Isang lumang kanta ang cover na inaawit ni Quinn ngayon. Ito ang âI am Gonna Marry You Tomorrow ni Wakin Chauâ na inilabas noong 1993.Marami sa mga batang fans ni Quinn ang hindi pa naririnig ang kantang ito. Subalit, classic ang awiting ito at marami sa mga sikat na singers ang nagcover nito sa kanilang mga concerts. Kamakailan lang naman hindi namataan ng publiko ang kantang ito.Perpektong inawit ni Quinn ang kantang ito. Katambal ng kanyang perpekto ring puting wedding dress, na-i-angat nito ang kalibre ng buong kanta. Higit sa lahat, alam ng mga manonood ang dahilan kung bakit kinakanta ni Quinn ang awit na itoâgusto niyang ipaalam sa kanyang prince charming na ilang taon niya itong hinahanap.Hindi tuloy mapigilang maantig ng marami sa mga fans na naroroon. Sino naman ang mag-aakalang ang goddess na nasa sentro ng spotlight at pinagkakaguluhan ng ilang libong tao ay baliw na baliw pala sa kanyang prince charming noong kabataan niya?Kaya, nang awitin ni Quinn ang kantang ito
Naniniwala siya nang sobra na siguradong papakasalan ni Charlie si Quinn sa sandaling natapos ang tatlong taon na pangako. Sa sandaling iyon, magiging kumpleto na ang buhay niya.Pero hinding-hindi niya inaakala na ang paborito niya, ang mahalagang anak niya, ay bibigyan siya ng sorpresa sa concert ngayong araw. Kahit na ang kanyang anak, na may suot na wedding dress para umakyat sa stage, ay wala talaga sa isang kasal, bilang isang ama, naramdaman ni Yule na kalahating kumpleto na ang hiling niya sa sandaling iyo nang makita niya ang hitsura ng kanyang anak na babae sa ibaba ng stage.Sobrang nalulugod siya. Bukod dito, naabot na niya ang halos katapusan ng buhay niya bago ito. Kaya, sa sandaling ito, may magkahalong pakiramdam sa puso niya.Sobrang emosyonal din ni Rachel sa kailaliman ng puso niya, tulad ng kanyang asawa. Dumadaloy na ang mga luha sa kanyang mukha na walang pintas. Nang makita niya na humihikbi rin nang tahimik ang kanyang asawa, nagmamadaling hinawakan ni Rachel
Sa sandaling ito, malapit nang matapos ang cover ni Quinn sa itaas ng stage. Nang matapos kantahin ni Quinn ang huling nota, lahat ng kasamang instrumento ay biglang tumigil sa parehong oras na tumigil ang kanyang boses.Hindi inaasahan ng lahat na biglang matatapos ang kanta, tila ba pinutol ito nang biglaan. Sobrang biglaan nito, pero may dala rin itong pakiramdam ng sorpresa na nagiging pakiramdam ng kakulangan.Ang mas nakakamangha pa ay nang natapos nang biglaan ang kanta at ang mga instrumento, si Quinn, ang team ng backup dancer niya, at kahit ang mga kasamang team niya ay biglang tumigil, halos tila ba nasa ilalim sila ng isang holding technique, at hindi sila gumagalaw.Sabik na naghiyawan ang mga manonood sa ibaba ng stage, at maraming tao ang sumigaw nang malakas dahil gusto nila na kusang umakyat ang prince charming sa stage at mag-propose kay Quinn.Pero, walang nag-aakala na pagkatapos ng isang sandaling katahimikan, biglang magsasalita si Quinn, âSalamat sa inyong la
Ito ay dahil alam nila na natapos na ang performance, at oras na para umalis ang mga manonood nang bumukas ang mga ilaw. Para bang katulad nito ang pagbukas ng ilaw sa pagtatapos ng isang pelikula, para i-anunsyo ang pagtatapos ng performance.Bukod dito, ginamit ni Quinn ang sarili niyang sulat para magpaalam sa lahat. Kaya, wala nang kahit anong sorpresa o pagbabalik mula kay Quinn sa hinaharap. Lahat ng mga tagahanga ay tulalang nakaupo at nanigas sa lugar dahil hindi pa sila nanunumbalik at bumabalik sa kanilang diwa mula sa mga iniwan na salita ni Quinn.Hindi nila matanggap ang katotohanan na biglang umatras ang idolo at diyosa nila sa entertainment industry nang walang kahit anong babala! Dahil, hindi pa twenty-five years old si Quinn. Sa ngayon ay nasa pataas na bahagi pa lang siya ng kanyang career, at kung patuloy siyang magsisikap nang ilang taon pa, malaki ang posibilidad na makakagwa si Quinn ng isang rurok ng makamundong impluwensya ng isang Oskiang singer, at siya ang
Matagal na panahon pagkatapos umalis ni Quinn, may ilang mga tagahanga ang bumalik sa kanilang diwa at nagmura habang nauna silang umalis sa eksena. Maraming babaeng tagahanga ay pinunasan ang kanilang mga luha habang tahimik silang umalis.Narinig din ni Charlie ang isang kalunos-lunos na lalaki sa likod niya na nagmumura habang sinabi, âP*ta! Saan nanggaling ang prince charming na ito?! Huwag siyang magpapakita sa akin. Kung hindi, babaliin ko ang mga binti niya!âPagkatapos, sumingit agad ang isa, âBrother, isama mo ako! Nangahas talaga ang g*gong ito na agawin ang asawa natin! Ayaw niya na sigurong mabuhay!ââAno ba ang kakayahan ng g*gong ito?! Kaya niyang pasuotin ng wedding dress ang diyosa ko para mag-alay ng kanta sa kanya at iparamdam sa kanya na ikasal sa kanya?! Letse! Naiinis talaga ako!âNakaramdam si Charlie ng kilabot sa likod niya sa sandaling ito. Ano ang kalaban ng publiko? Ito ang letseng kalaban ng publiko!Si Claire, na nas atabi, ay medyo nabigo at nalungkot
