Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3111 - Chapter 3120

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3111 - Chapter 3120

5696 Chapters

Kabanata 3111

Hindi mapigilan ni Charlie na makaramdam ng kaunting lumbay sa pag-alis ni Quinn. Sa pagkakataong ito, tahimik ang courtyard ng kanilang villa at medyo malamig ang panahon.Bumuntong hininga si Charlie at napatitig siya sa buwan at mga bituin sa langit. Hindi niya inaakalang matatapos ang concert ni Quinn sa ganitong paraan.Habang inaalala ni Charlie ang mga litratong ipinakita ni Quinn sa concert, hindi niya mapigilang maantig at makaramdam ng hiya sa loob ng kanyang puso. Kahit maraming pinagdaanang paghihirap si Charlie, masasabing maayos pa rin naman ang kanyang buhay dahil hindi niya kinailangang problemahin ang kanyang pagkain o damit sa tulong ng sikretong proteksyon ni Stephen habang nasa bahay-ampunan siya.Hindi nga lang ganoon kabuti ang materyal na kondisyon ng kanyang buhay. Ganoon pa man, hindi inaakala ni Charlie na ibubuhos ni Quinn at ng pamilya nila ang lahat ng kanilang makakaya para mahanap siya sa nakalipas na dalawang dekada.Mula pa lamang rito, natural lang
Read more

Kabanata 3112

Gusto pa sana ni Claire na magpatuloy sa pagtatanong.Para kay Claire, basta ba lalong bumuti ang kalagayan ng kumpanya niya, sa tingin niya pwede nang bawasan ni Charlie ang trabaho niya o kaya tumigil na nang tuluyan sa Feng Shui reading business.Subalit, nang marinig ang sinabi ni Charlie, inalis niya na ang nasa isip niya at wala na lang siyang magawa kundi suportahan ang kanyang asawa, “Mahal, kung iyan ang kaso, pagtuunan mo ng atensyon ang ginagawa mo at mag-iingat ka.”Napangiti nang bahagya si Charlie saka siya tumango, “Huwag kang mag-aala, Mahal. Mag-iingat ako.”Nakontento na si Claire sa sagot ng kanyang asawa kaya ngumiti siya, “Lumalalim na ang gabi kaya magpahinga na tayo.”“Sige!”***Sa gabing iyon, habang magkayakap at magkatabing natutulog si Charlie at Claire, isang babae ang tahimik na naglakad palabas sa villa ng pamilya Moore patungo sa courtyard.Lagpas na ng ala una ng madaling araw, pero hindi pa rin tulog si Nanako. Sa halip, lumabas siya papunta sa
Read more

Kabanata 3113

Nang marinig ni Jasmine ang tanong ni Nanako, seryoso siyang tumugon, “Sa totoo lang, kaunti lang talaga ang alam ko tungkol sa nakaraan ni Master Wade. Unang beses ko siyang nakilala sa isa sa mga antique stores ng pamilya namin. Sa pagkakataong iyon, hindi pa kilala si Master Wade sa Aurous Hill. Mababa lamang ang kanyang estado bilang live-in son-in-law ng pamilya Wilson.”Habang nagsasalita, muling nagdagdag si Jasmine, “Pero kahit masyado pang bata si Master Wade, may alam na siyang antique restoration technique na matagal nang nawala sa kasaysayan. Hindi ko talaga mapigilang magulat sa pagkakataong iyon. Pakiramdam ko may itinatagong kuwento ang lalaking ito.”Tumango si Nanako, “Marami nga talagang nakakagulat na bagay kay Charlie-kun, pero ang gusto kong malaman ay ang kabataan niya. Halimbawa, saan ba talaga siya nanggaling at paano siya naging ulila. Inabanduna ba siya ng mga magulang niya noong sanggol pa lang siya, nawala ba sila isang araw na lang, o naging ulila siya da
Read more

