Kakaunti lang talaga ang nalalaman ni Jasmine tungkol sa pamilya Wade. Laging partikular ang mga malalaking pamilya na ito na protektahan ang kanilang privacy. Kaya, maliban sa mga local families sa Eastcliff na nauunawaan ang sitwasyon, walang masyadong alam ang mga non-local families sa nangyari at wala rin silang paraan para makasagap ang mas maraming detalye.Higit sa lahat, sa panahong pumanaw si Curtis, hindi pa masyadong malago ang teknolohiya, at dalawang paraan lang ang mayroon para makasagap ng balita. Ang una ay sa pamamagitan ng telebisyon, at ang pangalawa naman ay sa pamamagitan ng dyaryo.Subalit, bibihira lang magkaroon ng mga replay ng balita sa telebisyon. Bukod pa rito, wala ring mga internet platforms kung saan pwedeng mag-imbak ng videos. Ibig sabihin, kapag hindi mo naabutan ang balita, mataas rin ang tsansa na hindi mo na ito makikita o mapapanood kahit kailan.Ito ang dahilan kung bakit ni bilang ng mga miyembro sa pamilya Wade, hindi rin alam ni Jasmine, lal
Alam rin ni Sheldon na sa pagbalik niya sa Oskia, sasamahan niya lang talaga si Charlie papunta sa ancestral tomb ng pamilya Wade para lumuhod at humingi siya ng tawad sa mga nagawa niyang pagkakamali sa harap ng puntod ni Curtis. Sa madaling salita, malaking insulto ito sa pagkatao niya. Pero, kahit iyan pa ang kaso, hindi mapigilang mag-abang ni Sheldon at umaasa siyang dumating na kaagad ang araw na ito.Dahil alam ni Sheldon ang iisang bagay sa loob ng kanyang puso at iyon ay, ‘Kung magpapatuloy akong tumira sa ipinagkalunong lugar na ito, imposibleng malalaman ng pamilya ko kung nasaan ang lokasyon ko!’‘Pero, kung hahayaan ako ni Charlie na bumalik ng bansa, kahit pa pumunta ako sa ancestral tomb ng pamilya Wade para lumuhod at aminin ang mga kasalanan ko, may oportunidad pa rin ako kahit papaano para ipaalam sa pamilya Schulz kung ano ang sitwasyon ko!’‘Baka sagipin pa akong tatay ko at alisin niya ako sa sitwasyong ito.’‘Kung hindi ito pwede, siguradong makikipagnegosasyo
Nang makita ng sundalo na aligaga si Sheldon at hindi ito mapakali, agad na naging taimtim ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Hoy! Ayaw mo na bang mabuhay?! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo! Kung hindi, hindi rin ako mag-aaksaya ng oras na maging magalang sa’yo!”Galit na sumigaw si Sheldon, “Hindi ka magiging magalang sa akin? Maging makatarungan naman tayo rito. May schedule dapat ang kahit anong construction site. Hindi kagaya ng ginagawa niyo na 24 na oras kayong nagtatrabaho. Sa bansa namin, pwede niyo lang gawin ang ganitong klase ng ingay sa umaga. Higit sa lahat, kapag tapos na ang araw, titigil na rin ang mga construction sites at magpapahinga na ang mga trabahador nila. Pero, buong araw kayong nagtatrabaho rito nang walang humpay. Kapag nagpatuloy kayo sa ganitong gawain, magkakaroon ako ng nervous breakdown! Papuntahin niyo si Commander Hamed dito. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyayari! Personal ko dapat siyang makausap!”Malamig na tumugon ang sundalo, “Ako na an
Nagsalita si Sheldon, “Gusto ko ng isang pares ng earplugs na may noise isolation function para hindi na ako masyadong magdusa sa ingay na ginagawa niyo sa tuwing pinapasabog niyo ang mga bundok.”“Wala kaming ganyan!” Sambit ng sundalo saka niya inilabas ang isang lukot-lukot at nakabilog na tissue mula sa kanyang bulsa at itinapon niya ito sa paa ni Sheldon, “Magtiis ka na lang dito!”“T*ng i*a.” Mapanglaw ang mukha ni Sheldon nang magsalita siya, “Sa tingin mo ba magagamit ko ito?! Maliban dito, saan mo ginamit ang tissue na ito? Bakit nakakadiri ka?! Hindi kaya nilagay mo ito sa bulsa mo pagkatapos mo itong gamitin?!”“Tumigil ka na nga sa pagsasalita ng walang kuwenta!” Namumula sa galit ang mukha ng sundalo saka siya napabulalas, “Kumuha lang ako ng tissue bago ako pumunta sa puwesto ko. Nagkataon lang na nilukot at nilagay ko ito sa bulsa. Pwede mo namang hindi gamitin kung ayaw mo. Bahala ka na diyan!”Nang marinig iro ni Sheldon, hindi niya pa rin mapigilang maghinala nan
Sa pagkakataong ito, habang nakasuot ng isang camouflage na uniform, nakatayo si Hamed sa southernmost highland fortification ng base nila at hawaka niya ang isang tripod-style na high-powered telescope.Sa totoo lang, malayo ang 30 kilometro na distansya. Hindi ito kakayanin ng kahit anong ordinaryong telescope. Kahit sa mga high-powered telescopes, hindi rin magiging malinaw ang imahe. Lalo na kung malayo ang distansya, magiging malabo ang lahat at mahihirapan ang mga mata ng isang normal na tao na makita ang anyo ng mga kalaban.Subalit, kahit malabo, nakikita pa rin ni Hamed na isang malaking hukbo mula sa kalayuan ang papunta sa kanilang base. Hindi niya tuloy mapigilang malito. Maraming kalaban na mas malalaking opposition forces ang gobyerno ngayong mga araw, hindi ba? Kaya bakit naman naging bakante sila bigla at dito na sila patungo?Ganoon din, inutusan ni Hamed ang kanyang adjutant, “Bilisan mo. Kontakin mo ang mga hidden sentry natin. Sabihan mo sila na magpalipad ng mga
Sa mundong ito, hindi lahat ng bansa o rehiyon ay kasing payapa at kasing sagana ng Oskia. May ilang mga lugar ang patuloy na nagdurusa sa mga giyera kaya natural lang na sumibol ang mga mercenaries sa ganoong klase ng pangangailangan.Halos lahat ng mercenaries mga desperadong walang kahit anong prinsipyo ng hustisya at nagtatrabaho lamang sa ngalan ng pera. Pagsisilbihan nila nang buong buhay ang kahit sinong magpapasahod sa kanila.Maliban dito, ilan sa mga mercenaries na ito ang nakaasa rin sa ilang mga bansa para mabuhay gaya na lamang ng kilalang Blackwater Company sa United States. Nagbibigay sila ng training sa mga mercenaries na makapagbibigay ng espesyal nilang serbisyo sa gobyerno ng United States.Masasabing hindi mahihiwalay ang partisipasyon ng Blackwater Company sa halos lahat ng military operations ng United States sa Middle East. Higit sa lahat, gagawin nila ang lahat ng makakaya nila para trabahuin ang mga bagay na hindi magagawa ng gobyerno. Kabilang ang Ten Thous
Nang marinig ito ni Charlie, nanlamig siya at agad niyang ipinarada ang kotse sa tabi ng kalye saka siya bumulalas, “Brother. Huwag kang matarantad. Tatanungin muna kita, ano ang overall level ng hukbo ng gobyerno niyo?”“Hindi naman sila magaling.” Sambit ni Hamed, “Pero, malalakas ang mga mercenaries na kinuha nila. Sila ang Ten Thousand Armies na kabilang as top five mercenary organizations sa buong mundo. Sinasabing nagpadala sila ng 10,000 na hukbo para tulungan ang gobyerno namin.”Napasimangot si Charlie saka siya nagtanong, “Ten Thousand Armies? Saan sila nanggaling?”“Hindi rin ako masyadong sigurado.” Tugon ni Hamed, “Sinasabing isa silang mercenary organization na binuo sa Oskia. Mabilis silang lumago sa nakalipas na mga taon, sinasabing hindi mapapantayan ang kanilang lakas! Mas mataas ang kanilang individual combat capability kumpara sa mga sundalo ng gobyerno! Katumbas nila ang mga hukbong nasa special force ng mga mauunlad na bansa!”Nasorpresa si Charlie, “Hindi ko
Tinanong ni Hamed sa sorpresa, “Brother, alam mo rin ang lahat ng ito?”Humuni nang bahagya si Charlie at tinanong ulit, “May aerial artillery ba ang kabila?”“Wala,” sinabi ni Hamed, “May nasa isang dosenang sirang Cy-24 ang gobyerno, at karamihan sa kanila ay nakaparada lang sa hangar dahil hindi sila makalipad. Ang mga nakakalipad ay ginagamit para depensahan ang kapital at minsan ay ginagamit para labanan ang mga terorista. Wala silang sigla para gamitin ito laban sa akin. Bukod dito, maliit lang din ang kahalagahan ng Cy-24 dahil ilang bomba lang ang kaya nitong dalhin.”Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Hamed, “Para naman sa mga armadong helicopter nila, hindi ako natatakot na dumating sila. Dahil, hindi gano’n kagaling ang performance ng helicopter nila. May ilang shoulder-fired missile naman ako dito, at sobrang dali para sa akin na labanan ang mga helicopter. Sa tingin ko ay hindi nila dadalhin ang helicopter dito para mamatay.”Naginhawaan nang kaunti si Charlie, at
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro