Maraming options ang nasa poll ng hot search. May classical style, modern style, post-modern style, western-country style, dark style, gothic style, at pati na rin abstract style.May isa pa ngang sikat na fan na may verified fan profile ang nag-organisa ng isang prize contest para pumili ng sampung lucky winners sa mga nakatama ng hula. Bawat winner ay mabibigyan ng isang album na may autograph ni Quinn.Inilabas ni Claire ang kanyang cellphone at nagsimula siyang mag-browse sa kanyang social media profile. Sa pagkakataong ito, hindi niya mapigilang tanungin si Charlie sa isang mababang boses, “Mahal, anong style ng damit sa tingin mo ang susuotin ni Quinn Golding mamaya sa stage?”Sumagot si Charlie nang hindi natural, “Paano… paano ko naman malalaman ang bagay na ito?”Tumugon si Claire, “Hindi ba Master Wade ang tawag nilang lahat sa’yo? Dahil magaling kasa divination at calculation, hindi mo ba pwedeng mahulaan kung ano ang susuotin niya?”Umiling si Charlie at matapat siyang
Isang lumang kanta ang cover na inaawit ni Quinn ngayon. Ito ang ‘I am Gonna Marry You Tomorrow ni Wakin Chau’ na inilabas noong 1993.Marami sa mga batang fans ni Quinn ang hindi pa naririnig ang kantang ito. Subalit, classic ang awiting ito at marami sa mga sikat na singers ang nagcover nito sa kanilang mga concerts. Kamakailan lang naman hindi namataan ng publiko ang kantang ito.Perpektong inawit ni Quinn ang kantang ito. Katambal ng kanyang perpekto ring puting wedding dress, na-i-angat nito ang kalibre ng buong kanta. Higit sa lahat, alam ng mga manonood ang dahilan kung bakit kinakanta ni Quinn ang awit na ito—gusto niyang ipaalam sa kanyang prince charming na ilang taon niya itong hinahanap.Hindi tuloy mapigilang maantig ng marami sa mga fans na naroroon. Sino naman ang mag-aakalang ang goddess na nasa sentro ng spotlight at pinagkakaguluhan ng ilang libong tao ay baliw na baliw pala sa kanyang prince charming noong kabataan niya?Kaya, nang awitin ni Quinn ang kantang ito
Naniniwala siya nang sobra na siguradong papakasalan ni Charlie si Quinn sa sandaling natapos ang tatlong taon na pangako. Sa sandaling iyon, magiging kumpleto na ang buhay niya.Pero hinding-hindi niya inaakala na ang paborito niya, ang mahalagang anak niya, ay bibigyan siya ng sorpresa sa concert ngayong araw. Kahit na ang kanyang anak, na may suot na wedding dress para umakyat sa stage, ay wala talaga sa isang kasal, bilang isang ama, naramdaman ni Yule na kalahating kumpleto na ang hiling niya sa sandaling iyo nang makita niya ang hitsura ng kanyang anak na babae sa ibaba ng stage.Sobrang nalulugod siya. Bukod dito, naabot na niya ang halos katapusan ng buhay niya bago ito. Kaya, sa sandaling ito, may magkahalong pakiramdam sa puso niya.Sobrang emosyonal din ni Rachel sa kailaliman ng puso niya, tulad ng kanyang asawa. Dumadaloy na ang mga luha sa kanyang mukha na walang pintas. Nang makita niya na humihikbi rin nang tahimik ang kanyang asawa, nagmamadaling hinawakan ni Rachel
Sa sandaling ito, malapit nang matapos ang cover ni Quinn sa itaas ng stage. Nang matapos kantahin ni Quinn ang huling nota, lahat ng kasamang instrumento ay biglang tumigil sa parehong oras na tumigil ang kanyang boses.Hindi inaasahan ng lahat na biglang matatapos ang kanta, tila ba pinutol ito nang biglaan. Sobrang biglaan nito, pero may dala rin itong pakiramdam ng sorpresa na nagiging pakiramdam ng kakulangan.Ang mas nakakamangha pa ay nang natapos nang biglaan ang kanta at ang mga instrumento, si Quinn, ang team ng backup dancer niya, at kahit ang mga kasamang team niya ay biglang tumigil, halos tila ba nasa ilalim sila ng isang holding technique, at hindi sila gumagalaw.Sabik na naghiyawan ang mga manonood sa ibaba ng stage, at maraming tao ang sumigaw nang malakas dahil gusto nila na kusang umakyat ang prince charming sa stage at mag-propose kay Quinn.Pero, walang nag-aakala na pagkatapos ng isang sandaling katahimikan, biglang magsasalita si Quinn, “Salamat sa inyong la
Ito ay dahil alam nila na natapos na ang performance, at oras na para umalis ang mga manonood nang bumukas ang mga ilaw. Para bang katulad nito ang pagbukas ng ilaw sa pagtatapos ng isang pelikula, para i-anunsyo ang pagtatapos ng performance.Bukod dito, ginamit ni Quinn ang sarili niyang sulat para magpaalam sa lahat. Kaya, wala nang kahit anong sorpresa o pagbabalik mula kay Quinn sa hinaharap. Lahat ng mga tagahanga ay tulalang nakaupo at nanigas sa lugar dahil hindi pa sila nanunumbalik at bumabalik sa kanilang diwa mula sa mga iniwan na salita ni Quinn.Hindi nila matanggap ang katotohanan na biglang umatras ang idolo at diyosa nila sa entertainment industry nang walang kahit anong babala! Dahil, hindi pa twenty-five years old si Quinn. Sa ngayon ay nasa pataas na bahagi pa lang siya ng kanyang career, at kung patuloy siyang magsisikap nang ilang taon pa, malaki ang posibilidad na makakagwa si Quinn ng isang rurok ng makamundong impluwensya ng isang Oskiang singer, at siya ang
Matagal na panahon pagkatapos umalis ni Quinn, may ilang mga tagahanga ang bumalik sa kanilang diwa at nagmura habang nauna silang umalis sa eksena. Maraming babaeng tagahanga ay pinunasan ang kanilang mga luha habang tahimik silang umalis.Narinig din ni Charlie ang isang kalunos-lunos na lalaki sa likod niya na nagmumura habang sinabi, “P*ta! Saan nanggaling ang prince charming na ito?! Huwag siyang magpapakita sa akin. Kung hindi, babaliin ko ang mga binti niya!”Pagkatapos, sumingit agad ang isa, “Brother, isama mo ako! Nangahas talaga ang g*gong ito na agawin ang asawa natin! Ayaw niya na sigurong mabuhay!”“Ano ba ang kakayahan ng g*gong ito?! Kaya niyang pasuotin ng wedding dress ang diyosa ko para mag-alay ng kanta sa kanya at iparamdam sa kanya na ikasal sa kanya?! Letse! Naiinis talaga ako!”Nakaramdam si Charlie ng kilabot sa likod niya sa sandaling ito. Ano ang kalaban ng publiko? Ito ang letseng kalaban ng publiko!Si Claire, na nas atabi, ay medyo nabigo at nalungkot
Ang asawa ni Charlie, si Claire, at si Sophie ay naglalakad nang magkatabi, at nang makita ni Sophie na namumula ang mga mata ni Claire, tinanong niya nang mausisa, “Chairman Wilson, gustong-gusto mo ba si Quinn Golding?”Tumango nang marahan si Claire at sinabi nang seryoso, “Noon pa man ay gusto ko na siya. Nararamdaman ko na hindi lang siya magaling kumanta, isa rin siyang bihira at malinis na sapa sa entertainment industry ngayon. Sobrang linis at dalisay siya.”Ngumiti si Sophie at sinabi, “Walang duda dito. Hindi lang siya malinis na sapa, siya lang ang nag-iisang malinis na sapa sa entertainment industry.”Tinanong nang mausisa ni Claire, “Anong ibig mong sabihin dito, Miss Schulz?”Ngumiti si Sophie at sinabi, “Hayaan mong sabihin ko ito sayo. Sa entertainment industry, walang kakulangan sa dami ng tao na walang hiyang naghahanap ng pansariling pakinabang. Ang ibang tao ay pinapagtaksilan ang sarili nila para sa kita at interes, at ang iba ay nagsisinungaling sa nakaraan ni
Tumango nang paulit-ulit si Claire pagkatapos marinig ang analohiya ni Sophie ng isang diwata na bumaba sa mundo. Naramdaman ni Claire na tumpak nga ang sinabi ni Sophie. Bukod dito, siguro ay katulad ng hula ni Sophie ang totoong nangyari.Pero, hindi alam ni Claire na ang mga salitang ito ay may ibang kahulugan nang marinig ito ni Charlie. Alam ni Charlie na nang sinabi ni Sophie ang mga ito, mukhang sadya niyang pinapaalalahanan ang asawa niya. Pero, sadyang sinabi ito ni Sophie sa malabong paraan para hindi malaman ni Claire na kaugnay ito sa kanya.Hindi maintindihan ni Charlie kung bakit sinabi ni Sophie ang mga ito kay Claire. Ito ba ay dahil gusto niyang paalalahanan si Claire? Pero, kailanman ay hindi inisip ni Charlie na iwan si Claire. O marahil ay, sadya itong sinabi ni Sophie sa kanya? Pero anong kahalagahan nito?Hindi talaga ito maintindihan ni Charlie. Bukod dito, hindi niya rin masyadong maintindihan ang babaeng ito, si Sophie. Naramdaman niya na medyo sobrang talin
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon
Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin
“Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo
Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a
Napansin ni Charlie na naging madilim ang ekspresyon ni Ruby, kaya kumunot ang noo niya at tinanong, “Anong problema? Sabihin mo.”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Sa simula ay sinabi ni Fleur na mapanganib para sa aming apat na gawin ang mga misyon sa labas, natatakot siya na mamatay kami kung may makakalaban kami na malakas na cultivator. Kaya, naglaan siya ng ilang taon para gumawa ng isang sobrang tago at makapangyarihan na formation sa loob ng pineal gland namin. Sinabi niya na kung papaganahin ang formation na ito sa kritikal na sandali, kaya nitong iligtas ang bahagi ng kaluluwa namin, hahayaan na mamatay ang pisikal na katawan namin ngunit mabubuhay ang kaluluwa namin. Nang sinabi ni Mr. Chardon na magpapalit siya ng pisikal na katawan at hahanapin ka niya para maghiganti, ito ay dahil dito…”Pagkasabi nito, sinabi nang mapait ni Ruby, “Pero hindi ko inaasahan na hindi ililigtas ng formation ang kaluluwa namin, ngunit isa pala itong napakalakas na formation para pasabugin ang sa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong nagdurusa nang sobra si Fleur ngayong gabi. Hindi matagal pagkatapos dumating ni Mr. Chardon sa Willow Manor, hinarangan ko ang lahat ng signal doon. Siguradong hindi siya makakatulog ngayong gabi pagkatapos maglaho nang sabay ng dalawang great earl niya.”Tumango nang bahagya si Ruby. “Sa oras na iyon, wala rin akong signal sa cellphone ko. Siguro ay nababalisa nang sobra si Fleur. Sa ugali niya, siguradong magpapadala siya ng tao sa Aurous Hill para alamin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”Tumawa si Charlie. “Ipapadala niya rin ba dito ang pang-apat na great earl?”Umiling si Ruby. “Hindi siguro. Namatay si Mr. Chardon sa pagsabog, at naglaho rin ako. Wala na ngayon ang tatlo sa apat na great earl, kaya maingat na siguro si Fleur sa Aurous Hill, at imposible na ipadala niya si Mr. Zorro dito.”Tinanong siya ni Charlie, “Sa ugali niya, pupunta ba siya nang personal sa Aurous Hill?”“Imposible!” Umiling si Ruby. “Sobrang ingat ni
Nanabik nang sobra si Ruby sa mga sinabi ni Charlie. Nang mangyari ang pagsabog at nagkatinginan sila ni Charlie, alam niya na siguradong patay na si Charlie. Pero, si Charlie, na nagpalit na ng damit, ay nakatayo sa harap niya ngayon nang walang sugat. Sapat na ang isang suntok mula sa kanya, gamit ang isang bugso ng enerhiya, para suportahan ang pabagsak na katawan niya.Lampas ng mahigit isang realm ang lakas ni Charlie kaysa sa kanya. Kahit na naniniwala siya na wala pa sa antas ni Fleur ang lakas ni Charlie, ang mahalagang punto ay 28 years old pa lang si Charlie, habang si Fleur, ang British Lord, ay 400 years old na.Sa ganitong bilis, mahahabol agad ni Charlie ang British Lord! Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasan na magsisi nang kaunti, dahil, sa opinyon niya, may dalawang taon na lang siya para mabuhay. Mukhang katawa-tawa na pangarapin na talunin ni Charlie si Fleur sa napakaikling panahon.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isipan ni Ruby sa sandaling ito. Dinal