Accueil / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapitre 3081 - Chapitre 3090

Tous les chapitres de : Chapitre 3081 - Chapitre 3090

5696

Kabanata 3081

Naalala ni Charlie kung paano siya nakita ni Loreen kasama si Quinn sa Herrolls Bay.Sa sandaling iyon, nagsinungaling pa si Charlie kay Loreen at sinabi sa kanya na tinutulungan siya ng pamilya ni Quinn. Halatang alam ito ni Loreen, kaya, tinatanong niya ito dahil gusto niyang asarin siya.Kaya, kaswal na sumagot si Charlie, “Sa totoo lang, wala akong interes o pakiramdam para sa kahit sinong idol o artista. Pero, sinasamahan ko lang si Claire na panoorin ang concert na ito dahil gusto niya ito.”“Oh, gano’n ba.” Hindi siya nilantad ni Loreen, at ngumiti siya habang tinanong si Claire, “Oh, siya nga pala, Claire, anong section at anong row ang mga upuan niyo? Patingin nga kung malapit tayo sa isa’t isa.”Sinabi nang hindi akma ni Claire, “Oh! Nakalimutan ko na ito kung hindi mo tinanong. Si Charlie ang kumuha ng mga ticket para sa amin. Kaya, hindi ko alam kung saang row at saan ang upuan namin.”Pagkatapos sabihin ito, tumingin si Claire kay Charlie, at tinanong, “Siya nga pala,
Read More

Kabanata 3082

Tumawa si Claire at sinabi, “Hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito para lokohin ang mga tao. Mas mabuting ipagpatuloy ko ang designing sa praktikal na paraan.”Si Loreen, na nasa tabi, ay hindi mapigilan na magselos nang kaunti nang makita niya silang nagbubulungan at nagtatawanan nang sila lang. Kaya, nagreklamo siya, “Bigyan atensyon niyong dalawa ang okasyon kahit na gusto niyang ipakita ang pagmamahal niyo sa isa’t isa. Huwag kayong magpakita ng pagmamahal sa publiko, okay?”Humagikgik si Claire at sinabi, “Loreen, dahil na sa infield area tayong lahat, sabay na tayong pumasok. Hindi na dapat tayo tumayo dito.”Marahan na tumango si Loreen bago sinundan sina Charlie at Claire habang pumasok sila sa venue pagkatapos ng security check at ticket inspection.Sa sandaling ito, puno na ng tao ang loob ng venue, at ang paligid ay puno na ng mga tagahanga ni Quinn. Karamihan sa kanila ay may mga glow stick at LED light sign na may nakasulat na pangalan ni Quinn. Sampu-sampung libo
Read More

Kabanata 3083

Kararating lang nina Charlie at Claire sa first row at papunta na sa gitna nang bigla nilang nakita na ang apat na tao na nakaupo sa bago sila ay mga kakilala nila.Ang taong nakaupo nang pinakamalapit sa entrance ng first row ay si Dors.Nang makita niya na nandito sina Charlie at Claire, tumayo siya at ngumiti habang sinabi, “Master Wade, Chairman Wilson, nandito rin kayong dalawa!”Nasorpresa si Claire at sinabi, “Oh! Vice Chairman Young, nandito ka rin para panoorin ang concert ni Quinn Golding?”Tumawa si Doris at sinabi, “Noon pa man ay malaking tagahanga na ako ni Quinn Golding, at alam ko kung paano kantahin ang bawat isang kanta niya! Paano ako hindi pupunta ngayong nagpasya siyang magkaroon ng concert sa Aurous Hill?”Tumango nang paulit-ulit si Claire habang ngumiti siya at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may oras ka para habulin ang mga artista kahit na sobrang abala ka sa trabaho.”Tumingin si Doris kay Charlie bago sinabi nang may malalim na kahulugan, “Hay. H
Read More

