Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3091 - Chapter 3100

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3091 - Chapter 3100

5696 Chapters

Kabanata 3091

Pagkatapos ng maiksing katahimikan, nagkaroon ng mga bulungan at iyakan mula sa mga babaeng fans ni Quinn. Marami sa kanila ang naantig sa istoryang ito.Sino naman ang mag-aakalang ang sikat na si Quinn na iniidolo ng hindi mabilang na mga babae at tinuturing na goddess ng hindi mabilang na mga lalaki ay isa palang babaeng may masugid na minamahal?Sa 25 na taon ng kanyang buhay, ginugol niya ang halos dalawang dekada nito sa paghahanap ng kanyang prince charming! Para sa karamihan ng mga babae, posible lamang ang ganitong klase ng love story sa mga fairy tale. Pero, nangyari ang ganitong bagay kay Quinn.Habang nakaupo, tila ba nawalan ng kaluluwa si Charlie. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Hindi niya inaakalang pinaghirapan ni Quinn ang paghahanap sa kanya. Akala niya sinasabi lang ng batang ito na gusto niyang pakasalan si Charlie dahil sa brainwashing na dulot ng marriage contract nila dati.Subalit, ngayon niya lang napagtanto na matagal na palang nakaukit kay Quinn ang ka
Read more

Kabanata 3092

Habang nakasuot ng isang dreamy blue dress, makikitang dahan-dahang umaangat si Quinn sakay ng isang elevator sa gitna ng stage.Hawak niya ang microphone nang magsalita siya, “Dati, kinakanta ko lang ang sarili kong mga kanta sa lahat ng concerts ko, pero ngayong araw, icocover ko ang dalawang kanta mula sa mga seniors ko sa music industry. Naka-dedicate ang dalawang kantang ito para sa prince charming ko. Sana magustuhan niya ito!”Pagkatapos ng intro, binuka ni Quinn ang kanyang bibig at nagsimula siyang awitin ang isa sa mga sikat na kanta ni Jeff Chang. Talagang angkop ang lyrics ng kanta sa kanyang dedikasyon kay Charlie sa loob ng ilang taon.“Set the dark clouds in the sky aside, as beautiful as blue velvet…”“I’ll go over the mountains for you, but I do not want to see the scenery…”“I miss you and gathered enough courage to spread the message based on the map of love…”“I hope that you haven’t forgotten, I’ll always protect you…”“From now on, there is no need to wande
Read more

Kabanata 3093

Sa pagkakataong ito, sa mismong venue ng concert, nang matapos na si Quinn sa kanyang inaawit, ilang libong mga fans ang napuno ng pagkasabik kaya napatayo sila habang pumapalakpak.Kahit si Claire, nalulunod rin sa kanyang damdamin at hindi niya mapigilang tumayo rin. Hindi siya nagmadaling punasan ang luha sa kanyang mga mata dahil sa pagkaantig niya. Pumalakpak lang siya nang matindi hanggang sa mamula ang kanyang mga palad.Nang matapos ang kanta, habang nasa stage, nagsalita si Quinn sa microphone, “Pasensya na talaga. Naging makasarili ako para ilagay ang sarili kong kuwento bilang opening video ng concert. Umaasa akong hindi kayo naistorbo at patuloy pa rin ang interes niyo na panoorin ang performance ko!”Hindi mabilang na fans sa ibaba ng stage ang sumigaw ng “Hindi”, “Ayos lang, Quinn” at “Quinn, dapat maging masaya ka”.Napangiti nang bahagya si Quinn, “Maraming salamat sa inyong lahat. Ang susunod naman kanta ay alay ko para sa inyo!”Pagkatapos, nagsimula ang tugtog a
Read more

