya talaga ang isang napakalupit na bagay, paano siya mananatili sa sirkulo sa hinaharap? Sino ang gugustuhing makipagtulungan sa ganitong uri ng tao?Dahil, isa itong malupit na tao na naninira ng ancestral grave ng iba nang gano’n lang.Pero, kahit na naramdaman ni Cadfan na nakakagulat talaga ang plano ni Porter na maghiganti, sa sandaling naisip niya na ang target ng paghihiganti ni Porter ay ang pamilya Wade, nanabik siya nang sobra sa puso niya sa punto na muntik na siyang mapasigaw nang malakas.‘Ngayong may sisira sa ancestral grave ng pamilya Wade at pupuwersahin ang
Baca selengkapnya

Kabanata 3146

Kinuyom ni Porter ang kanyang mga kamao. “Hindi ko hahayaang mabigo si Uncle Schulz!”Pagkatapos itong sabihin, tumayo si Porter at pinagtama niya ang mga kamay niya saka siya nagsalita, “Lord Schulz, patawarin niyo ako para sa nangyari ngayong araw. Marami lang akong kailangang asikasuhin dahil kababalik ko lang ng Oskia. Kaya, hindi na rin muna kita iistobohin!”Agad na tumugon si Cadfan, “Porter! Sa wakas, nakabalik ka na rin ng Oskia pagkatapos ng matagal na panahon, kaya kahit anong mangyari, dapat bigyan mo ako ng pagkakataon na mag-host ng welcome party para sa’yo. Bakit hindi na lang ganito? Pwede muna kayong manatili kahit sandali ng mga kasama mo rito, sasabihan ko lang ang mga chefs namin na maghanda ng kakainin natin. Magkuwentuhan naman tayo kahit kaunti habang umiinom. Matagal ka nang gustong makita ni Sheldon. Kapag nalaman niyang hindi man lang kita inimbitahang kumain, sigurado akong sisisihin niya ako dahil hindi ako naging mabuti sa’yo!”Matindi ang nararamdamang
Baca selengkapnya

Kabanata 3147

Nang marinig ni Henderson na bumuntong hininga si Cadfan, sumang-ayon siya, “Lord Schulz, maraming hindi maipaliwanag o maduduming bagay ang nakakabit sa mundo nila. Marami rin ang gumagawa ng masasamang bagay sa kanila kahit may iilang mga matapat.”“Higit sa lahat, mas madali rin para sa mga bansang may mga giyera na bumuo at magpalago ng isang makapangyarihang organisasyon gaya ng Ten Thousand Armies!”“Hindi ko lang talaga inaakala na masyado palang bata ang lord ng Ten Thousand Armies. Hindi ko maisip kung anong klase ng paghihirap ang pinagdaanan ni Porter Waldron para lang mabuo ang isang makapangyarihang organisasyon gaya ng Ten Thousand Armies sa loob lang ng maiksing panahon! Imposible lang talaga para sa kahit sino na gawin ang ganito!”Hindi mapigilang magtanong ni Cadfan, “Nga pala, kumusta naman ang financial strength ng Ten Thousand Armies?”“Nasa ibang lebel rin ang financial strength nila!” Seryosong sambit ni Henderson, “Madaling kumita sa mga ganitong klaseng mer
Baca selengkapnya

Kabanata 3148

…Pagkatapos ng kalahating oras, habang pinapangunahan ng five-star War General na si Zephan ang ilang libong sundalo para sugurin ang west wing ng base ni Hamed, naghahain na ng mga pagkain ang mga kasambahay ng pamilya Schulz sa mesa.Inanyayahan ni Cadfan si Porter at ang mga kasama nito na umupo at kumain na. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni Porter at pinakiusapan niya itong tumabi sa kanya. Hindi niya nakalimutang pagandahin pa ang impresyon ni Porter sa kanya. Ganoon din, bumuntong hininga siya, “Porter, kung alam ng tatay mo ang mga naabot mo sa buhay, sigurado akong mapapanatag siya at wala siyang mga panghihinayang bago siya umalis sa mundo…”Naalala ni Porter ang pumanaw niyang ama at natural lang na naging emosyonal siya sa pagkakataong ito saka siya seryosong nagsalita, “Maliban sa paghihiganti para sa mga magulang ko, bumalik rin ako ngayon dahil umaasa akong masasabi ko ang lahat ng pinagdaanan ko sa kanila sa nakalipas na mga taon sa harap ng kanilang puntod. G
Baca selengkapnya

Kabanata 3149

Nakaramdam ng matinding gulat si Cadfan nang marinig niya ang mga sinabi ni Porter.Kung pinag-iisipan ni Cadfan na pagsamantalahan si Porter kanina, sa pagkakataong ito, totoong nakakaramdam siya ng pagkamangha sa binata.Nakamamangha nga naman talaga para sa isang binatang gaya niya na wala pang 30 years old na lumago sa isang larangan na may kalakip na peligro palagi.Si Cadfan na ang naunang mag-angat ng kanyang wine glass saka siya nagsalita mula sa kaibuturan ng kanyang puso, “Porter, wala pa akong hinahangaan sa buong buhay ko. Maliban kay Curtis Wade ng pamilya Wade, at ikaw na ang pangalawa. Halika at hayaan mo akong bigyan kita ng toast!”Nang marinig ni Porter ang mga salitang, ‘Curtis Wade’, naging malamig nang bahagya ang ekspresyon sa kanyang mukha saka siya seryosong nagtanong, “Lord Schulz, talaga bang makapangyarihan si Curtis Wade gaya ng sinasabi ng karamihan?”Tumango si Cadfan at matapat siyang tumugon, “Kahit matindi ang alitan namin ng pamilya Wade, inaamin
Baca selengkapnya

Kabanata 3150

Umiling si Cadfan, “Hindi rin ako masyadong sigurado. Maraming iba-ibang pananaw sa nangyari, pero walang kahit sino ang may ebidensya. Hindi nagtagal, sa paglipas ng mga taon, tumigil na rin sa paghahalungkat ng katotohanan.”Napasinghal si Porter, “Mukhang hindi pa sapat ang kakayahan ni Curtis Wade na bumuo ng mga nakamamanghang plano at mga estratehiya mula sa ilang libong milya! Kung gusto mo ng matibay na katayuan sa mundong ito, kailangang maging aktibo hindi lang ang isip mo kundi dapat may kakayahan ka ring lumaban! Kung may kapangyarihan sana si Curtis Wade na katumbas ng 10% ng Ten Thousand Armies o kaya kahit 1% lang, hindi siya mamamatay nang maaga!”Nagitla nang bahagya si Cadfan. Pagkatapos, nakabalik rin siya sa kanyang huwisyo at agad siyang napangiti, “Porter, tama ka! Ngayong mga araw, hindi na mahalaga kung matalino ka pa. Kailangang matatas ka sa paggamit ng parehong panulat at ispada!”Habang nagsasalita, muling nagbigay ng papuri si Cadfan, “Sa opinyon ko, ika
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
313314315316317
...
570
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status