Kabanata 3084

Sa totoo lang, nakita na ni Claire ang mga balita tungkol sa kompetisyon nina Aurora at Nanako dati, pero sa oras na iyon, mukhang sobrang magiting ang dalawang babae habagn suot ang kanilang professional combat clothing. Bukod dito, ang mahabang buhok ni Nanako ay natali sa isang maayos at matalas na ponytail, habang may medyo mahabang buhok si Aurora sa sandaling iyon.Pero ngayon, ang buhok ng dalawang babaeng ito ay nakalaylay sa mga balikat nila. Mukha silang sobrang marahan at maamo, at iyon ang dahilan kung bakit sobrang hirap para kay Claire na iugnay ang dalawang babaeng ito sa dalawang magiting na babae sa kompetisyon dati.Ang bawat isa sa limang babae na ito, na nakaupo nang magkakatabi, ay may sari-sariling katangian at lakas. Sobrang ganda nilang lima.Habang nagulantang nang sobra si Claire, nagkusa si Jasmine na magsalita. “Hello, Mrs. Wade, matagal na tayong hindi nagkikita!”Noong kinasal ang best friend ni Claire, si Magnolia, dinala siya ni Charlie sa top bridal
Read More

Kabanata 3085

Sa sandaling narinig ng ilang babae ang mga sinabi ni Charlie, lahat sila ay tumango nang maunawain. Kahit na may sobrang gandang impresyon sila kay Charlie sa mga puso nila, alam din nila na gusto ni Charlie igugol ang ilang oras ng gabi na kasama lang ang asawa niya. Kaya, hindi dapat nila sila istorbohin.Sa sandaling ito, nagsalita si Jasmine, “Master Wade, Mrs. Wade, kung gano’n, hindi na namin kayo iistorbohin habang pinapanood niyo ang concert. Magkita na lang tayo at kumain kapag libre kayo.”Pagkatapos nito, tumingin si Jasmine kay Claire at sinabi nang seryoso, “Bukod dito, Mrs. Wade, pwede kang pumunta at bumisita sa Moore Group kapag libre ka. May ilang design din kami at kailangan na renovation. Pwede tayong magtulungan kung interesado ka.”Sa ngayon, nasa yugto ng career si Claire kung saan sobrang mapaghangad siya. Umaasa siya na mapaunlad ang kumpanya niya para mapalaki ito at palakasin ang mabilis. Umaasa rin siya na magagawa niyang pababain ang pasanin sa pamilya n
Read More

Kabanata 3086

Maliban dito, isa ring malaking tradisyunal na Japanese family ang pamilya Ito. Kaya, buong pusong nakatuon ang atensyon ni Yahiko sa pagpapalaki ng nag-iisa niyang anak para maging perpektong young lady ito sa mga mata ng iba. Iyan ang dahilan kung bakit banayad at elegante ang dating ni Nanako.Ito rin ang parehong dahilan kung bakit hindi mapigilan ni Claire na makaramdam ng hiya o panliliit sa harap ni Nanako. Pakiramdam niya mas magaling si Nanako kumpara sa kanya sa lahat ng aspeto.Pagkatapos bumuntong hininga sa loob ng kanyang puso, si Claire ang naunang nagpalit ng paksa at ibinalik niya ito kay Jasmine, “Pero, kung magkakaroon ulit ako ng collaboration kasama si Miss Moore ngayon, siguradong akong tataas pa ang lebel ng kumpanya ko!”Habang kausap si Charlie, muling nagdagdag si Claire, “Mahal, tignan mo naman. Ang Emgrand Group ang pinakamalaking enterprise sa buong Aurous Hill, at ang pamilya Moore naman ang pinakamalaking pamilya sa Aurous Hill. Kung magkakaroon ako ng
Read More

Kabanata 3087

Habang nag-uusap ang mag-asawa, isang anyo ang lumapit sa kanilang dalawa at umupo sa tabi ni Claire. Lumingon si Claire para tingnan kung sino ito. Sumunod, napabulalas siya, “Oh! Miss Schulz kayo pala!”Inangat ni Charlie ang kanyang ulo at saka niya lang napagtanto na ang taong nasa tabi ni Claire ay si Sophie.Bakit naririto rin siya? Nang makita ni Sophie sila Charlie, nasorpresa siya nang kaunti saka siya ngumiti, “Oh, Chairman Wilson at Mr. Wade! Hindi ko inaakalang naririto rin pala kayo!”Napangiti si Claire saka siya sumagot, “Matagal ko nang nagustuhan si Quinn Golding. Namamangha talaga ako sa talento niya kaya nagmakaawa ako sa asawa ko na samahan ako para panoorin ang concert niya.”Pagkatapos itong sabihin, muling nagtanong si Claire, “Miss Schulz, bakit hindi mo kasama si Aunt Dunn?”Tumawa si Sophie saka siya nagsalita, “Sa totoo lang, hindi mahilig ang nanay ko sa ganitong klase ng mga maiingay na okasyon. Maliban dito, wala naman talaga akong balak na pumunta sa
Read More

Kabanata 3088

Nasorpresa nang kaunti si Sophie noong una, pero agad rin siyang nakabalik sa kanyang sarili. Matapos ang lahat, nanggaling so Sophie sa isang prestihiyosong pamilya sa Eastcliff. Natural lang na alam niya ang sitwasyon ng pamilya Golding. Alam niya ring si Yule at Rachel ang mga magulang ni Quinn.Dahil concert ito ni Quinn, natural lang na pumunta sila rito para suportahan ang performance ng kanilang anak bilang mga magulang. Pero, may kaunting pagdududa si Sophie sa loob ng kanyang isip.Hindi na mahalaga kung si Yule o Rachel man, pero laging nakikita ni Sophie ang dalawang ito sa iba’t ibang mga high society events sa Eastcliff. Pero, sa kanyang impresyon, mas bata ang itsura ng mag-asawa ngayon kumpara sa dati. Lalo na kay Rachel.Nanganak na siya at ilang taon lamang siyang mas bata kumpara sa nanay ni Sophie. Pero, wala sa kanyang itsura na may anak na siya. Mukha siyang nasa 30s lang at batang-bata pa ang kanyang itsura kumpara sa nanay ni Sophie.Para naman kay Yule, kita
Read More

Kabanata 3089

Hindi mapigilan ni Rachel na bumulong pabalik sa tainga ni Sophie dahil sa kanyang gulat, “Sophie, paano mo nakilala si Charlie?”Hindi itinago ni Sophie ang kahit ano at matapat siyang tumugon, “Si Charlie ang nagligtas sa akin. Siya rin ang nagligtas sa nanay ko. Si Charlie rin ang sumagip sa aming dalawa ng kapatid ko nang dukutin kami sa Japan. Si Charlie rin ang tumulong sa amin ni mama nang maaksidente kami sa tunnel ng Forbidden Mountain.”Biglang nagkaroon ng realisasyon si Rachel! “Oh, iyon pala…”Sa pagkakataong ito, naunawaan na rin ni Rachel kung bakit kilala rin ni Sophie si Charlie. Bumuntong hininga siya at napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Kung iniligtas lang sana ni Charlie si Sophie, hindi sana nito malalaman ang pagkatao niya. Pero, dahil iniligtas rin ni Charlie si Helen, naging iba ang kuwento. Kamukhang-mukha ni Charlie ang tatay niya. Imposible namang hindi makikilala ni Helen si Charlie. Sa ganitong kaso, hindi nakapagtataka kung bakit alam rin ni Sophie ang
Read More

Kabanata 3090

Sa screen, makikitang nakasuot ng isang magandang floral dress ang isang batang nasa apat hanggang limang taon ang edad. Hawak niya ang laylayan ng kanyang bestida habang sumasayaw sa palibot ng isang magandang birthday cake at umaawit ng isang birthday song gamit ang kanyang pambatang boses.Sa tabi niya, nakatayo ang isang batang lalaki na mas matanda nang kaunti sa kanya. Nakasuot ng birthday crown ang lalaki at nakalapat ang mga kamay nito sa ilalim ng kanyang ilong. Nakayuko ang batang lalaki at nakapikit ang kanyang mga mata habang tahimik niyang sinasabi ang kanyang hiling.Dahil nakayuko ang batang lalaki habang nagdadasal, hindi makikita ang mukha niya sa video. Sa puntong ito, biglang lumitaw ang ilang string ng mga captions sa malaking screen sa stage.[Three and a half years old ang edad ng batang babaeng mahilig sumayaw at kumanta sa video. Siya si Quinn Golding.]Nang mabasa ang pangalan ni Quinn, isang nakabibinging hiyaw mula sa mga fans ang maririnig. Marami ang na
Read More
Dernier
1
...
307308309310311
...
570
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status