Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 2321 - Kabanata 2330

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 2321 - Kabanata 2330

5675 Kabanata

Kabanata 2321

Habang nakatitig sa likod ni Edmund, nanginginig sa galit si Doris at patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mukha.Dalawang taon ang nakaraan, nagkaroon ng matinding kidney infection ang tatay ni Doris. Hirap na hirap silang hanapan ito ng kidney dahil RH negative ang blood type niya.Sa pagkakataong iyon, sumubok si Doris na gawin ang match test, pero hindi rin siya pwede.Hindi nagtagal, dahil sa swerte, isa sa mga kamag-anak niya ang nakahanap ng suitable match ng kidney sa Southeast Asia. Handa rin ang kabilang panig na ibigay ang isa sa mga kidneys niya.Sumunod, gumastos si Doris ng ilang milyon para lang maresolbahan ang krisis sa kalusugan ng kanyang ama.Noong una, naisip niyang mabubuhay ang kanyang ama sa loob ng dalawa pang dekada o kaya tatlumpung taon.Subalit, hindi niya naman inaakalang pagkatapos lang ng dalawang taon, magkakaroon ng rejection response ang panibagong kidney. Hindi nagtagal, nag-malfunction na rin ito.Bago ang New Year, ayos lang naman ang kond
Magbasa pa

Kabanata 2322

Ganoon din, may marahang nagbukas ng pinto.Isang babaeng hindi gaanong katandaan ang lumabas at nagtanong, “Doris, umalis na ba si Edmund?”Ito ang nanay ni Doris, si Faith Saunders.Agad na pinunasan ni Doris ang kanyang mga luha at nilingon niya ang nanay niya saka siya tumango. “Oo, mama. Umalis na siya.”Sumunod, agad siyang nagtanong, “Ma, kumusta na si Papa?”Bumuntong hininga si Faith. “Walang nagbago—wala pa rin siyang malay.”Nang mapansing may bakas ng luha sa mukha ni Doris, agad na humakbang si Faith para magtanong habang nag-aalala, “Doris, bakit ka umiiyak? Ano ang sinabi ni Edmund sa’yo? Hindi ba nangako siyang hahanapan ka niya ng kidney? May iba pa ba siyang sinabi?”Bumuntong hininga si Doris at bumulong siya, “Oo, nakahanap na siya ng kidney, pero gusto niyang magtrabaho ako sa kanya at maging kabit niya ako…”“Ano?!” Habang nanlalaki ang mga mata, napabulalas si Faith, “Hindi ba… Hindi ba ito ang dati mong kaklase? Bakit naman napakawalang hiya niya?!”Sum
Magbasa pa

Kabanata 2323

Inabot ni Doris ang kanyang bulsa, kinuha niya ang isang pakete ng sigarilyong pambabae. Naglabas siya ng isang stick at inilagay niya ito sa kanyang bibig. Sumunod, hinanap niya naman ang lighter. Ganoon pa man, dahil sa panginginig, hindi niya magawang sindihan ang kanyang sigarilyo. Pagkatapos ng ilang beses saka niya lamang nagawang ipirmi ang mga kamay niya.Maputlang-maputla ang kanyang mukha sa repleksyon ng apoy sa lighter.Nang masindihan ang stick na hawak niya, marahang kinagat ni Doris ang sigarilyo gamit ang kanyang mapupulang labi saka siya huminga nang malalim. Sumunod, dahil napakatahimik ng lugar, rinig niya ang tunog ng nasusunog na sigarilyo.Bibihira lamag ang ganitong pagkakataon. Hindi mahilig manigarilyo si Doris, pero dahil sa dami ng ginagawa niya sa trabaho, madalas siyang napapagod at nadidismaya. Sa tuwing nangyayari ito, naninigarilyo siya para pagaanin ang kanyang loob.Nang pumasok ang usob sa matangos niyang ilong, para bang pumasok rin ang nicotine
Magbasa pa