Ang asawa ni Charlie, si Claire, at si Sophie ay naglalakad nang magkatabi, at nang makita ni Sophie na namumula ang mga mata ni Claire, tinanong niya nang mausisa, âChairman Wilson, gustong-gusto mo ba si Quinn Golding?âTumango nang marahan si Claire at sinabi nang seryoso, âNoon pa man ay gusto ko na siya. Nararamdaman ko na hindi lang siya magaling kumanta, isa rin siyang bihira at malinis na sapa sa entertainment industry ngayon. Sobrang linis at dalisay siya.âNgumiti si Sophie at sinabi, âWalang duda dito. Hindi lang siya malinis na sapa, siya lang ang nag-iisang malinis na sapa sa entertainment industry.âTinanong nang mausisa ni Claire, âAnong ibig mong sabihin dito, Miss Schulz?âNgumiti si Sophie at sinabi, âHayaan mong sabihin ko ito sayo. Sa entertainment industry, walang kakulangan sa dami ng tao na walang hiyang naghahanap ng pansariling pakinabang. Ang ibang tao ay pinapagtaksilan ang sarili nila para sa kita at interes, at ang iba ay nagsisinungaling sa nakaraan ni
Tumango nang paulit-ulit si Claire pagkatapos marinig ang analohiya ni Sophie ng isang diwata na bumaba sa mundo. Naramdaman ni Claire na tumpak nga ang sinabi ni Sophie. Bukod dito, siguro ay katulad ng hula ni Sophie ang totoong nangyari.Pero, hindi alam ni Claire na ang mga salitang ito ay may ibang kahulugan nang marinig ito ni Charlie. Alam ni Charlie na nang sinabi ni Sophie ang mga ito, mukhang sadya niyang pinapaalalahanan ang asawa niya. Pero, sadyang sinabi ito ni Sophie sa malabong paraan para hindi malaman ni Claire na kaugnay ito sa kanya.Hindi maintindihan ni Charlie kung bakit sinabi ni Sophie ang mga ito kay Claire. Ito ba ay dahil gusto niyang paalalahanan si Claire? Pero, kailanman ay hindi inisip ni Charlie na iwan si Claire. O marahil ay, sadya itong sinabi ni Sophie sa kanya? Pero anong kahalagahan nito?Hindi talaga ito maintindihan ni Charlie. Bukod dito, hindi niya rin masyadong maintindihan ang babaeng ito, si Sophie. Naramdaman niya na medyo sobrang talin
Nakilala agad ni Loreen si Sophie. Dahil, si Sophie ang panganay na apong babae ng pamilya Schulz, at sikat na sikat siya sa sirkulo ng mga mayamang tagapagmana sa Eastcliff.Masasabi rin na siya ang pinakamalakas sa lahat ng young ladies sa socialite circle sa Eastcliff. Kahit na hindi sila magkaibigan, magkakilala pa rin sila, at nagkita na sila sa maraming high-society na okasyon. Hindi lang talaga inaasahan ni Loreen na nandito ri Sophie.Kaya, tinanong nang hindi nag-iisip ni Loreen, âMiss⊠Miss Schulz, bakit nandito ka?âNasorpresa rin nang kaunti si Sophie. Naalala niya si Loreen, at alam niya na siya ang young lady ng pamilya Thomas. Kahit na medyo mahina ang lakas ng pamilya Thomas kumpara sa mga makapangyarihang pamilya, kahit ano pa, nasa parehong sirkulo pa rin sila, kaya nagkaroon na sila ng ilang ugnayan sa isaât isa.Kaya, ngumiti siya at sinabi, âMiss Thomas, nandito ka rin sa Aurous Hill. Pumunta ka ba dito para panoorin ang concert?âNagmamadaling kumaway si Lore
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, âSino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!âSa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, âMahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!âAgad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, âElaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?âMapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, âAnong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?âNapahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, âMahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?âNakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, âMa, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.âTumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, âWala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.âNagulat na nagtanong si Keith, âNapilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?âSumagot si Charlie, âLolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.âAgad na pumayag si Keith. âSige, pumasok na tayo at mag-usap.âPumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Bastaât suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, âYoung Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.âUmiling si Charlie at sinabi, âBukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.âTumango si Vera at sinabi nang malambot, âMuntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: âUncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?âMabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: âYoung Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.âNang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, âUncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?âSinabi ni Janus, âAng pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro