Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Cadfan pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Porter. Hindi niya talaga inaasahan na nakakapagod na mambola at purihin ang iba.Kaya, paulit-ulit niyang siniguro si Porter, “Huwag kang mag-alala, Porter. Ako mismo ang pupunta sa mga libingan ng mga magulang mo para magbigay galang sa kanila pagdating ng panahon!”Habang nagsasalita siya, sadya siyang bumuntong hininga at sinabi, “Hinihintay lang kitang makaakyat nang tagumpay sa Mount Wintry sa araw ng Tomb Sweeping Festival. Ah, hindi! Ang ibig kong sabihin ay makaakyat sa Mount Waldron!”Totoo nga, sa sandaling bumuntong hininga nang emosyonal si Cadfan, nilipat niya agad ang lahat ng tunggalian sa puso ni Porter sa pamilya Wade.Humagikgik si Porter, at nagngalit siya at sinabi, “Paano ako mapipigilan ng pamilya Wade na umakyat sa Mount Waldron? Sa sandaling iyon, hindi ko na kailangan kumilos. Magpapadala na lang ako ng kahit sino sa Four War Kings ko, at siguradong hindi makakalaban ang pam
Sa kanila, ang Green-Eyed Wolf King at ang White-Clothed Tiger King ay parehong Oskian. Si Zayne ang Green-Eyed Wolf King, na nasa Syria, at ang White-Clothed Tiger King ang binatang may pambihirang lakas sa tabi niya.Para naman sa Black-Faced Panther King at Golden-Furred Lion King, sila ay African at American.Ang Black-Faced Panther King ay nasa Yemen sa sandaling ito, habang ang Golden-Furred Lion King ay nasa Palestine.Nang makita ni Porter na tinawagan siya ni Zayne, ngumiti siya agad at sinabi, “Mukhang magpapadala ng magandang balita ang Green-Eyed Wolf King natin ngayon! Simula noong pumasok siya sa Syria, dinurog niya at sinira niya ang lahat ng balakid sa daan niya nang walang hirap o laban. Mukhang kalahati na ng giyera sa Syria ang natapos nila, at wala nang banta ang natitirang opposition forces sa kanila. Sa tingin ko ay ay tagumpay nilang matatapos at mauubos ang lahat ng opposition forces sa loob ng ilang araw.”Habang nagsasalita siya, si Porter, na sobrang gand
Hindi nagmamalabis si Porter. Kailanman ay hindi pa nararanasan ng Ten Thousand Armies ang ganitong kalalang pagkatalo simula noong itinayo ito.Mahigit isang libo at limang daang sundalo ang namatay sa isang digmaan. Anong konsepto ito?!Marahil ay walang ganoong karaming tao sa kabuuang dami ng tao sa maraming mercenary organization, mula itaas hanggang sa ibaba, kasama na ang mga fighter at ang mga gumagawa ng iba’t ibang gawain.Pinangunahan ng Blackwater Company ang ilang hindi masyadong sanay na miscellaneous troops para sundan ang United States sa giyera sa Middle East sa loob ng napakaraming taon, pero ang dami ng namatay sa kanila ay hindi lumalampas sa isang daang tao kada taon.Syempre, malaki rin ang tinulong ng malakas na firepower ng United States military.Ngayon, sobrang daming tao ang nawala sa Ten Thousand Armies sa isang laban, at nakakagulat ito nang sobra sa larangan ng mga mercenary.Sobrang kumpiyansa si Porter nang nagyabang siya sa harap ni Cadfan kanina
Kung imposible na mabigay ang katawan ng sundalo sa kanilang kamag-anak, at kung wala man lang isang tuod ng baling braso, mas mataas pa ang magiging bayad. Dalawampung buwan pa ng sahod ang idadagdag sa kaninang halaga.Dahil mahigit isang libong sundalo mula sa Ten Thousand Armies ang namatay at hindi nakabalik, kung matatalo nila si Hamed at malalagay ang mga katawan ng mga sundalong ito sa kabaong bago ito ibigay nang maayos sa mga kamag-anak nila, magiging mas mababa ang babayaran nila.Pero, kung hindi nila matatalo si Hamed at mababalik ang mga katawan, gawing payapa ang mga taong iyon, ang standard pension rate ay isang daang buwan na halaga ng sahod para sa bawat tao.Kaya, ayon sa kalkulasyon na ito, marahil ay hindi pa sapat ang three billion US dollars.Ang taunang kita ng Ten Thousand Armies ay nasa sampu-sampung bilyong US dollars lang, at marahil ay mawalan ng one-third ng kita ang organisasyon dahil lang sa laban na ito.Bukod dito, bababa nang mabilis ang market r