Kabanata 3094

Maraming options ang nasa poll ng hot search. May classical style, modern style, post-modern style, western-country style, dark style, gothic style, at pati na rin abstract style.May isa pa ngang sikat na fan na may verified fan profile ang nag-organisa ng isang prize contest para pumili ng sampung lucky winners sa mga nakatama ng hula. Bawat winner ay mabibigyan ng isang album na may autograph ni Quinn.Inilabas ni Claire ang kanyang cellphone at nagsimula siyang mag-browse sa kanyang social media profile. Sa pagkakataong ito, hindi niya mapigilang tanungin si Charlie sa isang mababang boses, “Mahal, anong style ng damit sa tingin mo ang susuotin ni Quinn Golding mamaya sa stage?”Sumagot si Charlie nang hindi natural, “Paano… paano ko naman malalaman ang bagay na ito?”Tumugon si Claire, “Hindi ba Master Wade ang tawag nilang lahat sa’yo? Dahil magaling kasa divination at calculation, hindi mo ba pwedeng mahulaan kung ano ang susuotin niya?”Umiling si Charlie at matapat siyang
Read more

Kabanata 3095

Isang lumang kanta ang cover na inaawit ni Quinn ngayon. Ito ang ‘I am Gonna Marry You Tomorrow ni Wakin Chau’ na inilabas noong 1993.Marami sa mga batang fans ni Quinn ang hindi pa naririnig ang kantang ito. Subalit, classic ang awiting ito at marami sa mga sikat na singers ang nagcover nito sa kanilang mga concerts. Kamakailan lang naman hindi namataan ng publiko ang kantang ito.Perpektong inawit ni Quinn ang kantang ito. Katambal ng kanyang perpekto ring puting wedding dress, na-i-angat nito ang kalibre ng buong kanta. Higit sa lahat, alam ng mga manonood ang dahilan kung bakit kinakanta ni Quinn ang awit na ito—gusto niyang ipaalam sa kanyang prince charming na ilang taon niya itong hinahanap.Hindi tuloy mapigilang maantig ng marami sa mga fans na naroroon. Sino naman ang mag-aakalang ang goddess na nasa sentro ng spotlight at pinagkakaguluhan ng ilang libong tao ay baliw na baliw pala sa kanyang prince charming noong kabataan niya?Kaya, nang awitin ni Quinn ang kantang ito
Read more

Kabanata 3096

Naniniwala siya nang sobra na siguradong papakasalan ni Charlie si Quinn sa sandaling natapos ang tatlong taon na pangako. Sa sandaling iyon, magiging kumpleto na ang buhay niya.Pero hinding-hindi niya inaakala na ang paborito niya, ang mahalagang anak niya, ay bibigyan siya ng sorpresa sa concert ngayong araw. Kahit na ang kanyang anak, na may suot na wedding dress para umakyat sa stage, ay wala talaga sa isang kasal, bilang isang ama, naramdaman ni Yule na kalahating kumpleto na ang hiling niya sa sandaling iyo nang makita niya ang hitsura ng kanyang anak na babae sa ibaba ng stage.Sobrang nalulugod siya. Bukod dito, naabot na niya ang halos katapusan ng buhay niya bago ito. Kaya, sa sandaling ito, may magkahalong pakiramdam sa puso niya.Sobrang emosyonal din ni Rachel sa kailaliman ng puso niya, tulad ng kanyang asawa. Dumadaloy na ang mga luha sa kanyang mukha na walang pintas. Nang makita niya na humihikbi rin nang tahimik ang kanyang asawa, nagmamadaling hinawakan ni Rachel
Read more

Kabanata 3097

Sa sandaling ito, malapit nang matapos ang cover ni Quinn sa itaas ng stage. Nang matapos kantahin ni Quinn ang huling nota, lahat ng kasamang instrumento ay biglang tumigil sa parehong oras na tumigil ang kanyang boses.Hindi inaasahan ng lahat na biglang matatapos ang kanta, tila ba pinutol ito nang biglaan. Sobrang biglaan nito, pero may dala rin itong pakiramdam ng sorpresa na nagiging pakiramdam ng kakulangan.Ang mas nakakamangha pa ay nang natapos nang biglaan ang kanta at ang mga instrumento, si Quinn, ang team ng backup dancer niya, at kahit ang mga kasamang team niya ay biglang tumigil, halos tila ba nasa ilalim sila ng isang holding technique, at hindi sila gumagalaw.Sabik na naghiyawan ang mga manonood sa ibaba ng stage, at maraming tao ang sumigaw nang malakas dahil gusto nila na kusang umakyat ang prince charming sa stage at mag-propose kay Quinn.Pero, walang nag-aakala na pagkatapos ng isang sandaling katahimikan, biglang magsasalita si Quinn, “Salamat sa inyong la
Read more