Kabanata 3114

Subalit, pagkatapos maging abala sa kausap sa cellphone habang kumakain, sabik na nagsalita si Claire, “Mahal, tinawagan ako ni Miss Jasmine ng pamilya Moore! Pinapapapunta niya ako sa Moore Group para magkaroon kami ng diskusyon tungkol sa collaboration project!”Hindi nasorpresa si Charlie dahil malinaw namang ipinahayag ni Jasmine ang intensyon niya kahapon. Sa opinyon ni Charlie, ginagawa ni Jasmine ang ganitong bagay para makabawi sa tulong na ginawa niya. Bilang kabayaran, tinutulungan ni Jasmine si Claire na mapalago ang negosyo nito.Hindi masyadong nag-isip si Charlie at nagtanong na lamang siya. “Kung gano’n, dadalhin na ba kita diretso sa Moore Group o sa ibang lugar pa pagkatapos nating kumain ng almusal?”“Sa Moore Group!” Tugon ni Claire nang walang pag-aalangan. “Si Miss Moore ang kasalukuyang chairman ng Moore Group ngayon. Sigurado akong direkta siyang makakapagpasya kung ano ang mangyayari sa collaboration. Kaya, kailangan kong magmadali para makausap siya at masig
Read more

Kabanata 3115

Subalit, alam ni Claire sa loob ng kanyang puso na imposible para sa kanya na magkaroon ng collaboration kasama ang Moore Group para sa mga projects na may investment na mahigit sa ilang bilyon dahil hindi sasapat ang kanyang kakayahan at lakas.Malayong-malayo pa ang pangkabuuang estado ng kumpanya niya kumpara sa mga malalaking design company. Maliban dito, may hawak pang project si Claire kasama ang Emgrand Group kaya limitado lang rin ang enerhiya niya.May tantsa si Claire na 20% lang ng mga proyektong inilatag ni Jasmine ang pwede niyang tanggapin. Kung tutuusin, ilang bilyon na rin ang halaga nito.Pero kahit 20% lang ang matatanggap niya, malaking piraso pa rin ito ng cake ika ng iba. Sa design fee pa lang, aabuti na ito ng 40 million dollars.Habang sabik na sabik si Claire, mula sa katapat na upuan, iniisip ni Jasmine kung paano niya babaguhin ang paksa para mapag-usapan si Charlie nang hindi pinapahalata kay Claire ang ang kahit ano. Matapos ang lahat, gusto niyang masag
Read more

Kabanata 3116

Nagpaliwanag si Jasmine, “Ito ang nangyari. Pinagkatiwalaan at pinaniwalaan ko ang isang manloloko na galing sa Hong Kong. Naging dragon encapsulation pa tuloy ang Feng Shui namin sa bahay. Muntik nang may mangyaring masama sa akin. Salamat na lang sa payo ni Master Wade at nagawa kong maiwasan ang kalamidad…”Habang nagsasalita, kinuwento ni Jasmine kay Claire kung paano siya niloko ni Master Lennard, isang pekeng Feng Shui master galing ng Hong Kong. Pagkatapos, binanggit niya kung paano nagawang matuklasan ni Charlie na peke si Master Lennard at tinulungan siya nitong alisin ang dragon encapsulation formation sa bahay nila.Nagulantang si Claire pagkatapos marinig ang sinabi ni Jasmine. Akala niya noong una panloloko lang rin ang ginagawang Feng Shui ng asawa niya.Subalit, pagkatapos marinig ang paliwanag ni Jasmine, naunawaan niya na rin na hindi ito gaya ng nasa isip niya. Sa halip, may praktikal talaga itong benepisyo.Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Claire, “Dati, n
Read more

Kabanata 3117

Napagtanto ni Jasmine na may mali talaga sa sitwasyon dahil nang maliwanagan siya, mukhang tumutukoy ang lahat ng impormasyon kay Charlie.Ang apelyido ni Charlie ang huling piraso ng ebidensya na kailangan niya para mapagtagpi-tagpi ang lahat. Ngayon, wala nang pagdududa si Jasmine sa kanyang sarili. Naisip niya, “Mukhang si Master Wade ang young master ng pamilya Wade sa Eastcliff. Maliban dito, maganda rin ang relasyon ng pamilya Wade sa pamilya Golding dati. Iyan siguro ang dahilan kung bakit may marriage contract silang dalawa. Pero, dahil may nangyaring masama kay Master Wade, kaya napunta siya sa Aurous Hill at naging ulila siya!”Nang maisip ito, hindi alam ni Jasmine ang mararamdaman niya sa loob ng kanyang puso. Bago pa ito, pakiramdam niya mababa ang pinanggalingan ni Charlie. Subalit, dahil sa sarili niyang kakayahan, nagawa niyang magtagumpay. Ganoon din, dahil sa parehong rason, hindi naramdaman ni Jasmine na mas mababa siya kay Charlie sa kahit anong paraan.Kahit pap
Read more