Hindi matagal, si Porter, na galit na galit sa loob niya, ay dinala ang mga tauhan niya habang nagmaneho sila direkta papunta sa Eastcliff.Sa daan, nakatanggap ng isang video si Porter na ipinadala ni Zayne mula sa Syria.Ito ang video na kinuha ng scout ng Syria malapit sa west wing na posisyon ni Hamed.Nang makita ni Porter ang mga sundalo sa ilalim niya at kahit ang five-star War General na hinuhubaran bago itapon sa lambak na parang mga patay na aso, nagalit nang sobra si Porter sa punto na sasabog na ang mga baga niya sa galit!Mayroon siyang madilim na ekspresyon habang sinabi nang galit, “Ipasa mo ang utos ko kay Zayne Carter! Siguraduhin niya na ganap na puksain si Hamed at ang mga tauhan niya! Huwag mag-iwan ng buhay! Sa sandaling iyon, gusto kong gamitin ang mga bangkay nila para magbigay dangal sa mga namatay na brother natin!”Sinabi agad ng mensahero sa tabi niya, “Opo, Lord! Ipapadala ko na ang utos mo sa Green-Eyed Wolf King ngayon din!”Pinakitid ni Porter ang m
Sa sandaling kumonekta ang tawag, sabik na inulat ni Hamed kay Charlie, “Brother Wade, umatras na ang kalaban! Lumaban ako at nanalo sa isang walang uliran na laban sa kasaysayan! Ang lahat ng ito ay dahil sa iyo!”Habang nagsasalita siya, ibinigay ni Hamed ang detalyadong ulat sa tiyak na sitwasyon ng digmaan.Gumaan ang pakiramdam ni Charlie nang marinig ito, pero nasorpresa pa rin siya nang kaunti sa parehong oras. Hindi niya talaga inaasahan na ang bihasanag Ten Thousand Armies ay matatalo nang sobra sa mga kamay ni Hamed.Kaya, ang unang dumating sa isipan ni Charlie ay siguradong magsasagawa ng revenge operation ang Ten Thousand Armies laban kay Hamed pagkatapos matalo nang sobra.Kaya, nagmamadaling ipinaalala ni Charlie, “Brother, lumaban at naipanalo mo talaga ang isang magandang laban, pero hindi maliit ang natatagong panganib ngayon. Natalo nang sobra ang Ten Thousand Armies sa mga kamay mo, at siguradong gagawin nila ang lahat ng makakaya nila para pagbayarin ka dito.”
Sa sandaling narinig ni Hamed na may paraan si Charlie, nanabik agad siya nang sobra, at tinanong niya, “Brother, ano ang magandang ideya mo? Bilis at ituro mo ito sa akin!”Nagsalita si Charlie at tinanong siya, “Naaalala ko na sinabi mo na marami kang biniling thermal imaging cameras?”“Oo!” Nagmamadaling sinabi ni Hamed, “Gumastos ako nang malaki para bumili ng isang batch ng thermal imaging camera na gawa sa Russia. Lahat sila ay military-grade, at ang isang unit ay pwedeng ipagpalit sa Mercedes-Benz. Kung hindi dahil sa tulong mo sa pondo, siguradong hinding-hindi ko magagamit ang ganitong bagay.”Pagkatapos ay sinabi ni Charlie, “Mabuti iyon. Ngayong aktibo ka na sa civil engineering, construction, at infrastructure development, dapat may special blasting team ka rin, tama?”“Oo, oo.” Sinabi ni Hamed, “Karaniwan ay umaasa ako sa pambobomba para buksan ang bundok at maghukay ng mga lagusan dito. Karaniwan ay nagbubutas muna kami sa mga bato bago itanim ang mga pampasabog sa lo
Dahil alam na ng lahat na may mga fortification si Hamed sa harap at sa west wing, walang sigurado kung may nakatagong fortification sila sa east at north wings.Sa ganitong paraan, ganap na naharangan ang palihim na pagpasok mula sa labas.Ito ay dahil kung palihim silang susugod nang hindi alam kung nasaan ang fortification ng kalaban, malaki ang posibilidad na mapapalibutan sila ng firing points ng kalaban.Kahit gaano kalakas ang mga sundalo nila, lahat sila ay gawa pa rin sa laman at dugo. Kaya, paano nila matatalo ang mga kalaban nila, na nakatago sa loob ng bakal at konkretong fortification?Kaya, mabilis na isinantabi ang plano na ito.Dahil hindi sila makakapasok nang palihim, ang natitirang plano na lang ay ang airborne attack.May malaking kalamangan sa airborne attack, at iyon ay malalampasan nila ang linya ng depensa ng kalaban bago direktang bumaba sa base ng kalaban.Kung ito ang uri ng opensa, maiiwasan nila ang dalisdis ng harap ng bundok at direktang makakababa
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl