Share

Kabanata 3113

Author: Lord Leaf
Nang marinig ni Jasmine ang tanong ni Nanako, seryoso siyang tumugon, “Sa totoo lang, kaunti lang talaga ang alam ko tungkol sa nakaraan ni Master Wade. Unang beses ko siyang nakilala sa isa sa mga antique stores ng pamilya namin. Sa pagkakataong iyon, hindi pa kilala si Master Wade sa Aurous Hill. Mababa lamang ang kanyang estado bilang live-in son-in-law ng pamilya Wilson.”

Habang nagsasalita, muling nagdagdag si Jasmine, “Pero kahit masyado pang bata si Master Wade, may alam na siyang antique restoration technique na matagal nang nawala sa kasaysayan. Hindi ko talaga mapigilang magulat sa pagkakataong iyon. Pakiramdam ko may itinatagong kuwento ang lalaking ito.”

Tumango si Nanako, “Marami nga talagang nakakagulat na bagay kay Charlie-kun, pero ang gusto kong malaman ay ang kabataan niya. Halimbawa, saan ba talaga siya nanggaling at paano siya naging ulila. Inabanduna ba siya ng mga magulang niya noong sanggol pa lang siya, nawala ba sila isang araw na lang, o naging ulila siya da
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3114

    Subalit, pagkatapos maging abala sa kausap sa cellphone habang kumakain, sabik na nagsalita si Claire, “Mahal, tinawagan ako ni Miss Jasmine ng pamilya Moore! Pinapapapunta niya ako sa Moore Group para magkaroon kami ng diskusyon tungkol sa collaboration project!”Hindi nasorpresa si Charlie dahil malinaw namang ipinahayag ni Jasmine ang intensyon niya kahapon. Sa opinyon ni Charlie, ginagawa ni Jasmine ang ganitong bagay para makabawi sa tulong na ginawa niya. Bilang kabayaran, tinutulungan ni Jasmine si Claire na mapalago ang negosyo nito.Hindi masyadong nag-isip si Charlie at nagtanong na lamang siya. “Kung gano’n, dadalhin na ba kita diretso sa Moore Group o sa ibang lugar pa pagkatapos nating kumain ng almusal?”“Sa Moore Group!” Tugon ni Claire nang walang pag-aalangan. “Si Miss Moore ang kasalukuyang chairman ng Moore Group ngayon. Sigurado akong direkta siyang makakapagpasya kung ano ang mangyayari sa collaboration. Kaya, kailangan kong magmadali para makausap siya at masig

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3115

    Subalit, alam ni Claire sa loob ng kanyang puso na imposible para sa kanya na magkaroon ng collaboration kasama ang Moore Group para sa mga projects na may investment na mahigit sa ilang bilyon dahil hindi sasapat ang kanyang kakayahan at lakas.Malayong-malayo pa ang pangkabuuang estado ng kumpanya niya kumpara sa mga malalaking design company. Maliban dito, may hawak pang project si Claire kasama ang Emgrand Group kaya limitado lang rin ang enerhiya niya.May tantsa si Claire na 20% lang ng mga proyektong inilatag ni Jasmine ang pwede niyang tanggapin. Kung tutuusin, ilang bilyon na rin ang halaga nito.Pero kahit 20% lang ang matatanggap niya, malaking piraso pa rin ito ng cake ika ng iba. Sa design fee pa lang, aabuti na ito ng 40 million dollars.Habang sabik na sabik si Claire, mula sa katapat na upuan, iniisip ni Jasmine kung paano niya babaguhin ang paksa para mapag-usapan si Charlie nang hindi pinapahalata kay Claire ang ang kahit ano. Matapos ang lahat, gusto niyang masag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3116

    Nagpaliwanag si Jasmine, “Ito ang nangyari. Pinagkatiwalaan at pinaniwalaan ko ang isang manloloko na galing sa Hong Kong. Naging dragon encapsulation pa tuloy ang Feng Shui namin sa bahay. Muntik nang may mangyaring masama sa akin. Salamat na lang sa payo ni Master Wade at nagawa kong maiwasan ang kalamidad…”Habang nagsasalita, kinuwento ni Jasmine kay Claire kung paano siya niloko ni Master Lennard, isang pekeng Feng Shui master galing ng Hong Kong. Pagkatapos, binanggit niya kung paano nagawang matuklasan ni Charlie na peke si Master Lennard at tinulungan siya nitong alisin ang dragon encapsulation formation sa bahay nila.Nagulantang si Claire pagkatapos marinig ang sinabi ni Jasmine. Akala niya noong una panloloko lang rin ang ginagawang Feng Shui ng asawa niya.Subalit, pagkatapos marinig ang paliwanag ni Jasmine, naunawaan niya na rin na hindi ito gaya ng nasa isip niya. Sa halip, may praktikal talaga itong benepisyo.Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Claire, “Dati, n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3117

