Hindi nagalit si Helen habang nakikinig sa bintang ni Sheldon. Sa halip, wala pa ring emosyon sa kanyang boses nang sumagot siya, “Sheldon, pakinggan mo naman ang sarili mo, alam mo naman kung sino ang nakatayo sa tama. Kung gusto mo paring magpanggap na may moral sa puntong ito, lalo akong madidismaya sa’yo.”Sumunod, nagpatuloy si Helen sa kanyang sinasabi, “Hindi sinasabi sa mga salita lang ang pagmamahal, makikita ito kung paano ka kumilos. Pinagbibintangan mo akong malamig ang puso para sa pakikipaghiwalay sa’yo, pero ano ba ang ginawa mo? May anak ka sa labas na halos dalawampung taon na rin ang edad. Ilang taon mo itong itinago sa akin. Talaga bang may paki ka sa kasal natin?”Nakaramdam ng pighati si Sheldon nang marinig niya ang mga salitang ito. Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Tama si Helen. Wala akong karapatan na tawagin siyang malamig ang puso. Matapos ang lahat, ako ang unang nagkasala. Sa loob ng dalawang dekada, itinago ko sa kanya ang katotohanan...’Hindi alam ni
Tumango si Charlie, “Ibig sabihin mukhang iinom ka ngayong gabi, hindi ba?”“Oo,” sagot ni Jacob habang tumatawa. “Iinom talaga ako kahit kaunti. Bakit pala?”Agad na nagsalita si Charlie, “May aasikasuhin kasi ako ngayong tanghali. Kung ayos lang sa’yo Papa, gagamitin ko sana ang kotse mo mamaya.”Walang pag-aalangan na inabot ni Jacob ang susi ng kotse niya kay Charlie, “Oo naman, ayos lang sa akin! Walang problema! Gamitin mo lang. Iinom rin ako ng isa o mga dalawang baso ngayong gabi. Kapag dinala ko ang kotse, kailangan ko ring maghanap ng driver na maghahatid sa akin. Mas madali kung tatawag na lang ako ng taxi.”Tumango si Charlie saka niya tinanggap ang mga susi mula kay Jacob.Habang nasa tabi, sumingit naman si Claire, “Papa, pupunta rin ako sa opisina ko mamaya. Pwede kitang ihatid sa association. Madadaanan ko naman.”Tumawa si Jacob, “Magandang bagay iyan! Makakatipid ako ng pamasahe!”Nang umalis na si Jacob at Claire, inilabas ni Charlie ang pills. Inilagay niya i
Habang nakikinig si Doris sa kasong inilalarawan ni Dr. Spears, inalala niya ang mga ginawa ng papa niya, “Dr. Spears, hindi ko nakitang uminom ng kahit anong kakaibang gamot si papa at wala rin akong napansin na uminom siya ng kahit anong traditional medicine, lalo naman ang isang Dutchman’s Pipe.”Sumunod, agad siyang nagdagdag, “Higit sa lahat, mabuti naman ang kalusugan niya pagkatapos ng transplant niya dati. May mild form siya ng diabetes kaya umiinom siya ng metformin extended-release tablets, pero wala naman itong dalang peligro sa kidneys ng isang tao. Imposibleng dito niya nakuha ang acute kidney failure.”Tumang si Dr. Spears, “Nauunawaan ko. Halimbawa lang naman ang Dutchman’s Pipe. Marami pang ibang traditional medicinal ingredients ang nasa bangketa at nakapagdudulot ng acute kidney failure. May mga kemikal at organic compounds rin na mataas ang nephrotoxicity.”Nagtanong si Doris, “Dr. Spears, may paraan ka ba para malaman kung ano talaga ang naging dahilan ng acute k
Nang sagutin ni Doris ang tawag, naging magalang ang kanyang boses, “Young Master, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?”Ngumiti si Charlie saka siya nagsalita, “Gusto ko lang sanang ituloy ang usapan natin kahapon. May libre ka bang oras ngayong gabi? Kung mayroon, pumunta ka sa bahay ni Mr. Quinton para sa isang salo-salo. Bumisita kayo sa bahay namin noong New Year’s Eve pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mapakain kayo. Medyo nakonsensya rin ako.”Pinilit ni Doris na ngumiti kahit mapakla ang kanyang ekspresyon sa mukha, “Naku, Young Master. Isang karangalan ito para sa amin. Huwag mo na itong banggitin.”Tumawa si Charlie. “Kailangan ko pa rin! Respeto ito! Naghanda rin ako ng kaunting regalo para sa lahat. Maliit na bagay lamang ito pero gusto ko pa ring ipahayag ang pasasalamat ko. Kung may oras ka, pumunta ka naman. Pero, kung wala, ayos lang. Ibibigay ko na lang ang regalo mo sa susunod.”Agad na tumugon si Doris, “Naku hindi na, Young Master, hindi ko hahayaang gawi