Kabanata 3098

Ito ay dahil alam nila na natapos na ang performance, at oras na para umalis ang mga manonood nang bumukas ang mga ilaw. Para bang katulad nito ang pagbukas ng ilaw sa pagtatapos ng isang pelikula, para i-anunsyo ang pagtatapos ng performance.Bukod dito, ginamit ni Quinn ang sarili niyang sulat para magpaalam sa lahat. Kaya, wala nang kahit anong sorpresa o pagbabalik mula kay Quinn sa hinaharap. Lahat ng mga tagahanga ay tulalang nakaupo at nanigas sa lugar dahil hindi pa sila nanunumbalik at bumabalik sa kanilang diwa mula sa mga iniwan na salita ni Quinn.Hindi nila matanggap ang katotohanan na biglang umatras ang idolo at diyosa nila sa entertainment industry nang walang kahit anong babala! Dahil, hindi pa twenty-five years old si Quinn. Sa ngayon ay nasa pataas na bahagi pa lang siya ng kanyang career, at kung patuloy siyang magsisikap nang ilang taon pa, malaki ang posibilidad na makakagwa si Quinn ng isang rurok ng makamundong impluwensya ng isang Oskiang singer, at siya ang
Read more

Kabanata 3099

Matagal na panahon pagkatapos umalis ni Quinn, may ilang mga tagahanga ang bumalik sa kanilang diwa at nagmura habang nauna silang umalis sa eksena. Maraming babaeng tagahanga ay pinunasan ang kanilang mga luha habang tahimik silang umalis.Narinig din ni Charlie ang isang kalunos-lunos na lalaki sa likod niya na nagmumura habang sinabi, “P*ta! Saan nanggaling ang prince charming na ito?! Huwag siyang magpapakita sa akin. Kung hindi, babaliin ko ang mga binti niya!”Pagkatapos, sumingit agad ang isa, “Brother, isama mo ako! Nangahas talaga ang g*gong ito na agawin ang asawa natin! Ayaw niya na sigurong mabuhay!”“Ano ba ang kakayahan ng g*gong ito?! Kaya niyang pasuotin ng wedding dress ang diyosa ko para mag-alay ng kanta sa kanya at iparamdam sa kanya na ikasal sa kanya?! Letse! Naiinis talaga ako!”Nakaramdam si Charlie ng kilabot sa likod niya sa sandaling ito. Ano ang kalaban ng publiko? Ito ang letseng kalaban ng publiko!Si Claire, na nas atabi, ay medyo nabigo at nalungkot
Read more

Kabanata 3100

Ang asawa ni Charlie, si Claire, at si Sophie ay naglalakad nang magkatabi, at nang makita ni Sophie na namumula ang mga mata ni Claire, tinanong niya nang mausisa, “Chairman Wilson, gustong-gusto mo ba si Quinn Golding?”Tumango nang marahan si Claire at sinabi nang seryoso, “Noon pa man ay gusto ko na siya. Nararamdaman ko na hindi lang siya magaling kumanta, isa rin siyang bihira at malinis na sapa sa entertainment industry ngayon. Sobrang linis at dalisay siya.”Ngumiti si Sophie at sinabi, “Walang duda dito. Hindi lang siya malinis na sapa, siya lang ang nag-iisang malinis na sapa sa entertainment industry.”Tinanong nang mausisa ni Claire, “Anong ibig mong sabihin dito, Miss Schulz?”Ngumiti si Sophie at sinabi, “Hayaan mong sabihin ko ito sayo. Sa entertainment industry, walang kakulangan sa dami ng tao na walang hiyang naghahanap ng pansariling pakinabang. Ang ibang tao ay pinapagtaksilan ang sarili nila para sa kita at interes, at ang iba ay nagsisinungaling sa nakaraan ni
Read more
PREV
1
...
308309310311312
...
570
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status