Dati siyang inangkas ni Aurora sa speedboat sa lawa.Pero, dahil malamig pa ang panahon ngayon, medyo mapurol at malungkot ang tanawin sa tabi ng ilog. Hindi ito kasing kulay at malago noong pumunta siya dito.Kaya, sinabi ni Charlie kay Graham, “Mr. Quinton, medyo kulang ang sigla ng villa na ito sa taglamig. Kahit na pansamantala lang na nalanta ang mga punto at damo dito, pagdating sa Feng Shui, matuturing na patay na bagay pa rin sila. Kaya, mas mabuti para sayo na huwag tumira dito bago magsimula ang tagsibol dahil siguradong may maliit na epekto ito sa iyong katawan at kapalaran.”Nang marinig ito ni Graham, sinabi niya agad, “Oh! Salamat sa paalala mo, Master Wade! Kung gano’n, babalik kami sa siyudad bukas!”Tinanong nang hindi nag-iisip ni Aurora, “Pa, bakit hindi tayo bumili ng villa sa Thompson First community? Hindi lang malaki ang lugar doon, pwede rin nating maging kapitbahay si Master Wade!”Pinagtampal ni Graham ang mga labi niya habang sinabi, “Magandang ideya nga
Binigay ni Charlie ang dalawang kahon na kahoy kay Graham sa ilalim ng mapagmasid na tingin ni Graham. Pagkatapos nito, sinabi niya, “Mr. Quinton, ang dalawang pill sa loob ng dalawang kahon na ito ay maliit na pasasalamat mula sa akin. Ang nasa kanan ay medyo malaki at mas maitim ang kulay. Iyon ang Healing Pill na binigay ko sa iyo dati. Para naman sa mas maliit at mas maliwanag na pill sa kaliwa, ito ang Rejuvenating Pill na kagagawa ko lang.”Sabik na sabik si Graham at hindi niya talaga alam ang sasabihin niya. Sinabi niya sa nanginginig na boses, “Master… Master Wade… paano ako naging karapat-dapat sa napakahalagang Rejuvenating PIll?! Ang… ang Rejuvenating Pill na ito ay madaling mabebenta sa halagang dalawa o tatlong bilyong dolyar kung ilalagay mo ito sa auction sa market. Sobra… sobrang mahal talaga nito…”Kahit na matagal nang pinapangarap ni Graham ang Rejuvenating Pill, naiintindihan niya na sobrang taas talaga ng halaga ng Rejuvenating Pill. Mas mahalaga at mas mahal pa
Ang dahilan lang kung bakit nabenta sa mataas na presyo ng isang daang milyong dolyar ang purple ginseng sa huling auction ay dahil sadyang tinaasan ni Charlie ang presyo ng purple ginseng para inisin si Kenneth Wilson.Kahit na isa talagang shareholder si Graham na nag-invest sa batch ng pill na ito, imposible na asahan niya na dalawa o tatlong bilyong dolyar ang balik ng apat o limang milyong dolyar. Kaya, kahit ano pa, malaking pabor ang pagbigay ng Rejuvenating Pill ni Charlie sa kanya.Nang maisip niya ito, tumayo agad si Graham habang umabante siya at napaluhod. Pinagdaup niya ang mga kamay niya bago niya sinabi nang magalang, “Master Wade, hinding-hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo at pabor! Mangyaring tanggapin mo ang isang yuko mula sa akin!”Sinuportahan siya ni Charlie gamit ang isang kamay bago siya ngumiti at sinabi, “Dapat tanggapin mo ang pill at itago mo agad ito sa isang ligtas na lugar. Sa lahat ng tao na inimbita ko dito ngayong araw, ikaw lang ang makakatang
“Bagong ruta?”Hindi maiwasang itanong ni Aurora, “Master Wade, anong ibig mong sabihin sa pagbabago ng ruta? Ang ibig sabihin mo ba… na gusto mo akong mag-ensayo ng judo, taekwondo, o iba pa?”“Syempre hindi!” Ngumiti nang malalim si Charlie bago niya sinabi nang seryoso, “Kahit ito pa ang ating tradisyonal na martial arts ng ating bansa, taekwondo, Jeet Kune Do, Sanda, combat and fighting, boxing, lahat ito ay naka-focus sa parehong bagay. Kahit na patuloy mong iba-ibahin ang mga ito, mababago mo lang ang direksyon. Imposible na makagawa ka ng bagong ruta.”Tinanong ni Aurora dahil hindi niya ito maintindihan, “Master Wade, hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin. Ang lahat ng ito ay karaniwan na sa competitive martial arts events ngayon. Kung hindi ako mag-eensayo sa mga ito, ano ang sasanayin ko?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Narinig mo na ba ang tungkol sa inner family boxing?”“Inner family boxing?” Nagulantang si Aurora. Pagkatapos, tinanong niya, “Maaari ba… ang co