    Napagtanto ni Jasmine na may mali talaga sa sitwasyon dahil nang maliwanagan siya, mukhang tumutukoy ang lahat ng impormasyon kay Charlie.Ang apelyido ni Charlie ang huling piraso ng ebidensya na kailangan niya para mapagtagpi-tagpi ang lahat. Ngayon, wala nang pagdududa si Jasmine sa kanyang sarili. Naisip niya, “Mukhang si Master Wade ang young master ng pamilya Wade sa Eastcliff. Maliban dito, maganda rin ang relasyon ng pamilya Wade sa pamilya Golding dati. Iyan siguro ang dahilan kung bakit may marriage contract silang dalawa. Pero, dahil may nangyaring masama kay Master Wade, kaya napunta siya sa Aurous Hill at naging ulila siya!”Nang maisip ito, hindi alam ni Jasmine ang mararamdaman niya sa loob ng kanyang puso. Bago pa ito, pakiramdam niya mababa ang pinanggalingan ni Charlie. Subalit, dahil sa sarili niyang kakayahan, nagawa niyang magtagumpay. Ganoon din, dahil sa parehong rason, hindi naramdaman ni Jasmine na mas mababa siya kay Charlie sa kahit anong paraan.Kahit pap

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3118

    “Sige!” Agad na tumayo si Claire, “Kung iyan ang kaso, hindi na kita aabalahin sa trabaho mo, Miss Moore. Mag-usap na lang tayo sa cellphone o kaya sa tawag kung may mga problema.”“Oo naman!” Si Jasmine ang naunang mag-abot ng kanyang kamay kay Claire saka siya nagsalita, “To a good collaboration!”Tumango si Claire. “To a good collaboration!”Tumayo na rin si Jasmine saka siya ngumiti, “Tara na. Ihahatid na lang kita papunta sa labas.”Ganoon din, sinamahan ni Jasmine si Claire palabas ng kanyang opisina. Pagkatapos magpaalam, agad na bumalik si Jasmine sa opisina niya saka niya inilabas ang kanyang cellphone para tawagan si Nanako.Sa pagkakataong ito, hinihintay ni Nanako ang magiging balita ni Jasmine sa kanya habang nasa villa siya ng pamilya Moore. Alam niyang magkikita si Jasmine at Claire ngayong umaga.Kaya, umaasa siyang may makukuhang mahalagang impormasyon si Jasmine mula kay Claire.Nang dumating ang tawag, agad na pinindot ni Nanako ang answer button saka siya nag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3119

    Kakaunti lang talaga ang nalalaman ni Jasmine tungkol sa pamilya Wade. Laging partikular ang mga malalaking pamilya na ito na protektahan ang kanilang privacy. Kaya, maliban sa mga local families sa Eastcliff na nauunawaan ang sitwasyon, walang masyadong alam ang mga non-local families sa nangyari at wala rin silang paraan para makasagap ang mas maraming detalye.Higit sa lahat, sa panahong pumanaw si Curtis, hindi pa masyadong malago ang teknolohiya, at dalawang paraan lang ang mayroon para makasagap ng balita. Ang una ay sa pamamagitan ng telebisyon, at ang pangalawa naman ay sa pamamagitan ng dyaryo.Subalit, bibihira lang magkaroon ng mga replay ng balita sa telebisyon. Bukod pa rito, wala ring mga internet platforms kung saan pwedeng mag-imbak ng videos. Ibig sabihin, kapag hindi mo naabutan ang balita, mataas rin ang tsansa na hindi mo na ito makikita o mapapanood kahit kailan.Ito ang dahilan kung bakit ni bilang ng mga miyembro sa pamilya Wade, hindi rin alam ni Jasmine, lal

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3120

    Alam rin ni Sheldon na sa pagbalik niya sa Oskia, sasamahan niya lang talaga si Charlie papunta sa ancestral tomb ng pamilya Wade para lumuhod at humingi siya ng tawad sa mga nagawa niyang pagkakamali sa harap ng puntod ni Curtis. Sa madaling salita, malaking insulto ito sa pagkatao niya. Pero, kahit iyan pa ang kaso, hindi mapigilang mag-abang ni Sheldon at umaasa siyang dumating na kaagad ang araw na ito.Dahil alam ni Sheldon ang iisang bagay sa loob ng kanyang puso at iyon ay, ‘Kung magpapatuloy akong tumira sa ipinagkalunong lugar na ito, imposibleng malalaman ng pamilya ko kung nasaan ang lokasyon ko!’‘Pero, kung hahayaan ako ni Charlie na bumalik ng bansa, kahit pa pumunta ako sa ancestral tomb ng pamilya Wade para lumuhod at aminin ang mga kasalanan ko, may oportunidad pa rin ako kahit papaano para ipaalam sa pamilya Schulz kung ano ang sitwasyon ko!’‘Baka sagipin pa akong tatay ko at alisin niya ako sa sitwasyong ito.’‘Kung hindi ito pwede, siguradong makikipagnegosasyo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3121