Kabanata 3118

“Sige!” Agad na tumayo si Claire, “Kung iyan ang kaso, hindi na kita aabalahin sa trabaho mo, Miss Moore. Mag-usap na lang tayo sa cellphone o kaya sa tawag kung may mga problema.”“Oo naman!” Si Jasmine ang naunang mag-abot ng kanyang kamay kay Claire saka siya nagsalita, “To a good collaboration!”Tumango si Claire. “To a good collaboration!”Tumayo na rin si Jasmine saka siya ngumiti, “Tara na. Ihahatid na lang kita papunta sa labas.”Ganoon din, sinamahan ni Jasmine si Claire palabas ng kanyang opisina. Pagkatapos magpaalam, agad na bumalik si Jasmine sa opisina niya saka niya inilabas ang kanyang cellphone para tawagan si Nanako.Sa pagkakataong ito, hinihintay ni Nanako ang magiging balita ni Jasmine sa kanya habang nasa villa siya ng pamilya Moore. Alam niyang magkikita si Jasmine at Claire ngayong umaga.Kaya, umaasa siyang may makukuhang mahalagang impormasyon si Jasmine mula kay Claire.Nang dumating ang tawag, agad na pinindot ni Nanako ang answer button saka siya nag
Read more

Kabanata 3119

Kakaunti lang talaga ang nalalaman ni Jasmine tungkol sa pamilya Wade. Laging partikular ang mga malalaking pamilya na ito na protektahan ang kanilang privacy. Kaya, maliban sa mga local families sa Eastcliff na nauunawaan ang sitwasyon, walang masyadong alam ang mga non-local families sa nangyari at wala rin silang paraan para makasagap ang mas maraming detalye.Higit sa lahat, sa panahong pumanaw si Curtis, hindi pa masyadong malago ang teknolohiya, at dalawang paraan lang ang mayroon para makasagap ng balita. Ang una ay sa pamamagitan ng telebisyon, at ang pangalawa naman ay sa pamamagitan ng dyaryo.Subalit, bibihira lang magkaroon ng mga replay ng balita sa telebisyon. Bukod pa rito, wala ring mga internet platforms kung saan pwedeng mag-imbak ng videos. Ibig sabihin, kapag hindi mo naabutan ang balita, mataas rin ang tsansa na hindi mo na ito makikita o mapapanood kahit kailan.Ito ang dahilan kung bakit ni bilang ng mga miyembro sa pamilya Wade, hindi rin alam ni Jasmine, lal
Read more

Kabanata 3120

Alam rin ni Sheldon na sa pagbalik niya sa Oskia, sasamahan niya lang talaga si Charlie papunta sa ancestral tomb ng pamilya Wade para lumuhod at humingi siya ng tawad sa mga nagawa niyang pagkakamali sa harap ng puntod ni Curtis. Sa madaling salita, malaking insulto ito sa pagkatao niya. Pero, kahit iyan pa ang kaso, hindi mapigilang mag-abang ni Sheldon at umaasa siyang dumating na kaagad ang araw na ito.Dahil alam ni Sheldon ang iisang bagay sa loob ng kanyang puso at iyon ay, ‘Kung magpapatuloy akong tumira sa ipinagkalunong lugar na ito, imposibleng malalaman ng pamilya ko kung nasaan ang lokasyon ko!’‘Pero, kung hahayaan ako ni Charlie na bumalik ng bansa, kahit pa pumunta ako sa ancestral tomb ng pamilya Wade para lumuhod at aminin ang mga kasalanan ko, may oportunidad pa rin ako kahit papaano para ipaalam sa pamilya Schulz kung ano ang sitwasyon ko!’‘Baka sagipin pa akong tatay ko at alisin niya ako sa sitwasyong ito.’‘Kung hindi ito pwede, siguradong makikipagnegosasyo
Read more
PREV
1
...
310311312313314
...
570
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status