Lumakas ang tibok ng puso ni Doris dahil sa mga sinabi ni Edmund. May malakas na pangamba siya pang-aapi siya na nararamdaman at hindi siya makahinga dahil dito.Kahit na nandidiri siya nang sobra at gustong-gusto niyang layuan si Edmund, alam niya rin na ang kidney na nahanap ni Edmund sa United States ay ang nag-iisang kidney source na tugma sa blood type ng kanyang ama. Ito lang ang mapipili niya sa ngayon.Kung bibilhin ng iba ang kidney, mawawalan siya ng pag-asa.Nag-aral si Doris sa United States dati, kaya alam niya ang sitwasyon sa bansa.Kumpara sa Oskia, medyo maluwag ang kabuuang laki bigat ng antas ng batas sa States.Hindi lamang madaling makakuha ng mga baril at drugs doon, ngunit hindi rin makontrol ang kalakalan ng mga organ ng tao.Kung may taong gustong ibenta ang kanyang kidney, pwede siyang sumailalim sa kidney removal surgery kahit sa veterinary clinic. Lahat ay napakadali at napakabilis.Ang ibig sabihin din ay kung may nahanap na seller ang donor, madali
Pagkatapos ng mahabang katahimikan, sinabi ni Doris, “Edmund, kung papayag akong maging kalaguyo mo at magtrabaho sa kumpanya mo, kaya mo bang ipangako sa akin na hindi mo ako pipiliting maglabas ng kahit anong sikreto sa negosyo ng Emgrand Group?”Sumimangot si Edmund sa pangamba nang marinig niya ito at tinanong, “Manager ka lang sa kumpanya. Bakit sobrang loyal mo sa kanila?”Sumagot nang tapat si Doris, “Professional ethics ko ito!”Kutya ni Edmund, “Doris, may tatalong bagay tungkol sayo na mahalaga sa akin. Una, ang katawan mo. Pangalawa, ang abilidad mo. At pangatlo, ang kaalaman mo sa mga sikreto ng Emgrand Group. Para sa akin, ang ang tatlong elemento na ito ay pare-parehong mahalaga!”Nagngalit si Doris at tinanong, “Edmund, kailangan mo ba talagang gawin ito? Kaya kong ipangako sayo ang lahat ng nakakadiring kondisyon na inalok mo, pero hindi mo ako bibigyan ng lugar para tumawad?”Tumawa si Edmund, “Syempre pwede kang tumawad, pero may tuntunin dapat kahit papaano. Hal
Pagkatapos itong sabihin ni Edmund, tumalikod siya at umalis sa ward.Nanginig si Doris sa galit at pagkabigo habang tinitigan niya ang likod ni Edmund habang umaalis siya.Ang kanyang ina, si Faith, ay lumapit na may luha sa buong mukha niya habang hinawakan niya ang kamay ni Doris. Sinabi niya nang nabubulunan, “Kalimutan mo na ito, Doris. Sumuko ka na lang. Hindi ko kayang panoorin kang tumalon sa patibong ni Edmund nang gano’n lang…”Namula ang mga mata ni Doris, at dumaloy ang mga luha sa kanyang mukha nang hindi niya nalalaman habang sinabi, “Ma! Kaunti na lang ang oras ni Papa ngayon… Kung hindi natin makukuha ang kidney na ito, marahil ay sa kalahating buwan…”Sinampal ni Faith ang kamay ni Doris nang ilang beses. Kahit na masakit nang sobra para sa kanya at sobrang lungkot niya, sinabi niya nang determinado, “Mahigit limampung taon na kaming nabuhay ng papa mo. Sa nagdaang limampung taon, nabuhay kami nang puno, masaya, at maunlad na buhay. Sobrang kuntento na kami. Kaya,
Dati siyang inangkas ni Aurora sa speedboat sa lawa.Pero, dahil malamig pa ang panahon ngayon, medyo mapurol at malungkot ang tanawin sa tabi ng ilog. Hindi ito kasing kulay at malago noong pumunta siya dito.Kaya, sinabi ni Charlie kay Graham, “Mr. Quinton, medyo kulang ang sigla ng villa na ito sa taglamig. Kahit na pansamantala lang na nalanta ang mga punto at damo dito, pagdating sa Feng Shui, matuturing na patay na bagay pa rin sila. Kaya, mas mabuti para sayo na huwag tumira dito bago magsimula ang tagsibol dahil siguradong may maliit na epekto ito sa iyong katawan at kapalaran.”Nang marinig ito ni Graham, sinabi niya agad, “Oh! Salamat sa paalala mo, Master Wade! Kung gano’n, babalik kami sa siyudad bukas!”Tinanong nang hindi nag-iisip ni Aurora, “Pa, bakit hindi tayo bumili ng villa sa Thompson First community? Hindi lang malaki ang lugar doon, pwede rin nating maging kapitbahay si Master Wade!”Pinagtampal ni Graham ang mga labi niya habang sinabi, “Magandang ideya nga
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m