    Nang makita ng sundalo na aligaga si Sheldon at hindi ito mapakali, agad na naging taimtim ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Hoy! Ayaw mo na bang mabuhay?! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo! Kung hindi, hindi rin ako mag-aaksaya ng oras na maging magalang sa’yo!”Galit na sumigaw si Sheldon, “Hindi ka magiging magalang sa akin? Maging makatarungan naman tayo rito. May schedule dapat ang kahit anong construction site. Hindi kagaya ng ginagawa niyo na 24 na oras kayong nagtatrabaho. Sa bansa namin, pwede niyo lang gawin ang ganitong klase ng ingay sa umaga. Higit sa lahat, kapag tapos na ang araw, titigil na rin ang mga construction sites at magpapahinga na ang mga trabahador nila. Pero, buong araw kayong nagtatrabaho rito nang walang humpay. Kapag nagpatuloy kayo sa ganitong gawain, magkakaroon ako ng nervous breakdown! Papuntahin niyo si Commander Hamed dito. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyayari! Personal ko dapat siyang makausap!”Malamig na tumugon ang sundalo, “Ako na an

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5696

    Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5695

    Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5694

    “Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5693

    Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5692

    “Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5691

    Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5690

    Napansin ni Charlie na naging madilim ang ekspresyon ni Ruby, kaya kumunot ang noo niya at tinanong, “Anong problema? Sabihin mo.”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Sa simula ay sinabi ni Fleur na mapanganib para sa aming apat na gawin ang mga misyon sa labas, natatakot siya na mamatay kami kung may makakalaban kami na malakas na cultivator. Kaya, naglaan siya ng ilang taon para gumawa ng isang sobrang tago at makapangyarihan na formation sa loob ng pineal gland namin. Sinabi niya na kung papaganahin ang formation na ito sa kritikal na sandali, kaya nitong iligtas ang bahagi ng kaluluwa namin, hahayaan na mamatay ang pisikal na katawan namin ngunit mabubuhay ang kaluluwa namin. Nang sinabi ni Mr. Chardon na magpapalit siya ng pisikal na katawan at hahanapin ka niya para maghiganti, ito ay dahil dito…”Pagkasabi nito, sinabi nang mapait ni Ruby, “Pero hindi ko inaasahan na hindi ililigtas ng formation ang kaluluwa namin, ngunit isa pala itong napakalakas na formation para pasabugin ang sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5689

    Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong nagdurusa nang sobra si Fleur ngayong gabi. Hindi matagal pagkatapos dumating ni Mr. Chardon sa Willow Manor, hinarangan ko ang lahat ng signal doon. Siguradong hindi siya makakatulog ngayong gabi pagkatapos maglaho nang sabay ng dalawang great earl niya.”Tumango nang bahagya si Ruby. “Sa oras na iyon, wala rin akong signal sa cellphone ko. Siguro ay nababalisa nang sobra si Fleur. Sa ugali niya, siguradong magpapadala siya ng tao sa Aurous Hill para alamin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”Tumawa si Charlie. “Ipapadala niya rin ba dito ang pang-apat na great earl?”Umiling si Ruby. “Hindi siguro. Namatay si Mr. Chardon sa pagsabog, at naglaho rin ako. Wala na ngayon ang tatlo sa apat na great earl, kaya maingat na siguro si Fleur sa Aurous Hill, at imposible na ipadala niya si Mr. Zorro dito.”Tinanong siya ni Charlie, “Sa ugali niya, pupunta ba siya nang personal sa Aurous Hill?”“Imposible!” Umiling si Ruby. “Sobrang ingat ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5688

    Nanabik nang sobra si Ruby sa mga sinabi ni Charlie. Nang mangyari ang pagsabog at nagkatinginan sila ni Charlie, alam niya na siguradong patay na si Charlie. Pero, si Charlie, na nagpalit na ng damit, ay nakatayo sa harap niya ngayon nang walang sugat. Sapat na ang isang suntok mula sa kanya, gamit ang isang bugso ng enerhiya, para suportahan ang pabagsak na katawan niya.Lampas ng mahigit isang realm ang lakas ni Charlie kaysa sa kanya. Kahit na naniniwala siya na wala pa sa antas ni Fleur ang lakas ni Charlie, ang mahalagang punto ay 28 years old pa lang si Charlie, habang si Fleur, ang British Lord, ay 400 years old na.Sa ganitong bilis, mahahabol agad ni Charlie ang British Lord! Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasan na magsisi nang kaunti, dahil, sa opinyon niya, may dalawang taon na lang siya para mabuhay. Mukhang katawa-tawa na pangarapin na talunin ni Charlie si Fleur sa napakaikling panahon.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isipan ni Ruby sa sandaling ito. Dinal

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status