Kabanata 2324

Matindi ang nararamdamang inis ni Doris dahil ito ang pinakamalupit at pinaka-importanteng desisyon na gagawin niya sa buong buhay niya.***Samantala, nakaupo naman si Edmund sa kanyang Rolls Royce at nagmamaneho siya palayo ng Silverwing Hospital.Edmund Whittaker ang buong pangalan ni Edmund. Isa siyang American na kilala ang pamilya para sa pagiging real estate developer sa United States.Magkaklase sila ni Doris sa college at matagal na siyang may gusto sa babae. Pero dahil nakabantay ang pamilya niya sa mga oras na iyon, hindi siya naglakas loob na lapitan si Doris at ligawan ang magandang dilag.Ganoon pa man, hindi na kagaya si Edmund ng mga panahong iyon. Sapat na ang kanyang resources sa pamilya at may kapangyarihan na siya. Ngayong nasa Oskia na ang negosyo ng pamilya nila at papasok na sila sa real estate sector ng bansa, nakahanap siya ng palusot para pakawalan ang sarili niya sa mga kadenang nakatali sa binti niya.Naisip niya agad na ligawan si Doris. Ito ang unang
Magbasa pa

Kabanata 2325

Sumunod na araw, lumabas si Charlie para bumili ng ilang mag rosewood jewelry boxes na paglalagyan niya ng pills na ibibigay niya sa mga bisitang inimbitahan niya ngayong gabi.Matapos ang lahat, para sa kanila, isa itong nakamamanghang elixir na kayang magligtas ng buhay. Kailangan niyang balutin nang maayos ang mga pills.Habang pauwi, pagkatapos bumili ng jewelry boxes, nakatanggap siya ng tawag kay Isaac.Nang sagutin ito, narinig niya ang sabik na boses ni Isaac mula sa kabilang linya, “Mr. Charlie! Nagkaroon na ng hatol ang illegal fund-raising case ng may-ari ng dating mansyon na tinirahan niyo! Ngayong umaga lang lumabas!”“Talaga ba?” Agad na napatanong si Charlie, “Kumusta naman?”Agad na nagsalita si Isaac, “Naparusahan ng habang buhay na pagkakakulong ang lalaki, kinumpiska rin ang lahat ng kanyang assets para bayaran ang lahat ng kanyang utang sa defendant, dadaan ng judicial auction process ang lahat ng properties na mayroon siya, pati na rin ang lumang mansyon na si
Magbasa pa

Kabanata 2326

Sa mga nakalipas na araw simula nang mapadpad si Sheldon sa Australia, mabigat ang kanyang loob hindi lamang dahil gusto siyang hiwalayan ni Helen, kundi nasira ang kanyang imahe pagkatapos maihayag ng kanyang iskandalo.Ngayon, kinikilala siya ng buong publiko sa Oskia bilang isang tarantado na nagkaroon ng kalaguyo kahit may asawa siya at nagkaroon pa sila ng anak sa labas.Hindi lamang ito, pero pinalaki niya rin ang anak niya sa labas bilang isang bodyguard at pinatira niya ito sa bahay nila—ang parehong bahay kung nasaan ang asawa at mga anak niya.Dagdag pa roon, siya pa ang nag-utos sa anak niya sa labas na gumawa ng isang krimen sa ibang bansa!Hindi pa dito natatapos ang mga kasalanan niya!Ang pinakamalaking iskandalo niya sa lahat ay ang pakikipagtulungan niya sa Japanese Self-Defense Forces para ipapatay ang sarili niyang anak upang hindi mailantad ang katotohanan.Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?Isa siyang g*go na sinaktan ang asawa niya at nagkaroon ng ibang
Magbasa pa

Kabanata 2327

Hindi nagalit si Helen habang nakikinig sa bintang ni Sheldon. Sa halip, wala pa ring emosyon sa kanyang boses nang sumagot siya, “Sheldon, pakinggan mo naman ang sarili mo, alam mo naman kung sino ang nakatayo sa tama. Kung gusto mo paring magpanggap na may moral sa puntong ito, lalo akong madidismaya sa’yo.”Sumunod, nagpatuloy si Helen sa kanyang sinasabi, “Hindi sinasabi sa mga salita lang ang pagmamahal, makikita ito kung paano ka kumilos. Pinagbibintangan mo akong malamig ang puso para sa pakikipaghiwalay sa’yo, pero ano ba ang ginawa mo? May anak ka sa labas na halos dalawampung taon na rin ang edad. Ilang taon mo itong itinago sa akin. Talaga bang may paki ka sa kasal natin?”Nakaramdam ng pighati si Sheldon nang marinig niya ang mga salitang ito. Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Tama si Helen. Wala akong karapatan na tawagin siyang malamig ang puso. Matapos ang lahat, ako ang unang nagkasala. Sa loob ng dalawang dekada, itinago ko sa kanya ang katotohanan...’Hindi alam ni
Magbasa pa