Dahil handang ituro ni Charlie ang ganito kahalagang technique sa kanya, isa talaga itong napakahalagang regalo.Nang makita ni Charlie na hindi nagsasalita si Aurora, ngumiti siya at tinanong, “Bakit? Hindi mo ito gusto? Gusto mo bang turuan na lang kita ng ibang technique?”“Hindi! Hindi! Hindi!” Puno ng luha ang mga mata ni Aurora, at kumaway agad siya nang mabilis habang sinabi, “Master Wade, hindi sa hindi ko ito gusto. Hindi lang ako makapaniwala. Para sa maraming martial arts family, ang inner family boxing ay isang tradisyon ng pamilya at isang mahalagang pamana ng pamilya dahil ito ang pundasyon ng mga martial art family. Hinding-hindi ito ituturo sa mga tagalabas, at maraming martial art family ang ipapasa lang ang ganitong technique sa mga lalaki lang. Pero, handa kang ituro sa akin ang napakahalagang inner family boxing technique…”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Sa mata ng iba, marahil ay sobrang halaga nga ng inner family boxing. Pero, wala lang ito sa akin. Dapat m
Nang marinig ni Aurora ang metaphor ni Charlie, mukhang mas naintindihan niya na ito nang kaunti.Tinanong niya nang mausisa, “Master Wade, ang ibig sabihin ba ay mararamdaman ko ang presensya ng qi ko at magabayan ko ang qi ko sa katawan ko nang malaya basta’t magsisikap akong mag-ensayo?”Tumango si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Tama! Hindi ka dapat magkaroon ng mentalidad na ang ganitong uri ng technique ay napakalalim at hindi mo ito makakamit. Katulad ito sa eksena kung saan bubuksan ng isang ordinaryong tao ang kanyang bibig para kumanta. Pero, ang mga propesyonal na singer ay kayang kontrolin ang kanilang paghinga at gamitin ang ilang bahagi ng kanilang katawan para kontrolin ang taginting ng kanilang boses kapag kumakanta.”“Ang ilang professional singer ay kaya iyon gawin sa kanilang head cavity, habang ang ilan ay kayang kontrolin ang taginting ng boses nila gamit ang kanilang thoracic cavity at abdominal cavity. Sa totoo lang, hindi ito misteryoso o mahiwaga. Bast
Tumango nang nagmamadali si Albert at sinabi, “Master Wade, alam ko na ang tungkol dito. Sinabi na ng g*gong iyon, ni Jayden, ang tungkol dito. Sinampal ko siya nang dalawampung beses bilang parusa sa pagtulong kay Hebron na abusuhin at maltratuhin ang mga babaeng iyon. Binigyan ko na siya ng mahigpit na babala. Kung mangangahas siyang makisali sa kahit anong may kinalaman sa pagpuwersa sa mga babae na ibenta ang laman nila sa hinaharap, siguradong papawiin ko siya!”Tumango si Charlie bago niya sinabi nang seryoso, “Simula ngayon, ipaalam mo sa lahat ng kasamahan at tauhan mo sa underground world. Pwedeng magtulungan ang lahat at kumita ng pera nang sama-sama. Pero, dapat may moralidad pa rin kayo. Hindi dapat kayo gumawa ng kahit anong may kinalaman sa porn, sugal, o drugs! Hindi dapat kayo masangkot sa mga ganitong bagay kahit gaano pa kalaki ang kinikita niyo dito!”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Master Wade, huwag kang mag-alala tungkol dito. Nakausap ko na ang mga tauhan
Nang marinig ni Liam na tinanong ni Charlie ang tungkol sa Apothecary Stomach pill, nasabik nang sobra si Liam, at sinabi niya, “Master Wade, nasakop na ng Apothecary Stomach Pill ang buong Japanese, Korean, at Southeast Asia market! Pagkatapos makuha ang Kobayashi Pharma, maraming production line ng Kobayashi Pharma ang buong gumagana na at gumagawa ng Apothecary Stomach Pill. Bukod sa asia, naghahanda na kami ng stock para pumasok sa European at American market sa susunod na buwan!”Tumango nang kuntento si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Palaging tinatanggihan ng European at American market ang tradisyonal na gamot. Kumpiyansa ka ba?”“Oo!” Sumagot nang walang pag-aatubili si Liam. “Kahit na ang Europe at ang United States ang pinagmulan ng maraming modernong gamot, ang Europe at United States din ang nangunguna sa pag-inom ng alcohol. Lahat ng bansa sa top twenty country na per capita alcohol consumption rate ay mga bansa sa Europe. Bukod sa Europe, sa ilang bansa sa Austra
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m