Kabanata 2328

Tumango si Charlie, “Ibig sabihin mukhang iinom ka ngayong gabi, hindi ba?”“Oo,” sagot ni Jacob habang tumatawa. “Iinom talaga ako kahit kaunti. Bakit pala?”Agad na nagsalita si Charlie, “May aasikasuhin kasi ako ngayong tanghali. Kung ayos lang sa’yo Papa, gagamitin ko sana ang kotse mo mamaya.”Walang pag-aalangan na inabot ni Jacob ang susi ng kotse niya kay Charlie, “Oo naman, ayos lang sa akin! Walang problema! Gamitin mo lang. Iinom rin ako ng isa o mga dalawang baso ngayong gabi. Kapag dinala ko ang kotse, kailangan ko ring maghanap ng driver na maghahatid sa akin. Mas madali kung tatawag na lang ako ng taxi.”Tumango si Charlie saka niya tinanggap ang mga susi mula kay Jacob.Habang nasa tabi, sumingit naman si Claire, “Papa, pupunta rin ako sa opisina ko mamaya. Pwede kitang ihatid sa association. Madadaanan ko naman.”Tumawa si Jacob, “Magandang bagay iyan! Makakatipid ako ng pamasahe!”Nang umalis na si Jacob at Claire, inilabas ni Charlie ang pills. Inilagay niya i
Magbasa pa

Kabanata 2329

Habang nakikinig si Doris sa kasong inilalarawan ni Dr. Spears, inalala niya ang mga ginawa ng papa niya, “Dr. Spears, hindi ko nakitang uminom ng kahit anong kakaibang gamot si papa at wala rin akong napansin na uminom siya ng kahit anong traditional medicine, lalo naman ang isang Dutchman’s Pipe.”Sumunod, agad siyang nagdagdag, “Higit sa lahat, mabuti naman ang kalusugan niya pagkatapos ng transplant niya dati. May mild form siya ng diabetes kaya umiinom siya ng metformin extended-release tablets, pero wala naman itong dalang peligro sa kidneys ng isang tao. Imposibleng dito niya nakuha ang acute kidney failure.”Tumang si Dr. Spears, “Nauunawaan ko. Halimbawa lang naman ang Dutchman’s Pipe. Marami pang ibang traditional medicinal ingredients ang nasa bangketa at nakapagdudulot ng acute kidney failure. May mga kemikal at organic compounds rin na mataas ang nephrotoxicity.”Nagtanong si Doris, “Dr. Spears, may paraan ka ba para malaman kung ano talaga ang naging dahilan ng acute k
Magbasa pa

Kabanata 2330

Nang sagutin ni Doris ang tawag, naging magalang ang kanyang boses, “Young Master, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?”Ngumiti si Charlie saka siya nagsalita, “Gusto ko lang sanang ituloy ang usapan natin kahapon. May libre ka bang oras ngayong gabi? Kung mayroon, pumunta ka sa bahay ni Mr. Quinton para sa isang salo-salo. Bumisita kayo sa bahay namin noong New Year’s Eve pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mapakain kayo. Medyo nakonsensya rin ako.”Pinilit ni Doris na ngumiti kahit mapakla ang kanyang ekspresyon sa mukha, “Naku, Young Master. Isang karangalan ito para sa amin. Huwag mo na itong banggitin.”Tumawa si Charlie. “Kailangan ko pa rin! Respeto ito! Naghanda rin ako ng kaunting regalo para sa lahat. Maliit na bagay lamang ito pero gusto ko pa ring ipahayag ang pasasalamat ko. Kung may oras ka, pumunta ka naman. Pero, kung wala, ayos lang. Ibibigay ko na lang ang regalo mo sa susunod.”Agad na tumugon si Doris, “Naku hindi na, Young Master, hindi ko hahayaang gawi
Magbasa pa
PREV
1
...
231232233234235
...
568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status